9- Truth

1105 Words
“Let's talk!” marahas na saad ni Inno at hinawakan ang kamay ni Tori upang pigilan itong sumakay sa kotse. Araw ng linggo ngayon, tatlong araw ang nakakalipas mula ng mahuli ni Tori si Inno at Lyka na nagtatalik sa kama. Mula ng araw na iyon hindi pa sila muling nagkikita ni Inno. Tinatawagan siya nito kinabukas pero blinock niya ito. Alam niyang alam na ni Inno na may alam siya dahil naiwan niya ang cake na dala-dala niya sa unit nito. Ang cake na sana ay para sa kanilang dalawa pero hindi napakinabangan dahil sa nasaksihan niya. Ilang beses din siyang inabangan ni Inno sa trabaho pero nagtatago siya maging dito sa bahay, dalawang araw na siyang kinukulit nito upang makipag-usap pero sa Tingin ni Tori wala na silang dapat pang pag-usapan. Tapos na sila. Ayaw na niyang muling makita ang lalaki. Pakiramdam niya bumabalik lang sa alala aniya ang lahat kapag nakikita niya ang mukha ni Inno. Ang mukhang nakasubsob sa pagitan ng hita ni Lyka ng gabing iyon. “Talk to me. Let me explain, please,” nagmamakaawa ang mga mata nito pero walang ibang nararamdaman si Tori para sa lalaki kundi galit. Pinagpag ni Tori ang kamay niyong nakahawak sa kanya. Nandidiri siya sa lalaki. “May dapat pa ba tayong pag-usapan, Mr. Lopez?” malamig na tanong ni Tori. “I-I...am s-sorry...” Muling tinangkang hawakan ni Inno ang kamay ni Tori ngunit umiwas ang huli. “ I am sorry. I just got t-tempted.” Pagak na natawa si Tori sa sinabi ni Inno. Mapang-insultong tumingin siya rito. “You are not tempted, Inno. You are just a cheater. Sabihin mo sa akin ilang beses? Ilang beses may nangyari sa inyo? Ha? Ilan!” Hindi na napigilan ni Tori na ipakita ang galit sa lalaki. Gusto niya itong saktan pero pinipigilan niya ang sarili. “I didn't mean it. I was drunk noong unang may nangyari sa amin Tinakot niya ako na sasabihin niya ang totoo sa'yo kaya pumayag ako sa lahat ng gusto niya. Please Tori, forgive me,” pagmamakaawa ni Inno. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan ni Tori pero malamig na tingin lang ang ibinibigay dito ng dating kasintahan. “Wow, so napipilitan ka pa pala sa lagay na iyon. Alam ko ang nakita ko Inno, hindi ako bulag. Minsan kitang tinanong kung sino siya. Ano nga ulit ang sagot mo? Kaibigan. Kaibigan mo lang siya. Then why? Why are you f*cking your friend? Why you prioritized her over me? Bakit isang tawag lang niya parang asong mauulol kana para puntahan siya. Sabihin mo sa akin bakit?” Hindi makasagot si Inno sa mga taning ni Tori. Nanatili itong nakayuko habang umiiyak. Nasa mukha nito ang pagsisisi pero nasa mukha naman ni Tori ang determinasyon na tapusin na ang lahat sa kanila. “Minahal kita. Alam mo 'yan. Akala ko ikaw na. Na ang swerte-swerte ko na sayo pero mali pala ako. Akala ko hindi mo ako kayang lokohin pero gaya ka rin pala ng iba.” Umiiyak na rin si Tori. Sa huling pagkakataon gusto niyang ilabas ang lahat ng galit at hinahanakit niya kay Inno. Gusto niyang maramdaman ni Inno na nagsisisi siya na nakilala niya ang lalaki. Na sinaktan siya nito ng lubusan gayong wala naman siyang ginawa kundi ang mahalin ito pero nagawa pa rin nitong maghanap ng iba. “Tori, please. I am sorry. Patawarin mo ako. Kung gusto mo magpakasal tayo ngayon. Tori mahal kita,” nagsusumamong saad ni Inno. Tila hindi na nito alam ang gagawin para lang mapatawad siya ni Tori. Mahal naman talaga niya ang babae pero natukso siya kay Lyka at pinagsisihan na niya iyon. Umiling si Tori at pinahid ang mga luha. “Tama na, Inno. Tapos na tayo. Kaya please umalis kana,”pagtataboy ni Tori dito pero mabilis na umiling si Inno at hinawakan siya sa mga balikan. “No, hindi ako papayag. Galit ka lang sa akin ngayon pero alam kong mahal mo pa rin ako. Tori, hindi ko na uulitin. Pangako, basta tanggapin mo lang ulit ako. Hindi mo naman itatapon ng basta-basta ang relasyon natin ’di ba?” “Hindi ako ang unang nagtapon ng kung anong meron tayo kundi ikaw. Ikaw ang nagloko hindi ba? Ikaw ang humanap ng iba. Nakakaasar nga, e. Bakit sinayang mo pa iyong pitong taon ko Inno kung lolokohin mo lang pala ako?” “Tori, please. Isang pagkakataon. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.” Niyakap ni Inno si Tori pero hindi gumalaw ang babae nanatili itong parang batong nakatayo. “Bitiwan mo ako. Sinayang mo na ang pagkakataong binigay ko sayo, Inno. Kaya wala ka nang mapapala pa sa akin.” Lalong humigpit ang yakap ni Inno kay Tori. “No, mahal kita,” madamdaming pahayag nito. “Kapag binitiwan kita ngayon mawawala kana sa akin.” Inalis ni Tori ang mga braso ni Inno na nakayakap sa kanya. “Mahal mo ako pero nagawa mo akong lokohin. Inno,mahal kita pero hindi ako tanga para tanggapin ka pa ulit.Tuwing nakikita kita bumabalik sa alala ko kung ano ang nasaksihan ko ng araw na iyon. Nakababoy n'yo!” Muling dumaloy ang masagang luha sa mga mata ni Tori. Kahit anong pilit niyang tatagan ang sarili sa harap ni Inno ay hindi niya maiwasang umiyak dahil sa sakit na nadarama. Galit siya sa lalaki dahil niloko siya nito at nasasaktan siya dahil mahal niya ito. Pero sa pagkakataong ito hinding-hindi na niya pakikinggan ang puso niya. Sarili na muna niya ang iisipin niya. “Tori...” “Leave Inno. Umalis kana. Umalis kana at huwag ka nang babalik. Tapos na tayo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Tori bago niya iniwan ang lalaki sa garahe at sumakay sa kanyang kotse. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse na para bang may tinatakasan. *** Nanlulumong napasandal naman si Inno sa kanyang kotse habang hilam ng mga luha ang kanyang mata. Nasapo niya ang mukha. Kasalanan niya ang lahat. Mas sinunod niya ang tawag ng laman kaysa pagmamahal. Mahal na mahal niya si Tori pero si Lyka ang nagbigay ng pangangailangan niya bilang lalaki. Aksidente lang noong una ang nangyari sa kanila ni Lyka pero nang magbanta ito na sasabihin ang nangyari kay Tori kung hindi papayag sa mga gusto nito ay umuoo na lang siya at doon nabuo ang relasyon ni sa kama na kalaunan ay nagustuhan na rin niya. Dahil sa init ng katawan napabayaan niya ang babaeng mahal. Dahil sa karupukan niya, wala na sa kanya iyong babaeng pinapangarap niyang iharap sa dambana. Kasalanan niya ang lahat dahil tanga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD