“Totoo? Hiwalay na kayo?” tanong ni Rizza. Mukha namang hindi ito nagulat sa nalaman.
Tumango naman si Tori at sumubo ng sitserya na hawak niya habang nanonood siya.
Umupo si Rizza sa tabi niya at inagaw ang snack na hawak n'ya.
“Anong nangyari? Tama ba ang hula ko?”
Muling tumango si Tori kaya sinamaan ito ng tingin ni Rizza.
“Magkwento ka huwag ka puro tango lang diyan.”
“ I caught him in action on his bed.”
Nanlaki ang mata ni Rizza at hinawakan si Tori sa magkabilang braso para iharap sa kanya.“You mean, nakikipagjerjer?”
Tumango ulit si Tori.
“So tama ako. Hindi siya busy may iba na lang siyang pinagkakaabalahan. Mabuti hiniwalayan mo. Kunwari goodboy, cheater din pala. Sa panahon talaga ngayon uso na ang scam,” madaldal na saad nito.
“Anong scam?”
“Hindi ba para siyang scam? Na-scam ka sa mga pangako niya.”
“Masakit,” nakayukong saad ni Rizza at pasimpleng pinahid ang luhang kumawala sa kanyang mata.
“Masakit talaga iyan. Ang tagal n'yo pero pinagpalit ka sa babaeng kakakilala pa lang nila. Buo iyong tiwala mo pero may kinakalantari na pala siyang iba.”
Nagtaas ng tingin si Tori. Tinapik naman ni Rizza ang sariling balikat na parang sinasabing pwedeng umiyak doon ang pinsan niya.
“Hindi ko inaasahan na sa ganoong dahilan kami maghihiwalay. He was my friend before he courted me. We have been together for seven years pero lahat iyon naglahong parang bula mula nang dumating si Lyka.”
Hinagod ni Rizza likod ni Tori upang pagaanin ang nararamdaman nito. “ Sabi ko naman sayo uso ang seven-year itch, eh.”
“No, it’s not about that curse you are saying but because he cheated on me. Simple as that. Dahil kung talagang mahal niya ako hindi siya magpapatukso sa iba. Kung talagang mahal niya ako, hindi siya magloloko. s*x? Iyon ba ang habol niya kaya humanap siya ng iba? Kung iyon lang mas lalong pinatunayan niya sa akin na wala siyang kwenta,” ani ni Tori. Kalmado na siya ngayon pero kumikirot pa rin ang dibdib niya. “Ang sabi niya natukso lang siya pero hindi ako tanga. Kaya nga kahit kulang na lang lumuhod siya sa harapan ko hindi ko na siya tinanggap muli, eh. Sapat na iyong minsan niya akong niloko. Sapat na iyon para matauhan ako.”
Mapait na ngumito si Tori kay Rizza. Nasasaktan pa rin siya. Hindi naman mabilis iyong mawawala pero naniniwala siyang hindi magtatagal makakalimutan din niya ang sakit. Mas mabuting masaktan siya ngayon ng lubusan sa hiwalayan nila ni Inno kesa naman lokohin ulit siya nito kapag binigyan niya ng ikalawang pagkakataon. Sinayang na nito ang pagkakataong binigay niya, kaya hindi na nito deserve ang second chance niya.
“Ano ang plano mo ngayon?” nag-aalalang tanong ni Rizza.
“Wala. Magpapatuloy lang. Hindi naman porke't nasaktan ako hihinto na ang mundo ko. Siguro nawasak iyong puso ko pero time heals naman 'di ba?”
Ngumiti si Rizza sa sinabi ni Tori. Ngayon nasisiguro niya na okay lang ang pinsan. Alam niyang nasasaktan pa ito pero nandito naman siya palagi para damayan ito.
***
Nakangiti si Tori habang naglalakad papasok ng opisina niya. May mga bumabati pa sa kanya naggo-good afternoon. Galing kasi siya sa bidding sa labas kaya hapon na siya nakabalik ng opisina.
Isang taon na ang nakakalipas. Okay na siya, naghilom na rin ang sugat na nilikha ni Inno sa kanya. Tama nga siya, masakit lang sa una pero lahat ng sugat nagagamot naman sa paglipas ng panahon.
Kaya na niyang ngumiti ng walang halong lungkot sa mga mata. Hindi madaling makalimot pero kinaya niya dahil ayaw niyang ma-stuck sa mga bagay na sakit lang naman ang idudulot sa kanya.
Itinutok niya ang sarili sa trabaho at sa pag-abot ng mga pangarap niya. Sa ganoong paraan naging abala siya at walang oras na isipin pa ang nangyari hanggang sa isang araw na-realize niya na unti-unti nang nawawala ang sakit. Na nakakaahon na siya sa sakit na dinulot ni Inno.
Siguro kung makikita niya si Inno ngayon ay kaya na niyang ngumiti ng maluwag dito ngunit nabalitaan niya umalis ito ng bansa matapos ang paghihiwalay nila. Wala na siyang balita dito at wala na siyang balak pang makibalita.
“You look blooming ha, may nagpapangiti na ba ulit sayo?” tanong sa akin ni Kiana.
Natatawang umiling siya. “Hindi ba pwedeng maging masaya lang? Dapat ba kapag masaya lovelife lang ang dahilan?”
“Hindi naman pero iba ang ngiti mo today. Ngiting tagumpay, e,.” nagdududang saad nito. Tumingin pa ito na parang sinusuri siya.
“Because we got the deal!” masayang bulalas ni Tori.
Napatili naman si Kiana. At masayang niyakap siya. “Oh my god. Oh my.” Tumingin ito sa kanya, kumikislap ang mga mata nito.
“Ibig sabihin lagi na nating makikita si Mr. Jackson Del Fierro?”
Biglang binatukan ni Tori ang katrabaho. “Akala ko pa naman masaya ka dahil nakuha natin ang deal, iyong Party A pala ang habol mong malandi ka.”
Lumabi si Kisha at humawak sa braso niya. “Ano ka ba? Syempre masaya ako pero excited din akong makita ang abs ni Mr. Del Fiero,” malanding saad nito na ikina-iling na lang ni Tori.
“Anong abs ang sinasabi mo? We are going to build a resort, my dear,” sarcastic na saad ni Tori at naupo sa swivel chair niya.
“H'wag kang kontrabida, unexpected circumstances always happens. Sige maiwan na kita may trabaho pa pala ako,” anito at lumakad palabas ng opisina niya pero muli nitong binuksan ang pinto at tanging ulo nito ang nakikita ni Tori. “Pero kung type mo rin siya, mabait naman ako. Share na lang tayo,” makulit na saad ni Kiana bago tuluyang isinara ang pinto.
Naiiling na nakangiti na lang si Tori. Jackson Del Fiero is their hotshot new client. Ramdam niya na maraming nagkakagusto dito pero hindi siya kabilang sa mga iyon. Natuto na siya. Katatapos pa lang maghilom ng puso niya kaya ayaw niya munang pumasok sa panibagong sakit ng ulo. Sa ngayon trabaho lang muna ang uunahin niya.
She preferred to stay single. Hanggang sa nakahanap siya ng lalaking handang maging tapat sa kanya. Sa ngayon siya na lang muna ang mag-i-spoil sa sarili. Masaya rin palang maging single. Malaya siyang nakakagalaw at nagagawa mag gusto niya. Walang hassle.
Tiningnan niya ang mga drafts na nasa mesa at nakangiting nagsimulang magtrabaho.
THE END.