Chapter 2

1026 Words
"Thomas!" Mabilis akong napatayo at tinawag ang lalaking mahal ko ng pumasok siya sa fine-dining restaurant dito sa Trinoma Mall. Agad naman itong lumapit sakin na nakangiti kaya napangiti narin ako. "Kamusta na, Thomas?" Nakangiting tanong ko sakanya. "Okay lang. Nakaorder ka na?" Tanong naman nito, tumango ako bilang sagot at hindi na muli siya umimik. Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin na pagkain pero wala na ulit umimik sa amin kaya napabuntong hininga nalang ako at tahimik na kumain at panaka-nakang tinitignan siya. "May problema ba, Thomas? Bakit ka nga pala nakipagkita?" Hindi ko mapigilang itanong kaya napatingin siya sakin. "Tatanggapin mo ba ako ulit?" Nabitawan ko ang hawak kong spoon at knife at napatitig sakanya, "What?" "Please be mine again, Lara. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo kaya sana ay mapatawad mo ako, narealize ko kasi na hindi ko palang mabuhay ng wala ka sa buhay ko." Mahabang lintanya niya na nagpatulo ng luha ko. "Oh, my God. Ofcourse tatanggapin kita, mahal na mahal kita, Thomas baby. I love you and thank you!" Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at hinalikan iyon. Nakangiti siyang tumitig sa mga mata kong puno ng pagmamahal sakanya. Pagkatapos ng araw na iyon ay muli akong sumaya, sobrang saya ko na walang anuman na materyal na bagay na makakatumbas nito. Araw-araw niya akong pinupuntahan sa apartment ko para sabay kaming pumasok sa University, sabay kami laging kumakain sa cafeteria at sabay din umuuwi. Lagi kaming magkasama kaya may mga times na napapalayo narin ako sa mga kaibigan ko, na ayon kay Thomas ay wag ko raw samahan dahil bad influence raw sila sa akin, kaya kahit labag sa loob ko ay umiiwas ako sakanila para sa mahal kong si Thomas. "Lara!" Sabay kaming napahinto ni Thomas sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Napalingon ako at hindi maiwasang mapangiti nang makita ko sina Alyssa at Erica na kumakaway mula sa labas ng Business Administration building. Lalapit na sana ako sakanila nang pigilan ako ni Thomas sa braso. "Dito ka lang, mahal." Wika ni Thomas kaya napatingin ako sakanya. "Pero mga kaibigan ko sila, mahal. Kaklase ko pa, saka hindi ko kaya ang sinasabi mo." Sagot ko sakanya, biglang dumilim ang maitim niyang mukha at napahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya napaigtad ako. "Lara!" Hindi namin napansin na nakalapit na pala sina Aly at agad akong hinila papunta sakanila. "Gago kang lamang-lupa ka! Akala mo ba ay hindi namin alam na pinapalayo mo sa amin si Lara! Bakit? Ano ba ang nagawa mong mabuti sa kaibigan namin, ha!" Sigaw ni Aly at tinulak si Thomas. "Puta ka!" Sigaw pabalik ni Thomas at akmang susuntukin si Aly ngunit naunahan sya nito kaya bumagsak siya sa lupa sapo ang mukha niya. "Damn you! Mas malakas ako sayo!" Wika pa ni Aly saka kami hinila ni Erica paalis doon. Tahimik lamang ako at pilit na inaabsorb ang nangyari hanggang sa makapasok kami sa jeep ni Alex at doon hinarap ang mga kaibigan ko. "Ayos ka lang ba, Lara?" "Hindi mo dapat ginawa yun, Lara?" Mahinang wika ko na nagpatigil kay Erica sa paghagod sa buhok ko at kay Aly na kasalukuyang may hinahanap sa bag niya. "What?" Wika ni Erica. "Hindi niyo dapat ginawa yun." Ulit ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Lara? Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o tanga ka. Damn it! Wake up! Halata naman na hindi ka mahal ng gagong iyon!" Sigaw ni Aly atsaka malakas ako na sinampal. Hindi nalang ako umimik at tahimik na umiyak hanggang sa pumasok narin si Alex dito sa loob ng jeep. "Alex, hatid na natin si Lara sa apartment niya." Rinig kong wika ni Aly. "Eh si Erica?" Tanong nito. "May pupuntahan pa kami." Tugon nito. Sunod na namayani ang katahimikan samin. Napayuko na lamang ako at pinunasan ang luha na tumutulo sa mga mata ko nang panyo na bigay sakin ni Erica. "Sorry not sorry Isabella. Gusto ko lang naman na gisingin ka sa katotohanan." Narinig kong wika ni Aly pero hindi ako umimik hanggang sa makababa ako ng jeep ni Alex at makapasok sa Apartment ko. Padapa akong humiga sa kama ko at doon humagulgol. Nakakalungkot lang isipin na hindi ako maintindihan ng mahal ko at nang mga kaibigan ko. Nakakalungkot na walang kayang umintindi sakin at samahan ako sa lungkot man o sa saya. "Tama nga siguro si Thomas, dapat ko talaga silang layuan." Saad ko sa sarili ko at saka tumihaya. Napatitig lamang ako sa kisame na may mga posters ni T.O.P, Seo In Guk at ang buong Bigbang at APink. Wala sa sariling napangiti ako at pinunasan ang luha ko. What should I do kaya? Napabuga ako ng hangin at pumikit. Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal ni Aly at natawa nalang. "Masakit yun, Aly. Pero hindi ko kailangan magising. Mahal ko si Thomas, anuman ang sabihin niyo." Wika ko pa kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko at ang pagbungad nila Erica at Aly. "Ewan ko sayo, Lara! Basta sa oras na makita ulit kitang umiyak dahil sa lamang-lupa na iyon ay huwag na huwag kang lalapit sa akin at manghihingi ng tulong! Nakakapagod ka, girl! Nakakapagod kang intindihin!" Tumawa lamang ako sa sinabi niya at bumangon. "Hindi na mangyayari ulit yan, Aly. I'll make sure of that." Wika ko. "Tignan natin." Anito at saka umalis. Tinignan lang ako ni Erica at napailing nalang saka sumunod kay Aly. Napabuntong hininga na lamang ako at muling umupo sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang mydiary app ko doon. Agad akong nagtipa ng mga nararamdaman ko. Mahirap ba talaga ako intindihin? Mahirap bang intindihin ang isang taong nagmamahal? Alam ko na hindi tanggap ng kaibigan ko si Thomas sa simula pa lamang dahil sa paulit-ulit na pagpapaiyak niya sa akin. Pero bumabalik siya, at alam kong pagsubok lamang ang lahat at mahal na mahal ko siya. Gaano ba kahirap ang ipaglaban ang taong mahal ko. May mas ihihirap pa ba sa nararamdaman ko ngayon? Masakit na kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD