"Sino yang ka-text mo?" Agad kong itinago ang cellphone ko nang sumulpot si Aly sa likuran ko kasabay nang pag-upo ni Erica sa harapan ko.
"Ah, wala. Ano may nakita na ba kayong libro na para sa project natin sa Human Resource?" Umiling si Erica at mataman na nakatingin sakin habang pumunta sa harapan ko si Aly at humalukipkip.
"Tell us Lara, may hindi ka sinasabi eh." Wika ni Aly kaya napalunok ako habang si Erica ay napatango naman.
"Wa-wala! Ano ba kayo? Kakabati lang nating tatlo tapos ay pag-iisipan niyo na naman ako. Sabihin niyo nga sakin, ayaw niyo na ba akong maging kaibigan kaya lagi niyo akong inaaway?" Napabuntong hininga si Aly at umupo sa upuan sa harapan ko. Napayuko nalang ako nang lumambot ang ekspresyon niya at hinawakan ang kamay ko na nasa table.
"Hindi, Lara. Concerned lang kami, ayaw ka na naming maging tanga at bobo sa paningin ng lahat. Ayaw namin na makita kang pinagtatawanan at iniinsulto ng mga estudyante dito dahil baka makapatay na ako. Kaibigan kita, kayo ni Erica at kayo ang mga kaibigan na matagal ko ng pinangarap. Kaya please lang, kalimutan mo na si Thomasian Francisco Dimaculangan dahil hindi siya nababagay sayo. Okay?" Tumango nalang ako sa mahabang lintanya ni Aly at niyakap siya. Napakagat ako saking labi at sandaling napapikit.
"Promise, kakalimutan ko na siya." Mahina kong sabi na ikinangiti nila at muli akong niyakap.
For the nth time, I lied! Dahil hindi ko siya kayang kalimutam, ngayon pa kung kailan going strong ang relationship namin.
Sa araw-araw na magkakasama kami nila Aly ay wala ding araw na hindi ko nakokonsensya sa pagsisinungaling ko sakanila. Mabuti nalang din at hindi kami madalas magkita ni Thomas dahil narin sa request ko sakanya na sinang-ayunan niya.
Mabilis lumipas ang buwan at first trimester na namin sa aming ikatlong taon sa kolehiyo. Trimestral kasi ang University na pinapasukan namin kaya mabilis ang araw at halos isang buwan lang parati ang bakasyon namin tuwing sem break.
Ngayon nga ay nandito kami sa Computer Lab para mag-research ng mga kompanya na pwede naming pag-applyan ng ojt.
"May nahanap ka na, Erica?" Umiling si Erica sakin kaya napalingon ako kay Aly na nasa kaliwa ko.
"Ikaw, Aly?" Umiling din siya at sabay-sabay kami na napabuntong hininga.
"Dapat kasi last trime pa natin to inasikaso. Ikaw kasi, Erica, may pa-unwind-unwind ka pa nalalaman." Wika ko sabay irap dito.
"Nanisi pa, If I know nag-enjoy naman kayo sa pagbi-beach natin!" Anito. Natawa naman si Aly saming dalawa.
"Maghanap nalang tayo ngayon, tara na. Alam kong marami sa ortigas." Sabay-sabay naming pinatay ang Computer at tumayo na ng wala na itong buhay. Inayos ko pa ang shoulder bag ko saka lumingkis kay Aly at sinabayan sila sa paglalakad.
"Pwede bang kumain muna tayo bago pumunta ng Ortigas?" Nagpa-cute pa ako kina Aly na sabay nilang ikinatawa.
"Hindi bagay, Lara. Mukha kang ewan." Hinila ko ang buhok ni Erica at nagtago sa likod ni Aly ng tignan niya ako ng masama. Tatawa-tawa kaming tatlo lalo nang hilahin ko si Aly patakbo at iwan si Erica doon mag-isa.
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood na tahimik ng biglang magsalita si Erica,
"By the way, may nakita akong huge building sa may Diamond Street, and I wonder kung kanino iyon. Diba kaya naging Diamond yun ay dahil ipinangalan sa sikat sa fashion designer na asawa ni Honn Zamora? Pero I have no Idea talaga dahil ngayon ko lang yun nakita. Nong dumaaan kasi ako doon before ay hindi ko yon napansin." Mahabang lintanya niya na nagpatahimik samin.
Nagkibit-balikat ako at napatingin kay Aly nang makita kong natigilan siya dahil dapat sana ay susubo siya ng kanyang chickenjoy.
"Something's wrong, Aly?" Tanong ko na ikinailing niya.
"Bakit pala pinangalan yun sa wife ni Honn Zamora?" Imbis ay tanong niya.
"Squaters area kasi yun dati kung saan nakatira si Diamond Zamora hanggang sa binili ni Honn Zamora ang lupa at ginawang commercial land, na mukhang pinagbili din sa ibang negosyante dahil nangibang bansa na sila. I don't know." Paliwanag ni Erica. Napatango-tango naman ako at amaze na amaze kay Erica dahil sa dami niyang alam tungkol sa ibang tao. I wonder kung saan siya nakakapulot ng impormasyon.
"Saan mo naman nalaman yan, babae?" Hindi ko mapigilang itanong habang kagat-kagat ang straw ng softdrinks ko.
"Research, duh! Saka sikat sila kaya hindi lang ako ang may alam. Palibhasa kasi puro lamang lupa ang laman ng utak mo." Napanguso ako at gigil na sinipa ang paa ni Erica sa ilalim ng mesa dahil katapat ko siya habang nasa tabi niya si Aly.
"Ouch! Damn you, Lara!"
"Eh bakit si Aly hindi din naman alam yan ah!" Giit ko.
"Exception si Aly dahil wala siyang pakialam sa tv at businessmen unless may negosyo na siya." Hind na ako umimik pa at napanguso nalang. Hanggang sa matapos kaming kumain ay tanging si Erica lang ang nagkukwento habang kapansin-pansin ang pananahimik ni Aly.
Tahimik kaming tatlo na naglalakad nang may humintong
Jeep sa gilid namin.
"Alex!" Masayang wika ni Erica habang ako ay napataas ang kilay dahil masyadong obvious ang bruhang ito!
"Kamusta Alex?" Tanong pa ng magaling kaibigan habang kami ni Aly ay nakatingin lang sakanila.
"Okay lang ako, Erica. Pa-garahe na ako. Gusto niyo bang sumabay na?" Sasagot pa lang sana ako nang biglang sumakay si Erica sa tabi ni Alex at wala na kaming nagawa kundi ang sumakay sa likod.
"Aly, feeling ko nababaliw na yung kaibigan mo sa kambal mo." Sabi ko kay Aly habang kapwa namin pinapanuod ang paglalandi ni Erica.
Last week lang nang ikwento sa amin ni Erica na napaginipan niya raw si Alex at nagising na lang na crush niya na ito. Kaya tuwang-tuwa ito kapag pumupunta kami sa bahay nila Aly lalo na kapag nandoon si Alex.
"Hayaan mo siya, kung saan siya masaya ay suportahan nalang natin siya."
Napalabi ako at tinignan ng mariin si Aly. "Bakit Aly kapag ako, hindi niyo sinusuportahan sa kung ano ang nagpapasaya sakin?" Natahimik si Aly at hindi nakaimik habang napalingon naman si Erica sa gawi namin.
"Iyong sinasabi mo kasing nagpapasaya sayo Lara, ay hindi mabuti sa iyong kalusugan. Try mo mag-research about healthy living. Effective yun."
Napakunot-noo ako at takhang bumaling kay Aly bago bumalik kay Erica, "Anong connect?"
Sabay-sabay na tumawa sina Aly, Alex at Erica na lalong ikinataka ko.