Sabi nila, first love is the sweetest of all feelings. First love is so magical lalo na siguro kung hanggang sa huli kayo ng first love mo and proving that there's this called, forever.
Katulad nalang nila Shi Won at Yoon Jae sa korean drama na Reply 1997, they are first loves and until the end ay nagkatuluyan sila. Pati narin sila Yeon Doo at Kim Yeol ng korean drama na Sassy Go Go.
Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mga mata ko at huminga ng malalim.
"Anong sabi mo, Thomas?" tanong ko ulit at pilit na ngumiti.
"Let's break up, Lara. I realized na hindi na kita mahal. I found someone better. Sorry." Aniya at bahagyang napayuko.
I smilee even more at hinawakan ang kamay niya, "Ano ka ba, sanay na ko, Thomas. You were saying ngayon na hindi mo na ako mahal, then marerealized mo na you can't live wuthout me kaya babalik ka sakin." Huminga ako ng malalim at muling ngumiti. "I understand, basta kapag narealized mo ulit ay nandito lang ako. Mahal kita, Thomas." I said and kissed his cheeks at saka binitawan ang kamay niya. Hindi naman siya nagkomento o ano at mabilis na tumalikod saka naglakad papalayo. Leaving me with a broken heart.
Sa seven years na relasyon namin ay iyon ang naging sentro. Hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing babalik siya sakin ay tinatanggap ko siya. Ang sabi nga ng mga kaibigan ko na sina Aly at Erica ay baka nagayuma raw ako. Pero hindi, talagang mahal ko lang siya.
First year high school nang magkakilala kami ni Thomas. He came from Visayas Province kaya may accent ang pananalita niya. Unang kita ko palang ay alam ko ng maiinlove ako sakanya, hindi dahil sa gwapo siya, kundi dahil sa galing niya sa pag-aalaga, maalalahanin at gentleman. Ang mga katangian na pinapangarap ng mga babae.
Inaamin ko, he's not that good looking katulad nang pang-boy next door, or even bad boy look. He's just simple. Kayumanggi ang kutis niya dahil nga laking probinsya, hindi ganoon katangos ang kanyang ilong, bilugan ang mga mata at may kapakalan ang mga labi. He's not a prince charming by looks pero talagang maiinlove ka sa katangian na mayroon siya.
"Lara, maganda ka naman, matalino at sexy kaya bakit ka nagkakandarapa sa isang Thomas lang!" Sigaw sakin ni Alyssa nang maabutan niya akong umiiyak sa isang cubicle sa cr ng university namin. Agad akong dumiretso dito matapos nang pag-uusap namin kanina.
"Nakipag break na sakin si Thomas, Aly." Wika ko at napasubsob saking palad at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Na naman? Kailan ka ba mapapagod Lara? Feeling ko kasi ay tine-take advantage na niya ang kabaitan mo. Grow up, Isabella Rayne! Not all first loves are meant for each other!" Sigaw niya kasabay ng pagbukas ng pinto ng cr at ang paghangos ni Erica na animo'y galing sa marathon.
"Aly, I just saw Lamang lupa sa oval. Nililigawan si Chloe! Mygod!" Lalo akong napaiyak at this time ay humahagulgol na.
Why on earth is this happening to me?
Nakatitig lamang ako sa screen ng laptop ko habang pinapanuod ang The Producers ni IU at Kim Soo Hyun. I am an avid fan of Korean Drama and Kpop Groups, lalo na ang APink, Bigbang at 2NE1 na hindu sinusuportahan ni Thomas dahil para daw akong tanga.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang muli kong maalala ang pangalan niya. Ohgosh! Bakit ako umiiyak kahit na masaya naman sina IU sa eksena?
It's been two weeks nang huli naming pag-uusap ni Thomas, at nakakaiyak lang dahil hindi parin siya bumabalik at kinakausap man lang ako. Nakakaiyak dahil i feel incomplete. Nakakaiyak dahil masakit sa puso, lalo na kapag nakikita ko sa university na magkasama sila ni Chloe.
"Buti ka pa, IU, dalawa ang nagka-care sayo. Bakit ako wala kahit isa?" Bulong ko saka muling napaiyak at napahiga sa kama ko. Pinadyak-padyak ko pa ang paa ko at nang magsawa ako ay dumapa ako at isinubsob ang mukha ko sa kumot. Iyak lang ako ng iyak, umaasang mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngunit mukhang walang epekto hanggang sa makatulog ako at magising sa kalagitnaan ng gabi at makitang patay na ang laptop ko. Lowbat na siguro.
Sinara ko ang laptop at sinaksak ang charger saka ipinatong sa bed side table. Pagkuwa'y naglakad ako palabas ng kwarto ko.
Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pitsel ng tubig sa munti kong refrigerator. Ininom ko ito at nilagay sa lababo ang baso na ginamit ko at naglagay papuntang sala. Inilibot ko ang paningin sa apartment ko at napabuntong hininga.
Bakit bigla yata akong nalungkot dahil mag-isa lang ako?
Napaupo ako sa sofa at napatingin sa nag-iisang picture na naka-frame na nakapatong sa mesa sa gilid ng tv. I suddenly felt the verge of my tears.
Huminga ako ng malalim. Grade three ako when my parents died on a road accident. Kaya naiwan ako sa pangangalaga ng Kuya ko na ngayon ay nasa abroad na at nakapag-asawa ng isang canadian-filipina. Eversince ay siya ang nagpa-aral sa akin. Lagi niya akong pinapadalhan ng sustento, nakapag-aral ako sa private school ng elementary ngunit lumipat sa public ng mamatay ang parents namin. I must say na ibinigay niya sakin ang kalahati ng buhay niya, sinakripisyo niya ang pangarap na maging doctor at instead ay nag-aral ng business course para makapag-abroad. Nasa Canada siya ngayon kasama ang pamilya niya at citizen na doon.
I know I owe him pero hindi ko maiwasan na magalit sakanya. Natuto akong mabuhay mag-isa sa murang edad at pilit na naghahanap ng kalinga ng pamilya, mabuti nga at nakahanap pa ako ng mga kaibigan at nakilala si Thomas na siyang kumalinga sakin sa loob ng pitong taon.
Muli akong napaiyak kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Huminga ako ng malalim at saka kinuha iyon na nasa tabi ko.
"Hello?"
"Lara?" Napatuwid ako ng upo at napalunok nang makilala ko ang boses ng kuya ko.
"Kuya, kumusta?," tanong ko.
"Ayos lang ako. Ikaw? Nag-aaral ka ba ng mabuti? Napag-isipan mo na ba ang alok ko na dito nalang mag-masteral at tumira pagkatapos?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Hindi pa, Kuya. Pinag-iisipan ko pa. Basta tatawagan nalang kita. Sige po, may klase pa ako bukas kaya matutulog na ako." Paalam ko at agad pinatay ang tawag.
Nakakalungkot pala talaga ang mag-isa. Kailan ko kaya mahahanap ang taong hindi aalis sa tabi ko? Katulad ni Yoon Jae kay Shiwon?