Three years ago ng maging kaibigan namin si Aly ni Erica. Transferee siya University at sabi niya ay galing siya sa isang private college na hindi naman maganda ang pagtuturo kaya hindi na siya nag-enroll.
Aly was like our older sister, dahilan na mas matanda siya samin ni Erica plus the fact na mas mature siya saaming tatlo dahil Erica was the happy-go-lucky type, palibhasa ay lawyers ang mga Magulang while me ay may pagka-childish, dahil narin siguro sa walang nagpalaki sakin.
"May nahanap na ako na company." Kapwa kami napabaling ni Erica sa nagsalitang si Alyssa at agad nagtanong.
"Anong pangalan?"
"Saan?" Sabay na sabi namin.
"Sa Sandovals. Sa may Diamond Street." Nagkatinginan kami ni Erica saka muling bumaling kay Aly.
"What? Paano? I mean paano ka nag-apply? Kasama talaga kami?" Sunod-sunod na tanong ni Erica habang ako ay nakikinig lang.
"Nagpasa ako ng resume, tapos tinanong ko kung pwede akong may kasama ay pumayag sila kaya ipinasa ko narin ang copy ng resume niyo na nasa akin." Simpleng sagot ni Aly at sumandal sa headrest ng inuupuan niya. Nandito kasi kami sa library ngayon.
"Posible ba yun? Kailan ang interview namin?" Tumangi si Aly sa tanong muli ni Erica saka nagpabaling-baling ng tingin saming dalawa.
"Bukas. Kaya uuwi na ako, bibili pa kami ni Mama ang maisusuot ko. Kayo din." Anito at hindi na kami inantay pa na sumagot at agad umalis. Muli kaming nagkatinginan ni Erica at napabuntong hininga na lamang ako.
"May something kay Aly." Wika ko habang tinitignan ang upuan na inalisan nito. Sumang-ayon naman si Erica pagkuwa'y nagpaalam na at sinabing mamimili narin daw ito ng susuotin.
Matapos ko siyang halika sa pisngi ay agad itong umalis. Bumilang muna ako ng sampu bago ilabas ang phone ko at tawagan ang taong pinakamamahal ko.
"Hello mahal?" Bungad ko dito.
[Nasaan ka, Mahal?] Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya ay napatakip pa saking bibig.
"Nasa library ako." Sagot ko.
[Hintayin mo ako papunta na ako dyan.] Hindi na ako nakasagot pa dahil agad ng naputol ang linya kaya ibinaba ko nalang ang phone ko at lumipat sa inuupuan kanina ni Aly para madali ko siyang makita dahil nakaharap ito sa pintuan.
Napatayo ako at malawak ang pagkakangiti nang makita kong papasok si Thomas. Agad ko siyang niyakap nang makalapit siya sakin at hinalikan naman niya ako sa pisngi.
"Namiss kita, mahal ko." Aniya ma nagpakilig sakin. Magkatabi kaming naupo at muli ko siyang niyakap habang siya ay nakayakap sa bewang ko.
"Mas miss kita." Sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Napangiti naman siya sa ginawa ko at nakaramdam ako ng hiya kaya sumubsob ako sa leeg niya. Ngunit agad ding napaalis dahil sa naamoy ko.
"Ah mahal, anong pabango ang gamit mo?" Tanong ko at bahagyang lumayo sakanya.
"Yung Embrace by Sapphire Scents. Mahal kaya ito, bakit?" Takhang tanong niya. Tipid akong ngumiti at tinignan siya sa mga mata.
"Ah, medyo matapang kasi, mahal." I lied, pero ang totoo ay nakaamoy ako ng medyo nakakahilo na bagay na hindi ko alam ang tawag.
Napalunok ako ng tignan niya ako ng masama sabay tayo at walang paalam na umalis. Tinawag ko pa ang pangalan niya ngunit hindi man lang siya nag-abala na lingunin ako at nasita pa ako ng librarian. Nanlulumo na muli akong napaupo at tinry na tawagan siya ngunit hindi siya sumasagot at kinacancel lang ang tawag ko.
Kainis! Nagalit na naman sakin si Thomas! Dapat kasi ay hinayaan ko nalanh at hindi nalang ako nagsalita! Nakakainis talaga!
Isa-isa kong niligpit ang gamit ko at lumabas ng library. Nagpasiya akong mamili nalang din ng maisusuot bukas kesa magmukmok. Pero nakakainis talaga, dapat kasama ko ngayon si Thomas, eh!
Nang matapos konh ilagay ang Nyx Matte Lipstick sa labi ko ay napatitih ako sa salamin. Napakagat muna ako sa labi ko bago kumuha ng wipes sa gilid at muling burahin ang make-up na nilagay ko sa mukha ko at tumayo saka dumiretso sa banyo para muling maghilamos.
Isang oras na mahigit nang matapos akong maligo at isang oras mahigit na rin nang magsimula akong mag-make up at hanggang ngayon ay hindi parin ako makuntento sa ayos ng mukha ko. Nang matapos akong maghilamos at tuyuin ang aking mukha ay muli akong umupo sa harapan ng salamin. Iniayos ko pa ang pagkakaipit ng tuwalya sa may bandang kili-kili ko saka ko muling kinuha ang Belo BB Cream witj Kojic at ipinahid sa mukha ko. Nang mapantay ko ang kulay ng mukha at leeg ko ay naglagay ako ng Maybelline color pink lip balm at pinulbuhan ang mukha ko. Hindi na ako muling naglagay ng eye shadow at blush-on dahil baka tanggalin ko na naman ito kahit na nagtext sakin si Erica na mag-make-up raw ako at i-apply ang mga itinuro niya samin ni Aly last week at talahang pinahiram niya pa sa amin ang mga sinasabi niyang branded make-ups para lang sa araw na ito, ang first day namin sa ojt.
Kaming dalawa ni Aly ay hindi mahilig sa anything na girl stuffs, dahil puro Korean items ang karamihan sa gamit ko while Aly ay wala talagang hilig at napakasimple lang. Minsan nga iniisip ko kung tomboy ba siya dahil magaling siyang makipag-away pero ang sabi naman ni Erica ay hindi raw dahil may naikwento daw sakanya na lalaking gusto ni Aly dati.
Tumayo na ako nang makontento na ako sa ayos ko at sinuot ang gray sleveless bandage dress na tinernuhan ko ng gray flat shoes. Kinuha ko ang shoulder bag ko at kinuha doon ang phone ko para tawagan si Aly.
[Hello?] Sagot ni Aly mula sa kabilang linya.
"Alyssa, Saan tayo magkikita-kita?" Tanong ko at kinuha ang black kong blazer sa ibabaw ng kama.
[Sa may Diamond Street, pakisabihan na din si Ericka.] Sagot niya. Sumagot ako ng Oo at ilang sandali pa ay nagpaalam na ako.
Pagkababa ni Aly ng phone ay agad akong nagtext kay Erica, nang maisend ko ito ay muli akong humarap sa salamin at umikot-ikot pa, saka lumabas na sa kwarto ko.
This is it! Ojt here we come!