"Kinakabahan ako, Alyssa." Sabi ko sabay kapit sa braso niya para iparamdam ang panlalamig ko.
"Ako rin, feeling ko kapag nagkamali lang tayo dyan na kahit isa lang ay mababang grade ang ibigay sa atin." Segunda naman ni Erica at sabay pa kaming napabuntong hininga.
Tumitig ako sa matayog at mataas na builing ng Sandoval, at dito palang, masasabi mo na agad na sobrang yaman nila. Ayon sa research ko ay nangunguna sila sa pinaka-mayaman sa buong pilipinas, dahil bukod sa hotel chains ay may nagbabalak narin silang magtayo ng mga Universities, condominium, at malls.
Hindi umimik si Aly pero narinig namin ang pagbuntong hininga niya, pati siguro siya ay kinakabahan din. Isang beses pa siyang huminga ng malalim saka kami nilingon ng nakangiti,
"Tara na, baka ma-late pa tayo." Sabi niya kaya wala na kaming nagawa kundi ang magpahila sakanya.
Maganda ang paligid ngunit hindi ko magawang i-appreciatte ang lahat ng iyon dahil sa kabang nararamdaman ko. Habang nasa loob kaming tatlo ng elevator ay wala ni isang nagsasalita sa amin na animo'y nagpapakiramdaman. Bumuntong hininga ulit ako at sumunod si Erica kaya nagkatinginan kami habang si Aly ay parang tulala at tila may seryosong iniisip.
"Bakit ba kayo kinakabahan?" Biglang tanong ni Aly at bahagya pang natawa. Nagkatinginan kami ni Erica at napailing na lamang ako.
"Eh, bakit kasi first day natin tapos mag-re-report na agad tayo sa CEO. Paano kung bigla tayong i-withdraw? Ang hirap kaya maghanap ng company!" Sabi ko na ikinatigil niya at parang gulat na gulat pa siya.
"Magre-report sa CEO?" Ulit niyang tanong. Sabay kaming tumango ni Erica kaya napakunot ang noo niya.
"Seryoso?" Aniya pa.
"Oo nga. Hindi mo siguro binasa yung terms and conditions." Sabi ni Erica habang hindi makapaniwala na nakatingin sakanya.
Napabuga siya ng hangin at napasandal sa pader ng elevator. Nagkibit balikat nalang ako habang pinapanuod siya. Minsan talaga may pagka-weird si Aly, lahat naman kasi ng trabaho ay may ibinibigay na terms at conditions, mg-sign up ka nga lang sa spotify o we heart it ay meron eh, ito pa kaya? Siguro ay hindi nito na-check ang email nito kaya hindi niya alam. Hay ewan, unpredictable talaga tong kaibigan namin.
Napatayo ako ng tuwid ng maramdaman ko ang pagtunog ng elevator, pigil ang hininga ko nang dahan-dahan itong bumukas at nakahinga lamang ng malalim nang bumukas iyon ng tuluyan ngunit agad din napako ang atensyon ko nang may makita akong tao na nasa harapan namin.
He look like a varsity player na mature version na nakikita ko aa University namin. Nakaka-intimidate ang presensiya niya for me and I don't know why. Hindi ako assumera kaya alam kong hindi siya nakatingin sakin kundi sa taong nasa gitna namin ni Erica--si Alyssa na nakatingin din dito.
Makaraan ang ilang sandali ay nilingon kami ni Aly at inayang lumabas. Tumango nalang ako at bahagyang nagtaka ng sundan pa ng lalaki ng tingin niya si Aly hanggang sa makalayo kami sa elevator.
Agad kaming nakapagreport sa CEO na nakilala naming si Zayn Sandoval, may sinabi lamang siyang ilang paalala tapos ay pinaalis na kaming dalawa ni Erica at nagtungo sa HR Department dahil doon ang duty naming dalawa habang naiwan si Aly sa office ng CEO dahil sa bigla daw itong nagkaroon ng meeting.
Nakasimangot si Aly nang magpaalam kami sakanya kaya nginitian pa namin siya. Tatawa-tawa ako ng naglakad kami pabalik sa elevator at nagtungo sa 22nd floor.
"Lara, have you seen Jared kanina, diba?" Tanong ni Erica habang nasa loob parin kami ng elevator.
"Jared?" Takhang tanong ko.
"Jared! Jared Sandoval! Hindi mo siya kilala?" Umiling ako kaya napailing nalang ito sabay irap sakin.
"Nevermind. Wala kang kwentang kausap." Nagkibit-balikat lamang ako sakanya hanggang sa huminto ang elevator at lumabas kami. Mabilis kaming nagtungo sa designated area namin at buong maghapon na hindi na kami nakapag-usap na tatlo dahil hindi naman namin nakita si Aly kaya hindi kami nagsabay mag-lunch ni Erica.
Naglalakad na ako pauwi sa sakayan nang maramdaman ko ang pagba-vibate ng phone ko, ngunit hindi ko rin ito nahabol dahil agad namatay ang tawag kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at ibinalik ang phone sa shoulder bag ko.
Kasalukuyan na akong nakatayo sa waiting shed kung saan ang sakayan papunta sa apartment ko na bahagyang malayo sa Sandoval Building nang may marinig ako na malanding tawa. Nagpalinga-linga ako at ipinagkibit balikat na lamang dahil mag-isa lang naman ako ngayon dito, hindi rin ako naniniwala sa mga multo kaya hinayaan ko na lang ngunit naulit pa ng naulit kaya sinundan ko ang tunog at napakunot noo ako nang nakita sa likod ng sandalan ng mga upuan ang isang babae na maputi na halos half naked na, hindi ko alam kung bakit siya tumatawa hanggang sa mapagmasdan ko sila at doon ko nakita ang ginagawang milagro ng lalaki sakanya!
Dahan-dahan na umangat ang lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling kaya napatago ako sa may bandang gilid na hindi nila makikita hanggang sa itulak ito ng babae kaya napaharap ito sakin at pinigilan ko ang mapasigaw nang makilala ko ito.
Shet! Thomas my love!
Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa sakayan at nakauwi ng maayos sa apartment ko basta ang alam ko ay sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Matatanggap ko pa kung makikita ko siyang may kahalikan na ibang babae, kung bigla siyang makikipagbreak sakin pero ang gawin sakin ito? Tangina! At paano nila nakaya na gawin iyon sa public place na alam naman nilang may makakarinig? Hindi ako mangmang para hindi malaman ang ginagawa nila kanina pero hindi ko alam kung ano ang process nun! Pero shet lang, qoutang qouta na siya!
"Ah!" Malakas na sigaw ko at isa-isang pinagbabato ang picture frame naming dalawa na mahagip ng paningin ko. Hindi pa ako nakuntento ay pumunta pa ako sa kwarto at pinagbabato din ang picture frame naming dalawa pati ang photo album na ginawa ko para sana sa eight years anniversary namin.
Bakit ba ganito ang mga lalaki? Papaasahin ka na ayos lang ang lahat pero kapag nakatalikod ka naman ay saka gagawa ng kalokohan. Bakit ba hindi marunong makuntento sa isa ang mga lalaking kagaya ni Thomas? Saan ba ako nagkulang para saktan niya ako ng ganito? Anong bang mali sakin?
Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko at nang tignan ko ito ay nakita kong si Thomas ang tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago ito sagutin,
"Hello, mahal? Kamusta ang first day ng ojt mo?" Malambing nitong tanong pero napairap lang ako at napahigpit ang hawak sa phone ko.
I've had enough! He pushed me so far now I'm on the edge! Mamatay na mga manloloko!
"Tangina mo Thomasian Francisco Dimaculangan! Tangina mo with feelings! Tama na ang pitong taon kong pagtitiis at pang-gagago sayo! Mamatay ka ng manloloko ka! Hindi ka naman kasing gwapo ni Kim Yeol, Yoon Jae at Lee Min Ho pero kung mambabae ka akala mo certified hearthrob ka! Mamatay ka na kasama ng babae mong hipon! Sana lamunin kayo ng lupa!" Sigaw ko at hingal na hingal pagkatapos. Agad kong pinatay ang tawag at hindi na siya hinintay na makasagot. Binuksan ko ang likod ng phone ko at binali ang simcard nito saka muling sumalampak sa sahig.
I cried my heart out. Pagod na pagod na akong magpakatanga.
Sana noon pa ako nagising sa kahibangan ko.
Sana noon pa ako nakinig sa mga kaibigan ko.
Hindi sana ganito kalalim ang sakit na nararamdaman ko.