Nagising ako nang sunod-sunod na tumutunog ang kantang Blank Space ni Taylor Swift. Dumapa ako at napa-'aw' nang makaramdam ako ng kirot. Hinanap ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko at napabuntong hininga dahil wala iyon doon. Inilabas ko ang kamay ko at kinapa ang tabi ko. May nahawakan akong matigas na bagay kaya dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sakin ang nakangiti niyang mukha. Tinignan ko kamay ko at nakapatong ito sa abs niya. Mabilis ko itong tinanggal at napasubsob sa kutson. Naramdaman ko ang paglapit niya at ang pagdantay ng kamay at paa niya sa katawan ko. Mas lumapit pa siya kaya ngayon ay sa dibdib na niya ako nakasiksik. "Good Morning, Lara." Sabi niya gamit ang kanyang husky voice. Pino kong kinurot ang dibdib niya kaya napatawa siya. Lumayo ako sakanya at hinanap