Pagkatapos manganak ni Aly ay pinauwi narin ako ni Zayn at binigyan pa ng VIP pass ng isa sa resort nila para kung gusto ko raw magbakasyon. Ngiting-ngiti ko iyong tinanggap at hindi na nag-inarte pa dahil parang sahod ko narin yon sa pagbantay kay Alyssa. Madaling araw na ng makauwi ako sa apartment ko sa Metro. Binitawan ko sandali ang maleta ko saka kinuha ang susi sa shoulder bag ko nang may marealize ako. Hindi ko nga pala nakuha ang susi at iniwan ang apartment ko kay Jared! At dalawang buwan akong nawala! Napabuntong hininga ako at inis na ginulo ang buhok ko. Minsan talaga hindi ako nag-iisip. Hay. Basta ko na lamang iniwan ang mga gamit ko sa harap ng pinto at natungo sa landlady na nadaanan ko kanina. "Madame, may spare key ka ba ng unit ko? Hiramin ko lang sana." Kuno