WARNING: SPG --- Araw ng sabado, at dahil wala kaming pasok sa ojt at wala naman kaming gagawin sa school ay naisipan ko nalang na linisin ang Apartment ko. Medyo nalulungkot ako dahil parang ang hollow na nito, yung mga picture frames kasi namin ni Thomas ay wala na since binasag ko na lahat at hindi ko muna siguro papalitan dahil baka basagin ko lang din ulit. Nilagyan ko ng usb cable ang phone ko at isinaksak ito sa speaker, at dahil medyo laylow muna ako sa Kpop kaya Little Mix songs muna ang ipapatugtog ko, ang bagong girl group na kinaadikan ko ngayon. Una kong pinatugtog ang kanta nilang Love Me Like You. Itinali ko pataas ang buhok ko at isinuot ang ribbon hairband ko. Naksando at boardshorts lang ako. Nang magumpisa ng tumugtog ay nagumpisa narin akong magpunas ng mga dingdi