Lovely (POV)
"Dark sandali huwag mo akong hilain baka madapa ako." Sigaw ko kay Dark na malalaki ang hakbang, kahit na mas matanda ako ng tatlong taon sa kanya ay napakalayo ng height namin. Mas matangkad lang sa kanya si Sander ng ilang pulgada.
"Sorry, Ate Love excited lang kasi ako. Gusto mong kargahin nalang kita. Ride behind my back!" Utos niya na umupo na habang nakatalikod ako sa kanya.
"Naku huwag na baka mahulog pa ako, mag lakad nalang ako basta huwag mong masyadong bilisan ang pag lakad."
"Kung yan ang gusto mo Love este Ate Love." Sagot niya na medyo na mula ang kanyang mukha. Kahit medyo brown ang skin tone ay halatado ang pumumula ng kanyang mukha.
Hinuli niya ang aking palad at hinawakan. Mag ka holding hands kami tuloy na pa punta sa pool. Dinig ko ang tawanan ng dalawa na nag hahabulan sa tubig. Nag seselos ako! Matalim ko silang tinignan at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Dark. Napatingin naman siya sa akin dahil naramdaman niya siguro ang paghawak ko ng mahigpit sa palad niya. "Napatingin ako sa aking relo, lagot ka sa akin Sander ka!" Sabi ng utak ko habang papalapit sa kanila.
"Ate Love halika, join tayo kina Kuya."
"Sige dito muna ako sa gilid." Sagot ko at nag tampisaw.
Hinihintay ko na umalis sa pool si Hanoj. Si Dark naman ay inilagay ang towel namin sa mesa. Napangiti ako ng umahon si HR sa pool, dinig ko na mag Cr siya kaya mabilis ko na inalis ang relo ko and I set to electrical shock. Sumosobra na siya sa panlalait sa akin, kahit crush ko siya ay wala siyang karapatan na maliitin ako kahit na maliit ako talaga.
Inalis ko ang aking paa na nakatampisaw sa tubig at hinawakan ang dulo ng aking relo. Sinigurado ko na malayo ang katawan ko sa tubig. Naka set lang naman ng mild ang electric shock na maramdaman niya kaya palihim ko na ibinaba ang aking relo at ilang segundo lang ay sumigaw na ng malakas si Sander at umahon sa tubig.
"Aaaaaaaaa!" Malakas na sigaw niya at lumapit si Dark sa kanya.
Agad ko na inalis ang relo ko at pinatuyo sa aking damit bago pinalitan ang setting niya. Lumapit na din ako sa kanya dahil umiiyak na siya.
"Nakuryente ako akooooh!" Malakas na tili niya at napasugod ang mga tao sa bahay.
"What! How come?" Sagot ni Dark at hinawakan ang tubig ng pool.
"Sandali at subukan ko." Sabat ko na nag dive sa pool. Narinig ko ang pagpigil nina Lola at Dark pero napangiti ako sa ilalim ng tubig.
"Are you ok Apo?"Malakas na tanong ni Lola habang ako ay masaya at nakangiti sa ilalim ng pool.
"Okay po ako Lola hindi naman po ako nakuryente." Sambit ko na pinalitan agad ang mukha ko ng pagkalito.
"Ate Love is right, wala din akong maramdaman." Sabi ni Dark na lumusong na rin sa tubig. Umalis sina Lolo at mga kasambahay na napailing.
Iniwan kami at kitang kita ko sa mukha ni Sander na takot pa rin. Ngayon ay kami ni Dark ang masayang naghahabulan at nagpapaligsahan sa paglangoy habang ang dalawa ay pinapanuod na lamang kami.
Dinala nila sa pool ang aming dinner, pagkatapos kumain sina Lola ay pumasok din sila sa loob ng bahay. sina Sander at Hanoj ay naka pagpalit na ng damit habang kami ni Dark ay naka suot pa ng panlangoy na damit. Ang utak ko ay napapangiti dahil tahimik lang si Sander at kami na lang tatlo ang nag uusap.
"Lovely anong section mo pala." Tanong sa akin ni HR.
"Inilagay nila ako sa section 2 dahil puno na raw ang section 1." Sagot ko.
"Ay sayang hindi ka namin ka klase, sa section 1 kami ni Sander."
Nanlumo ako sa aking narinig, anong silbi ng pag pasok ko doon kung hindi ko ka klase si Sander. Kailangan gumawa ng paraan si Daddy. Hindi ko kasi inalam ang section ni Sander at wala akong idea sa mga section dahil home school ako. Mag text ako mamaya kay Daddy ang phone ko kasi ay nasa aking bag pack.
"Sayang Ate love, nasa kabilang building pa ako. Galingan kong mag-aral para ma accelerate ako at mapunta agad sa higher grade." Sabat ni Dark na halos nakayakap na sa akin dahil nilalamig na raw. Mag alas syete na kasi ng gabi kaya lumalamig na ang simoy ng hangin.
"Dark, mag shower ka na kung nilalamig ka." Masungit na sabat ni Sander na ngayon lang nag salita mula kanina.
"Ate Love, sabay tayo." Sabay tumingin siya sa akin na nakangiti.
"Napakadaming banyo sa bahay nina Lola bakit siya makikisabay saiyo?" Sabat ni Sander na nakataas ang kilay.
"Kung gusto ni Ate Love, why not kuya."
"Hoy! mag-aaway ba kayong dalawa?" Sabat ni HR na tumayo na.
"Sa kwarto na nalang ako mag shower, nandun ang pamalit ko." sagot ko na tumayo na rin nakita ko ang bahagyang pagsimangot ni Dark at napaka cute niyang tignan.
Pagkatapos naming mag shower ay handa na kaming matulog. Katabi ko talaga si Dark sa iisang kama dahil ayaw niyang mag-isang matulog sa kabilang kwarto. Mga bata palang kami kaya hinayaan ni Lolo na sa iisang kama kami matulog ni Dark.
"Malikot akong matulog Dark baka matadyakan kita."
"Okay lang Ate Love, hindi naman siguro masakit ang tadyak mo." Sagot niya na humiga na.
Tahimik pa rin si Sander at hindi na niya ako sinusungitan. Pag may itatanung lang si HR ay sasagutin niya. Abala sila sa kani kanilang phone kaya naalala ko si Daddy na padalhan ng mensahe. Kinuha ko ang aking phone sa bag.
Me: Daddy hindi ko ka klase si Sander nasa Section 1 siya.
Daddy: Hindi ba sinabi nila na puno na ang section 1.
Me: Gusto ko sa section 1 Daddy, please gawan ninyo ng paraan or else tatawagan ko si Lolo na bilhin ang paaralan at magagawa ko ang gusto ko.
Daddy: I will try love but please don't call your Lolo. Kung hindi ko man magawan ng paraan ay makikita mo parin naman si Sander after class.
Napasimangot ako sa sinabi ni Daddy.
Me: I want to be in Section 1 Dad. Please!
Pamimilit ko at ibinalik ko na ang aking telepono sa aking bag.
"Sinong ka text mo Ate Love bakit naka simangot ka?" Tanong ni Dark na kanina pa pala niya ako pinapanuod.
"Ang Daddy." Sagot ko.
"Ate gusto mo bang ma relax?" Tanong niya sa akin na bumangon na sa kama.
"Oo naman pero anong gagawin mo o natin?" Pabalik na tanong ko sa kanya.
"Humiga ka Ate Love." Utos niya kaya ginawa ko naman, siguro mamasahiin niya ako.
"Pahingi Ate love ng isang hibla ng buhok mo." Paalam niya at hindi pa ako nakasagot ay napabunot na siya.
Pinapanuod ko ang kanyang ginagawa, Pinag hati niya ang aking isang hibla ng buhok at pinagtabi. Pagkatapos ay inilagay niya sa kanyang hita at tinakpan niya gamit ang palad sabay pinagulong.
"Anong gagawin mo sa hibla ng buhok ko, kukulamin mo ba ako?" Masungit na tanong ko pero napatawa lang siya ng malakas.
"You so funny Ate Love kaya love na love kita." Sambit niya na ikinangiti ko.
Napatingin ako ngayon sa hibla ng buhok na parang sinulid na.
"Stay still Ate Love, you will enjoy this. Huwag ka lang malikot." Tabi niya.
Nagtataka ako na hinawakan niya ang aking isang mata at binuksan ito. Sabay hila sa baba, sobrang lapit ng mukha niya sa akin at amoy ko pa ang kanyang hininga.
Naramdaman ko ang hibla ng aking buhok na parang itinutusok, habang palalim ay sumasarap. Kaya napaluha pa ako at pati laway ko ay tumulo na hindi ko namamalayan.
"Ate love pikit mo ang mata mo at hugutin ko na." Malambing na utos niya sabay punas sa laway ko gamit ang kanyang palad.
Pagpikit ko ay naramdaman ko ang aking hibla ng akong buhok na papalabas na lalong nag pasarap.
"Ohh ang sarap!" Sambit ko. Sabay bukas ng aking mga mata ng tuluyan na niya naalis ito.
"Ang bango ng hininga at laway mo Ate Love." Sabi niya sabay amoy sa kanyang palad na pinampunas niya sa laway ko.
"Saan mo itinusok ung hibla ng buhok ko sa king mata?" Tanong ko na hindi pinansin ang pinag sasabi niya. Mas interesado ako sa ginawa niya sa aking mata.
"Sa baba at taas ng eye lid natin Ate love ay may butas sa tear duct mismo at doon ko ipinasok ang iyong hibla ng buhok. Tignan mo ang akin." Utos niya at tinignan ko naman, may maliit ngang butas iyon.
"Hindi ba ako mabubulag?"
"Ate Love naman hindi naman ang mata mo ang tinusoko, kahit gawin mo din sa akin." Sabi niya.
Kumuha ako ng isang hibla ng aking buhok at ginawa ang nakita kong ginawa niya kanina. Paghawak ko palang sa mata niya ay biglang namatay ang ilaw.
"Matulog na tayo and I can't sleep if the lights are on." Masungit na sabi ni Sander.
"Bukas na lang pag gising natain." Sabi ko kay Dark.
"Okay Ate, pwede payakap ako." mahinang sambit niya.
"Yakapin mo na lang yang unan."
"Please Ate Love na miss kita."
"Shut up Dark!" Malakas na sabat ni Sander kaya natahimik si Dark.
Tumalikod na ako kay Dark at niyakap ang malaking unan. Sobrang napagod ako sa kakalangoy kanina, kung nasa palasyo ako ay siguradong may masarap na akong masahe. Para masarap naman ang ginawa ni Dark kanina.
Paggising ko ay naramdaman ko na may nakayakap sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at si Sander ang mahigpit na nakayakap.
"Sander." Mahinang gising ko sa kanya.
"Sleep" Sagot niya na mahina ang boses na halos pabulong lang.
"Bakit ako nasa kama mo?" Tanong ko na humarap na sa kanya.
"Nahulog ka sa kama at sinarili ni Dark ang higaan ninyo kaya binuhat na kita dito. Do not talk now ayokong mapuyat, sinisira mo ang sleeping beauty ko." Masungit na sabi niya pero mahigpit pa rin na nakayakap sa akin.
"Huwag mo masadong higpitan ang yakap mo sa akin." mahining bulong ko pa rin.
"Baka kung saan-saan ka na naman mapunta o mahulog ka naman. Medyo mataas pa man din ang bed baka magkabukol ka at mapagalitan pa ako."
Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako ng mahigpit at ipinikit ko na ang aking mga mata dahil pagod na pagod talaga ang aking katawan.
Kinabukasan ay dinig ko ang pagbabangayan ng mag kapatid pero na ngingibabaw ang boses ni Sander. Lumapit ako kay HR na nakahiga parin pero naunang nagising sa akin.
"Bakit sila nag aaway?"
"Bakit daw wala kana sa tabi ni Dark at nasa higaan kana namin. Narinig ko nahulog ka daw kaya nilipat ka ni Sander dito." Sagot ni HR na inaantok pa.
Napatingin ako sa oras mag alas sais palang, napaka aga pa wala namang gagawin. Para tumigil na ang dalawa ay bumangon ako at lumipat sa higaan ni Dark. Tumahimik na ito at si Sander ay mabibigat ang hakbang ng paa na pumasok sa banyo.
"Sorry, Ate Love nagising ka."
"Okay, lang matulog na ulit tayo dito na ako sa malapit sa wall para hindi ako ulit mahulog."
"Eto kasing si Kuya Sander hindi na lang niya ako ginising. Nagulat nalang ako na wala ka na sa tabi ko akala ko nag banyo ka pero walang tao doon. Tas pag lingon ko sa higaan ni Kuya ay nandoon ka na halos hindi na kita makita dahil dinaganan ka na. Akala ko nga ay patay kana dahil hindi ka gumagalaw. Baka na suffocate ka na kaya agad kong ginising si Kuya. Ayun pinagalitan ako ni Kuya na ginising ko siya. Kung alam ko lang na nahulog ka eh di sana hindi ko siya snistorbo sa sleeping beauty niya." Mahabang pahayag ni Dark at nawala tuloy ang tulog ko.
Parang gusto ko na tuloy umuwi para makatulog ako ng mahimbing. Hindi ako palakain pero matakaw ako sa tulog dapat ay umaabot ng sampung oras ang tulog ko kada isang araw para masigla ako. Napailing nalng akong tinakpan ang mukha ko sa kumot baka antukin pa ako. Tumigil na man na si Dark sa pag sasalita kaya ipinikit ko na ulit ang aking mga mata.