Lovely (POV)
Pag kaupo namin ni Daddy sa sofa ay nag paalam ako na makikitulog kay Lola Mayra. Nakilala ko na siya noon, pati si Lolo Mike at napaka bait nila. Pumayag naman si Daddy at ang Mommy ko ang nag handa sa aking mga gamit. Sa totoo lang kasi mula nag kaisip ako ay nasanay na akong pinag sisilbihan. Sampo ang alalay ko sa Palasyo at lahat ng kailangan ko ay ibinibigay nalang. Naalala ko tuloy ang panty at mga damit ko na naiwan sa banyo ni Sander. Dapat niligpit ko iyon dahil wala akong alalay dito sa Pilipinas.
"Sigurado ka ba anak na gusto mo parin, pumunta doon? Baka ma out of place ka." Seryosong tanong ni Daddy habang naka kandong ako sa kanya.
"Opo Daddy."
"Anything happens, just call or message me at iuuwi kita."
"Thank you, Daddy I love you po." Sabi ko na yumakap sa kanya. Naramdaman ko maliit na braso ng aking kapatid na yumakap din sa akin.
"Hayaan mo Ate, nandito naman ako na best friend at enemy mo." Bulong ng kapatid ko at napakurot ako sa pisngi niya.
"Aray Ate!" Malakas na sambit niya, nag crossed arms pa talaga siya at bumusangot na ikinatawa ko.
Gumaan ang aking pakiramdam sa yakap ng Daddy at kapatid ko. Ilang saglit ay bibit na ni Mommy ang backpack ko. Napasalubong ang kilay ko dahil hindi iyon ang bag pack ko.
"Mommy, bakit yan ang gagamitin ko?" Tanong ko sa Mommy ko na inilagay sa Sofa ang aking bag.
"Anak, you can't use your backpack. Magtatanong ang Lola Mayra mo kung saan mo nakuha at sigurado na hindi ka tatantanan yun dahil mahilig siya sa mga Antique na gamit.
Napa hinga ako ng malalim dahil regalo yun sa akin ni Lolo. Pinakaunang Ghotti Empire bag pack collection na ang presyo ay umabot sa 20 million pesos.
"Okay, Mommy." Sagot ko na lang
"Okay, naman ito anak, alam mo ba na antique din ito? Ito ang pinakauna kong bag pack na binili ko sa Divisoria at pera ng Daddy mo kaya take care of it.
"Ano naman yung Divisoria Mommy?"
"Minsan ay dadalhin kita doon, ang 1000 pesos mo ay maramin ng mabibili." Nakangiting sagot ni Mommy at ang daddy ko ay naiiling lang.
Umalis na ako sa kandungan ni Daddy dahil may nag doorbell. Ang Mommy ko ang nag bukas ng pintuan.
"Ninangggg!" Dinig ko na tili ni Sander.
"S--sander anak, ang gandang lalaki natin ah."
"Yuck! Ninang, maganda ako. Pa hugs po para mailipat sa akin ang makinis ninyong kutis." Masaya na unang tumakap si Sander sa Mommy ko.
"Take care of my daughter."
"Sige po Ninang, basta sabihin mo sa akin ang beauty secret mo." Nakita ko na napaayos ng buhok si Mommy.
"Wala akong beauty secret eh! inborn na to." Sagot ni Mommy na ikinatawa ni Daddy.
"Ate, sasaktan ka lang niya. I can sense it." Bulong ng kapatid ko sa akin.
"Paano mo nasabi?"
"Mas babae pa saiyo." Bulong ulit ng kapatid ko, binalewala ko nalang at nag paalam na kami sa aking mga magulang.
Umupo sa likuran si Sander kaya sumunod ako sa kanya.
"Lovely sa harapan ka na lang at susunduin pa natin ang best friend ko. Siya ang katabi ko dito sa likuran." Utos niya sa akin, kaya napayuko at nasaktan na naman sa sinabi niya.
Pag upo ko sa harapan ay inilagay ko ang aking seatbelt pero nahihirapan ako dahil hindi ako sanay na walang tumutulong sa akin.
"Tulungan na kita Ne." Sabi ng Kuya na driver nila. Nagpasalamat ako at ngumiti lang siya. Nami miss ko tuloy si Lolo Tort na laging kasama ko pag kami ay lumalabas at mga pinsan ko na makukulit.
Tahimik ako habang nag mamaneho si Kuya, nahihirapan kasi ako na lingunin si Sander sa likuran dahil malaki ang upuan sa harapan. Ilang saglit ay huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay at may babae na kaedaran namin kasama siguro ang kasambahay nila na naka uniporme pa. Naka short siya at blouse na halos mag kasingtangkad pa sila ni Sander. Napayuko ako na napatingin sa sarili at malungkot ulit na napatingin sa kanila.
Agad na bumaba si Sander at yumakap sa babae.
"Kuya, paki bukas po ang bintana." Utos ko kay Kuya dahil hindi ko alam kung ano ang pipindutin ko na button sa side ko. Binuksan niya naman ito at dinig na dinig ko ang pag tawag ni Sander na best friend kanya.
Nakaramdam ako ng pag seselos kaya pina sara ko ulit ang bintana.
"Besty, meet Lovely anak siya ng Ninong ko." Pakilala sa akin ni Sander ng tuluyan na silang nakapasok sa loob ng sasakyan.
"Nasaan Besty?" Tanong ng kaibigan niya kaya medyo inangat ko ang aking katawan pataas para makita ako.
"Hi, Lovely nandiyan ka pala. I am Hanoj Rahab Zaghal pwede mo akong tawagin na HR." Magiliw na pagpapakilala niya. Mukhang may ibang lahi si Hanoj dahil kulot ang kanyang buhok at hindi typical na pilipina ang kanyang mukha.
Nag hi lang din ako at hindi na nakapagsalita pa dahil kinausap na agad siya ni Sander. May mga pinag uusapan sila na mga pangalan na hindi ko kakilala. Puro lalaki ang mga ito at Oppa ang tawag nila. Kilig na kilig silang pareho at malakas na nag tatawanan pa. Nag katinginan na lang kami ni Kuya, nakita ko ang pag iling niya habang nag mamaneho.
Ilang minuto ang lumipas ay papasok na sa gate ang sasakyan. Pamilyar na sa akin ang bahay na nakikita ko. Huminto na ang sasakyan at nakita ko si Lola Mayra na nakaabang sa harapan ng kanilang bahay.
Ang problema ko ay paano buksan ang sasakyan napakahirap na nasay akong pinag bubuksan ako. And dalawa ay masaya nang yumakap kay Lola. Nakita ko si Lola na papalapit.
"Kuya, pasensiya ka na paano buksan ang sasakyan?" Nahihiyang tanong ko.
"Sandali at bababa ako." Sagot niya at mabilis siyang umikot para pag buksan ako. Medyo mataas sa akin ang bababaan ko kaya inalalayan ako ni Kuya.
"Salamat po Kuya."
"Walang anuman , O sige aalis na ako sunduin ko at kayo dito bukas." Sabi niya at tuluyan na siyan umalis habang bitbit ko ang aking bag.
"Lovely Apo!" Malakas na sambit ni Lolo Mayra na lumapit sa akin sabay niyakap ng mahigpit.
"Napakaganda talaga ng Apo ko, buti at naka balik na kayo." Masayang sabi niya at hinaplos ang aking buhok.
"Oo nga po Lola." Nakangiting sagot ko.
"Ang Lolo Mike po?"
"Nasa opisina pa niya, mamaya ay uuwi na din. Halika na sa loob Apo at may mga ipapakita ako sa inyo na tatlo tiyak na magugustuhan ninyo." Sabi niya, napatingin ako sa dalawa na nauna nang pumasok.
"Tama yata si Daddy na ma out of place ako." Sabi ko nalang sa isip ko at pumasok na sa loob.
"Apo sundan mo na sina Sander sa taas, doon kayo sa dati ninyong tulugan kasya kayong tatlo doon dahil nag padagdag pa ako ng higaan. Ilalabas ko na ang mga damit at alahas na susubukan nnyo na isuot na koleksiyon ko."
"Sige po Lola." Sagot ko at umakyat na sa taas. Sa mga taon na nagdaan ay wala paring ipinag bago ang bahay nina Lola.
Pagpasok ko sa kwarto ay masaya ang dalawa na hinihila ang isang higaan na itabi sa isa.
"Hay naku Sander, lakasan mo ang pag hila!" Malakas na utos ni Hanoj habang tinutulak niya ang kama.
"Ito na nga Bes, sinisira mo ang beauty ko!" Sagot ni Sander na namumula na ang mukha niya sa pagtulak.
"Anong ginagawa ninyo?" Tanong ko na sabay silang napatingin sa akin.
"Itong kasing si accla gusto niyang mag katabi ang higaan namin." Sagot ni Hanoj na ikinanlumo ko.
Maldita akong tao pero, paano ang pag sumbong ko sa Lolo ko para tulungan niya ako? Mukhang mabait naman si HR si Sander lang talaga ang problema ko. Pakidnap ko nalang kaya siya at dalhin sa palasyo? Napailing ako sa aking naiisip at inilagay na ang backpack ko sa aking higaan.
Habang pinapanuod ko sila ay pumasok si Lola at isa nilang kasambahay na may mga dalang gamit.
"Anong ginagawa ninyo" Tanong ni Lola na nakatingin sa dalawa.
"Gusto ni Sander Lola na magkatabi ang higaan namin." Sagot ni HR.
"Paano na si Lovely napaka layo ng higaan niya sa inyo?"
"Okay, lang naman hindi ba lovely?" Tanong sa akin ni Sander na may patitig sa mata kaya napatango nalang ako.
"Ito na ang mga bagong koleksiyon ko, mga dress at ang napanalunan ko sa bidding na mga bags at alahas." Sabi ni Lola na inilagay sa mesa ang mga ito agad naman na lumapit si Sander at HR.
Ako naman ay nakaupo lang sa aking higaan na pinapanuod sila. Masaya si Sander na isinuot ang mga earring at si HR ang mga dresses na basta nalang nag hubad. Wala namann malisya dahil mga bata pa kami at bibabae naman si Sander na hindi man lang tumingin sa katawan ni HR na naka bra at panty lang. Mas nakatuon ang kanyang mga mata sa mga alahas.
"Lovely apo, come here try mo ito." Nakangiting sabi ni lola na hawak ang isang kwintas.
Lumapit naman ako at agad niyang isinuot ang kwintas sa aking leeg.
"Naku Apo, bagay saiyo." Tuwang-tuwa na sambit ni Lola kaya napatingin si Sander sa kwintas.
"Lola let me try that also baka mas bagay sa akin." Sabi ni Sander, napatingin si Lola sa kanya pero inalis din ang kwintas sa aking leeg at isinuot sa leeg ni Sander.
"Bagay ba?" Tanong niya kay HR.
"Mas bagay kay Lovely dahil pambabae yan tignan mo oh may pendat na pambabae." Sagot ni HR na hinawakan ang pendat.
"Gagah! magsinungaling ka naman kahit na konti anong silbi na beshy kita!" Inis na sabi ni Sander at siya na mismo ang nag alis sa kwintas.
"Bagay nga sa kanya ang kwintas, unano naman." Bulong ni Sander pero dinig na dinig ko at pati si Lola ay dinig din kaya kinurot siya ng pino ni Lola.
"Kailan ka pa natuto na magsalita ng ganyan!" Malakas na sabi ni Lola habang si Sander ay sobrang lakas ng tili sa pinong kurot ni Lola.
"Lola, arayyyyyyyyyyyyyyy!"
"Say sorry to Lovely!" Seryosong utos ni Lola.
"Sorry na." Sabi niya sa akin na walang kaseryosohan.
"Okay lang." sagot ko, pero sobrang nasaktan ako.
Pagkatapos na ipinakita sa amin ni Lola ang kanyang mga koleksiyon ay inutusan niya ang kanilang kasambahay na ibalik sa kanyang kwarto. Napangiti ako dahil pareho kaming mahilig mangolekta and I am so excited na ipakita ko sa kanya ang aking mga koleksyon na lahat ay regalo ni Lolo.
"Beshy, swimming na tayo." Sabi ni Sander at hindi man lang ako inalok.
Kaya napayuko ako at humawak kay Lola.
"Sige, let's go Lovely. Marunong ka bang lumangoy?" Tanong sa akin ni HR kaya napangiti ako.
"Oo." Maiksing sagot ko.
"O sige mag palit na kayo ng mga damit at dumating na yata ang Lolo ninyo. Sander, ayokong marinig na magsalita ka ulit ng ganun." Seryosong bilin ni Lola Mayra at lumabas na sa kwarto.
Hindi naman sumagot si Sander pero nang umalis si Lola ay tumaas ang isang kilay niya.
"Hey, Accla bakit sinusungitan mo si Lovely?"
"Beshy, hindi ko siya sinusungitan nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kaedad natin siya tignan mo haggang balikat ko lang siya."
"Eh, ano naman ngayon! sa ating tatlo siya ang may pinakamaganda ng mukha." Pagtatanggol sa akin ni HR na ikinasaya ko.
"Whatever!" Sagot niya na pumasok na sa banyo.
"Pagpasensiyahan mo na, pag kasi dehado ang ganda niya sa isang tao ay sinusungitan niya." Natatawang sabi ni HR.
Sabay na kaming nagbihis, naka two piece siya at ako naman ay one piece na swimsuit. Paglabas ni Sander ay naka short siya na may tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat. Sabay kaming bumaba sa hagdan, medyo kumapit ako kay HR dahil hindi ako sanay na walang umaalalay sa akin.
Pagbaba namin ay kausap ni Lola si Lola, agad akong lumapit kay Lolo Mike. Miss na miss ko na siya dahil gaya din siya ng mga Lolo ko na napakabait.
"Lovely Apo!" Sambit niya na binuhat pa ako kaya ako at tawang-tawa.
"Lo, baka mabitawan mo si Ate Love ko!" Sambit ni Dark, alam ko na siya iyon dahil may hawak na bola.
"Bakit ka nandito?" Masungit na tanong ni Sander.
"Makitulog din ako." Nakangiting sagot ni Dark at mabilis na umakyat sa kwarto. Pag baba niya ay naka short na rin siya.
"Tatlo lang ang bed sa kwarto bakit mo inilagay ang gamit mo doon?" Tanong ni Sander na parang irita.
"Tabi kami ni Ate Love ko, kasya naman kami sa isang bed." Sagot niya na nakangiti parin habang nakatingin sa akin.
"Ewan ko saiyo, Let's go beshy." Sabay niya sabay hila sa kamay ni HR.
Napailing naman sina Lolo at Lola sa inasal ni Sander. Masaya na rin ako dahil dumating si Dark, at least may kausap ako kung nag uusap ang dalawa na hindi ko alam ang kanilang paksa. Hinawakan naman ni Dark ang aking kamay at pumunta na kami sa pool.