Chapter 7

2440 Words
Lovely (POV) Hapon na kami umalis sa bahay nina Lola Mayra. Pagdating ko sa bahay ay tinutulungan ni Mommy ang kasamabahay namin na mag luto habang nag lalaro naman ng Chess si Daddy at kapatid ko. Binagsak ko ang aking katawan sa sofa at humiga sa lap ni Daddy. "Kumusta ang sleepover Love?" Tanong ni Daddy habang hinahaplos ang akin buhok. "Okay lang naman Dad, buti dumating doon si Dark. Tama po kayo muntik na akong ma out of place. Daddy pumayag ba si Ninong na makisabay ako sa sasakyan nila at sa section 1 na ako papasok bukas? "Yes, Love sa sasakyan ka nila makikisabay but I am sorry to tell you na sa section 2 ka. Walang studyante na gustong lumipat sa Section 2, may paraan naman pero hindi pwede Love. Alam mo naman na dapat nating itago ang katauhan ninyo." Hindi ako na kaimik sa sinabi ni Daddy, napahinga na lang ako ng malalim. Ilang saglit ay tinawag na kami ni Mommy na kumain. Pagdating namin sa hapag kainan ay napatingin ako sa aming ulam. "Mom anong pangalan ng ulan natin?" "Sarsyadong isda, talbos ng kamote na salad na may red eggs at fried rice anak." Sagot ni Mommy na itinuturo ang mga putahe habang sinasabi ang pangalan." Umupo ako sa tabi ng kapatid at pinaabot ang fried rice. Fried rice lang din ang kinain ko, mukhang masarap naman ang ibang ulam namin pero hindi talaga ako palakain dahil kung ipilit ay mag susuka ako. Pagkatapos naming kumain ay nag paalam na akong pumasok sa aking kwarto. Nag shower lang ako saglit at natulog na dahil kulang ang tulog ko sa bahay nina Lola Mayra sa ingay ni Sander at kadaldalan ni Dark. Kinabukasan ay mabilis akong naligo at nahirapan na pumili ng isusuot ko kaya nag patulong ako kay Mommy. Hindi niya ako pinagbistida dahil mas lalo daw akong mukhang bata kaya fitted pants ang suot ko at simpleng blouse. Gamit ko pa rin ang bag na binigay ni Mommy. Habang kumain ako ay narinig ko ang busina ng sasakyan. "Anak, nandiyan na yata ang sasakyan ng Ninong mo." Sabi ni Mommy. Mabagal ang pag nguya ko sa aking sandwich, napatingin ako sa orasan halos 30 minuto na pala akong nakaupo at hindi ko pa tapos ang breakfast ko. Ang Mommy naman ay abala na tinutulungan ang kapatid ko habang si Daddy ay nag jogging sa labas. Iniwan ko nalang ang sandwich ko. "Mommy alis na ako!" "Sandali anak, hintayin mo ang baon mo." Sabi ni Mommy na papalapit at inabot sa akin ang limang daan. Napasalubong akong napatingin sa pera na inaabot niya. "Mom, ano to?" "Baon mo anak, gagamitin mo yan sa pagbili mo ng lunch at snack." "I don't need this Mom, I have my card." Sagot ko at dinig naman namin ang pagbusina ng sasakyan sa labas. "You can't use your card in the school anak, baka may studyante na makakilala sa card mo. Remember paaralan ng mayayaman ang papasukan mo." Sabi ni Mommy at inisuksok ang limang daan. Humalik ako sa Mommy ko at patakbong lumabas sa aming bahay . Paglabas ko sa gate namin ay ang malaking sasakyan ni Ninong ang nag hihintay. Pagharap ko sa sasakyan ay bumukas ito, bumungad ang busangot na mukha ni Sander. "Bakit ang tagal mo! pasok na dali!" Utos niya na nakataas na naman ang isang kilay. "Good morning Ate Love!" Sabay na bati sa akin ng apat na Quad na nasa likuran. Binati ko naman sila pabalik at nag simula nng umandar ang sasakyan. "Lovely welcome back!" Sabi ng nasa harapan ng sasakyan. "Nathalie! ikaw ba yan!" Malakas na sabi ko dahil napakaiksi ang buhok ang akala ko talaga ay lalaki siya kung hindi lang sa boses niya na babae ay hindi ko siya makikilala. "Yes, babe." Sagot niya na may pakindat pa. "Cute cute mo talaga Lovely." Sabat ni Kristine na katabi ko sabay yakap sa akin. Napagitnaan nila ako ni Sander. si Sander ay nakatingin lang sa kanyang phone. Naging maingay sa loob ng sasakyan dahil sa kadaldalan ni Dark at light. Hindi sila nauubusan ng sasabihin lalo na at ang paksa nila ay tungkol sa mga bida na mga cartoon characters. Ang tatlo ay busy sa kanilang phone, si Autumn daw ay sa ibang school nag-aaral kaya ang kanyang Ninong ang naghahatid sundo sa kanya. Ako naman ay nakikinig lang at napapatingin sa daan. Ilang minuto ay huminto na ang sasakyan. Lahat kami ay bumaba at halos lahat ng mga studyante ay nakatingin sa amin lalo na sa apat na quads. Iba kasi talaga ang appeal nila kuhang kuha nila ang mukha ni Ninong Natan. Pati na din si Nathalie ay pwede nang isama sa quads. Lalo na ng pumasok kami sa gate, agaw atensyon ang mga kasama ko. "Ate Love, doon ako sa kabilang building." Sabi ni Dark na yumakap muna bago hinabol ang mga kakambal na nauna nang nag paalam sa akin. "Paano yan Lovely dito na lang kami, ayan ang room namin. Gusto mo bang ihatid na muna kita sa Section mo?" Tanong sa akin ni Nathalie. "Pwede ba?" Tanong ko na nahihiya. "Of course!" Nakangiting sambit niya at sumama rin si Kristine. Nanlumo ako dahil basta lang pumasok si Sander sa loob at dinig ko ang tili niya sa pagtawag niya kay HR. Inakbayan ako ni Nathalie at nakahawak naman sa kamay ko si Kristine. Hindi ko alam bakit iba ang tingin sa akin ng mga babae na nakakasalubong namin. "Bakilt nila ako iniirapan?" Nagtataka na sabi ko sa dalawa. "Nagseselos lang ang mga yan dahil hindi kami nakikipag close sa kanila alam mo naman ang lahi namin sa magaganda lang kami nakikipagkaibigan at madaming babae kasi ang may gusto kay Nathalie." Sabi ni Kristine na nakangiti. "Eto na ang room mo, hintayin ka namin mamaya para sabay tayong mag snack." Sabi ni Nathalie na yumakap pa sa akin at hinalikan naman ako sa pisngi ni Kristine. "May bata na naligaw!" Sigaw ng isang babae na lumapit sa akin at tinignan ako mula sa aking paa pataas ng aking mukha. "Bakit ka nandito at bakit mo kasama ang mga Sandoval?" Masungit na tanong niya. "Dito ang room ko at kaibigan ko sila!" Masungit din na sagot ko." excuse me!" Sabi ko, iniwan ko siya at umupo sa bakante na upuan. Pag upo ko ay may humila sa king upuan kaya bumagsak ang pang upo ko sa sahig. Dinig ko ang malakas na tawanan nila. "Iiyak na yan!"Sigaw nila na pumapalakpak pa at nakataw "Pag kinakausap kita ay huwag na huwag mo akong tatalikuran!" Sabi niya sabay malakas na hinawakan ang mukha ko para mapataas ang ulo ko at mapatitig sa kanya. "Aizah, paparating na si Ma'am!" Sigaw ng ka klase ko na nasa pintuan. "Pasalamat kang unano ka! kabago bago mo pa lang ay pumapapel ka na!" Malakas na sabi niya sabay dumapo ang palad niya sa pisngi ko na parang tinapik lang niya. Alam kong namumula ang aking makinis na mukha, sa 12 na taon na inalagaan ako ng nasa paligid ko ay mapapahiya lang ako ng ganito. Nanliit ang aking mga mata at humanda siya. Pinatayo ko ang aking upuan na tinumba nila at tahimik akong umupo. "Iwasan mo si Aizah, iba kung magalit yan. Ako nga pala si Hazel." Bulong ng katabi ko. "Lovely." Maiksing sagot ko dahil nag iinit ang ulo ko. Kung iba siya magalit, pwes nagiging dragon ako kung ako ang mapuno ng galit. Sabi ko sa isip ko, buti at na set ko ng recording ang aking relo kanina. Sigurado na dinig at kita lahat ni Lolo ang nangyaring pananakit at pamamahiya sa akin. Pumasok ang guro namin at lahat kami ay tahimik. "Class may bago kayong ka klase, pwede bang ipakilala mo ang iyong sarili?" Nakangiting sabi ng guro na nakatingin sa akin. Tumayo ako at humarap sa kanila. Napatingin ako sa mga grupo na nagpahiya sa akin. Lahat sila ay nakangisi kaya ngumiti ako ng matamis para asarin sila. "I am Lovely Beltran." Maiksing pakilala ko, nag pakilala ang aming guro sa akin at pinaupo na ako. Siya daw ang adviser ko hanggang matapos ako sa Grade seven. Math ang subject na itinuro sa amin. Kahit hindi ako makinig ay madali lang sa akin at sumunod ay Science. Napalumbaba ako dahil kahit ang kapatid ko ay mamanihin ang lecture namin ngayon. I can't wait na uuwi ako sa bahay at pakinggan ang mga reklamo ng kapatid ko. Advanced kasi ang itinuturo sa amin lalo na at nakasubaybay pa si Mommy. Hindi na ako nag sulat dahil papagurin ko lang ang kamay ko sa dami ng explanations ng guro namin. Narinig ko ang bell at napatingin ako sa oras. Snack time na pala, talagang naninibago ako. Ganito pala ang mag aral sa paaralan. Sa palasyo kasi ay kahit nag tuturo ang guro ko ay allowed akong kumain. "Lovely sabay na tayo." Sabi ni Hazel sa akin na nakangiti. "Sige, puntahan natin sina Nathalie sa room nila hinihintay nila ako." "Huh, okay lang ba na sasama ako?" Tanong niya na ikinasalubong ng kilay ko. "Bakit naman?" "Mataray kasi si Kristine at isnabero si Nathalie. Kilala sila dito sa school tulad ni Aizah." "Tell me about Aizah?" "Mayaman ang pamilya nila kaya spoiled siya pero hindi niya pwedeng galawin ang mga Sandoval dahil mas mayaman sa kanila at General pa ang Daddy nila. Mayaman naman kami pero saktong yaman lang." Sabi niya na napatawa. "Ganun ba!" Sagot ko na napatingin kay Aizah na nakangisi. "Nag sama ang dalawang kulang sa height!" Malakas na sabi niya sabay tawa ng kanyang mga kasama. Hindi naman ganun kaliit ni Hazel na kagaya ko pero mas matangkad lang talaga sila. "Huwag mo silang pansinin, tara na." Bulong sa akin ni Hazel. Pero pag tayo namin ay itinulak nila si Hazel, nakita ko na hinampas niya ng kanyang bag ang tumulak sa kanya. "Wow, lumalaban ka narin. Eto ba ang pinag mamalaki mo ang unano na ito?" Natawang sambit ni Aizah. Itutulak din niya sana ako pero narinig ko ang boses ni Nathalie. "May problema ba?" Seryosong tanong ni Nathalie. "Hey, b*tch are you trying to hurt my sister?" Malakas na sabi ni Kristine sabay tulak kay Aizah. "Kapatid ninyo yang unano na yan?" malaks na sambit ni Aizah. "Huwag na huwag mong sasaktan ang Sister namin dahil malilintikan ka sa amin!" Sabi ni Nathalie at inakbayan na niya ako palabas sa room. Agad ko naman na kinuha ang kamay ni Hazel para sumama sa amin na nakayuko na parang hiyang-hiya sa dalawa. "Sino siya Sister?" Tanong ni Kristine. "Bagong kaibigan ko." Tinignan niya si Hazel na at sinuri ng mula ulo hanggang paa. "Well, pasado siya. Welcome Sis." Nakangiting sabi ni Kristine at niyakap pa si Hazel. Naiiling naman si Nathalie na nakatingin sa kambal niya. "Nasaan si Sander?" "Nauna na sa canteen kasama si HR." Sagot ni Nathalie. Napahinga ako ng malalim dahil hindi na talaga ako mahalaga sa kanya. Pagpasok namin sa canteen ay nakita ko agad si Sander na masayang nakikipag kwentuhan kay HR. Pangdalawahan lang ang mesa nila kaya humanap na kami ng bakante. "Anong gusto ninyong kainin ako na ang mag order?" Tanong ni Nathalie pero nakatingin naman sa isang magandang babae na nakapila. "Best friend siya ni Nathalie parang nag away sila." Bulong sa akin ni Kristine. "Hoy, order ninyo dali!" Sabi ni Nathalie na nag mamadali. "Sandwich nalang sa akin." Sagot ko, "Ako din" halos sabay na sabi ni Kristine at Hazel. Nang ilabas ko ang 500 pesos na ibinigay ni Mommy ay natawa lang si Nathalie at umalis na. "Bakit hindi niya kinuha ang bayad ko?" Tanong ko kay Kristine. "Sister naman, you are so funny." Sagot lang ni Kristine. Napatingin ako sa kinauupuan ni Sander, napa hinga ako ulit ng malalim dahil hindi man lang siya lumingon sa amin. "Ganyan talaga si Kuya Sander, kay HR siya laging sumasama pag nasa School dahil sa bahay ay mag kakasama na daw kami at nakakasuya ang aming pag mumukha." Natatawang sabi niya. Napatingin naman ako kay Hazel na pangiti-ngiti lang mukha siyang mahiyain. Ilang saglit ay dala na ni Nathalie ang mga order namin at may kasama pang drinks. Tubig ang kinuha ko na inumin dahil alam ko na safe ako. Hindi kasi ako basta basta uminum ng mga drinks na hindi ko alam kasi sumasakit ang aking tiyan. Pagkatapos naming kumain ay napatingin ako ulit sa mesa nina Sander wala na sila doon kaya dumeretso na kami sa kanya-kanya namin room. Buti nalang at kasama ko si Hazel na madaldal kung kami lang na dalawa. "Bakit ang daldal mo ngayun kanina ay napakatahimik mo?" Tanong ko na malapit na kami sa aming kwarto. "Nahihiya ako eh, alam mo ba crush ko ang pinsan nila na si Robi." Sambit niya na parang kinikilig. "Sinong Robi?" tanong ko dahil hindi ko iyon kilala. "Anak siya ni Tito Ramil at Tita Beverly. Kaibigan sila ng Parents ko pero nasa Canada sila ngayon at doon nag aaral si Robi." "Ewan ko saiyo." Natatawang sabi ko dahil hindi ko pa nakita si Robi kahit ang kakambal ni Ninang na Daddy ni Robi. Hindi ko pa siya nakita kaya wala akong idea sa sinasabi niya. "Well well well! nandito na pala ang dalawang unano na ito. Kung akala ninyo ay may magtatanggol na sa inyo ay nakakamali kayo." Bungad sa amin ni Aizah na kasama ulit ang mga grupo niya. Apat lang sila, kung gagamitin ko ang natutunan ko sa martial arts ay mapapatumba ko sila agad. Pero hindi ko gagawin iyon dahil sigurado ma guidance ako at ayaw ko iyon na mangyari. Mas maganda na lumaban ng pailalim. "Ano bang ginawa namin sa inyo?" Tanong ni Hazel na parang palaban din. "Hmm, wala naman parang masarap lang kayong pag laruan." Sagot ni Aizah na parang nag agree pa ang mga kasama niya at nag tawanan. Hinila ko na lang si Hazel ang kamay niya para hindi na siya sumagot pa at umupo na kami dahil dumating na ang teacher namin. Ako na lang ang babalik sa kanila na hindi nila alam. Nabasa ko ang mensahe sa akin ni Lolo kaninang kumakain kami. Nag umpisa na daw siya at didikdikin niya ang pamilya ng mga namahiya sa akin. Palihim ko kanina na idinikit sa balat ni Aizah ang maliit na tape na galing sa aking phone. Ito ay isang recorder and a tracker at lahat ng conversation nila ng makakausap niya ay madidinig ni Lolo. Makakatulong ito para mas makilala pa ni Lolo ang ibang kasamahan niya. That tape will last for a month, nabili daw ni Lolo sa isang unknown seller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD