Chapter1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning:
Bawal po sa bata lalo na ang mga 17-year-old pababa..may mga scenes at salita na para sa 18 pataas/matured content. Ito ay Romance, SPG, Comedy at LGBT. Kung hindi niyo cup of tea ay move on na lang po sa ibang novel.
Lovely (POV)
Habang nasa eroplano ako ay hindi ako mapakali, labas masok ako sa kwarto ko at laging pinupuntahan ang piloto ng lolo ko kung malapit na kami sa Pilipinas. Kapag ang sagot niya ay malayo pa ay napapasimangot ako na bumalik sa kwarto ko.
Bago kami umalis sa palasyo ni Lolo ay mahigpit na ipinag bilin niya na itago namin ang aming pag katao. Ayaw niyang lumaki kami na walang demokrasya at hindi makakalabas na walang takip sa mukha. Sa nasasakupan ng Lolo ko ay laging may takip ang aming mukha lalo na ang kapatid ko dahil kung malaman ng buong mundo sa siya ang papalit sa Lolo ko ay malalagay sa peligro ang kanyang buhay.
Bumalik ako sa aking higaan at kinuha ko ang larawan namin ni Sander sa aking pitaka at hinalikan ito " See you soon my Love!" Kinikilig ko na sambit dahil sa larawan namin ay mag kayakap kami pero ang totoo ang kwaento ng larawan namin ay ako ang unang umakap sa kanya at pinilit ko siyang yakapin din niya ako. Naganap ito bago kami umalis sa Pilipinas at katabi ko siyang natulog.
Napatitig ako sa mukha niya ang gwapo niya talaga at napaka red lips. Napakagat labi ako dahil sana ako ang maging first kiss niya. Kung may naunang babaeng nakahalik sa kanya ay isusumbong ko sa lolo ko. Ibinalik ko na ang larawan namin sa aking pitaka dahil may kumatok sabay binuksan.
"Love, okay ka lang ba?" Tanong ng Daddy ko na pumasok na.
"Okay lang ako Daddy, medyo na babagot lang. Ang tagal naman natin makarating sa Pilipinas." Sagot ko na napahiga sa aking kama.
"You can join us in our room or sa kapatid mo. Para hindi ka ma boring dito."
"No way Dad ang kulit ng kapatid ko at napaka sungit. Ayaw ko naman sa pumunta sa kwarto ninyo ni Mommy dahil napaka PDA ninyo."
"Okay fine, pag may kailangan ka ay kumatok ka lang sa kwarto namin." Sabi ni Daddy sa akin sabay hinalikan ako sa aking noo at umalis na. Napangiti ako dahil mahal na mahal talaga ako ni Daddy at Lolo. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay kahit na minsan ay tutol si Mommy.
Napatingin ako sa cell phone ko na pinalitan ni Lolo ng case lang. But inside of it is a very high-tech phone, gusto kasi ng Lolo ko na laging nakabantay sa aming mag-kapatid kaya kung ano-ano ang ikinabit ni Lolo sa aming mga phone.
"Hay! Seven hours." Busangot na sabi ko at nakumot nalang hanggang sa ako ay nakatulog.
"Love, anak gising!" Dinig ko ang boses ni Daddy kaya napabalikwas ako.
"Nasa Pilipinas na ba tayo Daddy?" Agad na tanong ko at inayos ang aking buhok.
"Hindi pa anak, pero you need to eat."
"Daddy naman eh! I don't want to eat." nakasimangot na sabi ko.
"Paano ka tatangkad niyan anak kung nalilipasan ka ng gutom."
"Oo na po kakain na." Sabi ko at binuksan ni Daddy ang pinto sabay pasok ng stewardes dala ang aking pagkain.
"Ilang oras pa Daddy?"
"Dalawa na lang anak, I have to check your brother. Eat well." Bilin ni Daddy at umalis na siya.
"Hay! dalawang oras pa! balik pakiramdam ko ay isang taon na kami sa eroplano."Bulaslas ko at napahinga ng malalim.
Mabagal akong kumain, Ewan ko ba hindi ako gutumin tulad ng kapatid ko. Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon pero halos mag kasing tangkad na kami.
Napatingin ako sa pagkain ko, masarap naman at paborito ko pa pero wala talaga akong gana. Bawat subo ka yata ay inaabot ng sampung minuto bago ako ulit kumutsara. Nakalipas ang higit sa isang oras ay nakalahati ko pa lang ang pagkain ko. Habang ngumunguya ay nag salita ang piloto.
"My Highness Princess Lovely, we would like to inform you that we are now landing. Thank you and good Day!"
Dahil sa narinig ko ay sunod-sunod na ang pagsubo ko sa aking pagkain. Ang kalahating plato ay naubos ko lang ng limang minuto.
"Oh my God! kailangan kong mag toothbrush and take a shower as well!"
Ramdam ko ang pagbaba ng eroplano kaya napakapit ako ng maigi sa banyo. Limang minuto lang ay tapos na ako, kasama ang pag linis ng aking ngipin. Napatingin ako sa salamin, maganda ang mukha ko kasama ang aking ngipin pero hay pandak talaga ako. Agad akong lumabas sa banyo at habang tumutunog pa ang eroplano na naka landing na ay pinapatuyo ko ang aking buhok.
Natapos na din ako at lumabas na sa aking kwarto. Ang mga magulang ko ay nakapag palit na rin ng damit. Simple lang, same sa brother ko. Kausap nila ngayon ang mga piloto at stewardes na nag papasalamat.
Yumakap naman ako sa paborito kong piloto na si Tito J.
"Matagal na naman tayong hindi mag kita tito." Nakangiting sabi ko
"I hope so dahil napakakulit mo." Sagot niya sa akin na ikinatawa ng mga magulang ko.
Lumabas na kami sa eroplano, nang malapit na kami sa maraming tao ay biglang nakipag hiwalay sa amin ang mga gwardiya ni Lolo. Napangiti ako dahil napaka sweet talaga ni Daddy sa Mommy ko.
"Hay! sana ganyan din kami ng Sander ko." Bulaslas ko na narinig ng aking kapatid.
"I always hear Sander in your mouth, nakaka rindi nang pakinggan Ate." Sabi niya kaya binitawan ko ang kamay niya.
"Fine, naririndi ka pala so hindi ko hahawakan ang kamay mo at mawala ka dito. Remember first time mo dito sa Pilipinas."
"Sorry na ate, please hold my hand again." Sabi niya na kinuha ang kamay ko. Joke ko lang naman iyon dahil ayoko ngang mawala ang love kong baby brother ko, kahit na masungit siya ay mahal na mahal ko pa din siya. Most of the time lang talaga ay magaling siyang mamilosopo at laging kino kontra ang sinasabi ko.
Pag labas namin ay agad naming nakita sina Lolo at Lola. Syempre ako ang paborito ni Lola kaya ako ang agad niyang niyakap. My Lolo hugged my brother.
Hawak ko ang kamay ni Lola na yumakap siya sa mga magulang ko.
"Ang ganda ng apo ko." Sambit ni Lola na tumingin sa aking mukha.
"Gwapo din ako Lola." Sabat ng kapatid ko kaya lumapit si Lola sa baby bother ko at hinalikan ang buo niyang mukha na ikinasimangot niya.
"Eww. Lola!" Reklamo ng kapatid ko. Habang yumakap na din ako kay Lolo.
"Hay naku mana ka talaga sa Daddy mo!" Sabi ni lola sa kapatid ko na nakangiti.
"Deretso ba kayo sa bahay ninyo o sa Mansion muna kayo?" Tanong ni Lolo.
"Lolo sa bahay kami uuwi." Sabat ko, nagkatinginan lang ang mga magulang ko at hindi tumutol. Kaya masaya akong sumakay sa sasakyan nina Lolo. Ang mga gamit namin ay nauna na dito sa Pilipinas kaya wala kaming bitbit kung hindi ang personal na belongins namin.
Napangiti akong tumingin sa labas, alas onse na ng umaga dito sa Pilipinas at sa ilang taon na wala kami ay may mga ipinag bago na rin ang traffic lang ang hindi. Nanibago tuloy ako dahil sa lugar ni Lolo ay makita lang nila ang king car ay lahat ng mga sasakyan ay pumagilid na parang dito sa pilipinas ay bombero o police car lang nila ito ginagawa.
Kung pwede lang lumipad ay ginawa ko na, napahinga ako ng malalim.
"What was that apo?" Tanong ni Lola na hinawakan ako sa braso.
"Ang bagal ng sasakyan Lola."
"Masasanay ka din apo." Sagot ng Lola ko na niyakap ako ng mahigpit na parang hindi kami nag kita ng ilang taon. Napatingin nalang ako sa labas ng sasakyan dahil kada buwan naman silang dumadalaw sa amin.
Makalipas ng ilang minuto ay parang pamilyar na sa aking ang nalalampasan namin.
"OH God Dad! are we close?" Excited na tanong ko kaya Daddy.
"Yes, Love." Maiksing sagot ni Daddy.
"Daddy pwedeng ibaba ninyo ako sa bahay ni Ninong?"
"Wait Love, I have to call your Ninong Natan first kung nasa bahay siya. Baka hindi ka pag buksan ng gate."
Nakangiti ako ng marinig ko ang boses ni Ninong, halos ka boses niya si Sander ko at nasa bahay lang daw siya dahil linggo naman ngayon. Ilang saglit at huminto ang sasakyan, agad akong bumaba at sumunod si Daddy. Ang Mommy naman ay mahimbing na natutulog. Hindi ba siya nakatulog sa eroplano? Tanong ko sa aking isipan.
Hinawakan ako sa kamay ni Daddy, paglapit namin sa gate ay si Ninong ang nag bukas. Agad nag batian at yakap silang dalawa.
"Ninong!" malakas na sabi ko.
"Lovely!" Nakangiting sambit niya na ibinaba ang kanyang katawan at niyakap niya ako.
"Ang ganda naman ng inaanak ko." Sabi niya na ikinasaya ng puso ko.
"Sana maganda rin ako ng paningin ng Sander ko." Sabi ng aking utak.
"Thank you, po Ninong. Si Sander po?" Agad na tanong ko at nag katinginan sila ni Daddy.
"Nanunuod sila ni Kristine ng movie, come inside siguradong masorpresa sila sa pagdating mo. Where is your bother?"
"Tulog po sila ni Mommy sa sasakyan Ninong." Sabi ko na hinawakan niya ako sa kamay at ang Daddy ko naman ay umalis na. Ang Ninong ko na raw ang mag hahatid sa akin kung gusto ko nang umuwi.
"Daddy dito na ako titira." Biro ko sa Daddy ko.
"No Love, malungkot ang bahay pag wala ka." Nakangiting sabi ng Daddy ko at lumabas na siya sa gate.
"Kumusta ang biyahe anak?" Tanong ni Ninong na binuksan ang pinto.
"Nakakabagot Ninong ang tagal ng biyahe."
"Saang bansa ba kayo nanirahan at ayaw sabihin ng Daddy mo?" Napakagat labi ako sa tanong ni Ninong kaya I played dumb.
"I think part of Europe but the language is different." Mixed up na sabi ko at napailing na lang si Ninong.
"Lovely!" Dinig ko sa pangalan ko.
"Ang maganda kong Ninanggg!" Sigaw ko na yumakap sa kanya agad.
"Ang maganda kong inaanak." Sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Let's surprise the kids." Sabi ni Ninong Natan at hawak nilang magkabilaan ang kamay ko. I feel like a kid talaga sa paraan ng paghawak niya sa akin.
"Wala si Nathalie nasa kaibigan niya at si Autumn naman ay sa Ninong niya kaya sina Kristine, Sander at Ang apat na sumunod sa kanila." Ihahatid ka lang namin sa Movie room at kailangan naming alagaan ang nakakabata nilang kapatid." Sabi ni Ninang na ikinagulat ko dahil may mas bata pa silang kapatid at apat ulit.
"Oh God, paano kung ganun din kadami ang maging anak namin ni Sander!" Sabi ko sabay tingin sa manipis ko na tiyan. Hindi ko namalayan na nasabi ko at medyo napalakas pa ang aking boses.
Nahihiya ako dahil biglang tumawa ng malakas si Ninang at Si Ninong ay pangitingiti lang.
"Nakakatuwa ka talagang bata ka, don't worry kung marami kayong maging anak ni Sander ay tutulungan ka namin. Expert na yata kami ng Ninong mo." Sagot ni Ninang at tuwang-tuwa naman ako sa aking narinig.
Pagbukas nila ng pinto ay lahat sila ay nakatingin sa screen.
"Guys, guess who is here!" Malakas na sabi ni Ninang na nakuha ang kanilang atensyon.
"Lovely!" Sigaw ni Kristine na agad lumapit sa akin. Napakagat labi ako dahil hanggang balikat lang niya ako at isang araw lang na mas matanda sa akin. Sumunod na lumapit ang apat na mas matanda lang ako ng halos tatlong taon sa kanila pero mas matangkad pa sila sa akin.
"Ate lovely." Lumapit ang apat na mag kakamukha sa akin at niyakap din ako. Buti at hindi nila ako nakalimutan kahit na almost six years din ako na wala. Nag pakilala sila sa kanilang mga pangalan, pero nakalimutan ko na ulit kung sino ang bawat isa sa kanila dahil identical silang apat.
"Iwan na muna namin si Lovely dito kayo na ang bahala." Sabi ni Ninong at lumabas na sila.
"Sander, lovely is here." Sambit ni Kristine. Tumayo naman siya at namangha ako dahil sobrang tangkad niya mas matangkad pa siya kay Kristine at nang lumapit siya ay hanggang kilikili niya lang ako. Yayakap sana ako sa kanya pero lumayo siya ng mahagya.
"Welcome Sis!" Sabi niya na naguluhan ako sa kanyang boses.
"S--Sander!" Mahinang bigkas ko.
"Call me Sandy." Mahinang bulong niya sa akin kaya napaisip ako.
"Oh No nooo, Noo." Sabi ko na naiiyak.
"Hey Kuya, pinapaiyak mo ba si Ate Love?" Tanong ng isa sa mga kambal.
"Noew, I'm nhot!" Sagot niya at nauna na siyang umupo. Ako ay nakatayo parin sa pag kagulat. Nakita ko na nerewind nila ang kanilang pinapanuod.
"Ate Love, come sit beside me." Sabi ulit ng isang kambal.
"Umupo nalang ako sa tabi ni Sannnder." Sagot ko at tumabi na ako sa crush ko na habang nanunuod ay naka lumbaba na ang hintuturo ay papitiktik pitik sa kanyang pisngi at naka dekwatro pa.
Nakatitig na lang ako sa kanya at naiiyak na naman.
"Hey, Sister manuod ka sa screen." Sabi niya na naramdaman siguro na siya ang aking pinapanuod. Hindi ako papayag na matutuluyan siyang maging Sandy. Ang gwapo ng crush ko to be a Sandy. I need to call Lolo for help. No no no no no!