Chapter 4

2325 Words
Harry (POV) "Baby dalhin ko lang ang mga damit ni Love sa bahay nina Natan." Paalam ko sa aking asawa na nag luluto ng agahan. I am so lucky dahil kahit ano ang katayuan ng asawa ko ay humble parin siya. Like now siya ang nag luluto habang ang kasambahay namin ay tulog pa. Napatingin ako sa orasan pasado alas sais na ng umaga. "Ok Love, baka pag balik mo ay wala na ako sa bahay dahil mag apply ako sa pagtuturo. Isasama ko si Jr." "Hintayin mo na lang kaya ako para ihatid kayo?" Tanong ko na niyakap siya mula sa kanyang likuran habang nag gigisa. "Huwag na love baka kung makilala ka pa ay matatanggap ako dahil sa iyo. Doon ko ipapasok si Jr. para laging kasabay ko." Sagot niya na pinatay na ang kanyang niluluto at humarap sa akin. "Seryoso ka Love sa public School mag aral si Jr.?" Tanong ko na hindi makapaniwala. "Yes Love, mas maganda na lumaki siya na maging kaibigan ang mga simpleng tao. Tignan mo ang panganay natin, masyado ninyong inispoiled ni Daddy." Napangiti naman ako sa sinabi ng asawa ko dahil totoo naman, I can't say no to my Lovely. Dahil siguro guilty ako na wala ako sa tabi mula ipinanganak siya hanggang umabot sa halos lima ang kanyang edad. "I have to go love baka gising na ang anak natin." Paalam ko at binigyan muna siya ng mainit na halik. "Stop it, Dad! Mom! nasa harapan ninyo ako!" Napatingin ako a Jr. ko na nakasimangot na umagang-umaga. Lumapit lang ako at ginulo ang kanyang buhok. Kuhang-kuha niya ang mukha ko noong ako ay bata. Umalis na ako sa bahay at ilang hakbang lang ay nasa harapan na ako ng gate nila. Nakilala naman ako ng mga guards nila kaya pinag buksan agad. "Sir pasok po!" Sabi ng guard na nakangiti, tumango lang ako at lumakad na papunta sa kanilang pintuan. Hindi pa ako ng bell ay bumukas na agad ang pinto, ang kaibigan ko ang nagbukas na buhat na bata. "What! naganak ulit si Summer?" Tanong ko na nakatingin sa bata na karga niya. "Yes, bud at apat ulit." Napamura ako sa aking narinig dahil kahit kambal ay wala ako, natawa lang siya. Sinabi sa akin ang kwartong tinulugan ng anak ko kaya umakyat sumakay ako ng elevator at huminto sa first floor. Nakita ko agad ang kwarto at pinihit ko ito. Hindi naman naka lock kaya pumasok ako. Agad na nakita ko ang aking anak na tulog. Pero napasalubong ang kilay ko dahil mukha siyang hubad dahil kita ko ang kanyang likuran. Napatingin ako sa paligid at napamura ako ng malakas dahil kwarto ito ni Sander. Did they sleep together? Dahil sa malakas ko na pag mura ay nagising ang anak ko. "Daddy" Sambit niya na antok pa. "Hey, love why you are naked?" Tanong ko na pinipigilan na magalit. "Si Sander Daddy hindi niya ako pinahiram ng damit niya, he wants me to borrow kay Kristine pero too late. Kaya hubad nalang ako natulog." Sagot ng anak ko at agad kong ibinigay sa kanya ang isang towel na nasa gilid. What's is wrong kay Sander, bakit hindi niya pinahiraman ang anak ko. Lahat ng nasagot sa aking katanungan ng lumabas si Sander galing banyo na pakendengkendeng pa. D*mn! Alam ba ito ng kaibigan ko. Nagpaalam na din ako sa kanya para makausap ang aking kaibigan. Nabigla ako sa aking nalaman, F*ck it means that my daughter is safe pero I know na masakit sa aking anak na tanggapin na ang crush niya na laging binabanggit sa palasyo ay katulad na niya. Lumabas ako dahil nasa labas ang kaibigan ko na pinapainitan ng sikat ng araw ang kanyang mga bunso. "Ehem!" Tikhim ko at lumapit sa kanya. "Kumusta ang tulog ng inaanak ko?" "Ok naman, nahulog daw sa kama pero hindi naman nasaktan. Malikot talaga siyang matulog." Sabi ko na maimtim siya tinignan, hindi ko alam kung paano ko itatanong ang aking nalaman. "Bakla ba si Sander." deretsong tanong ko na lang dahil hindi ako marunong mag paligoy-ligoy pa. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. "Do not get me wrong I am not against it or anything. Gusto ko lang malaman." Sabi ko at narinig ko na ang malalim na pag hinga niya bago nagsalita. "Nang umalis kayo ay naging malungkutin siya, I try to contact you pero wala kang reply even sa emails mo. Hindi ko alam kung nasaan ka kahit sana puntahan nalang kita kung nasaan ka man dahil naaawa ako sa anak ko na panganay. My Mom started to bring him sa house nila at kung ano-ano ang pinag gagawa. Now he is like that, F*ck Bud panganay ko siyang anak." "Okay lang ba saiyo?" Seryosong tanong ko. "I don't Bud dahil kung, pahihirapan ko ang aking anak para maging tunay siyang lalake ay magagalit si Mommy at Summer. Hayaan ko na lang daw ang anak namin kung saan siya masaya." Sagot niya ng napahinga siya ulit ng malalim, "T*angina lang napaka agang ma broken hearted ang anak ko." Hindi ko napigilan na nasabi ko at tumingin siya sa akin. Alam kong may plano siya dahil may nababasa ko sa kanyang mga mata. Sabay kaming lumaki at pareho ang likaw ng bituka namin. "I have to go, Bud, sasamahan ko pa si Lovely na mag enroll sa School nina Sander." Paalam ko at tinapik ang kanyang balikat. Pagpasok ko sa loob ay narinig ko na nag aasaran ang mga bata, habang kumakain. Lumapit ako sa kanila at habang sila ay napakaingay na kumakain. "Love anak, bilisan mo at samahan kitang mag pa enroll." "Sa School ba nina Sander Daddy." Mahinang sambit ng anak ko na halatang walang ganang kumain. "Yes, Love." Sagot ko. "Sige po Daddy, tara na po." "Tapos ka na bang kumain anak?" "Tapos na po Daddy." Sagot ng anak ko na walng kasigla sigla. "Ninong, kung sa School namin mag-aral si Ate Love ay ako po ang mag-aalaga sa kanya." Sambat ng isa sa mga Quads na mag kaka mukha. Lumapit ako sa kanya at nag pasalamat. Napatingin ako kay Sander, abala na tinitignan ang kanyang mga kuku. Nakita ko na pababa na rin si Summer, lumapit lang ako sa kanya at binati na rin. Tuluyan na kaming umalis sa kanilang bahay. I am trying to cheer up my daughter pero wala talaga. She is very talkative at sobrang napaka kulit niya like her Mom. Pero ngayon ay tahimik lang siya, para tuloy ako ang na broken-hearted. Nasasaktan ako na nakikita ang aking anak na ganito, ano man ang maging plano ng kaibigan ko ay tutulong ako. Lovely (POV) Pag alis namin sa bahay nina Sander ay hindi man niya ako pinansin ng paalis na. Kaya umalis na lang kami, I will still try my best to get his attention kaya sa School nila ako mag-aaral. Pagdating namin sa School ay malaki siya, ang sabi ni Daddy ay hanggang Grade 1 to Grade 12 na daw kaya malaki ang School. Paglabas namin sa kanyang sasakyan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Daddy, please akbayan mo nalang ako para naman hindi ako mag mukhang napakabata." Nakasimangot na sabi ko at nakangiti siyang inak bayan ako. "Dalaga na talaga ang Love ko." Malambing na sabi ng Daddy ko na ikinangiti ko naman. Pag pasok sa registration office ay agad nila kaming inasikaso, nawala ang ngiti ko dahil ang akala niya ay Grade 5 ako. Nakasimangot ako na sinabi na Grade 7 na, hindi pa sila makapaniwala at kailangan pa nilang i check lahat ng aking mga documento. Bilib talaga ako kay Lolo, kung anong school na lang ang pinalagay niya sa document transfer ko. Pwede naman nila akong ilagay na sa Grade 12 dahil matalino kaya ako. Sabi ko nalang sa isip ko na nakatitig sa kanila. Mabilis natapos ang lahat, kailangan ko lang mag paggawa ng sarili kong uniform dahil ang mga kasya sa akin para sa mga lower grades at iba ang kulay at disenyo. Sabi naman nila ay exempted ako sa pag susuot ng uniform hanggang sa matapos ang uniform ko. Pwede na raw akong pumasok susunod na araw. "Daddy, pwede bang makisabay ako sa sasakyan nila Ninong pag ihatid nila sa School sina Sander.?" Tanong ko na pauwi na kami sa bahay. "We will ask your Ninong okay, but I am sure na okay din sa kanya." Sagot ni Daddy na nakatingin sa daan. "Saan pa tayo pupunta Daddy?" Tanong ko dahil hindi daan pauwi ang tinataluntun ng sasakyan. "We will pick up your brother and Mom sa public School na pag tuturuan niya." "Dad, why do you let Mom to teach? You know she doesn't need to." "I know your Mom very well anak, kung saan siya masaya ay susuportahan ko siya. Even you and your brother. I will support you maliban nalang kung may batas kayo na malalabag, ibang usapan na iyon. "So hindi natin pwedeng kidnapin si Sander at dalhin sa Palasyo?" "Sorry but big No Love, I know pati Lolo mo ay agree sa akin." Ilang saglit ay nakarating na kami sa School na pag tuturuan ni Mommy. Napakaraming puno, hindi tulad ng School na pinag erollan ko na halos lahat ay building. Kung hindi lang kay Sander ay mas pipiliin ko dito. I love to see lots of green sa paligid ko. Parang sa garden sa Palasyo na maraming puno at bulaklak. Nakita ko na inilabas ni Daddy ang kanyang Phone at kausap si Mommy. Sinabi ni Daddy na nasa harapan na kami ng School at papalabas na rin sila. Napangiti ako dahil naka busangot ang kapatid ko na mag grade 1 na rin. Lumabas si Daddy at pinag buksan niya ng pinto sina Mommy. "Why your face like that?" Tanong ni Daddy sa kapatid na nagtataka at narinig ko ang pag tawa ni Mommy. "Daddy, walang aircon ang classroom how can study very well kung pinag papawisan ako!" Inis na sabi ng kapatid ko. Kung matalino ako ay mas matalino ang kapatid ko sa edad niyang mag anim ay ang utak niya ay pwede na sa higher grade kaya nararapat na siya ang mamahala sa Palasyo ni Lolo. Pwede na man daw na dalawa kami pero ayoko dahil mapapalayo ako kay Sander at isa pa baka kung ano-anong rules nalang ang ipapatupad ko. Pinipigilan ko na mapa halakhak dahil salubong talaga ang kilay niya. "Well, we can donate an aircon in your class. What do you think?" "Sinabi ko kay Mommy pero hindi daw pwede at dapat daw kung ano ang mayroon sa room namin ay igalang ko at pag tiisan." Hindi na naka pagsalita pa si Daddy dahil kung mag desisyon si Mommy ay siya naman ang natutupad. Takot lang ni Daddy kay Mommy kung magalit siya. Pagdating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo. Gusto ko sanang pumunta sa bahay nina Ninong pero, mailap si Sander. Kailangan kong pag planuhan ang aking gagawin para bumalik siya sa dati. Pero ano ang gagawin ko? Hinubad ko ang aking mga damit at pumasok na sa shower. How to be funny again? paano ko siya papatawanin tulad ng dati kung konting kibot ko lang ay kumukontra siya. Parang wala na akong ka amor amor sa kanya. Binilisan kong maligo at lumabas na sa banyo. Bukas ay wala pa kaming pasok kaya pwede pa akong makitulog sa bahay nila. Agad akong nag text kay Sander. Me: hi Sampung minuto na wala pa siyang reply. Tinuyo ko muna ang aking buhok habang hinihintay ang reply niya. Umilaw ang cellphone ko kaya agad kong tinignan. Mine: gagah! Napangiwi ako sa text niya. Me: Bakit ang sungit mo? Mine: Naiwan mo ang panty mo sa aking banyo come and get it. Me: OK, sleep over ako diyan ulit. Mine: Yes, you can sleep in my room but again do not touch anything. Matutulog ako sa bahay nina Lola and guess what? May mga bagong dating na dresses at ako ang unang mag try! Me: Ganun ba, pwedeng makitulog din doon? Reply ko na walang gana. Mine: I will ask Lola first. Me: Message mo na si Lola, wait ko ang text mo. Naka kain na ako ng pananghalian, naka pag laro na kami ng chess ng kapatid ko ay wala pa siyang text. Natalo tuloy ako ng kapatid ko sa chess ka titingin ko sa aking phone. Tuwang-tuwa ang kapatid ko dahil sa wakas ay tinalo niya ako, napailing na lang akong tumingin sa phone ko wala parin siyang message kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tinawagan siya. Sinagot naman niya agad. Mine: Hey Pandak! Me: Wala ka man lang bang magandang pambungad na magandang salita? Inis na sabi ko. Mine: Huwag kang magalit dahil totoo naman Sis, anyway my Lola told me na pwede kang makitulog sa kanila. Me: Talaga! okay, mag papaalam na ako kay Daddy. Sabay ba tayo pumunta sa bahay nina Lola? Mine: Yes, I will pick you up dahil ihahatid tayo ng driver namin. Get extra clothes! dahi baka mag swimming din tayo mamaya. I invited my best friend too at kasama natin siya na matulog sa bahay nina Lolo. Babus na Pandak! Napatingin ako sa aking phone at naiiyak. Masakit sa puso ko na may best friend na siya. Paano ako? Buti pa ang best friend niya siya mismo ang nag imbita while ako? kung hindi ko na sinabi ay wala lang. He is happy without me, while me? never been happy mula noong umalis ako. "Love, are you crying? Tanong sa akin ni Daddy. "May besfriend na si Sander Daddy, hindi na ako." Sumbong ko na hindi maiwasan na mapahagugul. Niyakap ako ni Daddy at binuhat papunta sa sofa. "Ang drama ni Ate." Dinig ko na sabi ng kapatid ko at tinignan ko siya ng masama. Kahit kailan talaga ay kontrabida siya sa buhay ko. Kung hindi ko lang siya mahal ay pinaiwan ko na siya sa palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD