Chapter 29 - Left

2119 Words

"ANAK." Napatayo si Mama mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita ako. Pansin ko pa ang hawak niyang phone. Nakaangat ito sa ere at nakatapat sa kanyang mukha. "Kausap ko ang ama mo, sa susunod na linggo ay makakauwi na raw siya rito sa Pilipinas," masaya niyang sabi. Pilit akong ngumiti nang marinig 'yon. Gusto kong maging masaya sa ibinalita niya sa akin. Dahil matapos nang ilang taon ay makakauwi na rin ang ama ko sa amin, kaso hindi ko magawa. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang sakit at lungkot na nararamdaman. Huminga ako nang malalim at pilit na umakto sa harapan niya. "Talaga po?" "Oo. Tara dito at nang makausap mo siya." Tumango ako at lumapit na sa kanya. At kahit mabigat ang loob, pilit kong nakipag-usap nang maayos sa ama at hindi ipinahalata sa kanya ang totoong nararamda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD