NAPAHAGOD ako sa sariling buhok at nanghihinang inalis ang phone ko mula sa tainga. Malalim akong napabuntong hininga dahil sa pamomoblema. Ilang segundo rin akong nanatili sa ganoong posisyon bago muling ibinalik ang atensiyon sa phone. For the nth time, I tried to call Castiel but he is still not answering his phone. "Anak..." Bumaling ako kay Mama. Tumambad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. "Ma, hindi pa rin siya sumasagot," parang naiiyak ko nang sabi. Napabuntong hininga siya. "Baka abala lang si Castiel. Malamang ngayon ay inaasikaso na niya ang burol ng lola niya." Hindi ko nagawang makaimik sa sinabi niya. Bumagsak ang mga balikat ko at napayuko nang maalala ang pakiusap sa akin ni Castiel. Simula nang huli niya akong tawagan at p*****n ng tawag ay hindi na muli siya nagp