bc

Montealegre Series 6: His Only Desire

book_age16+
1.9K
FOLLOW
8.9K
READ
billionaire
fated
second chance
arrogant
independent
band
sweet
first love
actress
passionate
like
intro-logo
Blurb

Montealegre Series #6

Bata pa lang si Valerie Leostre ay mataas na ang pangarap niya sa buhay. Kaya todo ang pagsusumikap niya para maging isang sikat na artista balang araw.

Pero nang makilala niya si Castiel Rivera ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Naging isa na rin sa mga hinahangad niya ang binata. Ngunit paano kung maipit siya sa isang sitwasyon kung saan ay kailangan niyang mamili sa dalawa? Ang pangarap niya ba o ang pagmamahal sa binata?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Aces
“CHEERS!” sabay-sabay naming sabi na magkakaibigan nang pagtagpuin ang aming mga baso. Dinala ko ang wine glass sa aking bibig at sumimsim nang kaunti. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Nang mailapag ang baso sa lamesa na nasa aking harapan ay iginala ko ang paningin sa paligid ng bar. Hindi pa masyadong malalim ang gabi kung kaya’y katamtaman pa lang ang dami ng mga tao sa paligid. Sumandal ako sa kinauupuan at dinama ang masarap na pakiramdam na dala ng maingay na musika sa paligid. Para bang ang lahat ng stress ko sa mga nagdaang araw ay biglang naglaho. That’s why I like to hang out with my friends. They are my stress reliever. “Hey, Valerie.” Mabilis akong bumaling kay Bea nang marinig ang pagtawag niya sa akin. Tanging pagtaas lang ng isang kilay ang ginawa kong tugon sa kanya. “Bakit tahimik ka lang diyan? Huwag mong sabihing iniisip mo na naman ang trabaho mo?” Nagkasalubong ang kilay ko sa narinig. Nang tingnan ko silang dalawa ni Avah ay roon ko pa lang natantong pareho silang nakatingin sa akin. “Hindi, ‘no!” mabilis kong tanggi at humalukipkip. “Ine-enjoy ko lang ang musika sa paligid kaya tahimik ako.” “That’s good. Kasi nandito tayo ngayong gabi para magsaya, kaya hangga’t maaari ay kalimutan muna natin ang mga problema natin,” sambit naman ni Avah at nakangising inangat ang baso niya sa ere. “Cheers?” Bahagya na lang akong tumango bago kinuha ang baso ko para makisali sa kanila, ngunit hindi pa man nagkakatagpo ang mga baso namin nang matigilan sila. Kunot-noo akong bumaling sa tinitingnan ng dalawang kaibigan at mas lalong naguluhan nang makakita ng apat na lalaki na naglalakad pa-akyat sa stage. Halos lahat sila ay nakaitim na t-shirt, ngunit may isang lalaki ang naiiba sa kanila. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at ng itim na leather jacket. Bumagay ito sa itim niyang pants na may disenyo pang kadena sa harapan papalibot sa baywang ng lalaki. “Oh my God! Oh my God!” Bumalik ang atensiyon ko sa mga kaibigan nang tila nag-iisteriko sila. Sa aming tatlo, tila ako lang ang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari. Mas lalong bumakas sa akin ang pagkagulo nang maghampasan sina Bea at Avah sa harapan ko na tila nangingisay sa kilig. Naguguluhan akong sumulyap ng tingin sa stage at ngayon ay nagse-set-up na ang apat na lalaki roon. “Anong meron sa kanila?” Baling ko sa dalawang kaibigan na tila biglang nawala sa katinuan. Kumikinang ang mga mata nila nang tingnan ako. “Natatandaan mo ba noong mag-bar kami last week at hindi ka nakasama?” tanong ni Bea. Kahit na naguguluhan ay tumango ako. “Inaya kami ng isang kaibigan ko sa bar na ‘to, at saktong nang gabing ‘yon ay may tumutugtog na banda. Sila ‘yon. Ang gagwapo nila, ‘di ba?” Kahit papaano ay bahagya akong nalinawan sa naging paliwanag ni Bea. Kaya pala sa ibang bar nila ako inaya ngayong gabi ay dahil may gwapo silang sinisilayan. Gaya ng mga kaibigan ko ay muli ko nang itinuon ang atensiyon sa taas ng stage. Halos lahat silang apat ay may itsura, ngunit may isa talaga ang namumukod-tangi sa kanilang apat. Ang lalaking nakapulang t-shirt. Hindi nalalayo sa stage ang lamesang inuukupa naming magkakaibigan kung kaya’y kitang-kita namin ang bandang nasa itaas ng stage. Ilang saglit pa nilang inayos ang mga instrumento roon bago umayos na. Pumuwesto ang isang lalaki sa gitna na sa tingin ko ay ang vocalist nila. Ang dalawang lalaking nasa gilid niya ay may hawak na gitara. Kung hindi ako nagkakamali, electric guitar ang isa roon. Ang lalaking nakapulang t-shirt naman ay pumuwesto sa bandang likuran nila kung nasaan ang drum. Biglang namatay ang maingay na musika sa paligid kung kaya ang lahat ng atensiyon ng tao ay nasa sa kanila na ngayon. “Hello, everyone,” bati ng lalaking nasa gitna ng stage, ang vocalist. Umingay ang paligid dahil sa ginawa niyang simpleng pagbati. Nagtilian ang halos lahat ng kababaihan na nandito sa bar ngayong gabi. Kasama na roon ang dalawa kong kaibigan na kulang na lang ay mapatid na ang litid sa leeg nila. Isang pamatay na ngiti ang iginawad niya sa mga nanonood bago bumaling sa mga kasama niya. Sinenyasan niya ang mga ito dahilan para tumango sila. Nang magsimula na silang tumugtog, sa intro pa lang ng kanta ay muling nagtilian ang mga babaeng nanonood sa kanila. Pakiramdam ko ay ako lang yata ang hindi nakikisali sa tilian. Seryoso lang ako habang pinapanood sila. Nang bumuka na ang bibig ng vocalist para kumanta ay natanto ko agad na hindi lang sila sa itsura may ibubuga. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit bigla na lang umingay ang paligid dahil sa presensiya nila. Habang abalang tumutugtog ang banda sa itaas ng stage ay natagpuan ko na lang ang mga mata kong nakatuon sa isang lalaki, sa drummer ng banda. Palihim akong humahanga sa nakikita sa kanya ngayon. Seryoso man ang mukha ngunit ang ulo niya ay sumasabay sa beat ng musika. Marahan itong gumagalaw habang patuloy siya sa paghampas sa drum. Minsan pa ay pumipikit na tila dinadama ang musika. I even saw him biting his lower lip while hitting the drums in front of him. Mariin akong napalunok nang may matanto. He… he looks so sexy! Tatlong kanta ang tinugtog ng banda bago bumaba na ng stage, at lahat ng ‘yon ay puro rock song. Kaya ang tahimik na bar kanina ay biglang nabuhay. “Ang gwapo talaga nila!” tili ni Bea habang pinapanood ang banda na ngayon ay bumababa pa rin sa stage. Pilit akong nag-iwas ng tingin sa kanila at umayos ng upo sa puwesto ko. Wala sa sarili kong tinungga ang basong hawak ko. “Anong masasabi mo, Valerie? Ang gwapo nila, ‘di ba?” Bigla akong nasamid sa iniinom na alak dahil sa biglaan nilang pagbaling sa akin. Kumunot ang noo nila sa inakto ko. Nailapag ko ang baso sa lamesa at mahinang umubo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko at kung bakit bigla na lang akong nagkakaganito. Wala namang mali sa tanong ng kaibigan. Nang mapansin kong nakatuon pa rin ang atensiyon nila sa akin ay mahina akong tumawa at tumango. “Oo, gwapo nga sila,” nahihiya ko pang sabi. “Ang pinakagwapo sa kanila ay ‘yong vocalist, si Seth.” “’Yong drummer kaya nila.” Sa naririnig na pag-uusap ng dalawa ay bigla na lang umapaw ang kuryusidad ko lalo na nang marinig ang tungkol sa drummer. “Sino ba ‘yong drummer nila?” Natigilan ang dalawa sa naging tanong ko. Nagkatinginan sila at nang muling ibalik ang mga mata sa akin ay may nanunukso na silang ngiti sa labi. “Curious ka?” nanunudyong tanong ni Bea. Umiwas ako ng tingin at dahan-dahan na tumango. Bahagya akong napapikit at napatakip sa tainga ko nang bigla na lang silang tumili. Mabuti na lang ay may musika na muli sa paligid kaya kahit papaano ay hindi masyadong nakaagaw ng pansin ang pagtili nila. “Ang tahimik mo lang kanina, ‘yon pala ay may tina-target ka na!” “Ang malupit pa, ang drummer ng banda ang target mo.” Ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi dahil sa mga panunukso nila. “Curious lang talaga ako, wala nang ibang rason pa,” pagtatanggol ko sa sarili. Humalukipkip ang dalawa sa harapan ko at pinagtaasan lang ako ng kilay. Nasa labi pa rin nila ang mapanuksong ngiti. Malalim akong nagbuga ng hininga nang matantong hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. “Si Castiel Rivera ‘yong drummer ng banda.” Sumeryoso ako nang marinig ang sinabi ni Avah. Seryoso na rin sila ngayon ni Bea hindi gaya kanina. Kinagat ko ang ibabang labi at bumaling sa ibaba ng stage. Naroroon pa rin ang banda na tumugtog kanina at ngayon ay nakikisalamuha na sa mga costumer na lumapit sa kanila. Sumimangot nang kaunti ang mukha ko nang mapansing may mga babae ang nakapaligid sa tinutukoy nilang Castiel Rivera. “Malamang ay mga babaero sila at mga loko-loko,” bigla ko na lang nasabi. “Diyan ka nagkakamali.” Kunot-noong bumaling ako kay Bea. “What do you mean?” “Hindi lahat ng banda ay ganiyan, Valerie. Alam mo ba? Lahat ng miyembro ng Aces ay matitinong lalaki.” “Aces?” “’Yon ang pangalan ng banda nila. Pinagsasama-sama nila ang pangalan nilang apat; Andrew, Castiel, Ethan at Seth.” “Wow, girl. Ang dami mong alam tungkol sa kanila,” biglang singit ni Avah. Tumawa si Bea. “Kilala kasi sila ng friend kong nagdala sa akin dito, kaya naisipan kong magtanong na rin sa kanya.” Tanging ngisi na lang ang tinugon ni Avah sa kanya na halatang nang-aasar pa rin. Napairap si Bea bago muling bumaling sa akin. “Ayon sa kaibigan ko, mga matitino ‘yang apat. Focus sa trabaho at pag-aaral, lalo na ‘yang si Castiel Rivera.” Muli na naman niyang nakuha ang buong atensiyon ko dahil sa binanggit niyang pangalan. Pakiramdam ko ay kapag tungkol sa Castiel Rivera na ‘yon ang usapan ay hindi ako mapakali. “Bakit? What’s special about him?” tanong ko nang mabitin sa mga sinasabi niya. Ngumisi siya bago nagsalita. “Nasa Dean’s Lister lang naman si Castiel Rivera. Nakakuha rin siya ng scholarship sa unibersidad na pinapasukan niya ngayon.” Ang kaninang paghanga ko sa drummer ng banda ay mas lalong lumala sa narinig ko ngayon. Hindi ko inaasahan ‘yon. Hindi naman sa pagiging judgemental, pero kapag isang banda ang pinag-uusapan ay laging iniisip ng karamihan na puro loko-loko ang miyembro nito. Minsan pa nga ay pinaparatangan sila na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya ang marinig mula kay Bea na matitino pala ang apat na ‘yon ay nakakahanga. Nang maging abala na muli ang dalawang kaibigan ko sa pag-uusap nila na tungkol pa rin sa Aces ay pasimple akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Tumuon ang mga mata ko sa banda na ngayon ay inuukupa na ang lamesang hindi nalalayo sa puwesto namin na magkakaibigan. Sa apat na lalaking naggagwapuhan, natagpuan ko na lang ang mga matang nakatutok sa drummer ng banda. Kahit bahagyang madilim ang paligid ng bar ay tila may ilaw ang nakapalibot sa kanya kung kaya siguradong makukuha niya pa rin ang atensiyon nino man… at kasama na roon ang atensiyon ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
90.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook