Chapter 6 - Mami

1657 Words
UNTI-UNTING nawala ang mga tao sa table namin nang magsialisan ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Castiel. Pare-pareho silang nagkaayaan na magtungo sa dance floor para magsayaw roon. Matapos na sumimsim ng alak sa baso ko ay pasimple akong sumulyap ng tingin kay Castiel. 'Di tulad ng mga kaibigan niya ay nananatili lang siya sa kinauupuan niya. Paminsan-minsan ay umiinom din ng alak sa baso niya. "Are you not going to join them?" pagbubukas ko ng usapan sa pagitan namin kahit na sa totoo lang ay naiilang akong gawin 'yon. Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Marahan siyang umiling. "I don't want to dance." Sumandal siya sa kinauupuan niya at ibinigay ang buong atensiyon sa akin. "How about you? Are you going to stay here with me?" Bahagya akong nabigla sa tanong niya. Para bang iba ang dating nito sa akin. Pero kalaunan ay dahan-dahan akong napatango. "I also don't want to dance..." halos pabulong ko nang sabi at mabilis na nagbaba ng tingin. Nahihiya akong mahalata niyang crush ko siya. Muling nabalot ng katahimikan ang lamesa namin. Pareho pa kaming nagkaka-ilangan kahit na ilang araw nang magka-textmate. Siguro ay dahil hindi naman talaga kami nagkakasama sa personal. Nang mabagot, naisipan kong ilabas na lang ang phone ko para kalikutin ito. Kumunot ang noo ko nang bigla na lang may mensahe ang dumating galing kay Castiel. From Castiel Rivera: Are you bored? Napatingin ako sa gawi niya, naguguluhan kung bakit kailangan niya pang magpadala ng mensahe sa akin kung halos magkaharap lang naman kami. Kaso naabutan ko lang siyang nakatutok ang mga mata sa phone niya. Nagbalik na ako ng atensiyon sa phone ko para magtipa. To Castiel Rivera: A little. From Castiel Rivera: Then, do you want to come with me? Napalunok ako sa nabasa. Hindi na ako nakatiis at muli siyang tiningnan. "Where are we going?" Mukhang nabigla siya. Hindi siguro inaasahan na magtatanong na ako sa kanya sa personal. Pero mabilis naman siyang nakabawi at inayos ang sarili sa harapan ko. "I'm going to eat outside," sabi niya. "You can come with me if you want..." Saglit akong natahimik at napaisip sa sinabi niya, pero sa huli ay natagpuan ko na lang ang sariling tumango bilang pagpayag sa alok niya. Pareho na kaming tumayo mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa labas ng bar. Halos magkasabay lang kami sa paglalakad, pero may kakaunting distansiya ang namamagitan sa amin. "Oh. I forgot to ask something," biglang sabi ni Castiel habang naglalakad pa rin kami. Sumulyap ako ng tingin sa kanya. "What is it?" "Kumakain ka ba ng lugaw o mami? Ganoong klaseng kainan sana ang pupuntahan natin." Hindi ko alam kung bakit, pero marahan akong natawa sa naging tanong niya. "Of course! Kumakain ako ng gano'ng pagkain. And mami pares is my favorite!" Nabakasan ng pagkamangha ang mukha niya. "Really?" Sunod-sunod akong tumango. "Oo." "Wala sa itsura mo." Bumakas ang pagtataka sa akin sa narinig na 'yon. "What do you mean?" Inalis niya ang tingin sa akin at marahan na nagkibit-balikat. "Mukha kang sosyal. Kaya 'di ko inaasahang kumakain ka ng mga ganoong klaseng pagkain." 'Di ko alam kung mao-offend ba ako sa sinabi niya o mahihiya. Kinagat ko ang labi. "I'm not like that..." "I see." Matapos noon ay natahimik na kami. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. At dahil siya ang may alam ng kainan na pupuntahan namin ay nakasunod lang ako sa kanya. Ilang sandali pa ay tuluyan na kaming nakarating doon. Agad pang binati ng mga tindero ang lalaking kasama ko nang makita ito. Mukhang magkakakilala sila. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Castiel sa akin nang makaupo na kami. Inalis ko ang atensiyon sa kanya para tingnan ang menu sa pader. "Mami na lang." "'Yon lang ba?" "Oo." Muli na akong napatingin sa kanya nang tumayo siya mula sa kinauupuan niya para sabihin na sa tindero ang order namin. At habang naroroon siya at kausap ang tindero ay hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Kahit nakatayo lang siya roon at nakikipag-usap, kakaiba pa rin ang dating niya. He's so manly. Kahit ang tindig niya ay tila nagsusumigaw ng pagiging maawtoridad. Angat na angat sa iba. Siya ang tipo ng taong kahit nasa malayo ay kukuhanin pa rin ang atensiyon mo. Kahit nga wala siyang gawin at nakatayo lang, siguradong pagtitinginan pa rin siya. Pilit akong nagbawi ng tingin sa kanya nang mapansing tapos na siyang makipag-usap sa tindero at ngayon ay pabalik na sa lamesa namin. Nang nasa harapan ko na siya ay pilit akong umaktong natural. "Ayos ka lang?" Umangat ang tingin ko sa kanya at maliit na ngumiti. "Yes." Napatango siya sa sinabi ko at bumalik sa kinauupuan niya. At dahil hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang hiya sa pagitan namin ay nanatili na lang akong tahimik sa kinauupuan hanggang sa dumating na ang order namin. "Thank you, Van," pagpapasalamat ni Castiel sa lalaking naghatid ng pagkain namin sa lamesa. Ngumiti ito. "Wala 'yon." Bumaling ito sa akin bago nagbalik ng atensiyon kay Castiel. "Girlfriend mo?" Pareho kaming natigilan ni Castiel sa naging tanong ng lalaki. Pilit na tumawa ni Castiel para mabawasan ang nakaka-ilang na tensiyon sa pagitan namin. "Hindi... kaibigan ko lang." Napatango-tango ang lalaki at ngumiti nang may laman, tila hindi naniniwala sa sinabi ni Castiel. "Sige. Iwan ko na kayo." Tila mas lumala ang hiyaan sa pagitan namin ni Castiel nang tuluyang maiwanan kaming dalawa sa lamesa namin. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa pagkain ko. Nagpatuloy ang katahimikan sa pagitan namin. Dahil tulad ko, sa pagkain lang din nakatuon ang atensiyon niya. "Madalas ka ba rito?" biglang tanong ko para maiba ang tensiyon sa pagitan namin. Parang hindi ko na 'yon kayang tagalan. Nakuha ko ang atensiyon niya. Tumango siya. "Dito kami madalas na kumain ng mga kaibigan ko." "Kaya pala parang magkakilala kayo ng lalaki kanina." Hindi na nadugtungan ang usapan naming 'yon. Natahimik na kami hanggang sa matapos sa pagkain. Maglalabas pa lang sana ako ng pera para pambayad sa kinain ko nang si Castiel na ang magbayad nito lahat. Nabibigla akong tumingin sa kanya. "Ako na ang bahalang magbayad ng sa akin," sabi ko. Umiling siya. "Hindi na. Ako naman ang nag-aya sa 'yo rito." "Pero nakakahiya naman—" "Nako, Miss. Hayaan mo na si Castiel na ilibre ka. Alam mo bang kapag nangyari 'yon ay ikaw ang kauna-unahang babaeng inilibre niya rito sa kainan namin?" biglang singit ng lalaking tinatawag na Van ni Castiel. Naririto lang kasi ito sa gilid namin para kunin ang bayad. May hindi makapaniwalang ekspresiyon sa mukha ko nang tumingin sa kanya. "Talaga?" Tila nabakasan ng kaunting saya ang boses ko. Gusto ko tuloy mahiya para sa sarili. Bakit tila tuwang-tuwa ako dahil lang sa nalamang 'yon? Tumango-tango ito at ngumiti pa sa akin. "Kaya nga inisip kong girlfriend ka niya kanina. Ikaw lang kasi ang babaeng dinala niya rito." "Van, tama na," suway ni Castiel sa kanya. Pinipigilan na magsabi pa ng kung ano. Tumawa lang ito. Bumaling na sa akin si Castiel at tila nag-aaya nang umalis. Tumango ako at tumayo na sa kinauupuan. Nagpasalamat pa ako kay Van bago kami tuluyang umalis doon. At habang naglalakad pabalik sa bar ay pasimple akong sumulyap ng tingin kay Castiel. Kumuyom ang kamao ko at malalim na humugot ng hininga, tila roon kumukuha ng lakas ng loob sa balak na gawin. "Libre ka na ba bukas?" tanong ko. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa niya bago sumulyap na rin ng tingin sa akin. "Hindi ko lang sigurado. May trabaho pa kasi ako bukas." "Talaga? Ano?" "Ume-extra ako sa isang restaurant bilang waiter." Napatango-tango ako nang may paghanga. "May trabaho ka na sa gabi, may trabaho ka pa sa umaga." Bahagya akong natigilan at nagbaba ng tingin sa nilalakaran namin. "Masyado ka palang busy. Paano na lang ako babawi sa ginawa mo sa akin noon? Kahit kanina, ikaw rin ang nanlibre sa akin." "You don't have to repay me." Napalabi ako. "But I want to..." Natahimik kami sa sinabi ko. At ang katahimikan na 'yon ay nanatili sa pagitan namin hanggang sa makabalik na sa bar. Malapit pa lang kami sa entrance ay napansin ko na ang pagtigil ni Castiel sa paglalakad. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa ginawa niya. "Valerie," seryoso niyang tawag sa pangalan ko. Tumigil na rin ako sa paglalakad. "Ba...bakit?" "Puwede ka ba bukas?" Natigilan ako sa kinatatayuan sa narinig. "Ano?" Nakita ko ang ginawa niyang paghimas sa batok niya. Kung pagmamasdan siya ngayon ay tila ba nahihiya siya. "Nakalimutan kong wala akong pasok bukas. Kaya..." Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Naintindihan agad siya. "Sure," sabi ko kahit 'di pa siya tapos sa sinasabi. Matamis akong ngumiti sa harapan niya. "Tara na? Balik na tayo sa loob. Baka hinahanap na nila tayo." Marahan na lang siyang napatango sa naging anyaya ko. Naglakad na muli kami para tuluyan nang pumasok sa loob ng bar. Nang makabalik sa inuukupa naming lamesa ay naabutan namin doon ang mga kasama namin. Ang mga kaibigan ko, kakaiba agad ang tingin na ipinukol sa amin ni Castiel nang makitang magkasama kami nito. Wala akong magawa kundi ang matawa at mapailing na lang. "Saan kayo nagpunta ni Castiel?" Iyon agad ang tanong ni Bea nang maiwan kami nina Avah at Gwen sa table. Saglit kasing nagpaalam ang Aces para kausapin ang manager ng bar. Mayamaya lang kasi ay uuwi na sila. "Diyan lang sa tabi-tabi." "Ikaw, ha! Nawala lang kami saglit ay may ginawa ka na agad kay Castiel." Natawa ako sa panunukso niya. "Ano ka ba? Wala akong ginagawa, 'no." "Asus," aniya at naniningkit ang mga matang na tiningnan ako. Puno 'yon ng panunukso. Napailing na lang ako at inalis na ang atensiyon sa kanya. Kinuha ko ang baso. Sisimsimin ko na sana ang laman nito nang maalala ang nangyari kanina. Bahagya akong napangiti. I have to go home now. May... may lakad pa kami ni Castiel bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD