"MAG-IINGAT kayo," bilin ni Mama.
Tatlo kami nina Avah at Bea na tumango.
"Yes po, Tita."
"Hindi rin po kami magpapagabi."
"Sige, Ma. Alis na po kami."
Matapos ng pamamaalam sa isa't isa ay tuluyan na kaming lumabas ng bahay. Sinadya pa ako ng dalawa para sabay-sabay kaming magtungo sa The Bar ngayong gabi.
Nang nakasakay na sa jeep ay inilabas ko ang phone ko. Napangiti ako nang may makitang mensahe para sa akin.
From Castiel Rivera:
Yes. May gig kami ngayong gabi. Why do you ask?
I bit my lower lip and started to type a message for him.
To Castiel Rivera:
Really? That's nice. My friends and I will go there tonight. I'll watch your gig then!
"Valerie!"
Mabilis kong pinatay ang screen ng phone ko nang subukang sumilip ni Bea. Naningkit ang mga mata niya sa ginawa ko.
"Are you texting with someone?"
Tumango ako.
"Sino 'yan at ganyan ka na lang makangiti?"
Napatingin ako sa tabi ko nang mapansing kahit si Avah ay nasa sa akin na ang atensiyon. Parehong mababakas sa mukha nila ang pagiging kuryusidad.
Pilit akong tumawa. "Wala, 'no. Si Mama lang. Nagbibilin sa akin."
Tumaas ang kilay nilang dalawa. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Ano ba kayo, girls? Si Mama lang talaga," pangungumbinsi ko pa sa kanila.
Pare-pareho kaming natahimik at nagsukatan lang ng tingin. Pero sa huli, napabuntong hininga na lang sila.
"Fine. Ang weird mo lang kasi. Bigla ka na lang ngumingiti habang hawak ang phone mo."
Hindi ko na lang inimik ang sinabing 'yon ni Bea at umiwas na ng tingin sa kanila ni Avah. Tuluyan na rin nawala roon ang atensiyon naming tatlo nang mapansing nakarating na sa destinasyon namin ang jeep.
Pumara na kami at bumaba. At mula pa lang sa pinagbabaan sa amin ng jeep ay tanaw na namin mula rito ang The Bar.
Nang makapasok doon ay dumeretso kaming tatlo sa counter at nag-order ng maiinom. Napagpasyahan kong light drink lang ang sa akin. Hindi gaya nina Bea at Avah ay wala akong balak na magpakalasing.
Dahil maaga pa at hindi pa tumutugtog ang bandang Aces, nagkaayaan kami ng mga kaibigan ko na tumambay sa dance floor. Naging magulo na rin ang paligid nang makakita kami ng mga kakilala. Halos lahat kasi ng taga-University namin ay rito rin tumatambay.
Nang makahanap ng tiyempo ay humiwalay ako sa mga kaibigan ko at bumalik sa inuukupa naming lamesa. Inilabas ko ang phone ko para tingnan kung may mensahe ba para sa akin. Napaseryoso ako nang may makitang isa.
From Castiel Rivera:
See you later!
Napalabi ako at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko pa rin napapansin sa paligid ang banda ni Castiel. Palalim na ang gabi.
To Castiel Rivera:
We're already here and just waiting for your performance. Goodluck!
Inilapag ko na ang phone sa ibabaw ng lamesa at dinampot ang baso ko. Marahan kong sinimsim ang laman nitong alak.
Tahimik lang akong nag-iinom at mag-isa roon nang mapansing may dumating na mga lalaki sa loob ng bar. Kapansin-pansin sila dahil halos lahat ng nadadaanan nila ay binabati sila.
Nakaramdam ako ng kung anong kaba nang matanaw ang pamilyar na mga mukha ng Aces. Saglit ko silang pinasadahan ng tingin bago nagtuon ng atensiyon sa drummer nila. Kapansin-pansin ang paglinga nito sa paligid, tila may hinahanap. Nabigla naman ako nang magkatagpo ang mga mata namin nang dumapo sa kinaroroonan ko ang tingin niya.
Tila biglang nablangko ang utak ko habang nakikipagpalitan ng tingin sa kanya. May kakaiba akong nararamdaman. Para bang nakakapanghina ang tingin niya.
Tila lumundag ang puso ko sa loob ng dibdib ko nang kahit nasa malayo pa si Castiel ay nakita ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya. Hindi ko malaman kung gagantihan ko ba 'yon o hindi.
Sa huli, wala akong nagawa kundi ang manigas sa kinauupuan. Nawala na rin ang atensiyon sa akin ni Castiel nang kausapin siya ng mga kaibigan niya at naglakad na patungo kung saan.
Bumaba ang tingin ko sa mga hita ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Did he just smile at me?
Ibinalik ko na ang sarili sa normal nang bumalik na ang mga kaibigan ko sa inuukupa naming lamesa. Magsisimula na kasi ang peformance ng Aces kaya halos lahat ng tao ngayong gabi ay bumalik na sa kanya-kanya nilang lamesa para panoorin ito.
Seryoso ang mga mata kong tumuon sa stage nang umakyat na roon ang apat na lalaki. Masasabi kong eksperto na sila pagdating sa ganito. Kahit ang pagbibigay ng aliw sa mga nanonood sa kanila ay alam nila kung paano gawin. Naroroon ang pagiging intimidating nila ngunit tila pala-kaibigan sa mga audience nila.
"Ito lang yata ang ipinunta natin dito ngayong gabi," natatawang sabi ni Avah nang matapos na ang pagtugtog ng banda.
"You can't blame us, Avah. Bukod kasi sa talent nila, ang gagwapo talaga nilang apat!" segunda ni Bea.
Naging palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa nang mapansing sabay silang nagbaling ng atensiyon sa akin.
"What?" seryoso kong tanong.
Ngumiti si Bea. Iyon pa lang, alam ko na agad ang nasa isipan nilang dalawa.
"No, stop it. Tigilan nyo ako."
Pareho silang natawa.
"Guilty ka kaagad, Valerie. Wala pa naman kaming sinasabi."
Umikot ang mga mata ko sa narinig. "Kilala ko kayo. Ilang taon na ba tayong magkaibigan?"
Natawa na namang silang dalawa. Natigilan lang sila at napatingala nang mapansin ang pagtayo ko mula sa kinauupuan.
"Oh, napikon ka?" nabibiglang tanong ni Bea.
Mabilis akong umiling. "Magpupunta lang ako ng comfort room."
"Gusto mo bang samahan ka namin?"
"No need, girls. Mabilis lang naman ako."
Ngumiti pa ako sa kanila bago iniwan sila sa lamesa namin. Habang naglalakad ay naisipan kong silipin ang phone ko.
"Ooops! Sorry!" bulalas ko nang maramdamang may nabunggo akong tao. Hindi ko ito napansin dahil wala sa daan ang tingin ko.
"Are you okay?"
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa taong nabunggo. My lips parted in shock when I saw who is it.
"Castiel!" bulalas ko, hindi na napigilan.
Maliit siyang ngumiti sa harapan ko. Bigla akong kinain ng hiya kaya umayos ako ng tayo sa harapan niya.
"I'm sorry. Hindi kasi ako nakatingin sa daan kaya nabunggo kita," paghingi ko ng pasensiya.
Umiling-iling siya. "It's also my fault. Hindi rin kita napansin."
Matapos ng sinabi niya ay natahimik kaming pareho. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin sa kanya.
Sa totoo lang, madalas na ang pagpapalitan namin ng mensahe sa isa't isa sa mga nagdaang araw. Madalas din naming batiin ang bawat isa ng 'good morning' o 'good evening'. Pero ngayon lang kami nagkita muli ng personal kaya narooon ang hiya at ilang, lalo na't hindi naman talaga kami close sa isa't isa.
"I... I like your performance earlier. Ang galing nyo talaga," pagbubukas ko ng usapan sa pagitan namin para maputol ang nakakailang na tensiyon.
"Thank you..."
"Gabi-gabi ba kayong tumutugtog dito?"
Tumango siya sa tanong ko.
"Yes. Dati ay pa-extra-extra lang kami rito, pero nang magustuhan ng mga costumer ang performance namin ay naging regular na."
"Well... magaling naman talaga ang banda nyo. You guys deserved it."
Dahan-dahang bumale ang leeg niya. Wala sa sariling napalunok ako nang makita ang pagsilay ng isang munting ngiti sa labi niya, pero kung tititigan ito nang mabuti ay tila isang ngisi.
"Uhm..." Tumikhim ako. "Mauna na ako."
Marahan siyang tumango. "Okay."
Ngumiti ako sa kanya bago nahihiyang nagbaba ng tingin. Naglakad na ako paalis sa harapan niya at muling tinahak ang daan patungong comfort room.
Nang makarating doon ay napahawak ako sa dibdib ko. Nakakamangha ang malakas nitong pagkabog. Ngayon ko lang yata naranasan ito.
Dahil sa nangyari, kinailangan kong saglit na ikalma ang sarili sa loob ng comfort room bago nagawang bumalik sa lamesa namin. Pinukol naman ako ng naguguluhang tingin ng mga kaibigan ko nang makabalik na.
"What took you so long?" pang-uusisa agad ni Bea.
"Mahaba ang pila," dahilan ko.
Nang tumango siya ay bumalik na ako sa kinauupuan kanina. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko.
"By the way, girls..."
Nakuha niya ang atensiyon namin ni Avah sa sinabi niya. Ngumiti naman nang malapad sa amin si Bea.
"Kasama ng kaibigan ko ngayon ang Aces, and she's inviting me to their table. Wanna come with me?"
Nabigla ako sa narinig. Namilog naman ang mga mata ni Avah.
"Oh my God. Is that for real? Of course! Sasama kami ni Valerie!" Bumaling ito sa akin habang nagniningning ang mga mata. "Right, Valerie?"
Hindi agad ako nakaimik.
"Ayaw mo?" tanong ni Bea nang matanto 'yon.
Nahihiya akong tumango. "Nahihiya lang ako."
"What? Kailan ka pa nahiya?"
Pareho silang natawa, ginawang biro ang sinabi kong nahihiya ako. Bahagya naman akong nataranta nang tumayo na sila at ayain na ako. Noong una ay pilit akong nagpapaiwan na lang sa table namin, pero sa huli ay napilit pa rin nilang sumama sa kanila.
Nagsimula muli ang kakaibang kabog sa dibdib ko nang makarating na sa table ng Aces. Gaya ng sinabi ni Bea, may isang babae silang kasama na kaibigan ng isa sa miyembro ng banda. Kung hindi ako nagkakamali, si Ethan 'yon.
"Boys, this is my friend, Bea. Itong dalawa namang kasama niya ay kaibigan niya rin," pagpapakilala sa amin ni Gwen sa mga kasama niya sa table. Siya ang kaibigan ni Bea.
Dahil doon ay isa-isa kaming nagpakilala sa harapan nila.
"Hello! I'm Bea."
"Ako naman si Avah. It's nice to meet you all."
Napalunok ako nang mapansing sa akin na napunta ang atensiyon nilang lahat. Parang biglang nawala ang confidence ko sa sarili.
I forced a smile. "I'm Valerie..."
Mas kinain ako ng hiya nang mapansing tutok na tutok ang atensiyon sa akin ni Castiel sa naging pagpapakilala ko. Gaya naman ng mga kaibigan ko ay mukhang walang alam ang mga kaibigan niya na magkakilala na kami.
Matapos na magpakilala sa isa't isa ay pinaupo na rin nila kami. At dahil gustong-gusto na makasama nina Bea at Avah ang Aces, naisipan nilang dito na lang manatili sa table ng banda.
Ang Valerie na mataas ang kumpiyansa sa sarili ay biglang nawalan ng imik habang kasama ang Aces sa iisang table. Nako-conscious ako sa sarili. Kahit ang kakaunting galaw ko ay iniisip ko kung mukhang awkward ba o hindi.
Saglit na nawala ang atensiyon ko sa mga kasamahan sa table nang marinig ang pagtunog ng phone ko. Kalmado lang kasi ang musika sa paligid kaya hindi 'yon masyadong malakas.
Pasimple kong kinuha ang phone ko para tingnan ito. Bahagya akong nabigla nang makita kung kanino galing ang mensaheng dumating sa akin.
From Castiel Rivera:
Are you okay? You look uncomfortable.
Lumunok ako at sumulyap ng tingin sa kanya. Nabato ako sa kinauupuan nang mahuling nakatingin si Castiel sa akin, tila pinapanood ang reaksiyon ko. Abala naman ang mga kasamahan namin sa pagkukuwentuhan kaya hindi kami napapansin.
Pinasadahan ko ng dila ang labi bago ibinaba ang tingin sa phone ko at nagtipa ng isasagot sa mensahe niya.
To Castiel Rivera:
I'm okay. Naiilang lang ako kasi hindi ko kilala ang mga kasama natin sa table.
Hindi ko pa nabibitiwan ang phone ko nang may dumating na naman na mensahe.
From Castiel Rivera:
Don't worry. They are nice.
Hindi ko na ni-reply-an 'yon. Ibinalik ko na ang phone sa dalang bag at bumaling kay Castiel. Maliit akong ngumiti sa kanya para ipakitang ayos na ako.
He's... he's thoughtful, huh.