"I DON'T know how to help him. Wala akong magawa." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang sabihin iyon. "Kung may pera lang ako, pinahiram na lang sana kita," ani Bea. "Same here. Kaso, noong nag-birthday ako ay malaki ang nagastos namin kaya wala rin ako maipapahiram sa 'yo." Pinilit ko ang ngumiti sa mga kaibigan. "Ano ba kayo? Ayos lang." Na-a-appreciate ko ang kagustuhan nilang tumulong sa akin kahit hindi ko ito hinihiling sa kanila. Pero gusto ko lang may mapagsabihan ng problema ko kaya ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Nahiram na ni Mama ang pera ko. Kaya sa mga susunod na araw ay baka makauwi na ang ama ko rito sa Pilipinas kapag natapos na niyang asikasuhin ang mga kailangan niyang gawin bago tuluyang umalis sa ibang bansa. Kaya ngayong wala na akong p