NANG matapos kami ni Castiel sa pagkain ay nagtungo kami sa salas nila. Bakas ang pagka-ilang sa kanya habang matiim ko siyang pinagmamasdan sa harapan ko. Kahit napapansin ko na 'yon ay patuloy pa rin ang pagsuri ko ng tingin sa itsura niya. At habang tinititigan siya ay mas lalo ko lang napapansin ang pagbabago sa kanya. Hindi ko alam kung nag-o-overreact lang ako, pero para bang pumapayat siya sa paningin ko. Pansin ko rin ang pagkakaroon ng itim sa ilalim ng mga mata niya. Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huling maita ko si Castiel. Iyon ay noong puntahan niya ako sa bahay. Kaya ngayon ko pa lang ito nakikita. Nang hindi na makatiis, sinapo ko ang mukha niya. Puno ng pagiging banayad ang hinlalaki kong daliri nang haplusin ang ilalim ng mga mata niya. "Parang nangingitim