"I THOUGHT you were going to be shy at first, but you're not." "I'm used to it." Mula pagkabata ko ba naman ay humaharap na ako sa camera kung kaya'y sanay na sanay na ako. Hindi na ako nahihiya o ano pa man. "Yeah. And you're really good." Napangiti ako sa papuri niya sa akin. "Go to the dressing room and change to your next outfit," utos niya. Tumango ako at naglakad na. Sumunod naman agad sa akin si Wilma. Siya ang nag-aasikaso sa akin. She even did my makeup. "Ito ang suotin mo," ani Wilma at nag-abot sa akin ng isang damit na nakalagay pa sa hanger. Saglit akong natigilan nang makita kung anong klaseng damit iyon. It's a black sexy dress. Manipis lang ang strap at hugis mala-puso ang harapan kung kaya'y bahagyang lantad ang dibdib. Hanggang sa gitna lang ng hita ang haba at may