KUMIBOT ang labi ko at bumagsak ang tingin sa lupa. Tila biglang napako ako sa kinatatayuan. Kahit ang kamay kong nakahawak sa kanya kanina ay parang nawalan ng lakas. Wala pa man akong naririnig na tugon sa sinabi ko, pero pakiramdam ko ay alam ko na ang katugon sa nararamdaman ko para sa kanya. Sapat na ang mga mata niya para ipakita at iparamdam 'yon sa akin. Napalunok ako at naibalik sa sarili nang marinig siyang tumikhim. "Valerie..." Huminga ako nang malalim. Nilakasan ko ang loob ko bago nag-angat ng tingin sa kanya. Pinilit ko ang sariling ngumiti sa harapan niya. "It's okay, Castiel... I understand," sabi ko agad. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "You're an amazing woman, Valerie. Hindi ka lang maganda... masipag at matiyaga ka pa sa buhay." "Yet you still don't lik