"HON..." Nakagat ko ang labi nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan ang naging paglapit ko sa nakasarang pintuan ng kwarto ko. Kauuwi ko pa lang sa bahay pero heto si Castiel at sinundan agad ako. "Please, Hon. Let's talk," may halong pakiusap na niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao sa sobrang pagpipigil na huwag siyang pagbuksan ng pinto. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang galit ko sa kanya. Siguradong hindi maganda ang kalalabasan kung mag-uusap kami ngayon. Magagaya lang sa nangyari kanina. "Hon, huwag naman ganito. Please." Tila nanghina ako nang marinig ang nasasaktan niyang boses. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero sapat na ito para magdala rin ng kirot sa dibdib ko. "I'm sorry, Hon." Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. "Ako... ako ang nagkamali. Si