DAHAN-DAHAN kong tinutuktok ang ibabaw ng screen ng phone ko gamit ang mga daliri habang malalim na nag-iisip. May pag-aalinlangan sa akin sa gusto kong gawin.
Bahagyang bumale ang leeg ko at muling pinag-isipan ang balak. Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako reply-an? Magmumukha lang akong tanga. Pero, nakakapanghinayang naman kung sasayangin ko ang pagkakataon na ito. He gave his number to me. Hindi niya naman siguro 'yon ibibigay kung wala siyang balak na pansinin ako.
"Valerie!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan nnag bigla na lang may humawak sa balikat ko. Nang tumingala ako ay tumambad sa akin si Avah.
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang gulat na gulat ka?" nagtataka niyang tanong sa naging reaksiyon ko at binitiwan na ako.
Pilit akong ngumiti. "Nagulat lang ako..."
Nalipat ang tingin ko sa kaharap na upuan nang marinig ko ang pagtunog nito. Naupo roon si Bea.
"Nasa malayo pa lang kami, napapansin ko nang tulala ka. May problema ka ba?" kuryusidad naman niyang tanong.
"Oh, right! Mukha nga siyang tangang nakatulala at mag-isa rito sa cafeteria."
Napairap na lang ako sa mga sinabi nila. Tulala nga ako, pero hindi ako mukhang tanga!
"May iniisip lang ako."
Mukhang nakuha ko ang atensiyon nila sa sinabi ko. Si Avah, naupo na sa katabi kong bangko.
"Ano 'yon?"
Natigilan ako sa kinauupuan. Naging palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, nag-aalinlangan kung ikukuwento ko ba sa kanila ang nangyari noong isang gabi.
They don't know that Castiel sent me home that night. They don't even know that I have his number. Sigurado, kapag nalaman nila ay hihingiin nila ito sa akin.
Pero hindi 'yon ang pinoproblema ko. Ang ipinagdadalawang-isip ko sa pagsabi sa kanila sa nangyari ay ang pagiging kuryusidad nila. Malamang ay hindi nila ako titigilan sa katatanong kung ano at paano nangyari 'yon.
"It's... about my work."
Pareho silang napairap at bumuntong hininga sa narinig na sinabi ko.
"My God, Valerie. Akala ko pa naman kung ano na."
"I thought it was something interesting."
Humaba na lang ang nguso ko sa mga narinig sa kanila.
"You know what, I know naman na you are a career-oriented. Pero you know, bigyan mo ng time ang sarili mo na mag-enjoy," pagbibigay ng opinyon ni Avah. Ayan na naman ang pagiging conyo niya. Pero madalas naman, matino siyang magsalita.
"And you know what it means?" segunda ni Bea. Nagtaas-baba pa ang mga kilay.
Mahina akong natawa nang maintindihan sila.
"Sure. Let's go out this weekend. Alam nyo namang marami pa tayong school works. May raket din ako bukas."
Pareho silang napapalakpak sa tuwa. Kahit ang labi nila ay may malapad nang ngiti.
"Saka na natin isipin ang school works. Ang isipin natin ay saan tayo pupunta sa weekend!"
"Why don't we go to a mall?"
Nagkatinginan kami ni Bea sa narinig. Tila parehong hinihingi ang opinyon ng bawat isa sa suhestiyon ni Avah.
"That's nice, kaso nagsasawa na tayo sa mall. Palagi na tayong tambay roon," salungat ni Bea.
Tumango-tango ako. "I agree with her."
Madalas kasi kapag maagang natapos ang klase namin ay dumadaan kami sa mall para doon magpalipas ng oras. Malapit lang kasi ito sa university.
"Kung gano'n, saan?" Umakto siyang nag-iisip. Natahimik din si Bea.
Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi nang magkaroon ng ideya. Sinulyapan ko ng tingin silang dalawa.
"I have an idea..." nag-aalinlangan kong sabi. Tila alam ko na ang mangyayari kapag narinig nila ang suhestiyon ko. "Bakit hindi na lang tayo pumunta sa The Bar?"
Nagkatinginan ang dalawa. At kalaunan, parehong may sumilay na nanunuksong ngiti sa kanilang mga labi.
"Mukhang may gusto ka lang silayan doon."
Nag-isang linya ang labi ko sa narinig. I knew this would happen.
"Nami-miss mo na ba si Castiel Rivera?" tukso pa ni Bea.
Napabuntong hininga ako. "Tigilan nyo akong dalawa."
Sa halip na pakinggan, mas naging mapanukso ang mukha nila.
"Okay, fine. Doon tayo sa The Bar pumunta sa weekend." Humalukipkip si Avah. "Are you happy now, my beloved friend? Makikita mo na ulit ang Castiel Rivera mo."
Inungusan ko lang ang tanong niya dahilan para matawa silang dalawa. Napairap ako at nag-aya na lang na bumili na ng makakain.
Habang nakapila sa cafeteria, ang isip ko ay nakatuon pa rin sa iba. At sa huli, nakapagdesisyon na rin.
Bahala na kung reply-an man niya ako o hindi. Ang mahalaga ay sinubukan ko pa rin.
Kaya nang makauwi sa bahay galing sa university, naligo muna ako at nanatili sa loob ng kwarto ko. Padapa akong nahiga sa ibabaw ng kama habang hawak-hawak ang phone.
Kinalikot ko na ito para pumunta sa message. Nang nandoon na, natigilan ako at nag-isip kung paano sisimulan ang mensahe para sa kanya.
"I should say 'hi', right?" Napailing-iling ako nang matantong parang ang tipid ng mensaheng 'yon. "Siguradong re-reply-an niya lang ako ng 'hello'. At pagkatapos noon, wala na kami magiging usapan."
Ilang minuto pa yata akong nag-isip ng kung anong magiging mensahe para sa lalaking 'yon. At kada may maiisip, sasalungatin ko rin 'yon sa huli.
To Castiel Rivera:
Hello, Castiel! It's me, Valerie. Thank you ulit pala sa paghatid mo sa akin noong nakaraang gabi. I hope you got home safely.
Triple-triple ang kaba sa dibdib ko nang pindutin ko na ang send button. Hindi ako mapakali sa kinahihigaan. Hindi rin nilulubayan ng mga mata ko ang phone ko, naghihintay na may dumating na mensahe.
"Please, mag-reply ka," bulong ko, tila padasal na at animo'y gumagawa ng ritwal.
Humaba na lang ang nguso ko nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe. Bumagsak ang ulo ko sa unan at tila nawalan ng buhay.
"I knew it. He won't respond to my message. What do I expect? He's just a gentleman. That's why he sent me home that night."
Parang bata akong nagta-tantrums na ipinikit ang mga mata. Marahas akong bumuntong hininga.
Agad akong napadilat at nanlaki ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng phone ko. Nagmamadali ko itong kinuha. Literal na nanigas ako sa kinahihigaan kasabay ng pag-awang ng labi nang makitang may dumating na mensahe sa akin. And it's from Castiel!
"Oh my God!" bulalas ko at mabilis na umupo sa ibaba ng kama. Napalunok ako nang matantong natataranta na ang sarili. Halos manginig pa ang kamay ko habang hawak ang phone ko.
From Castiel Rivera.
You're welcome, Valerie.
Gusto kong batukan ang sarili. Simpleng message lang naman 'yon at tila ang pormal pa nga ng dating, pero nagkaganito agad ako. Nababaliw na yata ako!
Damn, Castiel. What did you do to me?
Lumunok ako at ikinalma ang sarili bago nagtipa ng panibagong mensahe para sa kanya.
To Castiel Rivera:
Kung hindi mo mamasamain, puwede ko bang malaman kung kailan ka puwede? I want to treat you. Pasasalamat sana sa ginawa mong kabutihan sa akin noong nakaraan.
Mabigat akong nagbunga ng hininga nang maipadala na ang mensaheng 'yon sa kanya. Talagang kinakapalan ko na ang mukha ko. Siguro naman ay walang masama sa gusto kong gawin. I just want to repay his kindness to me.
Naputol ang pagmumuni ko nang tumunog na naman ang phone ko. A new messaged arrived.
From Castiel Rivera:
Sorry. Abala ako ngayon at sa mga susunod na araw.
Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ko sa pagkadismaya. Ang buong akala ko ay papayag agad siya sa alok ko.
Muling nakuha ng phone ko ang atensiyon ko nang marinig muli ang pagtunog nito.
From Castiel Rivera:
But, let me know when you're not busy. Baka magkapareho tayo. Then, we can go out.
Awtomatikong gumawa ng daan ang isang malapad na ngiti sa labi ko. Hindi 'yon mawala-wala kahit nagtitipa na ako ng isasagot sa kanya.
Nawala ang atensiyon ko sa phone ko nang marinig ang katok sa pintuan ng kwarto ko. Inilapag ko ang hawak sa kama at nagtungo sa pinto.
"Valerie—" Natigilan si Mama sa pagsasalita nang pagbukas ko ng pinto ay nakita niya ako. Nangunot ang noo niya at tumuon ang mga mata sa labi ko. "Why are you smiling like that? Did something good happen?"
Mapaglaro akong nagkibit-balikat. "Who knows?"
Napailing siya sa sinabi ko. Humalukipkip siya at seryoso akong tiningnan.
"Seriously, Valerie. Anong meron? Ganyan ka lang makangiti kapag may nakukuha kang panibagong project."
Mabilis akong umiling. "No, Mama. I don't have a new project."
"Then, why are you smiling like that?"
Napalabi ako, pinipigilan ang pagkawala ng ngiti sa labi ko para hindi na maging kurysidad si Mama at tigilan na ako. Pero sa huli, pilit pa rin itong kumakawala.
"Valerie," nagbabanta nang sabi ni Mama. Alam kong hindi siya galit o ano pa man. Ginamit niya lang ang gano'ng boses para magsabi na ako. She's trying to trick me.
Napabuntong hininga ako nang matantong wala siyang balak na tigilan ako. "Sige na. Magsasabi na po ako."
Kita ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya. Napailing na lang ako.
"Ganito na lang ako makangiti kasi nag-reply ang crush ko sa message ko."
Napasinghap siya sa narinig.
"You have a crush?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nahihiyang tumango. "Opo."
Nawalan siya ng imik sa naging tugon ko. Dala ng kuryusidad ay sinulyapan ko siya ng tingin. Nakita kong nanlalaki ang mga mata niya na animo'y hindi makapaniwala.
"I can't believe this! Paano ka nagkaroon ng crush?"
"Ma!" parang bata kong sabi. Tila may panunukso kasi sa boses niya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Nagtatanong lang ako! Kilala kasi kita, anak. Hindi ka basta-basta nagkakagusto sa mga lalaki kahit na gaano pa 'yon kagwapo. Kahit nga sa mga artista ay wala kang paki."
Napanguso ako. "Well... you're right."
Humalukipkip siya sa harapan ko. "Kung gano'n, paano ka nagkagusto sa lalaking 'yon?"
"Ma, crush lang."
"Gano'n din 'yon! Crush o gusto, pareho lang!"
Natahimik ako sa sinabi niya.
"So, ano na nga? Paano ka nagkagusto sa lalaking 'yon?" untag sa akin ni Mama. Ang mga ganitong bagay ay madalas naming napapag-usapan kaya hindi na ako naiilang sa kanya. Pero ngayon, nahihiya ako.
"He knows how to play a drums. He's also a top student. Who wouldn't have a crush on him?"
"Is he handsome?"
"Of course, Ma!"
Malapad siyang napangiti sa harapan ko. Tumaas-baba pa ang kilay niya na parang tinutukso ako.
"Really? Now, I'm curious about this man. Gusto ko siyang makilala at makita ng dalawang mata ko para malaman kung gwapo nga."
Mahina akong suminghal. "That's impossible, Ma."
Mahina siyang natawa at napailing na lang. "Tama na nga 'to. Tara na sa kusina. Bumili ako ng meryenda natin. Alam kong nagugutom ka at galing ka pa naman sa university."
Napatango ako sa sinabi niya. "Sige, Ma. Susunod na lang ako. May gagawin lang ako saglit."
Nang pumayag siya ay mabilis akong bumalik sa kama at dinampot ang phone ko. Muling sumilay sa labi ko ang ngiti ko nang makitang may mensahe si Castiel para sa akin. Kaya sa huli, nagtungo ako sa kusina habang hawak ang phone ko at abala sa pagtitipa ng mensahe.