"YOU have no schedule this weekend. Take this as a rest. You need it." Isang simpleng tango na lang ang naitugon ko sa manager ko at nagpaalam na sa kanya. Si Mama naman, saglit pang nakipag-usap sa kanya para linawin ang ibang bagay. Kaya naisipan ko ang tumabi na lang sa isang tabi habang naghihintay sa kanya. "Valerie." Napalingon ako sa gilid ko nang sa wakas ay natapos na ang ina ko at ang manager ko sa pag-uusap. Ngayon ay puno na ako ng pagkagulong tinitingnan ni Mama. "Ayos ka lang ba?" Tumango ako. "Ayos lang naman, Ma." "But you don't look okay to me." Natahimik ako sa sinabi niya. Alam ko na agad sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ako pinapatahimik ng ginawa kong pagtatago kay Castiel kanina. Nakokonsensiya ako. Sana ay hinarap ko man lang siya nang maayos