CHAPTER 8 PART 2

2849 Words
"Have a seat, Miss Senior." Nakangising utos ni Jeremy sa'kin nang makabalik na ako dito sa kaniyang kwarto. I'm not sure why, but his grins annoy me. I sighed as I took a seat in the empty seat in front of him. I'm not sure what Jeremy was thinking throughout those moments. I was going to say anything when his phone rang again, so we both looked at his phone's screen at the same time. Love calling... I rolled my eyes nang mabasa iyon na nakapagpadagdag ng inis na nararamdaman ko ngayon, ewan ko ba wala ako sa mood ngayong araw, bukod sa sinira na ni Jeremy, may nabasa akong nakakawala sa mood. "Pick it up first, baka importante." I gasped as I said it. Naiinis talaga ako sa hindi ko malaman na dahilan, mabilis naman 'yon sinagot ang tawag at nakangiting binati ang girlfriend niya. "Hey, Love. Sorry I didn't call you. I was busy." pagkasabi niya niyon, sumulyap siya sa'kin. "What?" I mouthed. Ngumisi lamang sa'kin si Jeremy na parang mas lalong nang-aasar at saka bumaling ulit sa kausap mula sa kabilang linya. "I'm sorry, Love." malambing pa nitong sabi sa kausap. "I didn't mean to." Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya mula sa kabilang-linya pero napapangiwi ako sa t'wing ngumingiti si Jeremy. Napa-tss ako, kapag ako naman ang kausap, parating seryoso at galit, maka-alis na nga dito. Mukha naman akong tangang nag-aantay matapos ang pag-uusap nila. I don't get it. Bakit ang hard niyang makitungo sa'kin? Para bang wala kaming pinagsamahan dati. Naiinis na ako kaya aasta na sana akong tatayo nang hawakan ni Jeremy ang aking pulsuhan dahilan para mapatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa'kin. "Take care, Love. I'll call you later." pagpapalam nito sa kausap. Kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya. Agad naman binitawan ni Jeremy ang pulsuhan ko na para bang napaso sa pagkakabitiw. "Dering-deri? Samantala noon halos hindi mo na ako bitawan." bulong ko sa aking sarili. "At saan ka naman pupunta?" Jeremy asked as he leaned on the chair. Hindi ko siya sinagot, naiinis talaga ako sa kaniya. "Damn it! Answer!" he yelled at me, na para bang napaka-importante ng isasagot ko para magalit na naman siya. "Where's the contract?" I asked, trying to look casual and not actually panicked as I felt at the moment. "At wag mo akong sinisigawan." mahinahon na sabi ko. Hindi ako sinagot ni Jeremy, mukhang ginagaya ako nito. Mas lalo akong nainis, kaya naman tumayo ako mula sa pagkaka-upo,"I have a lot of work to do, sir." I said in a low voice at saka aastang aalis nang may inilibas siyang puting folder, kaya natigilan ako at napasulyap ako sa folder. "Ready ha" bulong ko sa aking sarili. After a while, Jeremy looks at me coldly as if I'd killed hundreds of fishes. "Here's the contract, umupo ka at basahin mo iyan." 'yan na naman 'yang boses niyang napakalamig. Napapaisip ako minsan kung paano niya napapalitan real quick ang normal na boses sa napakalamig na boses. Pero sa halip na pansinin ko pa iyon, agad ko nalang kinuha ang puting folder, umupo at saka sinumulang buklatin at basahin ito. PERSONAL ATTENDANT CONTRACT This Personal Attendant Contract is made and effective tomorrow. BETWEEN: MS. SUZETTE CHANTRICE ZARAH, a Senior Manager who's drunk and slept last night with his boss. Pagkabasa ko niyon nakakunot-noo ko siyang tinignan, na ngayon ay nakangisi habang pinagmamasdan ako. "Excuse me, hindi ako natulog na katabi ka at saka ikaw ang nagdala sa akin dito." pagtatama ko sa kaniya "Tsk, as if maniniwala sila kapag sinabi mo iyon? And of course, you're my employee, concern lang ako." sarkastikong sabi niya. "Read it first." sabay turo sa folder na hawak ko. Napabuntong-hininga na lamang ako sa inis na nararamdaman at saka walang imik na pinagpatuloy ang pagbabasa ng kontrata. AND: CHF. ENGR. JEREMY ANDREW CHANDLER, the owner of J- Cruise line and a businessman. NOW, THEREFORE, in consideration of the mutual covenants set forth herein and intending to be legally bound, the parties hereto agree as follow: 1. The Personal attendant is responsible for the overall care for his Master includes; - Maintain stateroom clean and orderly condition. - Wash his MASTER laundry. - Scrub floors. - Disinfect bathroom. - Cook for his MASTER if necessary. Di halos makapaniwalang sumulyap ako sa kaniya na panay ngisi lang ang ginagawa. "MASTER?!" ngiwing sabi ko. Tumango-tango siya. "Yes, Call me Master." nakataas ang kilay na sabi niya at pinag-krus nito ang mga braso. Kung mapipigtas na ang litid ko kakabuntong-hininga, siguro patay na ako dito at tanging buntong-hininga na lamang ang nagagawa ko kasi hindi ko alam kung nasa katinuan pa ba si Jeremy para gumawa ng ganitong klaseng kontrata kasabay niyon binasa ko ang pangalawang nakalagay sa kontrata. 2. The Personal attendant is responsible for her actions such as; - No speaking to MALE GUESTS while she's with his MASTER, EXCEPT; if it is her colleagues. - No photos with MALE GUESTS– including group pictures. - Don't give a MALE GUESTS your phone to take a picture. - Try to avoid eye contact with guests - especially if it is a Male. 3. The Personal attendant are NOT allowed to hang out with MR. JAMES KLEIN AMOR, an acting owner of J- Cruise line (including his house or anywhere in public.) 4. The Personal attendant must focus only on her MASTER. It- Probably best to keep her phone off while on duty. 5. The Personal attendant is NOT allowed to drink unless she is with his MASTER. If there is a breach of contract, the injured party has discretion on the kind of punishment or torture to be imposed on the other. But reasonable means to remedy the breach is highly recommended. I HEREBY AGREE TO THESE CONDITIONS Ms. Suzette Chantrice Zarah Signature CHF. ENGR. JEREMY ANDREW CHANDLER Owner of J- Cruise line Pagkabasa na pagkabasa ko niyon nag-angat siya ng tingin sa kaniya. Parang may kung ano sa kalamnan ko na nanginginig ako sa inis. Meron pang kasunod na page ang kontrata pero hindi ko na binasa. "What?" he asked, innocently "Hindi ito kontrata, Sir! Ownership ito!" galit na sabi ko. "Hindi ko po iyan pipirmahan!" kasabay niyon ay inilagay ko ang kontrata sa ibabaw ng mesa at tinalikuran siya, hindi ko talaga gagawin iyan. "He's unbelievable, parang bata." Bago pa man ako makalabas ng pinto.  Nangibabaw ang boses ni Jeremy. "Sayang naman 'yung additional benefits sa kontrata na ito." sabi niya, bagama't hindi ko makita ang mukha niya, halata sa tinig niya nananunudyo siya. "At hindi iyan ownership, Miss Senior. Kasi unang-una hindi kita pagmamay-ari and never again." Napalingon ako muli kung saan siya nakaupo, gusto ko sanang sabihin na hindi ko din naman sinabi na sa'yo ako pero sa halip na sabihin ko iyon, isinarili ko nalamang 'yon. At teka anong additional benefits? Napatol ang pag-iisip ko ng magsalita muli si Jeremy. "No additional benefits, malalaman pa nila na natulog ka dito kasama ako." He added, "You choose. Your fate depends on me now." he smirked as he put his index finger to his lips. "I looked down at his lips, Damn it, nang-aakit ba siya. I shook my head and closed my eyes a few times, to get rid of what was running through my mind. You're going crazy Suzette, now you're really going to be like that in this situation. Nababaliw ka na Suzette, ngayon ka pa talaga magkakaganyan sa ganitong sitwasyon. Pagalit ko sa aking sarili." Tumikhim ako para hindi lalo ma-distruct sa ginagawa ni Jeremy."W-what do you want?" halos pumiyok pa ako sa pagkakatanong niyon. "A personal attendant." nakangising aso ito. This time he licks his lips. This is torture! bulong ko sa sarili at saka tumikim bago muli magsalita. "Why me? tanong ko na pilit na pinapatapang ang boses. Tumayo ang si Jeremy at saka naglakad papalapit sa akin. "Ayaw mo ng additional na sahod? I can give it to others kung ayaw mo." nothing special sa sinabi niya but his voice was low, deep, and sexy. Ewan ko pero parang nakakaramdam ako ng init kahit bukas naman ang aircon. Para ilihis ko ang malaswang iniisip, nakakunot-noo akong kinuha muli ang kontrata upang basahin ang nakalakda sa pangalawang pahina nito, napaawang ang labi ko at natulala sa gulat ng mabasa 'yon. Ilang sandali pa nag-angat na muli ako ng tingin sa kaniya. "This is too much para sa isang personal attendant." hindi makapaniwalang sabi ko. "I told you last time, I'm the protocol here. I can do whatever I want. So, if you're not interested face the consequences, then." walang emosyon na sabi niya kasabay ng pag-upo sa couch. "I'm a busy person, don't waste my time. Kung ayaw mo then, you may leave." Bigla naman akong kinabahan sa pagkakasabi ni Jeremy niyon "Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, may pinapagawa akong bahay sa probinsya at saka sobrang laki din ng bigay nitong additional benefits sayang naman. Triple sa sahod ko at may free family vacation pa." pagkikipag-usap ko sa sarili. "I hate you Jeremy!" kinagat ko ang pang-ibabang labi, hindi ko intensyon na lakasan ang pagkakasabi niyon. 'You're not the only one." 'yon ang tanging ng sagot niya sa'kin I know... bulong ko sa aking sarili. "Seryoso ka talaga dito?!" bumaling ako ng tingin sa hawak na kontrata. Tinitimbang ko kung kaya ko ba ang ibang nakalagay doon kung sa linis-linis lang malamang okay sa'kin pero sa ibang kondisyon niya parang mahihirapan ako, subalit kung hindi niya iyon tatanggapin, may posibilidad na matanggal ako kung magsusumbong si Jeremy kay Miss Director. Sayang din ang benefits at 'yung family vacation, gusto ko na makapag-bakasyon ang pamilya ko, kasi sa walong taon kong pagtra-trabaho hindi ko manlang magawang pagbakasyunin ang mga magulang ko sa rason na mas pinipili 'kong tapusin ang pinapagawang bahay sa probinsya. "Do you think I'm joking?" he seriously, asked. Napabuntong-hininga ulit ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong-hininga. Bahala na si Batman. bulong ko ulit sa sarili at saka lakas loob na nag-angat ng tingin at lumapit kay Jeremy. "Pahiram ng ballpen." sabay lahad ng kanang kamay ko. Ngumisi si Jeremy, na para bang nanalo siya sa isang laro at saka walang imik na inabot ang ballpen sa'kin. Hindi ko maiwasan ang mamangha ng mahawakan ko ang ballpen niya. Ito ay kulay itin na may gold lining sa gitna, may initials ng J ang ballpen panigurado initials ng pangalan 'yon ni Jeremy. "Montblanc." wala sa sariling naisatinig ko ng makita ang brand ng ballpen. "You want?" sagot ni Jeremy sa kaniya. Wala sa sariling umiling ako at parang tangang sinusuri-suri ang ballpen. Alam ko kasi kung gaano kamahal ang ballpen na hawak, kukulangin ang isang taon kong sahod para makabili ng ganitong ballpen. "Edi bumili ka." sabi pa naman niya parang isip bata talaga. "Kakainis!" "Whatever." tanging sagot ko at saka walang imik na pinirmahan ang kontrata at agad iyon ibinigay kay Jeremy. Pagkatanggap niya niyon tumayo siya sa pagkakaupo, tinitignan ko lang siya sa kaniyang gagawin. Naglakad siya malapit sa office table niya at ixenerox niya ang kontrata pagkatapos ay naglakad muli siya papalapit sa'kin at inabot ang original copy ng kontrata. Walang imik ko 'yon kinuha at saka ibinigay ang kaniyang ballpen, pero laking gulat ko ng umiling siya. "Sa'yo na 'yang ballpen, hindi ako gumagamit ng bagay na nahawakan na." napatingin ako sa kaniya para kasing double meaning, baka inaakala niya nahawakan na ako ng iba, nagkakamali siya. Sinundan ko siya ng tingin nang humarap siya sa isang full-length mirror upang ayusin ang suot niya. Napatitig ako sa kaniya dahil ngayon ko lang napansin na nakapang uniporme siya ng pang kapitan. "What are you looking at?" he asked coldly while staring at me from the mirror Umiling ako. "Kahit papaano talaga hindi manlang isipin na nakakatanda ako sa kaniya." bulong ko sa isip."W-wala lang po, nagtataka lang po kung bakit ganyan ang suot niyo." sabi ko at saka lumapit naglakad papalapit sa kaniya upang ayusin ang pin na nakatabingi sa damit niya, alam 'kong nagulat siya sa ginawa ko, kahit nga ako mismo ay nagulat pero ito na eh, inaayos ko na. Ngumisi siya. "What do you think?" "Ewan." kibit-balikat na sagot ko, wala naman akong kaideya-ideya kung bakit, aside kung mag-navigate siya ng barko. "Tsk, get lost!" he yelled at me as he pulled my hands away from him. Kaya napalitan ng pagtataka ang mukha ko. "Ano na naman ba ang nasabi ko para magalit na naman siya?" I muttered. "Hindi mo ba ako narinig, alis!" pagtataboy niya sa'kin, nagtataka talaga ako dahil wala naman talaga akong ginawa para magalit siya. Yumuko nalang ako para pigilan ang luha na nangigilid sa aking mga mata, saka dali-daling lumabas ng kwarto at dumiretso agad ako sa restroom. Inis na inis kong pinagpupunit ang kontrata at itinapon sa basurahan. At pagkatapos binuksan ko ang gripo upang maghilamos, basang-basa ang mukha 'kong humarap sa salamin. "Ano ba ang nagawa ko para magalit ka na naman sa'kin? Ano ba ang binabalak mo?" tanong ko sa sarili. At ilang sandali pa ay napapikit nalamang ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. "Ang sakit mo sa ulo...pati sa-" "Miss Senior?" naputol ang sasabihin ko at napalingon sa likuran ko ng sumulpot si Colleen, nagtataka siguro si Collen kung bakit basang-basa ang mukha ko, magtatanong sana ako kung ano ang kailangan niya ng bigla niya akong niyakap. "Thank you!" masayang sabi niya sa'kin Awtomatikong ako kumalas sa pagkakayakap at nagtatakang tinignan siya. Isa din 'to si Colleen ang hirap din intindihin minsan. Ano ba ang meron sa barko na ito, lahat ang hirap tansyahin. "Bakit?" "Thank you at pinalitan mo na ako sa pagiging personal attendant ni sir Jeremy." masaya talaga siya "Sino nagsabi?" nagtatakang tanong ko, wala pa naman akong pinagsasabihan about doon bakit nakarating na kay Colleen. "Si Sir Jeremy, sabi niya sa'min kanina. Hinanap ka nga niya sabi ko hindi naming alam." dire-diretsong sabi niya. "At alam mo ba siya ang mag na-navigate ng barko. Ang gwapo niya Miss Senior, bagay sa kaniya ang suot na navy blue merchant." tumitili na dagdag pa nito. Pero wala doon ang isip ko. "Bakit niya ako hinahanap?" biglang tanong ko. "Hindi ko po alam." kibit-balikat na sabi niya "Baka-" naputol na ang sasabihin ni Colleen dahil nagmamadaling na akong lumabas ng banyo. Pupuntahan ko si Jeremy, kaya nagmamadali akong pumasok ng elevator at pinindot ang numero kung nasaan ang bridge, nang makarating sa floor na iyon nagmamadali akong lumabas, hindi ko mawari ang nararamdaman. Bakit nakaramdam ako nang saya ng malaman na hinahanap ako ni Jeremy, lakad, takbo ang ginawa ko para makarating agad sa mismong bridge. Hindi ko na din pinapansin ang bumabati sa'kin, nagmamadali talaga ako pero bago pa man ako maka-abot sa pupuntahan nang matigilan ako bigla nang makita ko na si Jeremy kasama ang girlfriend niya. Nagyayakapan. Dahil sa nakita nakaramdam na naman ako na parang may kumurot sa puso ko. Pumihit ako patalikod at bumagal ang lakad ko para hindi ko na makita ang sunod nilang gagawin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkakaganito ako. I don't know why I'm feeling this way na alam ko naman na may girlfriend na siya. Akma na lilisanin ko na ang lugar na iyon nang may humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako at umurong ang luhang tutulo na sana. "What are you doing here?" it was Jeremy's voice. Nahihirapan ako na lingunin sila dahil nasasaktan ako pero sinikap ko pa rin humarap sa kaniya. Our eyes met. "H-hinahanap ko po si sir James." pagsisinungaling ko. "Sorry James." bulong ko sa isip. Biglang nagbago ang emosyon ng mukha ni Jeremy, matiim na siyang nakatingin sa'kin. Maya-maya pa, nangibabaw ang boses ni James, "Miss gwapa!" tawag niya sa'kin. Laking pasasalamat ko na dumating si James, kaya naman agad ko inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Jeremy at nilingon at lumapit kay James. Hindi ko na pinansin si Jeremy, na alam kong nakatingin siya sa'min. Nang nakalapit ako kay James simpleng binulungan ko siya "Hatakin mo ako papalayo, James, dali na." sabi ko. Napansin 'kong napangiti si James siguro napagtanto niya kung bakit ako nagpapahatak sa kaniya papalayo. Tumango si James at saka pinagsiklop ang kamay namin, inihanda ko ang aking sarili para magpahatak pero nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang hinatak ako ni James sa direksyon kung nasaan sila Jeremy. "Jam--." naputol na ang sasabihin ko nang nasa harapan na kami nila Jeremy at girlfriend nito. Sinulyapan ko ang dalawang taong nasa harapan namin ni James, nakangiti lamang ang girlfriend niya samantala si Jeremy, mas nagtiim ang bagang na nakatingin sa kamay namin ni James na magkasiklop Hindi ko alam ang nararamdaman, kung matutuwa ba ako o maiinis na madilim na mukha ni Jeremy na nakatingin sa magkasiklop na kamay namin ni James. Ngunit ang tanging alam ko sa mga oras na iyon ay hindi ako palamura, ngunit sa ginawa ni James, minumura ko siya isip ng paulit-ulit sa isipan ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD