"Miss gwapa and I are leaving," James said, smiling as we got close in front of Jeremy and his girlfriend.
Sa totoo lang sa buhay ng tao, hindi mo maiwasan na makatagpo ng kaibigan na panira sa lahat ng bagay. Tulad ngayon kay James, hindi mo mawari kung nang-aasar ba ito o gusto niya lang talagang lumapit kila Jeremy. Alam niyo ba ‘yung feeling na gusto mong makapanapak ng mukha pero hindi pwede 'yun ang nararamdan ko ngayon.
Hindi ako makapaniwalang tinignan si James, “you're unbelievable, hinatak mo ako dito para lang magpaalam... Seriously? nagsisi talaga ako na binulungan pa kita ulaga ka.” bulong ko sa akin sarili.
Maya-maya pa napalitan ng nagtatanong na tingin ang mukha ko ng nakangiting sinulyapan ako ni James bago ito bumaling sa dalawang taong kaharap namin.
"Have a nice day both!" he added kindly, then was surprised when he suddenly put his arm around me, "Miss gwapa and I are going on a date first."
Tumaas ang sulok ng aking labi. What James said made me feel sick, and I knew Jeremy's eyes were narrowing on us to the point that I couldn't look at them. And I don't even know why he doesn't want me to approach James when he already has a girlfriend.
I silently tss because I presume, again, that Jeremy is jealous. I looked up at James when he spoke again a few moments later. "Tara, Miss gwapa." anyaya niya sa'kin habang naka-akbay pa rin.
Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni James sa'kin bago tinanguan siya at saka pinilit ang sariling harapin sila Jeremy, "Alis na po kami." paalam ko sa kanila.
Nagtataka akong tinignan ang girlfriend ni Jeremy, nginitian niya kasi ako. “Hindi naman pala mataray ito.” I whispered. Akala ko kasi noon mataray kaya ilap akong tignan siya at saka nakakailang din para sa part ko na makita ang bagong nagpapatibok sa puso ng ex ko.
Nginitian ko nalang din siya bilang pagganti, hindi na din ako tumingin kay Jeremy na kanina pang nakapamulsang at walang imik na nakatingin lang sa'kin. Aasta na sana kami ni James na iwanan silang dalawa doon nang biglang may humawak sa kanang braso ko.
Awtomatiko akong nagbaba ng tingin upang tignan kung kaninong braso iyon, at napaawang ang labi ko nang mapagtantong kay Jeremy iyon. Mag-aangat sana ako ng tingin pa kay Jeremy at tatanungin sana kung bakit pinigilan niya kami sa pag-alis nang bigla niya nalang akong hinala papasok ng bridge pagkapasok namin ay agad naman nagsilabasan ang mga tao doon, bukod syempre kay Kapitan Alvarez at ‘yung helmsman.
"Bitawan mo nga ako!" pilit ‘kong inaagaw ang braso ko kay Jeremy. Huminahon lang ako nang mapansin na nakatingin sa gawi namin si Kapitan Alvarez mukhang gulat na gulat ito sa nangyayari sa'min ni Jeremy kung kaya, kahit gustong-gusto ‘kong agawin ang braso ko at lisanin ang lugar na iyon bigla naman ako nakaramdam ng hiya kaya napa-yuko nalang ako."B-bitawan mo -" mahinang sambit ko kay Jeremy na naputol lang ang ibang sasabihin ko nang humarap si Jeremy sa'kin dahilan para mapa-angat ako muli ng tingin sa kaniya.
Our eyes met and all I can say is that Jeremy was staring at me furiously. "You forgot about the contract you signed earlier," he said it seriously as if we were the only people here inside.
Nag-iwas ako ng tingin. "Bukas pa naman ‘yun ah." pinapatapang ko ang boses upang hindi mahalata ang panginginig ng labi ko.
Napasinghap ako bigla ng mahigpit nang sinapo ni Jeremy ang baba ko at pilit niya akong pinapatingin sa kaniya, "Look at me!" he said, angrily.
"I'm hurting," Pilit ‘kong tinutulak papalayo ang kamay niya na may hawak sa panga ko. "J-Jeremy, nasasaktan ako, ano ba..." inda ko sa kaniya. Kaya naman maya-maya naramdaman ko na binitiwan niya ang baba ko, napangiwi ako sa sakit sa pagkabitiw niyon.
Jeremy turned to Captain Alvarez and the helmsman, who was looking at us with parted lips. "Leave us alone for a moment, Captain Alvarez, we'll just talk," he commanded seriously.
Napatingin si Kapitan Alvarez kay Jeremy bago muli napatingin sa'kin na para bang nagda-dalawang isip kung lalabas ba sila pero sa huli nag-aalangan nalang itong tumango at niyaya ang helsman palabas.
As the door shut behind me, Jeremy grabbed my arm again and dragged me closer to the ship's steering wheel, as if I wasn't a human being worth beating like that.
Before speaking, Jeremy sighed. "Sinusubukan mo ba ako Suzette?" walang emosyon ang mukha niya habang mahigpit na hawak ang braso ko habang nakatitig sa aking mga mata. "Kapag sinuway mo ni isa sa pinermahan mong kontrata, hindi lang nila malalaman na natulog ka kasama ako, tatanggalin kita. Gagawin ko talaga iyon." nakatiim-bagang na sabi nito. "Naiintindihan mo ba ko?"
Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Hindi mo ako kaano-ano at hindi mo ako pagmamay-ari. Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako kung ano ang gagawin ko at kung sino ang gusto ‘kong kausapin, nginitian at lapitan." this time kagat-kagat ko ang labi ko para hindi tumulo ang luha ko, hindi pwede na lagi niya nalang akong nakikita na umiiyak.
Galit niyang binitawan ang braso ko. "I'm warning you. Don't blame me kung wala ng makain ang pamilya mo, wag mo kong susubukan Suzette." may pagbabanta na sabi niya sa'kin. "Kapag nagmatigas ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."
Napa-tss ako, "Are you threatening me?" nakataas ang kilay ko na sabi ko sa kaniya, nanginginig ang tuhod ko na tila bang anong oras ay babagsak ako.
"Are you threatened?!" matalim ang boses na balik niya sa sinabi ko.
Inirapan ko lang siya para itago ang panunubig ng mga mata ko, wala na akong maisagot pa at kahit naman sigurong anong sabihin ko ay may isasagot ‘yang Jeremy na iyan sa'kin.
Masakit ang panga ko at braso sa mahigpit na pagkahawak ni Jeremy do'n. My jaw and arm feel sore. It hurts, it literally hurts. At nasisiguro ‘kong mamamaga iyon maya-maya dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Jeremy sa'kin. Ngayon pa nga lang ay mahapdi na'yon at masakit.
"Miss Gwapa!" biglang nangibabaw ang boses ni James, napalingon ako pero nang lalapitan na ako ni James, bigla na akong tumakbo papalabas ng bridge. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon na nararamdaman ko kanina pa.
"He can't treat me like I don't have any decision as if he's the only one who can decide. At saka bukas pa naman effective ‘yun... bakit siya gano'n?" umiiyak na sabi ko habang nakaharap sa dagat dito sa madalas na tinatambayan ko. "That heartless, cold-blooded bastard man is making me mad! He's getting into my nerves! he doesn't care if he is hurting me." sabay hawak sa panga at sa braso ko. "Urghhh" sigaw ko. "I hate you!" pagkasabi ko niyon nagpapadyak ako sa inis. "I hate you talaga!" I scream at the top of my lungs hanggang sa nakaramdam ako ng pagod.
Hingal na hingal akong umupo sa upuan dito sa balcony at pinunasan ang mga natitirang luha sa pisngi ko, mas lalo pa akong naiinis at nagagalit dahil sobrang maalon ngayon dahilan para magpagiwang-giwang ang katawan ko habang naka-upo.
Ilang oras din akong tumambay sa balcony nang mapagdesisyunan ko nalang mag-rounds sa buong stateroom mula sa L to Q. Papagurin ko ang sarili ngayon para mawala ang galit na nararamdaman ko kay Jeremy.
"Kamusta kayo dito, Kat? tanong ko nang makarating sa lower deck ng barko. Siya ay isa sa senior manager nitong cruise.
"Okay naman po, Miss Senior... Ngayon nalang po kita nakita ulit." nakangiting sabi nito sa'kin, nakaramdaman naman ako ng hiya dahilan para mapahawak ako sa'kin batok at bahgyang ngumiti.
"Sobrang busy sa lido area eh. Alam mo naman ang nangyari noon." pagpapaliwanag ko sa kaniya
Tumango ang katrabaho. "Opo. Ano po pala ang atin, Miss Senior?"
"Wala naman, mag ro-rounds lang ako, pasyal na din baka magtampo pa kayo." pagbibirong sabi ko.
Tumawa ang katrabaho ko. "Muntikan na kung hindi kayo pumunta ngayon dito." pagbibiro ding sagot nito
"Pasensya na." paghingi ko ng paumanhin at saka ilang sandali pa niyaya ko na itong mag-ikot sa bawat kwarto at sa bawat kwartong pinupuntahan namin, kinakausap kami ng mga pasahero.
Ito lang talaga ang pinagkaiba sa L at Q room. Ang mga guest dito, makaka-usap mo talaga, samantalang sa Q room hahayaan ka lang mag-check ng kwarto. Parating mga busy at walang mga pake ang mga tao doon kung sabagay iba talaga ang mayayaman.
Nang matapos kaming mag-rounds sa mga stateroom, tinignan ko na din ang nap rooms nila dito, akma na magtatanong ako kay Kat nang biglang bumukas ang pintuan dahilan para magkasabay kaming napatingin ni Kat doon... Si Colleen, pawis na pawis at hingal na hingal ito.
"M-miss Senior!"
"B-bakit?!" nagtatakang tanong ko agad dito.
"Code oscar, Miss senior! ‘yung aso ng isang guests nahulog sa dagat!" pagkasabi ni Colleen niyon.
Agad na akong kumaripas ng takbo patungo ng balcony dito sa lower deck. Kita ko agad ‘yung aso pero nagtataka ako kung bakit hindi ito makalangoy at makagalaw. Kung hindi ko ito tutulungan baka mamatay ang aso.
"Ano ang gagawin natin Miss senior?" boses iyon ni Colleen. "Iyak nang iyak ang bata." napa-angat ako ng tingin sa taas ng barko.
Madaming nagkukumpulan na tao at base na obserbasyon ko wala pang tulong na dumadating at kung hihintayin pa ang saklolo baka malunod na ang aso. Kaya naman napabuntong-hininga ako at saka humarap sa mga katrabaho.
"Pumunta kayo sa bridge, ipaalam niyong code oscar tayo ako na bahala." pagkasabi ko niyon, tinanggal ko ang blazer ko na nakapatong sa puting uniporme ko at sinunod ko ang sapatos ko.
"Ano ang gagawin mo Miss Senior?!" nag-aalalang tanong ni Kat.
"Puntahan niyo na si Kapitan Alvarez or sino man ang nandun, ipaalam niyo na Code oscar." kasabay nun hindi na ako nag-dalawang isip pa, tumalon na ako sa dagat.
Alam ‘kong bawal itong ginawa ko pero hindi ko kayang makita ang aso na nahihirapan na. Wala pang tulong na dumadating, nasa protocol kasi 'yun na hindi kami basta-bastang tatalon sa cruise at meron gagawa niyon pero hindi ko naman kayang makita ang sitwasyon ng aso kaya naman hindi na ako nag-sayang pa ng oras para tumalon kahit delikado.
Nang maka-ahon ako mula sa malalim na pagkakabagsak mula sa dagat, agad ‘kong nilangoy ang direksyon kung nasaan ang aso. Naririnig ko ang mga sigawan ng mga tao doon pero hindi ko iyon pinansin, pokus ako sa pagsagip sa aso.
"Hey, sweetie... don't be scared, I'm here." pakikipag-usap ko sa aso nang makalapit ako.
Akma na kukuhanin ko na ito nang mapansin ko na nasasakal ito sa tali. Malakas ang current ng tubig mula sa ilalim sabayan pa ng malaks na alon kaya napapalayo ako sa aso, ngunit sinikap ko pa rin na makalapit dito.
Nang makalapit muli ako sa aso, sinundan ko ng tingin ang tali kung saan ito napasangat dahilan para masakalito ng sobra. Nang mapagtanto na pailalim iyon, agad ko iyon sinisid.
Medyo nahihirapan ako dahil bukod sa malakas ang current nito sa ilalim, buhol-buhol ang tali nito kaya naman umahon muna ako para makaipon ng hangin at saka sumisid ulit.
Dapat ko ng bilisan ang galaw dahil baka mamatay ang aso kanina pa ito iyak ng iyak at nakaka-inom ng tubig alat. Ilang minuto ‘kong pilit na itinatanggal ang nakabuhol na tali nito pero ayaw pa rin.
Kaya naman umahon ulit ako at saka himinga ng malalim at sumisid ulit, “Sheyt wala pang tulong!” bulong ko sa isip habang paulit-ulit ko ginawa ang pagsisid at pagkuha ng hangin upang makasisid muli.
Bagama't nauubusan na ako ng hininga at nakakaramdam na ako ng pagod, pinilit ko pa rin itong tanggalin hanggang sa tuluyan na itong masira. Nang masira ko na iyon, agad ko naman niyakap ang aso na kanina pang umiiyak.
"Sheeeesh... sweetie you're okay na..." hingal na hingal na sabi ko at saka lumangoy papalapit sa hamba ng barko.
Siguro alam na code oscar kami ngayon dahil tumigil ito at napansin ko din ang mga taong nakatingin sa'kin pati mga katrabaho ko, mukhang nag-aalala.
"Miss Senior!" tawag sa'kin ni Bryan at saka tumalon sa dagat. "Okay ka lang ba? " tanong ni Bryan pagkaahon mula sa pagkakabagsak.
Hingal na hingal akong tumango, "Kunin mo na ang aso at ibigay mo na sa bata." sabi ko.
Tumango si Bryan at kinuha ang aso sa’kin, nagsidatingan ang ibang katrabaho upang alalayan si Bryan maka-akyat sa barko. Ako sana ang mauuna kaso tumanggi ako, kailangan mauna ang aso at baka nilalamig na iyon.
At saka kaya ko naman umahon mag-isa subalit aasta na sana akong aahon nang makaramdam ako ng pamamanhid sa tuhod ko hanggang sa hita ko. Kinabahan ako, tatawagin ko sana si Bryan at ibang katrabaho ko upang humingi ng tulong nang unti-unti naman na akong dinadala pailalim ng current.
Narinig ‘kong nagsigawan ang mga tao doon pero hindi ko na iyon napansin at nagpapanic na ako, sinusubukan ‘kong galawin ang hita ko pero masakit iyon hanggang sa unti-unti na akong nilalamon ng tubig pailalim.
"Help me," bulong ko sa sarili habang pailalim nang pailalim na ako, tanging liwanag ng araw nalang ang nakikita ko, nawawalan na ako ng hininga at hindi na ako makagalaw,walang tulong na dumadating. "Help me...Jeremy..." nakapikit na sabi ko.
Ilang sandali pa, napadilat ako ng bahagya nang may maaninag na pamilyar na bulto na sumisisid palapit sa'kin. "J-jeremy..." 'yon lang ang tanging nasabi ko, bago akong tuluyang mawalan ng malay.
I woke up after a deep sleep. The manly scent filled my nose as I slowly opened my eyes. I knew that it's definitely not my room! But I ignored that when I felt weakness and pain all over my body, I tried to get up, but my ankle was hurt terribly.
Suddenly, I heard footsteps walking around in the room, so even though I was weak I tried to get up to see who it was. And I was shocked that it was Jeremy. I looked around the room. Kwarto nga ito ni Jeremy. bulong ko sa aking sarili, pagkatapos tinignan ko siya.
He's only wearing a worn-out jean, ito ang kaunahang pagkakataon na nakita ko na ganun ang suot niya, napukol ang aking tingin sa pang itaas na bahagi ng katawan ni Jeremy. His topless and his messy hair style, nakakadagdag sa kagwapuhan niya. But questions went around my head as I stared at him in utter disbelief.
“Anong ginagawa ko dito? Ano ang nangyari, matapos ang nangyari sa'kin kanina? Kamusta yung aso? Sinagip niya ba ako? Bakit wala siyang t-shirt? Why am I asking the last question?”
I'm not interested though!
Napatitig lang ako sa kaniya lalo nang magsalita siya, "How are you feeling?" he asked coldly and starting walking beside me, nang makalapit ito hinagod ako ng tingin. Nagkatinginan kaming dalawa, ito na naman ang hindi ko ma-explain na pakiramdam na nararamdaman ko sa t'wing magkalapit kami ni Jeremy. "Hindi mo na naman ba ako sasagutin?" aniya. "Ganyan ka ba talaga?" he added.
Sa halip na makipagtalo na naman ako, bumuntong-hininga nalang ako at nagsalita. "I-I'm not feeling well," napapaos na sambit ko sa kaniya habang sinusubukang tumayo. "A-alis na po ako. Thank you." pinipilit ‘kong igalaw ang paa ko pero masakit talaga iyon.
Ayaw ‘kong magtagal dito, wala talaga akong lakas ngayon para makipagtalo sa kaniya. Hindi ko alam bakit nag-iisip ako na mag-aaway lang kami ni Jeremy pero totoo naman na kapag magkasama kami, gulo ang abot naming dalawa. Kaya ako nalang ang iiwas pero paano eh? Hindi nga ako makahakbang dahil sa sakit.
"Don't move," Jeremy threatened me, and then for a while he firmly supported me leaning on the headboard of his bed. "You have an ankle injury." he said without emotion but you would notice in his voice that it was calm.
Napasulyap ako sa kaniya. "What happened?" I asked pero sa halip na sagutin niya ako, tinignan niya lang ako at lumabas ng kwarto.
When he came in, he's carrying a tray full of food and a basin with water, and a white towel. Naglakad ulit siya papalapit sa kama habang matiim na nakatingin sa'kin.
“Ano na naman ba nagawa ko? Wala naman nag uutos sayo na gawin mo yan, ulaga ka.” bulong ko sa akin sarili.
Sinundan ko lamang ng tingin si Jeremy nang mailapag ang mga dala sa side table, umupo ito sa kama. Umuga pa nga ang kama pagkaupo nito roon. We're both sitting on bed. Napakunot-noo ako at akma na magsasalita nang manigas ako sa pwesto ko nang inilapat ni Jeremy ang likuran ng palad niya sa noo ko.
"You have a fever," He took up the tray with food on the side table. "Eat first, so you can take your medicine." He said gently.
"Anong nangyari? Bakit nandito na naman ako?" tanong ko dahil naguguluhan ako sa inaasta niya, samantala naman kanina galit siya sa'kin. "Bakit ginagawa mo ito?" mahinang saad ko sa kaniya na napagpatigil kay Jeremy sa ginagawa.
Ilang sandali pa ay inilapag ulit niya ang tray sa side table pagkatapos ay tumayo. "If you don't want to eat. Bahala ka." malamig na sabi niya at saka umastang tatalikuran ako nang magsalita muli ako.
"Aalis na ako." pagkasabi ko niyon, bumangon ako na hindi ko na pinansin kung ano ang itsura ko. "Ah!" I gasped when I felt the pain in my ankle.
Concerned Jeremy turned to me I heard him swear that made me smile secretly. "Damn it! I said don't move." then he helped me sit back on the bed. "Ang tigas talaga ng ulo mo ano?! Una sa kontrata tapos ngayon ito naman!" galit na sabi niya sa'kin.
"Wala naman malambot na ulo." wala sa sariling naisatinig ko.
Napakagat labi ako nang mapansin nagtiim bagang si Jeremy pero may sumilay sa labi nito na nakakalukong ngisi. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdaman ako ng inis. May sakit na nga ako ganyan pa siya
"Meron, gusto mong makita?" he asked after a couple of seconds.
Napalunok ako bigla sa tugon niya, nailang tuloy ako bigla. “Badtrip naman kasi itong bibig ko napaka-ano eh.” "A-alis lang naman ako eh, pupunta lang naman ako sa kwarto ko." Pag-iiba ko sa topic.
Jeremy's brows creased as if he didn't agree with what I said. Kung sabagay kailan pa ba hindi nagsalubong ang kilay niya at kailan pa siya sumang-ayon sa sinabi ko.
"Are you thinking?!" he hissed. "Your ankle is injured," he said seriously as if he was making me understand that I was injured. I wanted to laugh because of that but I stopped it and he might get even angrier. Jeremy sighed again as if he was running out of patience with me, "And seriously? Lalabas ka ng nakaganyan?" sabay turo sa damit ko na suot.
Awtomatiko akong nagbaba ng tingin sa damit na itinuro ni Jeremy at laking gulat ko na hindi iyon ang suot ko kanina. Naka-oversized white t-shirt ako, or sadyang malaki lang ang t-shirt niya sa'kin.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "N-nasaan ang damit ko? At sino ang nagpalit sa'kin?" kinakabahang na tanong ko sa kaniya.
He smirked at saka lumuhod sa harapan ko habang hinahagod ng tingin mula ulo hanggang paa ko. His eyes settled on my legs. He smirked again, na para bang may naisip siya kaya napangisi siya ulit.
"S-sino nga nagpalit sa'kin?" mahinang tanong ko ulit dito, pakiramdam ko kinakapos na ako hininga sa posisyon naming dalawa.
"Kapag sinabi ko bang ako ang nagpalit sa'yo, may magagawa ka ba?" his voice was low, deep, and sexy.
Hindi ko alam kung ano ang meron kay Jeremy ngunit wala ako sa sariling umiling habang ang mga mata ko ay nakatingin sa malamig na asul na mata niya.
“Napapano ako? Nagiging marupok ba ako? No! Of course you're not.” pagkikipag-usap ko sa sarili. “Anong balak nitong gawin sa'kin?” bulong ko ulit sa sarili nang mapansin ko kaunting dukwang nalang, halos mahalikan ko na si Jeremy.
"L-Lumayo ka nga sa'kin," giit ko habang pilit na pinapatapang ang boses. "Now, please."
Kung nang-aakit man siya sa'kin hindi pwede na magpadala ako dahil may girlfriend na siya. “Pero bakit naman mang-aakit eh, may girlfriend?” Knowing Jeremy, kapag nagka-girlfriend siya stick to one lang 'yon lang ang hindi ko alam kung pati iyon ay nabago na.
I know he was planning something, I just can't figure out what but I'll make sure he won't succeed. Sa halip na makinig si Jeremy sa'kin, umangat ang kamay niya at hinaplos ang kamay ko na may sugat, hindi ko namalayan na may sugat pala ako siguro dahil sa adrenaline rush para masagip ‘yung aso kanina.
Napasinghap ako nang maramdaman na hinaplos ni Jeremy ang mukha ko. "W-what are you doing?" I exclaimed.
Ngumisi lang siya at hindi pinansin ang tanong ko at ilang sandali pa, nagulat ako nang ilapat niya ang hintuturo sa noo ko, he pressed two fingers to my forehead at itinulak ako pahiga gamit niyon.
Gulat akong napatingin sa kaniya. "You're freaking unbelievable!" galit na singhal ko sa kaniya.
Tinawanan lang niya ako bago tumayo at itinigil ang ginagawa. Nakapamewang siya na tinitignan ako. "You grow up well huh?" anito na tumango-tango pa."Nang mag-break tayo, hindi ka pa sexy but now, just looking at your hot and sexy body gives me a hard-on." he looks at me stares really intently and there's this lustful look on his face which kind of scares me.
Bumalikwas ako ng higa at pinukol ko siya ng masamang tingin. "Huwag kang bastos!" seryosong sabi ko. "Ang bastos mo na."
He smirked. "I'm more than that, Miss Senior. Mas higit pa ako jan sa iniisip mo," Umalis siya sa kama at bago pa man niya akong tinalikuran nagsalita ulit siya, "Eat your dinner para makainom ka ng gamot at makapagpahinga. Wag kang magmatigas, baka ikaw ang kainin ko." pagkasabi niya niyon binato ko siya ng unan pero ngumisi lang si Jeremy at dire-diretsong lumabas ng kwarto.
Napabuga ako ng malakas na hininga nang umalis siya, ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Baliw! Bastos!" sambit ko habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko at maya-maya napabaling ako sa tray nang kumalam ang sikmura ko dahil siguro sa gutom. Kinuha ko iyon at saka pinagkatitigan. "Concern ka din naman eh." nakangiting sabi ko habang sinimulan ng kumain.
Napapapikit ako sa sarap sa t'wing sinusubo ko ang pagkain, bagama't natikman ko na itong lahat, iba ang panlasa ko ngayon kaya mas ginaganahan akong kumain.
Partida pa ‘yan may sakit pa ako niyan. Maya-maya pa habang abala ako sa pag-ubos ng pagkain nang mapansin ko sa gilid ng mga mata ko ang nakatayong bulto ni Jeremy sa hamba ng pintuan. Punong-puno ang bibig ‘kong tinignan siya.
He crossed his arm while staring at me, this time he was wearing a t-shirt. "Gutom ka na pala tapos nagmamatigas kapa jan," he said suddenly as he walked closer to the bed again. "I am your Master but I’m the one who takes care of you."
Nabulunan ako bigla dahil sa sinabi niya. “Oo nga ano, siya ang amo ko pero ako ‘yung andito sa kama niya.” Umubo-ubo ako, “ano ba naman kasi sa daming pagkakataon bakit nangyari pa ang ganoon na andito si Jeremy sa barko.”
"Damn it! Ito tubig," galit na sambit niya habang inaabot ang isang basong tubig sa'kin. "Akala mo mauubusan ng pagkain." kala mo talaga tatay ko kung magpagalit eh.
Napasulyap ako sa kaniya pagka-inom ko ng tubig. "S-sorry," nahihiyang sambit ko. "Kumain ka na ba M-master?" I asked, after a short pause I went on. "Ipagluluto kita."
"Magpahinga ka nalang muna, as if you can move properly dahil sa injury mo," he replied. "Kung hindi ka sana nagpaka-superwoman hindi ka magkakaganyan." he muttered as he grabs the tray from my lap and put it down on the side table before he gives me the medicine.
I shook my head bilang pagtanggi sa gamot na nakapakunot-noo kay Jeremy. "I don't take medicine." giit ko.
Ewan ko pero talagang ayaw ko sa lasa ng gamot kung siguro alak ang iniabot niya baka sa malamang tatanggapin ko agad iyon ng walang seremonya. Pero wala eh, gamot 'yan eh, kahit anong pilit hindi talaga ako mapapainom ng gamot.
Napansin ko napahilot sa sintido si Jeremy. "So dito naman tayo mag-aaway?!" masama ang tingin niya sa'kin. "Kanina sa pagkain, ngayon ito naman!" napahawak muli siya sa sintido niya at hinilot-hilot iyon na para bang stress na stress na siya sa'kin.
“Wala naman kasing nagsabi na alagaan niya ako.”
"Just put it there, hindi naman kasi ako umiinom ng gamo—" naputol na ang iba ko pang sasabihin nang maramdaman ang pait ng gamot sa bibig ko, kaya mangiyak-ngiyak ako uminom ng tubig. Nang mailagay ang baso sa mesa, nakasimangot akong napatingin kay Jeremy, "Bakit mo ginawa iyon?!" nakangiwi na saad ko dahil naramdaman ko pa ang pait ng gamot sa dila ko, ikaw ba naman bigla-biglang papasakan ng gamot sa bibig.
"Tigilan mo ako jan sa kaartehan mo, Suzette, hindi ‘yan uubra sa'kin. Kung hindi ka sana tumalon sa dagat, edi sana wala ka dito." naiinis talaga niyang na sambit sa'kin "You almost drown for saving that goddamn dog."
"May buhay 'yun, kaya dapat iligtas." giit ko sa sinabi niya.
"Kahit kapalit ng buhay mo?" malamig na tugon niya.
Tumango ako. "Lahat ng may buhay mahalaga." totoo naman 'yon di'ba? Lahat ng gumagalaw ay mahalaga kahit maliit na insekto basta gumagalaw mahalaga, at kung kailangan mo iyon sagipin sa kapahamakan, sasagipin mo. Napatingin ako sa kaniya.
"Ah, lahat ng buhay mahalaga." tumango-tango siya na parang sang-ayon siya sa sinabi ko. Matutuwa na sana ako dahil ito sana ang unang beses na sumang-ayon si Jeremy sa'kin kung hindi ko lang sana nakita ang mukha niya na nakapagpakaba sa'kin kasi madilim ang mukha nito na nakatingin sa'kin. "Nakita mo ‘yung halaga ng aso but you never saw my worth back then, Suzette." nagulat ako sa sinabi niya, sa simpleng tugon ko na 'yon nairelate na naman niya sa nakaraan naming dalawa, hindi ako makaimik dahil tama naman din ang sinabi niya. "Sinasabi mong lahat ng buhay mahalaga? pero hinayaan mo akong mahulog at malunod na sa pag-aakala ko noon na sasagipin mo ako subalit hinayaan mo lamang ako," umalingaw-ngaw sa gunita nito ang nakaraan namin at saka ito ngumiti ng mapait."Pero nagkamali pala ako ng hiningian ng tulong. Parehas lang pala kayo ni Mommy." pagkasabi niya niyon, umalis siya sa harapan ko at lumabas ng kwarto.
"Hinanap kita!" 'yan ang katagang gusto ‘kong sabihin sa kaniya pero mas pinili ‘kong manahimik dahil alam ‘kong hindi niya ako paniniwalaan.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Jeremy. Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Ano ang nangyari sa'yo? May rason ba kung bakit ka nag-alok ka ng kasal sa'kin noon? Ano ba ang nangyari sa Mommy mo? Damn it! napapikit ako sa inis ng walang makuhang sagot sa sariling tanong.
Hindi ko alam kung anong oras na, napagod na siguro ang utak ko kakaisip at paghihintay kay Jeremy na pumasok ulit sa kwarto pero hindi na iyon muli pumasok pa, gustuhin ko man na bumangon at puntahan siya hindi ko magawa dahil sa bukod na hinang-hina ako, hindi ko na kakayanin pang marinig ang mga sasabihin niya na nakakapag-konsensya lalo sa'kin.
May tamang panahon din na magkaka-usap kami ng maayos ni Jeremy, nang hindi nag-aaway, hindi nag-susumbatan, at hindi nagsisigawan at kapag nangyari iyon handa na ang sarili ko.
Kaya naman umayos ako ng higa, nakatingin ako sa kawalan at ilang sandali pa bumigat na ang aking talukap at unti-unti na akong nakatulog ulit. Hindi ko alam ‘kong nanaginip lang ako pero may naramdaman akong labing lumapat sa noo ko at bumulong sa'kin ng...
"Good Night."
Itutuloy...
CODE OSCAR: is rung in case there a person/animal falls overboard from the vessel.