CHAPTER 1
Eight years later...
Sabi nila ang pag-ibig daw ay parang dagat. Maalat man habang nakababad ka dito, mas madaling maghilom ang mga sugat mo. Sugat sa iyong katawan. Minsan sugat na dulot ng mapait na nakaraan.
At kahit di ka marunong lumangoy, kapag nanatili ka ng matagal dito, matututo ka din kung paano sumunod sa daloy nito. Ika'y makakaahon sa kabila ng mga malalakas na alon; alon ng buhay na minsan ay lulunod sayo.
At hindi ako gano'n kasi kahit man nagpatuloy ako sa buhay, natupad ko man ang aking mga pangarap. Sumunod ako sa daloy ng alon ng dagat; may sugat pa rin ang puso ko, sugat na dulot ng mapait na nakaraan. Sugat na kung saan isang tao lang ang makakapagpahilom nito.
Naputol lang ang pag-iisip ko ng magsalita si Colleen, katrabaho ko ng tatlong-taon bilang isang cabin steward.
"Ikaw anong kwentong pag-ibig mo, miss senior?" pagtatanong niya sa'kin, nginitian at pinagkatitigan ko lamang siya. "Parati ka nalang ganyan sa'min." ungot niya sa'kin "Sa tagal na natin magka-trabaho never ko pang narinig ang buhay pag-ibig mo."
Colleen made me laugh. Right, I don't like to talk about my past. I don't want anyone to know about the bittersweet memories Jeremy and I have. So, if I can, I'll keep it to myself, but it doesn't appear that this will happen at this time.
"Miss Senior!." pukaw sa'kin ni Colleen. "Ano tunganga mode tayo jan. Magkwento kana. Nahihiya ka pa tayo tayo lang naman dito."
Tinignan ko ulit ko si Colleen napansin ko ang pamumula ng pisngi niya na ang ibig sabihin ay lasing na. Siguro naman hindi nila maalala kung magkwe-kwento ako tungkol sa nakaraan na pag-ibig ko. Kaya naman napabuntong-hininga ako kasabay ng pagsimsim ng beer bago magsimulang alalanin ang memories namin ni Jeremy.
"It started first year, first semester," I began.
Napansin 'kong umayos ng pagkaka-upo si Colleen at Bryan na para 'bang excited sila ikwe-kwento. So I gave them a kind grin as I continued. "I can't see him on the campus where I went to college since I'm too busy with studying and working. Imagine. Every weekday, I work part-time at the library, and every Friday night 'till Sunday night, I work as a partimer sa isang bar na malapit sa school namin bilang isang bartender. And I'm still taking full-time classes in my first year. So I don't have time for that what they called lovelife. " Sumimsim ulit ako ng beer bago ulit nagpatuloy.
"Since na nagtra-trabaho nga ako every weekends sa bar. Madalas ko siya nakikita, dahil nga ako ang taga-abot ng alak niya at minsan nakakausap din dahil sa mga katrabaho ko 'don. Hindi ko pa nun alam na same school kami nag-aaral kung hindi lang dahil sa ID niya na nahulog at ako ang nakadampot. In fairness approachable naman siya para sa'kin dahil siguro dahil nga ako ang taga abot ng alak niya, pero sabi ng mga katrabaho ko doon hindi talaga siya ganyan, asa days goes by nakilala na namin siya. I mean yung mga katrabaho ko nun."
"So, you had a crush on him that time?" Colleen asked, curiously
I smiled as shook my head."Nes?" I shrugged, napakunot-noo sila sa sagot ko kaya matunog akong natawa, "I mean, no na parang yes kasi bukod sa napaka-seryoso niya, kasalungat siya sa ideal man ko pero kahit kasalungat iyon sa mga gusto ko. I find it interesting."
Natawa ang dalawa sa pagpapaliwanag ko sa sagot ko hanggang sa napabaling ako kay Bryan, "Bakit ano ba ideal man mo? Aniya.
"Hmm, " nilagay ko ang aking kamay sa aking baba na parang bang nag-iisip. "Simple lang naman. Mabait, mapagmahal, family-oriented, at higit sa lahat hindi mahilig sa babae at walang bisyo."
"Pero syempre gwapo." natatawang dugtong ni Colleen sa sinabi ko.
Natawa na lamang ako pati si Bryan, "Hindi naman. Mas lamang pa rin ang ugali kaysa itsura...para sa'kin ha." Tugon ko.
"Whatever," asik ni Colleen, napansin ko din kung paano niya ako inirapan kaya mas natawa ako lalo. "Sige, pagpatuloy muna dali."
"Nasaan na ba tayo?" tanong ko sa kanila nang malimutan ko kung saan ako tumigil kanina.
"Nasa cruise tayo." pagbibiro ni Colleen.
Lasing na nga babaetang ito, napakadaldal na kung sabagay kahit naman hindi naka-inom madaldal na talaga.
Kitang-kita ko na ang paniningkit ng mga mata niya. Sa tagal kong nagtra-trabaho dito sa barko, nakasanayan na namin ang mag-inom minsan nga napapasip ako na kapag dumaong na ang barko sa Manila magpapacheck-up ako sa atay at dahil halos gabi-gabi ata kaming nag-iinom.
"Sa weekend, Zette." sabi ni Bryan sa'kin
"Ahh. Oo doon," I snapped my fingers, "Every friday night and sunday night di'ba ang schedule ko sa bar?" tumango-tango sila, "Kaya madalas nagkikita kami." napangiti ako ng maalala ko ang magandang pangyayari na 'yon. "Lagi siya na nangamusta sa'kin. At first hindi ko siya pinapansin dahil nga natatakot akong mainlove sa kaniya. Kasi balita nga doon na matinik siya sa babae kaya hindi ko siya pinapansin. Tinatarayan ko pa nga eh. Ngunit isang gabi. Pauwi na ako nun galing bar nang may unknown number na nagtext sa'kin."
"Ano ang text?" punung-puno ng kuryusidad na tanong niya saka siya sumandal sa rillings malapit sa kaniya, chismosa talaga ang babaeng ito.
"Hi," tugon ko sa tanong niya. "Yun lang. Kaya hindi ko rineplayan baka wrong send 'di'ba? Pero nagkamali ako dahil ilang saglit lang nung mabasa ko ang text niya. Tumawag siya."
When I think about it, it makes me giggle. It all began with a simple text message. As Bryan spoke, I caught a glimpse of him. Bryan is also attractive, tall, white, and of average build, but he doesn't appeal to me. HAHAHA
"Kinikilig ka na niyan."
"Oo nga. You're blushing Miss Senior." pang-aasar ni Colleen habang pinagkakatitigan ako.
"Tss, naalala ko lang 'yung mga panahon na iyon," napailing nalang ako sa sinabi nila, nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam bigla ng hiya."Ano itutuloy ko pa ba?" pag-iiba ko sa usapan. Tumango ang dalawang at sabay pa nagsalita.
"Tuloy muna."
Nginitian ko sila at saka nagkwento ulit. "Nang tumawag siya, pinatayan ko muna siya." hindi ko na mapigilan matawa. "Hindi kasi ako sure kung siya nga'yon. Though very familiar yung boses niya, hindi ko inaakala na tatawag siya, syempre kahit sino naman hindi maniniwala na tatawag ang isang Jeremy sa'kin. "
"Miss Senior. Describe mo nga 'yang ex mo." Hirit ni Colleen.
"Hala. Nahihiya ako." giit ko, napapasulyap ako kay Bryan na nakangiti lang sa'min habang nag-aasaran.
"Sige na. Damot mo sa'min Miss Senior." may pagtatampong tinig ni Colleen.
"Hay nako. Itsura talaga ang matters sa'yo ano?" pagbibiro ko, tinampal ko pa nga ang braso niya, "Wag na...akin na lang 'yon." dagdag ko sa kaniya.
But at the back of my mind sinasabi ko kung ano ang itsura ni Jeremy. He had a devil-may-care outlook and a stellar smile, he had blue eyes, they were almond-shaped. And he had scythe-shaped eyebrows. His Roman nose and half-dome cheekbones sat above an oaken jaw and lastly he was dishy. He is so perfect for me.
"Fine, wag na...Sige na tuloy mo na ang kwento mo." Nakangusong aniya habang binubuksan ang chips na nasa gilid ko.
Inayos ko muna ulit ang buhok ko dahil nagugulo iyon sa lakas ng hangin dito sa pwesto namin, medyo maalon pa ngayon kaya napapahawak kami sa rillings ng barko.
"Akala ko hindi na siya ulit tatawag pero 'yon na naman tumawag siya. Kaya sinagot ko 'yon hanggang sa nagtuloy tuloy 'yon. Hanggang sa pag-uwi ko galing school or galing sa work may text or tatawag pa 'yon. Hanggang sa nagtagal parang medyo naging ka close ko na din siya minsan nga madalas na namin siya nakakasama kahit sa pagkain namin sa labas. Tahimik nga lang siya. Minsan, siguro nahihiya pa, nag-aadjust pa sa mga kasama ko pero hindi din nagtagal at naging comfortable na rin siya na kasama kami though tahimik pa rin siya." Ininom ko ang natitirang beer sa baso ko kaya sinalinan naman agad 'yon ni Bryan. Napatingin ang ako sa kaniya "Thank you."
"Sige na Miss Senior!" ani Colleen. "Parating may advertisement. Mag-kwento kana. Nabibitin ako."
Matunog akong natawa "Oo na. Ito na. Naalala ko birthday ko 'yon, nag-expect ako na siya ang unang una na babati sa'kin pero nakalimutan niya 'yon kaya naman na disappoint ako nung time na 'yon. Kinabukasan na niya ako nabati, sabi niya hindi niya naalala ang birthday ko at busy din daw siya sa business nila. Makalipas nun parang medyo nawalan ako ng gana, hindi ko na ulit siya pinapansin. Hindi ko na siya reni-replyan at sinasagot ang tawag niya," napangiti ako nang maalala ang mga pagpapabebe ko noon.
"P-pero gumawa pa din siya ng paraan para bumalik kami sa dati. Bumawi naman siya sa akin. Natatawa nga ako pag naiisip 'yon. Nag e-effort siya pero wala pang kami. Palagi siyang may time tumawag at mag text sa'kin. Minsan pa nga inaabot kami ng hanggang madaling araw na magkausap kami. Kaya pagpasok kinabukasan bangag. Pero ang nakatuwa ay parang hindi kami nauubusan ng mapag uusapan nun. Siguro isang buwan na magkakasunod sunod na ganun. Natitigil lang pag halimbawa exam week or sobrang busy kami pareho sa school." Kahit matagal ng wala kami ni Jeremy, hindi ako magsasawang balikan ang mga masayang alaala na nagawa namin.
"Hindi pala kayo magka-course?" tanong sa'kin ni Bryan.
I nodded. "Hindi. Kung alam niyo lang sobrang dami naming differences." nakangiting sagot ko kay Bryan.
"Tulad ng?"
"Age. I was 19, he was 18 nung time na maghiwalay kami. Mayaman siya. Mahirap ako. Full-time student siya, part-timer ako. Tourism ako. Marine Engineering siya."
"Bakit ahead siya sa'yo kung ganun?" Bryan asked again.
"Tumigil kasi ako ng isang taon gawa ng wala kaming pera. Nag-trabaho ako upang makaipon at nang naka-ipon na saka ako bumalik sa pag-aaral ako," bigla ako nakaramdam ng lungkot nang maalala ang mga panahon na 'yun na sobrang iyak si mama sa'kin, humihingi ng sorry dahil kailangan kong tumigil sa pag-aaral at bago pa ako maiyak bumaling muli ako kila Bryan at Colleen na hinihintay ang sunod kong sasabihin. "P-pwede kasi noon sa University namin ang mag-advance subject; nakapag-advance subject naman ako nun, pinagsabay ko lahat ng subject ko mula first year and third year para makahabol ako at para maging regular student na ako sa fourth year, kung kaya pa nga sana pati sana ibang subject pang fourth year kaso hindi na kaya eh, kaya 'yun pagdating ko ng fourth year regular student na ako. Pero si Jeremy 'yon ang ginagawa niya nag a-advanced subject siya kaya ang bata pa niyang fourth year pero halos naman ng students doon ay 'yon ang ginagawa. And of course kung ma-pera ka nothing is impossible di'ba? kaya ganon." dire-diretso na sagot ko kay Bryan.
"Omy!" tili ni Colleen kaya sabay kami ni Bryan napasulyap sa kaniya.
"Why?" nakakunot-noo at nagugulat na tanong ko sa kaniya.
"Wala lang," natatawang sabi niya. Baliw 'di'ba? Sarap itapon sa dagat at ipakain sa mga shokoys. "Pero malay mo Miss Senior, isa pala siya sa nag na-navigate nitong cruise sa t'wing naglalayag tayo or--,"
Natigilan ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko. Pero hindi ko 'yon pinahalata baka asarin na naman ako. Kaya tinignan ko siya.
"May-ari pala siya ng cruise. 'Yung parang napapanood natin sa teleserye, 'yung bidang babae at lalaki nagkahiwalay tapos nagkita sila after many years tapos mahal na mahal pa pala nila ang isa't-isa." May pagsiklop pa si Colleen sa kamay niya habang kinikilig.
Napansin kong napapa-iling nalang si Bryan kay Colleen, ako naman tinampal ang braso niya, "Napaka imposible naman 'yon! Edi sana nakita na natin siya."
"Duh! Malay lang naman. Malay lang ba." 'yan na naman 'yang mata niyang lagi ng umiikot.
Napailing nalang ako at napatingin sa kawalan. Kung 'yang malay ni Colleen ay totoo. Sana nga may-ari nalang siya nitong cruise, sana magkita kami at gusto kong makausap siya muli at humingi ng tawad sa pananakit sa kaniya. Kahit matagal na 'yon, siguro naman hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad at maging okay kami.
Nagpakurap-kurap ako, malabo ang manyari 'yun! Jusko. "Next time ko nalang ulit itutuloy ang kwento ko. Maaga pa tayo bukas eh," pagputol sa pinag-uusapan namin at baka kapag ipagpatuloy ko pa maniwala na talaga ako sa pinagsasabi ni Colleen. "Magpapa-meeting pa ako bukas sa kapalitan natin." napansin ko na din na humahandusay na si Colleen sa sahig, mukhang patay kung makahandusay sa kalasingan. "Look, lashing na ito." nakatawang sambit ko.
Tumawa din si Bryan at saka tinanguan ako."Okay sige, basta kwento mo lahat. Nacu-curious ako."
"Oo, bukas RD natin. Kwento ko lahat."
Inalalayan ako ni Bryan sa pagtayo dahil medyo tipsy na din ako. Sa lahat ng lalaking katrabaho ko dito siya ang pinaka-close ko halos kasabayan ko kasi siya, sa mga babae naman si Colleen, no choice ako dahil magka-roommate din kaming dalawa.
Inakay namin si Colleen patungo sa stateroom namin. Lasing na lasing talaga siya. Nang makarating kami sa kwarto namin ay nagpasalamat ako kay Bryan dahil tinulungan niya akong akayin si Colleen dito sa kwarto bago siya din ay nagpaalam na babalik siya sa pwesto namin kanina upang linisin ang kalat na naiwan namin doon. Buti nalang at walang mga cabin steward sa mga oras na 'yon at duty.
Tinignan ko si Colleen bago walang choice na pinalitan siya ng damit pantulog, kinumutan ko siya bago napagdesisyunan lumabas na muna ng stateroom namin upang magpahangin sa balcony ng cruise ship na ito.
"Hay." napangiti ako nang sumalubong sa akin ang malakas na hangin pagkarating ko dito sa balcony.
Ganitong oras napakatahimik ang balcony na ito kung kaya't gustong-gusto kong tumatambay dito kapag rest day or free-time ko dahil bukod sa tahimik nga ang sarap sa tenga 'yung hampas ng alon at ang huni ng malakas na hangin na nakakapagpa-relax sa stressful na araw ko.
Umupo ako sa isang bench dito sa balcony habang tinitignan ang maliit na alon mula sa dagat. Kita ko mula dito sa inuupan ko ang liwanag ng buwan kaya napatingala ako sa kalangitan. Napangiti din ako nang makita na marami din bituin sa langit habang pinagmamasdan ko ang mga ito parang sinunsundan ako ng mga 'yon. Ito talaga ang pinaka-best part ng pagiging cabin steward ng isang cruise ship.
"Posible kaya mangyari 'yun?" tanong ko sa kawalan nang maalala ang sinabi ni Colleen kanina, "Pero hindi..." protesta ko sa iniisip ko "Kilala ko lahat ng mga captain ng cruise line na ito saka may-ari kaya napaka'imposible. Saka hindi ito pelikula na kung saan pwedeng iutos ng isang direktor ang mga dapat mangyari." Napa-iling ako upang matanggal sa isip ko ang mga iyon.
Tinignan ko nalang ulit ang dagat at tuwang-tuwa talaga ako sa t'wing hindi masyadong maalon. I can feel calmness pero kapag malalaki at malakas ang alon. Natatakot ako kahit marunong naman akong lumangoy. Natatakot pa'rin talaga ako sa posibleng mangyari hindi ko masasabi ang disgrasya.
I sighed as I remembered that I was a cabin steward for six years. I was promoted to Senior cabin steward two years ago. I'm in charge of the passengers' overall customer experience and well-being on board by ensuring that the highest standard of safety and service is delivered by all crew members.
At sa paglalayag sa iba't ibang lugar ng Pilipinas umiikot ang buhay ko. Laking pasasalamat ko sa trabaho ko na ito dahil naihaon ko kahit paano sa hirap ang aking mga magulang. Nabigyan ko sila ng sariling negosyo at ngayon plano kong magpatayo ng mas malaking bahay para sa kanila.
Kaya mas pinagbubutihan ko ang pagtra-trabaho bilang pasasalamat na tinanggap at nagtiwala ang J-Cruise line sa kakayahan ko kahit noong nag-apply ako ay wala pa akong ni isang experience.
"Miss Senior?" natigilan lang ako sa pag-iisip nang may magsalita mula sa likuran ko, nilingon ko iyno at nang mapagtanto kong sino ay nginitian ko.
"Ano atin, Jade?"
"Pinatatawag po kayo ni Miss Director."
Tumango ako, "Okay sige. Punta nalang ako sa kaniya. Salamat Jade." nakangiting sambit ko.
"Welcome Miss Senior." ngumiti siya sa'kin at saka yumuko bago tuluyang umalis.
Nagmamadali akong naglakad patungo ng stateroom namin, nag-ayos muna ako at nag toothbrush. Baka mahalata akong nakainom, yare ako. Pagkatapos kong mag-ayos nagtungo agad ako sa bridge kung saan laging andoon si Miss Director.
Nang makarating sa tapat ng pintuan ng bridge, inilapat ko ang hintuturo sa pinto para ako ay makapasok. Napaka high-tech kasi ng cruise ship na'to. Instead na ID ang ginagamit namin. Fingerprint nalang at ang rason nawawala daw ang ID. Kaya the owner suggested na gawin fingerprint sensor lahat ng mga authorized location ng cruise na ito.
"Good Evening, Miss Director." nakangiting bati ko nang makapasok ako sa bridge, nginitian ko din si Captain Ramos na isa sa nagna-navigate ng cruise na ito.
"Good Evening to you, too, Miss Senior."
Naglakad ako papalapit sa kaniya, "Pinatatawag niyo po ako." Saad ko.
She nodded, "Have a seat." She offered me to have a seat on one of the sofas inside.
"Thank you," I said as I sat on the couch.
"The cruise will dock in Boracay the following day. I heard you have a two-day rest period," he exclaimed.
I gave her a nod. "Yes, but then why?" I inquire.
"I have a favor to ask. If you don't mind," tumango lang ako na para bang sinasabi ko na pumapayag ako, "Pwede bang isang restday ka nalang muna? Kahit bukas restday and the other day pasok ka na?" parang nahihiya pa na sabi niya sa'kin.
I smiled, "Pwede naman po." agad kong sagot, sa tagal ko ba naman dito nagtra-trabaho ay sanay na ako mga change schedule. "Pero. Pwede po bang magtanong kung bakit?" na-curious lang ako dahil minsan lang naman humingi ng ganitong favor si Miss Director.
Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni Miss Director bago niya akong sagutin. "Darating kasi sa makalawa ang pinaka may-ari ng J-Cruise."
Napakunot-noo ako. "What do you mean? Hindi ba si Sir James ang may-ari nito?" naguguluhan na tanong ko.
Hindi ko talaga alam na hindi si Sir James ang may-ari kasi naman siya lang ang nakikita ko dito, at kahit kailan naman ay hindi naman nababanggit na may ibang may-ari ang cruise na ito. Kahit nga sa orientation ay wala naman naibanggit.
Umiling siya. "Hindi. Acting owner siya. Ang totoong may-ari darating sa susunod na araw." aniya habang pinagkru-krus ang mga bente.
"Di niyo po ba name-meet ang may-ari nito, I mean ang totoong may-ari nito?" I asked, curiously
Umiling ulit ito. "Hindi pa. Sa 12 years kong nagtra-trabaho dito. Hindi ko pa ito nakikilala. Balita ko kasi may cruise line din ito sa ibang bansa. Doon ata siya nag focus. Kaya kailangan kita para maayos ang mga dapat maayos para wala itong masabi sa cruise natin." tugon niya sa tanong ko.
Bagama't nagulat ako at tumango na lamang ako, wala din naman ako magagawa di'ba? Hindi rin niya kilala ang may-ari, kaya hindi na ako magtatanong pa.
"Okay lang sa'kin. Baka ang team ko na restday din ng dalawang araw ay gagawin ko na muna ng isang araw para mas mapadali ang trabaho."
Ngumiti siya na tila bang nasiyan sa sinabi ko. "Thank you, Miss Senior. "
"Kaya bagay sa'yo ang na tawag 'yan eh. Bagay na bagay." Sabat ni Captain Ramos, sabay kaming napatingin ni Miss Director.
"Tss. Bolero kang kapitan." natatawang sabi ko naman sa kaniya.
Nagtawanan kami sa sinabi ko. Friends naman din kami ni Captain Ramos kaya minsan nakikisakay na din ako sa mga biro niya. Ilang minuto din kaming magka-usap at maya-maya pa nagpaalam na ako, gumagabi na din kasi maaga pa ako bukas.
Akma na bubuksan ko na ang pinto nang may pahabol pa si Miss Director sa'kin. "Thank you sa favor. Maasahan ka talaga." Nakangiting aniya.
Nagthumbs-up ako, "Wala po 'yon. Basta para sa trabaho." pagkasabi ko niyon ay lumabas na din ako ng bridge.
"Ano kaya pangalan ng may-ari nitong cruise? Babae ba siya o lalaki?" wala sa sariling tanong ko sa sarili pagkabalik ko dito sa bridge, "Kahit sino pa siya, okay lang pero sana wag lang matapang o masungit."
Itutuloy...
STATEROOM: is the nautical term for a cabin on a ship.
BRIDGE: is the room or platform from which the ship can be commanded.
CABIN CREW, CABIN STEWARD, CABIN ATTENDANT: whatever it's called. Same meaning lang ha. Working on a cruise ship but sometimes those terms are also used in aircrews.