CHAPTER 11

3415 Words
"Miss Senior, kamusta naman kayo ni sir Jeremy?" natigilan ako sa paglalagay ng blush-on at napatingin kay Colleen sa tanong niya. Two days have passed, but Jeremy and I are still the same; we fight every day, and always gets upset at me. He was still cold towards me and in those two days, I seemed to be getting used to his behavior. If before I was disgusted with his attitude towards me, but now I'm used to it. At ewan ko itong sarili ko dahil sa kabila ng ganyang pagtrato niya sa’kin mas lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya. Baliw na kung baliw para maging ganito ako sa kaniya kahit alam ‘kong may girlfriend na siya pero siguro naman hindi naman ito mali dahil ako lang naman ang nakakaalam niyon at saka si Colleen 'di'ba? Napabuntong-hininga ako bago sagutin si Colleen habang muling bumaling sa salamin upang ipagpatuloy ang paglagay ng blush-on. "Aso't pusa pa rin."sagot ko. Maya-maya nang matapos akong maglagay ng blush-on, isinasara ko ang lagayan niyon at pagkatapos ay tinignan ko muna muli ang mukha ko sa salamin bago mapag-desisyunan tumayo. At kailangan ko ng mag-report sa Marum na iyon dahil kahit isang segundo lang ang late ko ay naghihimutok na agad. "Buti na tatagalan mo," saad ni Colleen habang sinusuot niya ang kaniyang sapatos, tanging ngiti at tango ang naging tugon ko sa kaniya. "Kung sabagay basta mahal mo ang tao makakaya mong tiisin kahit gaano pa ito ka cold sa'yo." anjan na naman ‘yang nang-aasar na tinginan sa’kin pero sa halip na sakyan ko ang pang-aasar niya. I just rolled my eyes na ikinatawa ng babaetang ito. "Tara na nga!" anyaya ko sa kaniya papalabas ng stateroom namin, "Baka kung saan na naman mapunta ang usapan na ito." dagdag ko bago ko hawakan ang pulsuhan ni Colleen at hilain papalabas ng kwarto. "Miss Senior, siya nga pala napag-usapan ng team na magkakaroon tayo ng party the day before dumaong ang barko sa Manila." saad ni Colleen habang naglalakad kaming dalawa sa hallway papunta sa Q area. Napabaling ako sa kaniya, "Don't worry nakapagpaalam na kami kay Miss Director at sir James, pumayag sila kaso…" napahinto si Colleen sa iba pa niyang sasabihin na para bang nag-aalalangan siyang sambitin iyon sa’kin. "Kaso ano?" tanong ko sa kaniya, nasa tapat na kami ng pinto sa isang nap rooms dito sa Q are. Pinagkatitigan ako ni Colleen, napansin ko ang pagbuntong-hininga niya bago magsalita muli. "Yayain mo daw si sir Jeremy." may pag-nguso na sabi niya. Proprotesta sana ako na hindi ako papaya sa gusto nila nang biglang mangingibaw ang boses ni Jeremy, sabay kaming napatingin ni Colleen sa direksyon kung saan nanggaling ang boses niya. "To invite, where?" he asked. I lowkey staring at him and I really can’t help but fix my eyes on him. He was wearing a luxury black suit paired with brown shoes while his hair was combed neatly. And what adds even more to his handsomeness is his pleasant scent. "May sasabihin po si Miss senior, sir Jeremy." laglag ang panga ‘kong napasulyap kay Colleen na nakangiting kinindatan ako bago nagpaalam na pupunta na sa pwesto niya. Tinignan ko ang papalayong bulto ni Colleen, gusto ko siyang habulin upang sakalin kung maari. Lagi na lang talaga ako nilalagay 'yang babaetang iyan sa mga alanganin na sitwasyon. I just turned to Jeremy when he sneezed, "What are you going to say?" he asked, I noticed that the tip of his nose was red. “Is he okay?” I can’t help myself but worry. "A-ahh," I bit my lips before I spoke again. "G-gusto ka daw nilang imbitahan sa gaganapin na party bago dumaong ang barko sa Manila pero kung busy ka, okay lang sasabihin ko sa kanila." He smirked, "You don't even know my answer yet–" the rest of what he was going to say was cut off when he sneezed again. Napansin ko ang mas lalong pamumula ng ilong niya. "Okay ka lang ba?" nag-alalang tanong ko sa kaniya. Sa halip na sagutin ako ni Jeremy nag-iwas siya ng tingin sa akin at naglakad papasok ng kwarto niya, sinundan ko na lang din siya hanggang sa makapasok kami sa kwarto niya. Humatsing ulit siya habang naglakad papalapit sa mini-kitchen niya.  Kaya naman nag-alala akong naglakad palapit sa kaniya at walang pag-aalinlangang kinapa ang noo niya. "You have a fever!" tinignan ko siya. “Kaya pala ang pupungay ng mga mata niya dahil may lagnat siya.” Bulong ko sa aking sarili. Napansin ko lang din ngayon nang matitigan siya ng malapitan na ang pula ng mukha niya. Napatingin ako sa kamay ko nang bigla iyon hinawi ni Jeremy palayo sa kaniyang noo. Nag-angat ako muli ng tingin sa kaniya at sinusundan lang ng tingin ang iba pang gagawin niya. Naglakad siya papalapit sa study table niya, “Magtra-trabaho pa rin siya kahit may sakit na siya? Hanep talaga ‘tong marum na ito.” Kaya naman bago pa siyang makaupo swivel chair hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan at hinila papasok sa loob ng kwarto niya. "What are you doing?" he asked as he gets his hands off me, "I have a lot of work to do," he added. Humatsing muli siya at masasabi ko na sobrang sama talaga ng pakiramdaman niya dahil sa sobrang init niya na kompara kanina. Hinawakan ko muli ang kamay niya hindi iyon sa pulsuhan niya kundi ‘yung kamay niya mismo dahilan para matigilan at magbaba ng tingin si Jeremy sa kamay namin na magkahawak at ilang saglit at galit na bumaling siya ng tingin sa'kin. "Wag ka na magmatigas, you're sick," senserong sambit ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata, napansin ‘kong magsasalita pa sana siya nang inunahan ko na. "Just for once, makinig ka naman sa'kin kahit ngayon lang, please," may pagmamakaawa sa tinig ko. "May sakit ka kailangan mong magpahinga, ang trabaho andiyan lang 'yan." Pagkasabi ko niyon marahan ko siyang hinila pahiga sa kama niya. Buti nalang at hindi na siya nag-protesta pa, hinayaan niya nalang at laking pasasalamat ko doon. Nang makahiga siya, kinapa ko ulit ang noo niya sobrang init niya kaya naman kahit naiilang ako tinanggal ko ang suit niya at napahinto lang ako nang bubuksan ko sana ang dalawang batons ng kaniyang putting long sleeves. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na nakatingin din pala siya sa’kin. "Bubuksan ko lang ang dalawang batons mo ha p-para sumingaw ang init ng k-katawan mo." “Damn why am I nervous?” bulong ko sa aking sarili at ilang saglit mapupungaw ang mga mata ni Jeremy na tumango. Kaya naman nangangatal ang kamay ‘kong itinanggal ang dalawang batones ng kaniyang suot na long sleeve at pagkatapos ay kinumutan ko siya. Naupo ako sa tabihan niya habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. "Dito ka muna, I'll make some porridge para makakain ka at maka-inom ng gamot," malambing na sambit ko sa kaniya binitawan ko ang kamay niya at aasta sanang aalis ng nahuli niya ang pulsuhan ko dahilan para mapatingin muli ako sa kaniya. "What? May masakit ba sa'yo?" hinawakan ko muli ang kamay niya. He shook his head. "Please, stay here. Don't leave me," he said in a very low voice. “I know this doesn’t mean anything, may sakit lang siya kaya gano’n siya sa’kin but half of my heart I want to believe it means something.” Naalala ko tuloy noon walong taon nakalilipas nang tinawagan ako ng isa sa maid nila na hindi daw kumakain at umiinom ng gamot si Jeremy. Naalala ko noon kung paano ko iniwanan ang trabaho ko para mapuntahan agad siya at maalagaan hanggang sa gumaling siya at ngayon hindi ako makapaniwala na ako pa rin pala talaga ang mag-alalaga sa kaniya kahit ayaw niya na sa'kin. Tumango ako, "I won't leave you, dito lang ako kaya magpahinga ka na." sabi ko. Mapupungay ang mga mata niyang tumango din at ilang sandali pa ipinikat na niya ang kaniyang mga mata. Pinagmamasdan ko si Jeremy habang natutulog. “Sana tayo na lang ulit, sana ako n alang ulit, sana maramdaman mo na ikaw pa rin hanggang ngayon.” mahinang sambit ko. Napangiti ako nang marinig ang mahinang hilik ni Jeremy, pagod na pagod nga siya. Siguro kaya din nagkasakit siya dahil pansin ko noong mga nakaraang araw ay nagiging abala siya sa pag-inspeksyon sa mga makina ng barko, minsan ay sumasama pa siya sa pag-dive sa ilalim ng dagat upang inspekyunin ang barko kung nasa kondisyon ba ito. Nang mapagtantong malalim na ang tulog ni Jeremy, dahan-dahan ‘kong kinalas ang kamay ko sa kamay niya. Kailangan ‘kong magluto ng lugaw para kahit paano ay makakain siya at makainom din ng gamot. Sobrang ingat na ingat ang paghakbang ko papalabas ng kwarto upang hindi ako makagawa ng kahit anong ingay na magiging dahilan pa na magising siya. "Salamat." napahawak ako sa akin dibdib ng maisara ko ang pintuan ng walang ingay. Pagkatapos naglakad na ako patungo sa mini-kitchen niya, binuksan ko ang refrigerator niya. Napasapo ako sa noo ko nang makita kung ano ang mga laman niyon. Jusko, mineral water at beer. "Bakit ba kasi umaasa akong may laman eh, lagi naman si order 'yon." sabi ko habang nakatitig sa walang laman na refrigerator. Maya-maya pa bagsak ang balikat ‘kong isinara ang refrigerator at lumapit sa telepono upang tawagan ang galley at manghingi ng ingredients para sa lugaw na lulutuin ko at ilang sandali pa dumating na din iyon. "Thank you, Bry." nakangiting sambit ko kay Bryan nang maihatid dito sa loob ang mga kailangan ko sa pagluluto. "Walang anuman, Miss senior." sagot ni Bryan sa'kin bago ito nagpaalam sa'kin na aalis na. Nang makaalis na si Bryan, hindi na ako nagsayang pa ng oras, nag-umpisa na akong magluto. Hinugasan ko muna ang bigas at ang iba ‘pang ingredients sa lugaw pagkatapos ay pinakulaan ko ng mabuti ang kanin hanggang sa lumagkit ito. Naggigisa na din ako ng dapat ilagay sa lugaw tulad ng luya, sibuyas, bawang, manok at pagkatapos pinaghalo ko na lahat iyon at inilagay lahat sa kaninna punakuluan ko kanina, naglagay na din ako ng iba pang pampalasa. Habang nag-hihintay na tuluyan maluto ang lugaw, ihinanda ko na din ang tubig at gamot niya. Nang matapos kong ihanda iyon bumaling muli ako sa lugaw na niluluto ko, at nang mapagtanto na luto na iyon pinatay ko na ang electric stove. Pagkatapos kumuha ako ng isang mangkok sa lagayan ng plato at nilagyan ko 'yon ng lugaw at saka dahan-dahan na inilagay iyon sa tray kasama ang tubig at gamot niya. Dahan-dahan ako na pumasok muli sa kwarto ni Jeremy tulog pa rin siya, kaya naman since na mainit pa naman ang pagkain niya hindi ko na muna siya ginising. Ang ginawa ko na lang ay naglakad ako sa closet niya at kumuha ng white face towel at pagkatapos ay lumabas muli ako sa kwarto niya at naglagay ng tubig sa isang maliit na planggana at ingat na ingat akong bumalik ulit sa kwarto. Inilapag ko ang planggana na may tubig sa side table niya bago kinuha ang remote ng aircon upang pahinaan iyon. Kailangan pagpawisan si Jeremy. Hinawakan ko ng marahan ang kaniyang noo, mainit pa rin siya kaya naman bumaling ako sa planggana na may tubig at inilublob ko ang white face towel pinigaan at saka marahan na inilagay 'yon sa noo niya. Paulit-ulit ko iyon ginawa sa kaniya, nakailang palit na din ako ng tubig sa planggana at face towel pero hindi pa rin nagigising si Jeremy. Napatingin ako sa labas nang lumalalim na ang gabi, halos maghapon na tulog si Jeremy. Hindi pa siya kumakain at hindi pa rin nakaka-inom ng gamot, ayaw ko naman gisingin at ang sarap ng tulog niya. Napasulyap ako sa lugaw, malamig na din ito. Kaya naman, nang mailagay ko ang towel muli sa noo ni Jeremy kinuha ko ang lugaw at muling nagtungo sa mini-kitchen niya upang initin iyon. 9:30 pm, 'yan ang oras sa wrist watch ko nang tinignan ko iyon habang hinihintay na uminit muli ang lugaw. Naghintay muli ako ng ilang minuto para tuluyan uminit ang pagkain, agad ko din 'yon sinalin sa mangkok. Balak ‘kong gisingin na si Jeremy at baka siguro hindi bumaba ang lagnat niya dahil hindi pa siya nakaka-inom ng gamot. "Mom! Mom!" awtomatiko akong napatingin sa kwarto ni Jeremy nang marinig ‘kong umuungol siya habang tinatawag niya ang Mommy niya. Agad ‘kong hinawakan ang tray na may lugaw na laman, "Ouch!" inda ko nang mapaso ako dahil sa pagkataranta, namumula pa iton pero sa halip na pansinin pa iyon. Nagmamadaling akong pumasok sa kwarto ni Jeremy habang bitbit ang lugaw. Inilapag ko agad ang tray sa bedside table at lumapit sa kaniya. Mukhang binabangongot siya kaya naman nag-alala akong ginigising siya. "Mom!" napabalikwas siya ng bangon, hinawakan ko ang kamay niya. "Nanaginip ka, Jeremy," napansin ‘kong may luhang kumawala sa mga mata niya, hindi ko alam kung ano ang panaginip niya pero sa hindi mabilang na pagkakataon ay niyakap ko siya nang mahigpit. "Panaginip lang 'yon." himas-himas ko ang likuran niya, naramdaman ‘kong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin kaya hinayaan ko na muna na gano’n kami hanggang sa naramdaman ‘kong kumalma na siya kaya ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin. "Are you okay now?" I asked him, he just nodded. "Kumain ka muna upang makainom ka ng gamot." "I'm not starving." namamaos ang boses niya nang sinagot ako. "Kahit na, kumain ka kahit kaunti lang, kailangan mong uminom ng gamot." kasabay nun ay inalalayan ko siya pasandal sa headboard ng kama niya at saka kinuha ko ang bed table at inilapag ang tray na may laman na pagkain, gamot at tubig. "Who cooked this?" he asked as he pointed out the food. "Sino pa, edi ako, hindi ka naman kumakain ng ibang lugaw kung hindi ako lang ang magluluto." tugon ko kasabay ng pagsubo ko sa kaniya niyon. Napa-iwas ako bigla ng tingin nang mapagtanto ko ang sinabi ko, “ang tanga ko, bakit 'yon ang nasabi ko! tanga ko”! pagalit ko sa'kin sarili. "Ahh." Bumalik lang ako sa aking sarili at napatingin kay Jeremy nang marinig iyon. Nakatingin siya sa'kin na tila bang sinasabi niyang subuan ko pa siya kaya naman, napabuntong-hininga nalang ako at saka naiilang na sumandok ng isang kutsarang lugaw at isinubo sa kaniya. Sinubuan ko lang siya hanggang sa naubos niya ang lugaw na niluto ko, mukha man akong seryoso sa panlabas na itsura ko pero sa loob-loob ko ay tuwang-tuwa ako dahil nga naubos niya iyon. Inilapag ko na muli ang walang laman na tray sa bedside table at saka tinanggal ang bed table bago ko kinuha ang isang baso ng tubig at ang gamot niya. "Take this para gumaling ka na," sabay bigay sa kaniya ng gamot na agad niya naman iyon tinanggap at ininom. Nang mainom niya iyon ay inilagay ko na din muli ang baso sa ibabaw ng bedside table upang alalayan muli sana siyang humiga kung hindi lang niya ako pinigilan. "What?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "I need to go to the bathroom," he stated. Tumango ako. "Kaya mo ba?" tanong ko nang pababa na siya ng higaan, hindi niya ako sinagot kaya hahayaan ko nalang sana siya at mukhang kaya naman ata niya nang bigla nalang siya napahawak sa ulo niya buti nalang talaga nahawakan ko agad siya at kung hindi baka natumba siya. "Tulungan na kita." sambit ko habang hawak-hawak ang pulsuan niya. Pilit niya pa ngang inaagaw ito pero nagmatigas ako kaya wala siyang choice kundi magpa-alalay sa loob ng banyo. "You can leave now." Naiinis ko siyang tinignan. "No, dito lang ako, ano ba ang gagawin mo? tutulungan kita," pagtanggi ko, napansin ‘kong napatingin siya sa may lagayan ng toothbrush niya kaya naman kahit hindi pa siya nagsasalita kinuha ko na iyon at saka nilagyan iyon ng toothpaste. "Oh, mag-toothbrush kana para makapagpahinga kana." binigay ko ang toothbrush niya na walang imik naman na kinuha din niya, tinitignan ko lang siya hanggang sa matapos siya, naghilamos pa nga kaya naman agad ‘kong ibinigay sa kaniya ‘yung towel na nakasabit sa towel rack upang mapunasan niya ang mukha niya. "Tapos kana? Tara na sa kama mo." natigilan ako sa huling sinabi ko halos mabulanan ako sa sariling laway. "I-I m-mean, humiga kana muli sa kama mo." pagtatama ko sa sinabi ko. Napangisi si Jeremy bago tumango, aasta sana akong hahawakan siya para alalayan nang hinawi niya ang kamay ko at dire-diretsong lumabas ng banyo upang maglalakad muli sa higaan niya. Medyo bumigat ang pakiramdam ko sa ginawa niya sa'kin pero sinundan ko na lang siya hanggang sa napahawak muli ito sa kaniyang ulo na para bang nahihilo siya kaya naman dahil sa kaba na baka matumba siya halos patakbo ko siyang hinawakan. Hinawi niya na naman ang kamay ko, pero nagpumilit pa rin akong hawakan siya, akala ko okay na ngunit laking gulat ko na padarag niyang inagaw muli ang kamay niya sa'kin. "Would you please, stay away from me! I can manage myself without your help." nanghihina man siya pero ramdam ko ang boses niya na naiirita, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya kaya naman tinignan ko siya sa mata. "Bakit lagi mo nalang akong tinataboy, ha?! parang wala tayong pinagsamahan dati ah!" this time hindi ko na napigilan ang panggigilid ng aking mga luha pero pinipigilan ko iyon na tumulo. "Purket ba may iba ka na, gaganyanin mo nalang ako lagi?!" tuluyan na tumulo ang mga luha ko. "Iniintindi kita Jeremy sa abot ng makakaya ko kasi alam ‘kong galit na galit ka sa'kin dahil sa pananakit ko sa'yo noon, pero hindi sa lahat ng oras kailangan kita initindihin dahil tao lang din naman ako eh, tang ina, nasasaktan at napapagod!" pinunasan ko ang mga luha ko pero patuloy pa rin iyon tumutulo kaya naman yumuko ako habang inalalayan siya malapit sa kama niya. “Ang hirap ng mababaw ang luha. 'Yung tipong konting salita lang, kabod na lang tutulo 'yung luha mo. Kapag nasigawan ka maiiyak ka, kapag namura ka ng taong importante sayo maiiyak ka.” Aasta akong tatalikuran siya nang hinawakan niya ang pulsuhan ko at iniangat ang mukha ko. "I'm sorry," he said while looking into my eyes. Mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit kapag inaalo ako mas lalo akong umiiyak. Hindi ko na lubos na makita ang mukha ni Jeremy dahil sa luhang tumutulo sa mga mata ko. "I'm sorry, stop crying." pag-uulit niya pero sa pagkakataon na iyon marahan niyang pinunasan ang mga luha ko. “For godsake, patuloy pa rin tumutulo.” "I-ikaw kasi...eh..." humihikbing sambit ko. "Lagi mo na lang ako ginaganyan, inalalayan lang naman kita eh, dahil hindi ka pa magaling pero tinataboy mo ako." nagsituluan na naman ang mga luha ko na agad naman niyang pinunasan iyon at pagkatapos sa hindi ko mabilang na sandali, tila bang umurong bigla ang mga luha ko nang bigla ni Jeremy hinila papalapit sa kaniya, nag-iwas ako ng tingin. "Look at me." he commended. Nakaramdam ako ng ilang kaya hindi ko siya sinunod, naramdamam ko na lang na hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ‘yung mukha ko sa mukha niya para makatinginan kami. Hindi ko alam kung ilang sandali kaming gano’n hanggang sa magsalita muli siya. "Why you look ugly when you cry?" sabi pa naman niya sa'kin kaya naman napanguso ako at aasta na kakalasin ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko nang pinigilan niya iyon. "Stay still, don't move," he said as he slowly lowered his head, and parted my lips. I stared cluelessly at him and after a couple of seconds, I just felt the warmth of his lips pressed against mine. The time stopped as soon our lips met, but the flutter I felt was only intensified. My heart pounded in my chest as my knees got weaker. I could only focus on how soft I felt against his mouth, how addictively he invaded all my senses. And at this moment I just want to feel his lips, forgetting the entire world. Just him, me, and the butterflies I felt in my stomach. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD