CHAPTER 12

4796 Words
"Colleen, ano ang gagawin ko?!" Problemado akong tumingin kay Colleen matapos ‘kong sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi sa'min ni Jeremy. That was a mistake, maling-mali talaga ako sa part na hinayaan ko lang ang sarili na magpahalik sa kaniya. "How it taste ba? Nasarapan ka ba?" nang-aasar na tugon ni Colleen sa'kin habang naglalakad sa pang-isahan na upuan dito sa kwarto namin. Hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil mas naiinis at nakakapagpadagdag sa'kin ng problema ang pagtatanong niya sa'kin ng ganyan. "Syempre, masarap, nagtagal eh." sagot niya sa sariling tanong nang wala siyang makuhang sagot mula sa'kin habang nakangiting sumandal sa upuan. "How can you be like that when your friend is about to go crazy?" seryoso ko siyang tinignan, punong-puno ako ng frustrasyon. "Aasarin mo na lang ba ako? instead of giving me advice?" Natawa ang luka bago umayos ng upo. "Alam mo, miss senior, you shouldn't take this matter seriously." she stares at me as if everything is okay kahit nakipaghalikan ako sa may girlfriend. "And why?!" naiinis akong nagtanong sa kaniya. "I should take it seriously, Colleen for god sake he has a girlfriend!" tumayo ako sa pagkaka-upo habang hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa harap ni Colleen at ilang sandali pa humarap na ulit ako sa kaniya. "Yes, sabihin natin na I like him, siya pa rin hanggang ngayon. I can't stop loving him, even if I try to convince myself that I shouldn't." halos maiyak ako na napaupo ulit sa kanina ‘kong pwesto at saka hinilamos ang aking mukha. "Gusto ko siya pero may girlfriend na siya, Colleen!" napansin ‘kong hindi umiimik si Colleen sa sinasabi ko kaya binalingan ko siya. "Titigan mo nalang ba ako?" problemado ko talaga pagkakasabi niyon. "Ay, bahala ka nga! papasok na lang ako." naiinis na sambit ko at aasta sanang tatayo sa couch nang pinigilan niya ako, tinignan ko na naman ulit siya. "Ano na naman ba? Kung aasarin mo la-" "Tell him what you feel, miss senior," she stated "Sabihin mo sa kaniya ang totoo na, " she sighed before she spoke again, "Siya pa rin mula noon at hanggang ngayon." dagdag niya, "Hindi naman masama ang sabihin mo ang tunay na nararamdaman mo sa isang tao, it's for your inner peace." literal na natigilan ako sa mga sinabi ni Colleen sa'kin, parang pakiramdam ko umurong ang dila ko sa sinabi niya. Napansin ‘kong tumayo si Colleen at naglakad papalapit sa'kin, bahagya siyang yumukod para pagkatitigan ako. " If you want peace of mind, stop fighting with your own thoughts. If you are afraid that he might reject you after you say what you wanted to say to him then it’s time to accept the fact that you need to move on. It's about risking or losing a chance, miss senior." "But how? eh, kapag magsisimula pa nga lang akong magsalita, nagagalit na siya," halos maiyak na ako sa bigat na nararamdaman ko ngayon. "Tapos wala naman siya, last day na natin ngayon." ito din ang isang rason kung bakit nakakadagdag ng kaguluhan sa isip ko. Akala ko paggising ko kanina madadatnan ko si Jeremy kaso kasalungat pala iyon ng akala ko dahil pagkagising ko ay wala na siya sa kwarto niya. Nagtanong ako kay Colleen kung nasaan siya, ang sabi niya ay nagmamadali daw na umalis ng barko kasama si James sakay ng private plane, emergency daw ata. “Nakakainis ka hindi ka mo man lang ako ginising.” Bulong ko sa aking sarili. Napasulyap lang ako ng tinging kay Colleen nang umayos siya sa pagkakatayo, habang pinagkatitigan ako at maya-maya ay naglakad siya sa higaan niya at isinara ang maleta niya. Nag-aayos na kasi kami ngayon ng mga gamit namin para kapag nakadaong na ang barko bukas sa Manila ay ready na kami. "I'm sure, babalik 'yun sila, emergency lang naman 'yun at saka nag-promise si sir James na dadalo siya sa party natin mamaya," aniya, sinundan ko lang ng tingin si Colleen hanggang sa makalapit ulit siya sa'kin. "Stop worrying, miss senior, pull yourself together para kung sakaling busterin ka niya mamaya, hindi masyadong masakit." she said while laughing and after a couple of seconds she put her hand on my shoulder and tapped before leaving the room. Pinagmasdan ko ang pinto kung saan lumabas si Colleen, hindi ko alam kung 'yun ang paraan niya para bigyan ako ng lakas ng loob o natutuwa talaga siya na nagkakaganito ako. Napabuntong-hininga na lang ako nang tuluyan ng masara ang pintuan at maya-maya pa naglakad ako papalapit sa kama at nahiga, wala na akong pakialam kung magusot ang uniporme ko. Kailangan ‘kong ma-refresh sa dami ng iniisip ko ngayon at baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko kung kailan padaong na kami. Umayos ako ng pagkakahiga, niyakap ko ang isang unan habang wala sa sariling nakakatitig sa kawalan kasabay nun ay pumasok na naman sa'kin isipan ang halikan namin ni Jeremy kagabi. Naalala ko kung paano ako tumutugon sa mga halik niya kagabi, naalala ko kung paano ko itinangala ang mukha ko para mas mabigyan ng laya ang dila niya para ipasok ito sa bibig ko. Naalala ko kung paano ko ipinulupot ang braso ko sa leeg niya, ramdam na ramdam ko pa hanggang ngayon ang marahan na paghaplos ni Jeremy sa likod ko hanggang sa paghawak nito ng mahigpit sa bewang ko na para bang nangigil siya, at 'yon ay nakakapagpadala sa'kin ng milyon-milyong bultahi ng kuryente sa buong sistema ko. Naalala ko pa kung paano ako napatili nang buhatin niya ako at marahan na inalagay sa kama niya at parehong walang imik na pinagpatuloy ang aming ginagawa. Napatawa ako bigla na nakapagpatigil sa pag-iisip ko. “I must be crazy!” kaya naman para mawala ang iniisip ko, nagtalukbong ako ng kumot hanggang unti-unti akong nakaramdamam ng bigat sa aking mga talukap at ilang sandali pa ay napaidlip na ako. "Hmm..." nakapikit na ungol ko nang may maramdaman na yumuyugyog sa'kin. "Miss Senior, gising!" boses 'yon ni Colleen. Inaantok pa ako kaya hindi ko siya pinakinggan, mas ibinaon ko ang aking mukha sa unan na yakap-yakap ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog at kung anong oras na basta ang gusto ko lang ay matulog pa. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Colleen bago ko naramdaman na niyuyugyog niya na naman ako. "Miss Senior, kanina ka pa hinahanap ni sir Jeremy!" deklara niya. Bigla akong napadilat at saka bumalikwas ng higa. "Anjan na sila?" bigla akong na-excite sa sinabi ni Colleen, hindi ko na siya hinintay sumagot. Bumaba na ako sa higaan at nagmamadaling umupo at humarap sa salamin upang mag-ayos ng sarili. Kukuhanin ko na sana ang pouch ko na may mga make-up nang maalala na hindi pa ako nagto-toothbrush kaya naman, tumayo ako at saka nagmamadaling pumasok ng banyo at nagtoothbrush pagkatapos ay bumalik ulit sa harapan ng salamin at nag-umpisa ng mag-ayos. "Wag kang masyadong ma-excite, mukhang wala sa mood si Sir." sambit ni Colleen na nakapagpatigil sa'kin sa pag-aayos. Tinignan ko siya mula sa repleksyon ng salamin, nakapang-dekwatro siyang upo habang pinagmamasdan ako. Ilang saglit pa, inilagay ko ang blush-on brush sa ibabaw ng vanity table at saka humarap sa kaniya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya, may pag-alala 'yon at pagtataka. "I don't know, baka siguro tungkol sa emergency na pinuntahan nila ni Sir James." kibit-balikat na sagot sa'kin ni Colleen, napa-angat ako ng tingin sa kaniya nang tumayo ito. "Muuna na ako sa'yo, Miss Senior. Bilisan mo na jan puntahan mo na ang Master mo para matapos kana at mag-start na tayo sa party, gabi na." pagkasabi niya niyon ay lumabas na ng kwarto. Nang maiwan akong mag-isa ay agad akong nagbaba ng tingin sa wrist watch ko. 7:30 na ng gabi, ang tagal ‘kong nakatulog. Lintik! kailangan ko ng bilisan at siguradong galit na 'yon. Kaya naman humarap muli ako sa salamin at nagpatuloy mag-ayos. Pagkatapos ‘kong maglagay ng light make-up sinunod ko ng inilagay ang maliit na sumbrero ko sa gilid ng nakatali ‘kong buhok. Tumayo na ako at saka hinawakan na ang doorknob bago ko pa man iyon pinihit bumuntong-hininga muna ako, “kaya ko 'to!” at saka tuluyan ng lumabas ng kwarto at naglakad patungo sa kwarto ni Jeremy. Nasa harapan na ako ng kwarto niya, inayos ko muna ang uniporme ko at bumuga ng marahas na hininga para kumuha ng lakas ng loob at hindi ko alam kung anong naghihintay sa'kin pagpasok ko sa kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Napansin ‘kong magulo ang study table ni Jeremy, nagkakalat lahat ng mga papel. Nakabukas ang laptop niya at may nakabukas na whiskey sa tabi niyon. I didn't know anything but base sa nakikita ko, he's having a rough day. Awtomatiko akong napatingin sa kwarto niya nang marinig ang boses niya, mukhang may kausap siya, kaya naman dahan-dahan akong naglakad patungo doon. "I want you to find her  at any cost and give me a call if you notice anything unusual." 'Yun ang narinig ‘kong sambit ni Jeremy sa kausap niya sa telepono niya. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-curious kung anong unusual na 'yun. “May nangyari ba? Ano kaya ang nangyari sa emergency na pinuntahan nila ni James?” Naputol lang ang pag-iisip ko at napaigtad nang humarap si Jeremy at nagsalita, napansin ‘kong hindi niya ako tinitignan. "What took you so long?" He asked me without looking at me, and then he went out of the room, and I just followed him. He sat in his swivel chair, and he's back to his laptop while sipping the whiskey from his glass. Mabigat ang loob ko habang pinagmamasdan siya, naka-white long sleeves siya, bukas ang dalawang batones nito at nakatupi ang dalawang manggas nito sa mga braso niya, magulo ang buhok niya na masasabi ko talaga na stress siya ngayong araw. Nagpakurap-kurap ako bigla nang mag-angat siya ng tingin sa'kin. "What are you looking at? Clean my room!" nagagalit na sambit niya. Kaya naman dahil sa gulat ay sunod-sunod na lang ang pagtango ko at nagmamadaling pumasok ng kwarto niya. Mukha hindi ko magagawa ang sinabi ni Colleen sa'kin, hindi ako pwedeng makipagsabayan sa stress ni Jeremy ngayong araw. Hayaan ko na nga, ang tanga ko talaga, naiisip ko talaga ang mag confess. Napatawa ako ng bahagya dahil sa katanganhan ko bago naglakad sa kama ni Jeremy para ayusin iyon. Ilang minutong nakalipas habang nag-aayos pa rin ako sa kama niya, napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang pagod na pagod na Jeremy, nakapamulsa siya hindi ko alam kung nakatingin siya sa'kin dahil nag-iwas na din agad ako ng tingin upang ipagpatuloy ang ginagawa. Naririnig ko ang yabag niya na naglakad patungo ng banyo parang naiilang tuloy ako dahil naalala ko na naman ang nangyari sa'min kagabi pero gayunpaman dapat hindi ako papa-apekto dahil madami pa akong gagawan na trabaho. Nang matapos ‘kong ayusin ang kama niya, kinuha ko ang vacuum at nag-umpisa na din mag-vacuum, naririnig ko rin mula sa pwesto ko ang pagpihit ng shower sa banyo. Maya-maya pa kasabay ng pagkatapos ‘kong mag-vacuum ng buong kwarto niya ang paglabas ni Jeremy sa banyo. Tumutulo pa ang buhok niya, napalunok pa nga ako dahil kita ko kung paano tumtulo iyon sa basang-basa niyang katawan. Nag-iwas lang din agad ako ng tingin nang mapansin na tanging towel lang ang nakabalot sa pang-ibaba niya. Narinig ko ang pag-tsked niya pero hindi ko na iyon pinansin, Nagmamadali na lang akong lumabas ng kwarto niya habang dala-dala ang vacuum. Isinara ko agad ang pintuan, napahawak pa nga ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng t***k niyon. Napabuntong-hininga na naman ako bago napag-desisyunan na mag-vacuum sa buong silid niya. Hindi pa naman lumalabas si Jeremy kaya may chance pa akong makagalaw ng maayos kaya minadali ‘kong linisin ang study table niya. Natigilan lang ako nang akma na itatapon ko ang scratch paper sa basurahan nang mahagip ng aking mga mata ang nakaprint doon. “Suzette Chantrice Zarah.” basa ko sa scratche paper at ‘yun ang buong pangalan ko, mas naguluhan ako nang may kasama iyon na contact number at address ng condo ko kung saan ako naninirahan kapag hindi ako umuuwi sa probinsya namin. "I don't like it when people touch my stuff." it was Jeremy's cold voice as he grabbed the scratch paper from me. I looked at him in surprise."What's with my personal information, though?" I asked him, seriously, he just looked away. "Pina-iimbistigahan mo ba ako? How come?" this time, tumingin na siya sa'kin. "It’s not what you think," aniya habang naglakad papalapit sa study table niya, "You may leave now." Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "Enlighten me, then!" hindi ko maitago ang inis sa mga tinig ko. "At wag mo akong uutusan na umalis dahil hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko kung bakit nanjan ang personal information ko sa papel na iyan!" dagdag ko. He sighed, he look sallow and his pale blue eyes that fixed on me seemed more tired than interested. "That was your information back then, miss Zarah, " Isinandal niya ang likod sa sarili niyang swivel chair. "I used it as a scratch, and don't overreact, hindi kita pina-iimbistigahan, for what?" I can barely utter a word, parang napahiya ako. "There's no point to do anything that involves you," he added, napalunok ako sa sinabi niya medyo nakaramdaman akong ng kirot sa puso ko... “I know.” "I hope my answer clarifies you, Miss Zarah." He looked very tired after the talk. Napatikhim ako kasabay nang pagbuntong-hininga bago magsalita. I couldn't believe I could think of something like this. "I-I'm sorry, nagulat lang ako," napapahiyang sambit ko, gusto ‘kong pagalitan ang sarili ko sa inasta ko kanina, padalos-dalos na naman ako."You probably tired today, kumain ka na ba? Ipagluluto kita, kamusta na ang pakiramdam mo?" sunod-sunod ang tanong ko nang maalala na galing siya sa sakit. I've noticed there's a slow smile worked its way across his face and into his eyes, erased the creases between his brows that no matter how seriously he does I still notice that. I heard him chuckled. "I'm fine, you may leave now," he said after a short silence. “What's with him? His crazy?” I nodded. "Okay po, if you need something, just call me." yumukod ako ng bahagya bilang pagpapalaam bago magdesisyon na lumabas ng kwarto niya. Pagkalabas ko ng kwarto niya, kinurot-kurot ko ang sarili sa inis dahil sa inasta ko kanina. “Ang tanga mo talaga! Nakakahiya tuloy! Bakit naman kasi sa daming scratch doon 'yun pa ang nakita ko!” inis na inis talaga ako na halos inuuntog ko na ang ulo ko sa wall ng hallway. "Miss Gwapa!" napatigil lang ako sa ginagawa ko at napalingon sa likuran ko nang mangibabaw ang boses ni James. Umayos ako ng pagkakatayo at pinilit ‘kong ngumiti kahit sa loob-loob ko ay naghihimutok na sa inis. "Oy, James! Kamusta?!" ewan ko kung nagmumukha akong ewan sa tanong ko pero ‘yun ang lumabas sa bibig ko. Tumawa si James pagkalapit sa'kin. "Okay lang, medyo stress lang recently." tugon niya. "What happened, James?" I asked, curiously, napansin ‘kong nag-iwas ng tingin si James sa'kin habang nakahawak sa batok niya, siguro ay nakuha niya ang ibig sabihin ng tanong ko, hindi niya ako masagot. Siguro confidential kaya naman tinampal ko ang braso niya dahilan para muli siyang bumaling sa'kin. "I understand." "I-I'm sorry, Miss gwapa ha, hindi ko kasi pwedeng sabihin eh," nahihiyang paghingi ng paumanhin ni James sa'kin. Tumawa ako. "Okay lang, by the way, saan ka patungo?" tanong ko para maiba ang usapan namin. "Dito kay Jem, ikaw? Patungo ka na ba sa lido?" Tumango ako. "Oo, pupunta ka ba?" pagtatanong ko ulit. "Yes, after ko dito, diretso na ako doon." "Okay, then. Wait ka na lang namin doon." saad ko, tumango si James, "Sige na, alis na ako para mapuntahan mo na si Sir Jeremy." dagdag ko. Nakangiting nagthumbs-up lang si James sa'kin kaya naman, bahagya na din akong yumukod sa kaniya bilang pagpapalam bago napag-desisyunan na talikuran siya at nagtungo na sa lido area. Pagkarating na pagkarating ko sa lido area, nakita ko na agad ang nagkakasiyahan na ang katrabaho ko. Malalim na ang gabi kaya wala ng masyadong guest dito at saka may portion lang naman dito sa lido area ang sarado dahil sa party na gaganapin namin kaya kahit magkaroon ng guest ay okay lang. Last night ang kabilang team ang nagparty, hindi na nga ako naka-attend gawa ng may sakit si Jeremy, buti nalang at naintindihan nila iyon. "Miss Senior! Tara na dito." tawag sa'kin ni Colleen habang iniwagayway ang hawak na champagne glass sa'kin, nginitian ko siya at saka tumango bago naki-join sa kanila. Inisa-isa ko ng tingin ang mga hinanda nilang pagkain sa mesa. As usual, seafoods, may crabs, may shrimp, may inihaw na pusit at isda, may scallops na may butter on top. May iba't-iba ding luto ng manok at karne at syempre hindi mawawala ang kanin. Napatingin ako sa may bandang gilid ng mesa, nakalagay doon ang iba't-ibang alak na iinumin namin mamaya at syempre hindi mawawala ang paborito ‘kong mojitos na may lemon at asin. Napabaling lang ako muli kay Collen nang bahagya niya akong siniko. "What?" tanong ko sabaykuha ng pinggan at kutsara, tinidor. "Ready ka na ba mamaya sa pagtatapat mo?" saad niya na nakapagpatigil sa'kin sa pagsandok ng kanin. "Ang ingay mo," pabulong na sagot ko sa kaniya. "Kapag tayo ay narinig dito, lagot ka sa'kin." kasabay nun napatingin ako sa mga kasamahan namin, naninigurado na walang nakarinig. "Sus naman!" siniko niya nanaman ako, napapikit nalang talaga ako at napailing bago nagsandok muli ng kanin, hindi ko na siya pinansin. Pagkatapos ‘kong kumuha ng pagkain, naupo ako sa medyo dulo ng mesa kung saan nakaharap sa videoke para atleast kahit hindi ako kumakanta ay makita ko kung sino ang kakanta at ang lyrics ng kanta. Wala akong talent sa pagsayaw at sa pagkanta, sa pag-inom lang ng alak ang alam ko kaya never akong humawak ng mikropono sa mga ganitong event. Sisimulan ko na sanang sumubo nang tumabi sa'kin si Colleen, may bitbit siyang bote ng black label, kalahati na 'yun kung saan isang lang ang ibig sabihin, kanina pa iyon binabanatan ni Colleen. "Ano na naman, Colleen?" naiinis akong tinignan siya. "Subuan mo ako, Miss Senior!" aniya habang nakanga-nga ang bibig. Napangiwi ako. "Kumuha ka ng sarili mong pagkain, kapal mo!" natatawang sambit ko. Aalis na sana ako sa pwesto ko pero pinigilan niya ako habang nakaka-nganga, kaya naman kahit nakakairita, wala akong ibang choice kundi subuan nalang siya, sumubo na din ako dahil gutom na gutom na ako. Naubos namin ni Colleen ang kinuha ‘kong pagkain, nakakahiya naman sa kaniya kasi naubos namin iyon habang sinusubuan ko siya. Pinagtatawanan nga kami ng mga katrabaho namin dahil sa pinaggagawa niya pero wala pakialam si Colleen basta magpapasubo siya. A ng hirap talaga magbantay ng lasing na kaibigan. Sa totoo lang. "Miss Senior! tagay na!" pag-alok sa'kin ni Larry habang inaabot sa'kin ang isang basong beer, ayaw ko sanang tanggapin dahil plano ‘kong inumin ay mojitos kaso nakakahiya naman kung tanggihan ko. "Bottoms up!" dagdag niya. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na ganun din ang sinasabi nila, kaya tumayo ako at saka itinaas ang basong puno ng beer at nilagok ko iyon ng diretso. Napangiwi ako sa pait na nalasahan sa beer. Uupo na sana ako ng muling sinalinan iyon ni Larry. "Isa pa!" "Isa pa!" "Isa pa!" Sabay-sabay nilang sambit, naki-join na din si Colleen sa pag sabi niyon. Tinignan ko si Miss Director, nakiki-isa din. Kaya naman kahit napipilitan, tumango ulit ako at saka straight na ininom iyon. Habang nilalagok ko iyon, napansin ‘kong tumahimik ang mga kasamahan ko kaya naman inubos ko agad iyon at saka nakangiting tumingin sa kanila. Napawi lang agad iyon nang mapagtanto kung bakit sila nagsitigilan. Napatikhim ako at saka umayos ng tayo. "Good evening, sir Jeremy, sir James." Bati ng mga katrabaho ko, nag-iwas agad ako ng tingin nang mapansin na matiim si Jeremy na nakatingin sa'kin. "Good Evening, " magiliw na bati ni James sa mga kasamahan ko na ngayon ay parang naiilang ng gumalaw dahil sa malamig na presensya ni Jeremy, kung sila naiilang, paano pa kaya ako na halos manliit ako sa titig niya. "Let the party, begin!" sigaw ni James sa mga kasamahan ko na agad naman pinalakasan ni Larry ang videoke at nagsimula na ulit kumanta. Ang ibang crew ay naging abala muna sa pag-aasikaso kay James at Jeremy at pagkatapos ay naki-join na din sa kasiyahan. Naiilang na talaga ako, ito talaga ang sinasabi ko na hindi pwedeng nandito si Jeremy at magiging awkward ito at hindi nga ako nagkamali. "Miss Senior! tagay ulit!" this time si Bryan 'yon, inabutan niya ako ng mojitos at lemon na may asin, napatingin ako kay Jeremy. Nakasandal siya sa upuan habang nakakrus ang mga braso sa dibdib at matiim na tinitignan ako na para bang inaano niya ako kung tatanggapin ko iyon o hindi. "Miss Senior, nilulumot na!" tawag ulit ni Bryan sa'kin kaya bumaling ako sa kaniya at saka nakangiting kinuha ang shot glass na may mojitos at ininom iyon at pagkatapos sumimsim ako ng lemon na may asin. Palihim akong napangisi kasi naalala ko na hindi pala siya magagalit na umiinom ako dahil kasama ko naman siya. Ang nakasulat lang naman sa kontrata, bawal akong uminom kapag hindi siya kasama. Kaya naman, naglakad ako papalapit sa table na may alak at kinuha ang bote ng mojitos. Alam ‘kong nakatingin siya sa'kin pero hindi ko na siya pinansin hanggang sa makabalik ako sa aking pwesto. Binuksan ko ang alak na kinuha at nagsalin sa shot glass at habang tahimik na tumatatagay at masayang pinagmamasdan ang mga katrabaho ‘kong kumakanta. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin na kinuha niya ang cellphone niya at abala itong nagtitipa. Napa-tss ako, kasabay nang pag-inom ng alak. Nakaka-inis lang dahil alam ko kung sino ang ka-chat niya, girlfriend niya. Naiinis akong nagsalin ulit ng alak at tinungga ko iyon, sunod-sunod ko iyon ginawa dahil sa inis na nararamdaman. Magsasalin pa sana ako ulit nang may pumigil sa'kin, nag-angat ako ng tingin kung sino iyon. "That's enough." malamig na sambit ni Jeremy sa'kin na nagpakangisi sa'kin, pro-protesta pa sana ako kung hindi ko lang narinig ang kanta na nagmumula sa videoke sabay kaming napatingin ni Jeremy doon at ilang sandali pa ay nagkatinginan kami nang inumpisahan na ni Bryan na kantahin iyon. Kung may taong dapat na Mahalin ay walang iba Kundi ikaw Wala ni ibang makakapigil pa sa akin Binitawan ni Jeremy ang bote ng mojitos at saka nag-iwas ng tingin sa'kin. Itong kantang ito ang kinakanta naming dalawa noong kami pa. Hindi ko maiwasan na maluha dahil naalala ko naman ang panahon na kung saan hindi pa kami ganito. Binuhay mong muli ang takbo At t***k ng puso sa'yong pagmamahal Ang buhay ko'y muling nag-iba Napuno ng saya (napuno ng saya) Kung bibigyan ako ng panahon na ibalik ang araw na iyon, pipiliin ‘kong hindi iyon sabihin sa kaniya. Nasa huli talaga ang pagsisisi, kung siguro pinili ko siya, hindi sana ako nagkakaganito. Edi sana hindi siya napunta sa iba. Kung mawalay ka sa buhay ko Kung pag-ibig mo ay maglaho Paano na kaya ang mundo? Kung sa oras, 'di ka makita Kung ika'y napakalayo na May buhay pa kaya 'tong puso? 'Yan lang ang maaari natin, sadyang matatanggap Habang ako'y may buhay Mahal na mahal kita Higit pa sa iniisip mo Napatingin ako bigla sa gawi ni Jeremy nang tumayo siya bigla at akma na lilisanin ang lugar na iyon kaya naman hinawakan ko siya sa pulsuhan upang pigilan siya sap ag-alis ngunit hinawi niya lamang ang kamay ko. Napayuko ako bigla dahil sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Ayaw ‘kong mapansin iyon ng mga katrabaho ko. “Nasasaktan ako!” Napa-angat lang ako ng tingin sa kanang bahagi ko nang lumapit si Colleen."Ano pa ang hinihintay mo, habulin mo na!" napabuntonng-hininga ako habang pinupunasan ang mga luha sa mukha at saka tumayo, aasta na sana akong hahakbang para habulin si Jeremy nang pinigilan ako ni Colleen. "Tagay mo na, pampalakas ng loob." aniya, kaya tinanggap ko iyon at tinungga, pagkatapos ay nagmamadaling umalis ng lido area. "Jeremy!" tumatakbong tawag ko sa kaniya, kanina ko pa siya tinatawag pero hindi siya lumilingon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o hindi niya talaga ako marinig. "Wait!" hingal na hingal ‘kong nahawakan ang pulsuhan niya. "What is it?" tanong niya sa'kin na hindi man lang ako humaharap. Bumuntong-hininga ako para kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang nararamdaman ko. Kung ano man kalalabasan ng pagtatapat na ito, tatanggapin ko kahit gaano pa kasakit iyon. "I-I want you back, Jeremy... let's start over again," my tears started to fall but he ignores me, nagmamadali siyang humakbang sa paglalakad na para bang ayaw niyang makinig sa sinasabi ko, habol-habol ko siya habang luhaan."I-If I could hold back the time, how I wish I didn't let you go that easy, but swear, maniwala ka man o sa hindi, hinanap kita kung saan-saan para bawiin ang mga sinabi ko sa'yo nun pero hindi kita mahanap," pagpapaliwang ko habang habol-habol pa rin siya, wala na akong pakialam ‘kong ano ang itsura ko basta ang gusto ko sa gabing ito masabi ko ang nararamdaman ko. "I-I'm sorry for everything." umiiyak na sambit ko. "Please, come back to me, Jeremy." alam ‘kong mali dahil may girlfriend siya, alam ‘kong napaka-selfish ko sa part na ito, pero desperada na akong bumalik siya sa'kin. "You know what I did?!" huminto siya sa paglalakad, gayundin ako. "To f*****g back to you!" sumigaw siya habang galit na humarap sa'kin. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha habang pinagmamasdan siya. "You know how f*****g suffered because of you?!" sinuntok niya ang fire extinguisher na nakasabit sa dingding ng hallway, umiiyak na sinapo ko ang aking bibig habang nakatingin sa kamay niyang duguan. Napa-angat lang ako muli ng tingin sa kaniya nang magsalita ulit siya. "You know how much I love you, Suzette?!" sigaw niya ulit habang pinagsusuntok ulit ang fire extinguisher. I tried to stop him, but he threw me off dahilan para matumba ako sa sahig, "How can I believe what you are saying right now?! We both know that your f*****g dreams matter most to you! You want me back? Bakit?!" punong-puno ng galit at lungkot ang kaniyang mga mata na nakatingin sa'kin. "Para saktan ulit, para durugin ulit! Bullshit! You bullshit!" sigaw niya sa'kin. Umiling-iling ako, "Of course not! I want you back dahil mahal pa rin kita, mahal na mahal pa rin kita, Jeremy!" at sa pagkakataon na ito, kahit nanginginig sa kaba at takot sinakap ‘kong tumayo at harapin siya, hinawakan ko ang mga kamay niya. "Ano ba ang dapat kung gawin para mapatawad mo ako sa ginawa ko sa'yo?" halos hindi ko na siya makita dahil sa mga luhang tumutulo sa akong mga mata. Inagaw niya muli ang kamay niya sa'kin, pinagkatitigan niya lang ako at ilang sandali pa aasta na siyang tatalikuran ako nang magsalita ulit ako. "How about the kiss last night?" hinahayaan ko ng tumulo nang tumulo ang luha ko habang pinagkatitigan siya. "Kiss last night?" nagtataka ko siyang tinignan. “Please don't tell me na hindi mo naalala 'yun? Please.” pero sa hindi mabilang na sandali kitang-kita ko kung paano siya umiling na parang wala talaga siyang ideya sa sinabi ko. "I don't remember anything last night," he declare na nakapagpaatras sa'kin at nakakapagpadagdag sa sakit ng puso ko ngayon, tila ito'y nagdurugo, ang sakit lang talaga sa puso. "And stop saying you want me back, miss Zarah dahil hindi na 'yon mangyayari. Alam mo ba kung ano ang dapat mong gawin upang mapatawad kita?" may diin niyang saad sa'kin, he paused for awhile while staring at me full of anger. "From now on, stay away from me, and if I could hold back the time too, how I wish I hadn't met you. How I wish I never liked you, how I wish I didn't waste all those times talking to you and thinking about you." “f**k ang sakit!” "How I wish I never believe every word you’ve said back then," hindi ako makapagsalita dahil sa mga binitawan niyang salita, "I regret the day I met you!" he exclaimed as he turned his back on me and walked away. Itutuloy… Song: Mahal na mahal. Artist: Sam Concepcion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD