CHAPTER 10 PART 2

4026 Words
"Miss Senior, gising na." naramdaman ko ang pagyugyog ni Colleen sa balikat ko kaya naman nagising at at nakakunot-noong tinignan siya. Hindi ko alam kung anong oras na naman ako nakatulog kagabi, hindi na nga ako nakapagpalit ng pantulog sa pinaggagawa ko sa buhay! “Paano ko siya haharapin ngayon? Hala naman nakakahiya ang ginawa ko!” "Anong oras na ba?" inis na tanong ko kay Colleen, wala ata akong mood ngayong araw. "Secret." nakakalukong sagot ni Colleen sa'kin na mas lalong nagpapainis sa'kin, kaaga-aga ganito na agad ang bubungad sa'yo. “Kailan kaya akong gigising ng walang nang-aasar.” "Bahala ka nga jan." saad ko kasabay nang paglagay ng unan sa mukha ko, inaantok pa ako, wala pati akong ganang magtrabaho. "Miss Senior, gising kana kasi," sabay hablot ni Colleen ng unan sa mukha ko. "Kailangan mo ng gumising at..." "At ano?" nakapikit ‘kong tanong at medyo masakit din ang ulo ko. Hinintay ko ang sagot ni Colleen pero hindi na siya sumagot kaya dumilat ako at tinignan siya muli. "Hoy, ano nga?" "Matutulog ulit tayo." Tumatawang sabi niya kaya sa inis ko pinagbabato ko sa kaniya ang mga unan ko. "Wag mo na akong kausapin ‘kong ganyan ka makipag-usap." Naiinis na tinig ko saka nagtalukbong ng comforter. Antok na antok pa talaga ako dagdagan pa ang sakit ng ulo dahil sa daming iniisip. Ilang sandali pa ay napabuntong-hininga ako nang hinugot ni Colleen ang comforter, gusto ko nang maiyak sa inis."Isa ha! Ang aga-aga Colleen, wala ako sa mood ngayon para sabayan ka." may pagbabanta na sabi ko. "Alak pa more." humahalakhak siya na parang demonyeta. "Sige, bahala ka kapag ikaw napagalitan na naman ng Master mo, bahala ka." sabi niya habang nagsusuot ng sapatos. Napabalikwas ako ng higa sa sinabi niya. "s**t!" nasapo ko na naman ang ulo nang maalala na ang nangyari sa'min kagabi. Bago pala ako tumakbo papalayo sa kaniya kagabi, nasampal ko pala siya kagabi dahil sa galit na nararamdaman ko. Napapikit ako nang maalala ang ginawa ni Jeremy sa'kin at saka nagmamadaling pumasok ng banyo. Agad akong humarap sa salamin at sinusuri ang leeg ko. Ang rason kasi kung bakit ko siya nasampal dahil bigla niyang kinagat ang leeg ko. Napaigtad ako bigla nang kumatok ng napakalakas si Colleen. “Pwede naman kumatok ng mahina, akala mo ay parating may emergency.” paghihimutok ko sa isip. "Bakit?!" pa sigaw na tanong mula sa loob ng banyo. "Miss Senior, mauna na ako, bilisan mo na jan. Ttumawag pala kanina si Sir James, pinapa report ka kay Sir Jeremy." deklara niya. "Fine!" 'yun lang ang sinagot ko at saka isa-isang hinubad ang damit ko at ipinihit agad ang shower, napapikit ako ng maramdaman ang malamig na tubig niyon. Ilang minuto ay natapos na akong maligo, lumabas na din agad ako ng banyo nang nakatapis lang hindi ko kasi nadala ang roba ko kanina dahil syempre katangahan. Akma na maglalakad ako sa vanity table namin nang may kumatok na napakalakas sa pinto. Hindi ko sana bubuksan at alam ‘kong si Colleen iyon, wala na naman ibang tao ang makakapasok dito kundi kami-kami lang din dahil di ID naman ang pagbukas ng pintuan namin. Kaya naman hindi ko na iyon pinansin at naglakad nalang ako palapit na sa vanity table at akma na isasak ang blower nang kumatok ulit ito. Napikit talaga ako sa inis at pabagsak ‘kong iniligay ang blower sa ibabaw ng vanity table at naiinis na naglakad papalapit ng pinto. "Nananadya ka—" naputol ang iba pang sasabihin ko nang mapagtantong hindi si Colleen iyon, nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sir?" nagugulat na sambit ko. He is wearing a white V-neck shirt and black cotton pants, he started walking towards me, mas lalo akong nawawala sa sarili. “Punyetang lalaking to!” Tumikhim ako. "What are doing here?" tanong ko nang maramdaman ang init ng katawan niya. Nakatingin si Jeremy sa'kin mga mata. His blue eyes, make my whole body shiver. And I hate it pero sa halip na sagutin ako ni Jeremy pumasok siya nang walang paalam at dire-diretso sa loob ng kwarto namin at umupo sa higaan habang pinagmamasdan ako. "Fresh from the bath huh." may pagnanasa ang ekspresyon ng mukha niya habang matiim pa rin nakatitig sa'kin. Awtomatiko akong nagbaba ng tingin, napahawak ako bigla ng mahigpit sa towel nang makitang nakatapis lang ako. “This is bullshit!” nagsisisi na naman tuloy ako dahil sa katangahan ko kung bakit nakalimutan ko ang roba ko. Narinig ‘kong tumawa si Jeremy kaya napa-angat ako muli ng tingin sa kaniya. "What are you doing here ?! You are invading my privacy." I asked, nervously. Nagsalubong ang kilay ni Jeremy sa sinabi ko at saka tumayo at naglakad papalapit sa'kin. Kaya dahil sa takot na baka matanggal ang tapis ko napaatras ako hanggang sa hindi ko namalayan na napasandal ako sa may vanity table nang mas lalo siyang lumapit sa'kin, hinigpitan ko pa lalo ang hawak ng towel na nakatapis sa'kin. "Am I invading your privacy?" he said, sarcastically and then he bent down to see my face. "Really? " pagkasabi niya niyon ay itinukod niya ang dalawang kamay sa vanity table at ikinulong ako sa mga braso niya. Kinakapos na ako ng hininga sa posisyon namin ni Jeremy. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pakiramdaman ng katawan ko sa isiping kaunting dukwang nalang halos maghalikan na kami. "A-ano ba ang ginagawa mo dito, Jeremy?" kinakabahang tanong ko. Hindi niya ako sinagot tinititigan niya lang ako na may pagnanasang ekspresyon at dahil sa ginagawa niya mas nagpapadagdag ito sa init na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Pero syempre, I need to pull myself together. Hindi pwedeng itong nararamdaman ko, kaya naman itinulak ko siya ng malakas dahilan para mapa-atras siya. At sa ginawa ‘kong iyon nagkaroon ako ng pagkakataon upang umalis sa harapan niya at akma na tatakbo papasok sa loob ng banyo nang bigla niyang hatakin ang towel na nakatapis sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya at bago pa man ako makagalaw ay naramdaman ko na ang init ng kamay niya sa bewang ko at saka ilang sandal pa nanlalaki ang mga mata ko nang iniharap at isinandal niya ako sa pader. Sa halip na magalit ako sa ginawa niya, napalunok ako at mas lalong nag-init ang katawan ko sa posisyon naming dalawa. Parang may kumikiliti sa ano ko na naging dahilan para magkaroon ako ng kagustuhan sa isip na ituloy ni Jeremy ang ginagawa. I gasped when I felt Jeremy's erect manhood behind my butt. I feel that my lips and throat are dry. "How was it? You can feel it, Miss Senior?" hindi ko man nakikita si Jeremy dahil nakatalikod ako sa kaniya pero alam ‘kong nakangisi siya na para bang tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya sa'kin ngayon. Napapikit ako at napakagat labi nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Jeremy sa likod ko at ilang sandali pa ay hinarap niya ako sa kaniya. Itiningala ako ni Jeremy at mataman niyang tinitigan ang aking mga mata na namumungay at punong-puno ng pagnanasa. "Still, invading your privacy? " he asked with a soft voice which my heart suddenly leaps from my chest. Pakiramdam ko pulang-pula na ang aking mukha sa labis na kahihiyan. Nasa harapan ako ni Jeremy, walang saplot. Buong pagmamangha akong pinasadahan ng tingin ni Jeremy. Laglag ang panga niya at punong-puno ang pagnanasa ang ngayon ay mas madilim niyang mga mata. "B-bakit mo ba ito ginagawa? Pakawalan mo nga ako, Jeremy!" pilit ko siyang tinutulak pero mas malaki siya sa'kin kaya napapikit na lang ako dahil kahit anong tulak ko sa laniya ay hindi siya natitinag. "Umalis kana, Please baka may makakita sa'tin," pagmamakaawa ko at pilit na pinapatapang ang boses. "Now, please." Instead of listening to me, Jeremy smirked as he licked his lips and raised his hand to caress my neck down to my chest. Then he pressed his palm against my breast. Bagama't may kakaibang kiliti ang hatid niyon sa katawan ko, I pulled myself together, hindi pwede ang ganito. For god's sake, Jeremy has a girlfriend! Ayaw ‘kong makasira ng relasyon at for sure kapag nalaman iyon ng management pwede akong matanggal sa iniingatan ‘kong trabaho. He's my boss after all at nasa protocol iyon na hindi kami pwedeng makipagrelasyon sa katrabaho o kahit sino sa trabaho, bukod lang if nagkakilala sila mismo sa trabaho. At ang sitwasyon namin ni Jeremy ay labag sa protocol kung ipagpapatuloy namin ito. Ex ko si Jeremy malamang bawal talaga.  “Goodnes!”  Kaya naman buong lakas ‘kong itinulak siya at dali-dali kong inabot ang towel sa sahig upang takpan ang katawan ko. "Leave!"nanginginig at hingal na hingal na sambit ko. "Please leave!" But this time umiiyak na ako dahil naguguluhan na lalo ako sa nararamdaman ko. "Leave me alone!" pagkasabi ko niyon ay tumakbo na ako sa loob ng banyo. Napasandal ako sa pinto ng banyo at nang marinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto mula sa labas na hudyat na umalis na si Jeremy, napa daos-dus akong napa-upo sa sahig na para bang nawalan ako ng lakas sa nangyari kanina. Niyakap ko ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha. "Why he is like that? I'm confused yet I'm hurt." biglang sambit ko nang maalala ang mukha ni Jeremy kanina. Nakita ko ang pagnanasa niya sa'kin pero walang bahid na pagmamahal 'yon at doon ako nasasaktan. "Miss Senior!" narinig ‘kong katok ni Colleen sa pintuan kaya naman binuksan ko iyon at agad ko siyang niyakap ng napahigpit habang umiiyak na parang bata."What happened?" inalalayan niya ako palabas ng banyo at saka marahan na pinaupo sa kama. Wala akong lakas ng loob para magsalita, kaya napabuntong-hininga na lang si Colleen nang walang nakuhang tugon mula sa'kin at kasabay nun ay kumuha siya ng bottled water sa maliit na refrigerator namin dito kwarto, binuksan niya iyon at ibinigay sa'kin agad ko din iyon tinanggap. "Ano ba ang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya ulit sa'kin pero hindi pa rin ako umiimik, nag-iwas nalang ako ng tingin hindi ko kasi pwedeng sabihin ang nangyari sa'min ni Jeremy kanina, masyadong malaswa at komplikado. "Fine, hindi kita kukulitin about sa nangyari pero alam ‘kong about kay Sir Jeremy yan." "Bakit alam mo?" humihikbing tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya kasabay ng buntong-hininga. "Ako pa ba, I wasn't born yesterday para hindi malaman and beside kaya nandito ako dahil pinapunta ako ni Sir Jeremy, pinasasabi niyang magpahinga kana muna daw ngayon." deklara niya. "Yun lang?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Napakunot-noo si Colleen sa tanong ko. "You expect anything?" may pang-aasar na sambit niya, "Pwes, iyon lang! wag kana mag assume jan!" ipinalupot niya ang kumot na nakalagay sa kama sa'kin katawan. "Nagtatanong lang naman eh." napahiyang tugon ko. "Alam mo pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Miss Senior! Sabihin mo na lang kasi ang tunay mong nararamdam para hindi ka na umiiyak jan, malay mo the feeling is mutual pala," aniya nakapatulala sa'kin, narinig ‘kong tumawa si Colleen at ilang saglit lang ay tumayo na ito, sinundan ko siya ng tingin."Siya, alis na ako, madami pa akong gagawin. Take your time to think kung ano ang dapat gawin jan sa one-sided love na ‘yan, magbihis kana baka lamigin ka at magkasakit ka na naman." pagkasabi niya niyon ay lumabas na siya ng kwarto namin. Nang maiwan ako ni Colleen ay agad akong nagpalit ng uniporme at saka dali-daling nag-ayos. Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito maghapon at baka mabaliw ako. Kaya pagkatapos ‘kong mag-ayos, inilagay ko ng patagilid ang cap ko sa ibabaw ng aking ulo at ikinabit ko ang pin ko sa bandang kaliwang kwelyo at bago pa man akong makalabas ng pinto ay bumuga ako ng marahas na hininga upang kumuha ng lakas ng loob para muling kaharapin ang kaaway pagkalabas ko nito ng kwarto. "Treat me like a game and I'll show you how it's played, cold-hearted bastard." nakangising sabi ko at kasabay nun ay ipinihit ko na ang door-knob at saka lumabas na ng kwarto na para bang wala manlang nangyari. "What are you doing here?" Malamig na tanong ni Jeremy sa'kin pagkapasok ko sa kaniyang kwarto. Ang Marum hindi manlang ako tinapunan ng tingin,abala lang sa harapan ng Macbook niya pero kanina halos dakmain ako. Sa halip na sagutin ko siya ay wala akong imik na pumasok sa kaniyang kwarto para linisin ito. "Why don't you f*****g answer me?" napaigtad ako bigla nang mangibabaw ang boses ng Marum na ito. Napalingon ako sa kaniya, nakasandal siya sa hamba ng pinto habang nakakrus ang mga braso. Nakasuot na siya ngayon ng pang kapitan na uniporme, at masasabi ko talaga na bagay sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nakakunot ang noo niya kung sabagay kailan pa hindi, simula ata na nagkita kami parati naman siyang nakasimangot. Hindi ko pa rin siya pinansin, bumaling na lang ulit ako sa ginagawa. "Am I f*****g wall here?!" he was getting seriously pissed off. Napangiti ako ng palihim habang nag-aayos ng bedsheet. “Bahala ka jan, hindi kita kakausapin matapos ang ginawa mo kanina. Manigas kang Marum ka.” Alam ‘kong nasa hamba pa rin siya nakasandal habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Napa-angat lang ako ng tingin sa kaniya nang ginulo niya yung bedsheet na inaayos ko. “Badtrip talaga.” Halos ngumilo na ang ipin ko sa pagkakadiin ko niyon dahil sa pagpipigil sa inis. He stared at me and perfectly arched his eyebrows. "Stop f*****g staring at me." “baliw talaga, kung hindi ko titignan magagalit tapos kapag titignan siya magagalit din, hays, ang gulo talaga nito.” Mas ginulo niya pa ang bedsheet. Hindi ko alam ‘kong nang-aasar lang ba siya o siya ang asar sa'kin. Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya. "Stop cussing and don't yell either. And it is pretty obvious that I don't want to talk to you, MASTER!" sobrang diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko niyon. Babalik sana ako sa pag-aayos ng bedsheet nang binaligtad niya ang foam ng kama niya. Kung hindi ba naman nasisiraan 'tong Marum na ito. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko pwedeng gawin at boss ko pa rin naman siya. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka inayos ko ang foam. "Nang aasar ka ba?!" Padarag niyang hinila ang braso ko paharap sa kaniya, ramdam ko ang sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa'kin braso. Sinusubukan ‘kong agawin ang braso sa kaniya pero malakas siya at nasasaktan lang ako."Ano ba?! Bitawan mo nga ako." "Nakakapagsalita ka naman pala, bakit hindi mo ako sinasagot" not a question. "Ano ba ang sasabihin ko sa'yo? kung nagtatanong ka kung bakit andito ako, ano sa tingin mo?" I sarcastically exclaimed. Napansin ‘kong nagtiim ang kaniyang bagang, at dumilim lalo ang mukha niya habang tinitignan ako. Siya pa talaga may ganang magalit eh, siya naman jan ang nagkakalat ng mga inaayos ko. Tapos magtatanong pa kung bakit andito ako, malamang nagtra-trabaho, Marum nga. "You're being sarcastic huh," nakangising saad niya at saka padarag na binitawan ang aking braso. Napahawak pa ako sa braso ko at ramdam ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa'kin. Umalis siya sa harapan ko, sinundan ko siya ng tingin, pumasok siya sa banyo, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya dahil ilang saglit lang ay lumabas din naman ito nang nakangisi na parang demonyo. Bago siya lumabas ng pinto nagsalita muli siya. "Clean my bathroom, I have a meeting to attend. Gusto ko pagbalik ko malinis dito lalo sa banyo." ‘Yun lang at saka lumabas nang tuluyan ng kwarto. Ako naman ay dali-daling naglakad papasok ng banyo. Napaawang ang aking labi sa nakita ko. Gusto ‘kong sumigaw sa inis dahil sa ginawa niya. Nanggigil ako sa galit, “Lintik ka Marum!” Isinuyod ko ang tingin sa kabuuan ng banyo. Nagkalat ang toothpaste mukhang isinaiid niya ang laman ng toothpaste, at ikinalat ito sa salamin, sa sink tapos nagkalat ang mga tissue doon, tapos ‘yung mga shaving cream at mga shampoo ikinilat niya sa sahig. Gusto ko siyang sugurin, sabunutan at tadyakan. Nakakaiyak talaga, sinulyapan ko ‘yung higaan niya, makalat pa rin dahil ginulo niya. Napabuntong-hininga ako at napailing nalang, wala akong magagawa at kahit maghimutok ako dito wala naman siyang pakialam sa'kin. Nag-umpisa mo na ako sa higaan niya, inayos ko muna iyon ulit medyo nahihirapan ako kasi actually pang dalawang tao talaga ang gumagawa sa beddings lalo na pag sa Q area at mabibigat ito pero wala eh, ako ang naka-assign dito. Pagkatapos ‘kong ayusin 'yun ay nag vacuum muna ako, mag-iisang oras din ako naglinis sa kwarto niya. Hingal na hingal akong inilibot ang tingin sa kwarto niya at napangiti ako na malinis na ito. The next thing na ginawa ko, hinubad ko ang sapatos ko at stockings ko hindi ako pwedeng mag-sapatos sa loob at heels ‘yun baka madulas ako. Mag-uumpisa na sana ako nang nahihirapan akong abutin ang ang pinakamataas na bahagi ng salamin, may toothpaste din kasi kaya naman hinubad ko ang uniporme ko, nakasando naman ako at saka mukhang mamaya pa ang balik ni Marum kay okay lang na hubarin ko ang aking uniporme. Isinabit ko iyon sa isa sa towel rack dito. Pagkasabit ko niyon ay nag-umpisa na ako, inuna ko muna ang salamin at sa sink. Medyo mahirap din tanggalin ang toothpaste at natuyo na ito parang nagsisi tuloy ako na inuna ko ang kwarto niya. Pawis na pawis na ako kaka-kuskus sa salamin at sink, naligpit ko na din ang mga tissue. After 30 minutes natapos ko din iyon, hawak-hawak ko ang shower handle habang kinukuskus ko ang sahig after many hours na tapos na din ako. Napatingin ako sa wrist watch ko alas sais na ng gabi pero wala pa si Jeremy, kaya naisipan ko na munang maupo sa sahig at sinandal ang likod sa pinto ng closet niya. Napapikit talaga ako sa sarap sa pakiramdam na naka upo ako. “Nakakapagod sobra.” "Fine, I'll call you later." Nagising ako nang biglang may narinig akong boses, “kay Jeremy 'yun ha?” Kaya dumilat agad ako, “nakatulog pala ako.” Napabangon ako nang mapagtanto na nasa higaan niya ako at nakasuot ng malaking t-shirt. Napatingin ako sa kaniya, naglalakad siya papalapit sa'kin. He sitting on the edge of the bed, staring at me with intimidating eyes. "S-sorry, nakatulog ako." babangon na sana ako nang magsalita siya. "Just rest, it's fine." Napalunok ako bigla, “anong nakain ng Marum na ito at biglang bumait. Baka naman nasobrahan ng hangin sa utak kaya bumait.” Tinignan ko siya, nakatingin pa rin siya sa'kin na para bang may gusto siyang sabihin sa'kin pero nagda-dalawang isip. Kaya naman tumukhim ako at saka nagsalita."Anong oras ka natapos sa meeting?" tanong ko. Napansin ‘kong may sumilay na kakarampot na ngiti sa kaniyang mga labi and amusement danced in his eyes, but he managed to keep his face straight but in the end, he just couldn't help laughing. Nagtataka akong tinignan siya, “baliw na ata talaga ito. Kanina lang parang demonyo ngayon parang sinasapian.” Ilang sandali pa ay tumikhim siya at nagseryoso ulit. "Just earlier, why?" he asked. Umiling ako. "Just asking, kumain ka na ba? Ipagluluto kita." sabi ko sa kaniya. Kung sana ganito lang siya kahinaon sa t'wing magkausap kami edi sana okay kami. Kaso madalas pa ang nakasimangot at galit kaya parati kaming nagkakagulo na dalawa. "Nag-order na ako ng food, let's eat." mahinahon niya talagang anyaya sa’kin. Naninibago talaga ako sa kaniya, “may nangyari ba para maging ganyan siya? Dalhin ko kaya siya sa clinic at ipacheck sa Doctor.” Nagbaba ako ng tingin sa cell phone niya nang tumunog iyon. Sinagot ni Jeremy 'yon habang nakatingin sa'kin. "Hello, Love." Nag iwas ako bigla ng tingin ng marinig ko iyon. Hindi ko alam pero nagiging bitter ako sa t'wing naririnig ko yung tawagan nila ng girlfriend niya, bakit naman kasi iginaya pa sa tawagan namin dati. “Nakakainis din eh.” Napatingin ulit ako sa kaniya nang tumayo siya sa kama at saka binuksan ang laptop niya habang kausap ang girlfriend niya. Kaya bumaba na din ako sa kama at saka dumiretso ng banyo para magpalit ng hinubad ‘kong uniporme kanina at saka isinuot ko na din ang stockings ko at sapatos, aalis na ako. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas. "Ay! Puke!" Napasigaw ako sa gulat nang pagkalabas ko ay nasa tapat siya ng pinto ng banyo. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi ko. Gusto ‘kong tampalin ang bibig ko, “bakit puke pa ang nasabi ko, sa harap niya pa.” Nag-angat ako ng tingin nang magsalita siya. "Asan?" tanong niya sa'kin habang nakangising nakatingin sa may palda ko. Bigla tuloy nag-init ang mukha ko sa hiya. Ang tanga ko naman kasi sa daming masasambit puke pa. Bakit naman kasi bigla bigla nalang siya sumusulpot. "A-alis na po ako." Tinalikuran ko na siya pero agad niyang nahuli ang pulsuhan ko, hinila niya ako papalapit sa kaniya. Nagkatinginan kami, napansin ‘kong palipat-lipat ng tingin niya sa mata ko at sa mga labi ko and then he licked his lips, napalunok ako. “Grabe talaga ang epekto niya sa'kin pero hanggang doon lang 'yun.” After a couple of seconds, binitiwan niya ako at umaatras siya ng bahagya mula sa'kin. Nakahinga naman ako nang maluwag buti nalang talaga. "Let's eat dinner." pagkasabi niya niyon ay hinawakan niya na naman ang pulsuhan ko at saka hinila paupo sa dining table. Inisa isa ko ng tingin ang mga pagkain na nakalapag sa mesa. May steak, pasta, chocolate mousse and vegetable salad. Napatingin ako sa kaniya nang pinaghiwa niya ako ng steak. Parang ewan talaga ito. "Are you okay?" I asked. Napansin ‘kong natigilan siya sa tanong ko, HAHAHA hindi ko din alam bakit 'yun ang itinanong ko pero may point naman ako di'ba? Naninibago ako sa kaniya. Sumandal siya upuan habang tinitignan ako. "What do you mean?" "This?" nguso ko sa steak na hiniwa niya, "Bakit ang bait mo?" Ngumisi siya at saka kinuha ‘yung plato na nasa harapan ko, napatingin ako dun at saka bumaling ulit ng tingin sa kaniya. “Bakit niya kinuha?” "Get out!" biglang sigaw niya sa'kin dahilan para mapahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. “Ano na naman ba ang ginawa ko para magbago ang mood niya? Nagtanong lang naman ako. Ang gulo talaga nang Marum na ito. Kakainis.” Tumayo na ako alam ‘kong nagulat siya sa inasta ako, ayaw ‘kong makipag-bangngayan sa kaniya ngayon at pagod ako pero hindi ibig sabihin na pagod ay hindi ko siya aasarin. As I have said kanina kung gusto niya nang laro, makikipaglaro ako. Ngumiti ako sa kaniya ‘yung ngiti na napakatamis. Alam ‘kong naiinis siya sa'kin pero hindi ko iyon pinansin. Ilang sandali pa ay inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong. "A-aalis na po ako, my Master. " mahina at halos pabulong na sabi ko na para bang nang-aakit. Napangiti ako nang maramdamanko na nanigas si Jeremy ka kinauupuan niya dahil sa ginawa ko. “I knew it, he was caught off guard, hindi niya inaasahan na gaganyanin ko siya.” HAHAHA pagkabulong ko sa kaniya ay naglakad na ako papuntang pinto at dire-diretsong lumabas. Napatawa ako bigla nang marinig ko ang sigaw niya mula sa loob. "Hoy! Anong tinatawa-tawa mo jan, Miss Senior? Akala ko restday mo ngayon?" Napalingon ako sa likuran ko si Colleen. Kaya naman para hindi niya ako kulitin, pilit akong nagseryoso at saka inangkla ang kamay sa braso niya. Nginitian ko siya. "Wala lang, masaya lang ngayong araw." magiliw na sabi ko, akma na magsasalita pa si Colleen nang inilagay ko ang hintuturo ko sa kaniyang bibig. "Wag kanang magtanong, masaya lang ako at may nagalit na Marum." pagkasabi ko niyon ay hinila ko na siya papuntang kwarto namin. Itutuloy... What is Marum? - Ocean in depth
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD