CHAPTER 10 PART 1

2439 Words
Bakit parang sa'kin lamang may galit madayang tadhanang iyong pansinin Wala na bang karapatan Na pagbigyan ang hiling? MAPAIT na napangiti ako nang mapakinggan ang kanta mula sa cell phone ni Colleen habang nakaharap sa madilim at malawak na karagatan dito sa Cebu. Ilang araw na ang lumipas simula nang makita muli si Jeremy, matapos kasi nang pag-uusap namin noon sa kwarto niya, nagising nalang ako kinabukasan na wala na siya sa kwarto niya. Lumilipad ang aking isip Bigla na lang napapailing Wala na ngang mapagtuunan Ng pansin Ng pansin... Itinungga ko ang alak na nasa basong hawak ko at pagkatapos ay kumuha ako ng lemon na may asin at sinimsim iyon at saka sinalinan ko ulit ang baso ng Mojitos para tunggain muli iyon ng walang pag-aalinlangan. “Kamusta na kaya siya?” bulong ko sa'kin sarili. Oo mali itong nararamdaman ko sa kaniya pero hindi ko talaga mautusan ang puso ko na pigilan iyon. Bumuga ako ng marahas na hininga para man lang maalis sa isip ko si Jeremy pero hindi talaga, parang naka-stamp na talaga ang pangalan ni Jeremy sa isip ko na kahit anong bura mo ay hindi talaga mabubura. Napahawak ako sa'kin panga at bahagyang napangiwi ng maramdamang nanakit ito dulot ng malakas na pagsapo ni Jeremy sa'kin doon apat na araw nakakaraan, mas gumaling pa nga ang pilay ko sa paa kaysa sa pagkakasapo niya sa panga ko. Pero kahit masakit, hindi ako nakaramdam ng galit. Siguro dahil sa ikwenento ni Colleen sa'kin. Kung paano ako sagipin ni Jeremy at paano mag-aalala siya sa'kin. “Asan kaya siya?” Ito na naman mga tanong ko sa sarili ko, gusto ko sanang magtanong sa mga katrabaho kung nasaan siya pero parang may pumipigil sa’kin na gawin iyon, hindi ko matukoy kung ano. “Ganyan ka ba talaga? Bigla bigla ka nalang nawawala na parang bula?” Malakas na bumuntong-hininga na naman ako at itinungga ulit ang alak sa baso ko nang bigla tumabi si Colleen sa'kin. "Ang sarap sa feeling, Miss Senior noh?" sabi niya sa masayang boses. Binalingan ko si Colleen. "Bakit?" Ngumiti ito. "Ano ka ba, syempre nakapagpahinga tayo, wala si Sir Jeremy, nung aandito kasi, sipag sipagan tayo eh." sabi niya habang kinuha ‘yung baso niyang may laman na alak at itinungga na din iyon. Tipid akong ngumiti. "Ahh, ganun ba?" 'yun nalamang ang tugon ko at alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya na wala siya dito kahit lagi kaming nag-aaway. Nakakunot-noo si Colleen na tumingin sa'kin. "Teka nga, Miss Senior." May pagdududa sa boses niya. "Parang hind ka masaya, may dapat ba akong malaman?" Inirapan ko siya saka nag-iwas ng tingin. "Wala. Ano ka ba." "Wee? Ano ‘yan? sabihin mo na. Wag ka na mahiya." pamimilit niya na naman sa'kin, kahit kailan talaga si Colleen hindi alam ang salitang privacy. Napapailing na lang talaga ako, hindi ko talaga alam bakit natatagalan ko si Colleen gayun ay napaka-ingay at napakulit. Tinignan ko siya at tinitimbang ko ang sarili kung sasabihin ko ba sa kaniya pero sa huli napag-desisyunan ko nalang sabihin at ikwento lahat-lahat simula sa ex ko si Jeremy hanggang sa kontrata at sa napag-usapan namin bago siya maglaho ng parang bula. Napansin ‘kong natigilan si Colleen at napatitig sa'kin na tila bang hindi siya magkapaniwalan, ilang sandali siyang ganun ang itsura hanggang sa magsalita na siya muli. "Wait, tama ba ang dinig ko?!" gulat na aniya."Ex mo si sir Jeremy?!" Sunod-sunod ang pagtango ko, wala na naman dahilan para itago pa 'yon at alam na lahat ni Colleen. "Oo nga, ex ko siya, siya si Jem, si Jeremy na kweni-kwento ko sa inyo ni Bryan noon." Hindi agad sumagot si Colleen subalit napansin ko ang kakaibang liwanag sa mga mata niya. Kahit hindi niya sabihin sa'kin ang dahilan ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya. "May gusto pa si sir Jeremy sa'yo." Siguradong-siguradong sabi niya dahilan para maibuga ko ang alak sa bibig ko, pinanliitan ko siya ng mata habang pinupunasan ang baba ko. "May girlfriend na'yon, kita mo naman ayaw ko pating maging kabit Colleen." may inis sa tinig ko na kinatawa ng malakas ni Colleen. "Duh! sinabi ko bang magiging kabit ka," maarteng sabi niya "At saka may nakapag-sabi na ba sa'yo na girlfriend niya ‘yun?" "Tungaw, hindi pa ba sapat na narinig ‘kong love ang tawagan nila." giit ko sa sinabi niya. Tumitig na naman si Colleen sa'kin at saka bahagyang natawa. "Kung sabagay ano," napahawak siya sa baba. "Pero kung may girlfriend na siya, bakit may pa ganu’ng kontrata?" "Yun nga!" sabi ko puno ng frustrasyon na ihinilamos ko ang mga palad sa mukha ko. "He's confusing me big time, but at the same time iniisip ko na lang na baka way niya iyon para makaganti sa'kin." "Hmm, you've got a point there," pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib, bahagya pa niyang itinagilid ang ulo para matignan ako. "Pero what if..." pabitin na sabi niya sa'kin. Umikot ang mga mata ko sa kaniya, 'yun ang kinakainisan ko kay Colleen sa t'wing mag-uusap kami. Parating pabitin, kung saan nasa kalagitnaan kami ng seryosong usapan saka magkakaganyan. Pinatay ko ang music na kanina pa tumutunog at saka bumaling muli kay Colleen. "What if... ano?" naiinis na sambit ko sa kaniya pero sa halip na sagutin niya ako, uminom ito ng alak. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya, kaya naman dahil sa inis tumayo ako saka hinawakan ang dalawang kamay niya. "Sasabihin mo o ihuhulog kita sa dagat ngayon." May pagbabanta na sabi ko sa kaniya. "Chill..." natatawang sambit niya sa'kin."Maupo ka nga, nag-iisip pa nga ako." Mas lalo akong nainis kaya naman mas hinila ko siya palapit sa dulo ng railings. "Naka-inom ako Colleen, kaya wag mo ‘kong subukan." Humagalpak ng tawa si Colleen. "I'm scared, Miss Senior. Relax. Ito na sasabihin ko na." pagkasabi niya niyon ay binitawan ko ang kamay niya at saka bumalik ulit sa pwesto ko kung saan ako nakaupo kanina. Bigla siyang nag-seryeso habang nakatingin sa'kin. "Pero what if... hindi revenge ang ginagawa niya, what if gusto niya lang magpapansin. Something like that." Kibit-balikat na sabi nito sa'kin. "Tss, ano siya bata!" giit ko. "Nonsense ‘yang what if mo." asik ko saka nagsalin ulit ng alak sa baso at itinungga iyon. "Nakakarami kana, Miss Senior. Baka malasing ka." pigil niya sa'kin nang magsasalin ulit ako ng alak. "Sus, ngayon ka pa concern. Bartender ako, kaya hindi agad ako nalalasing," binawi ko ang bote kay Colleen saka nagsalin ng alak sa shot glass. "Baka ikaw pa ang malasing sa atin dalawa." pagmamayabang ko. “Akala mo talaga hindi na nalasing noon, kaya nga nagka-kontrata kayo ni Jeremy eh.” sabi ng kabilang bahagi ng isip ko, itinungga ko ulit ang alak na hawak ko kahit siguro ilang Mojitos ang inumin ko hindi ako malalasing, lalo na't madami akong iniisip ngayon. "Mahal mo pa, ano?" sambit ni Colleen na nakapagpatigil sa iniisip ko. Pakiramdam ko tuloy, bigla akong nalasing sa tanong niya. "Mahal mo pa nga." biglang tukso niya sa'kin. Napanguso naman ako. "Gusto ko pa siya, Colleen," nahihiyang pag-amin ko, "Mahal ko pa siya kahit hindi na pwede, gusto ko siyang agawin pero ayaw ‘kong makasira ng relasyon." malungkot na dagdag ko kasabay ng pag-inom ko ng alak sa baso na hawak ko. "Sabihin mo kaya sa kaniya na gusto mo pa siya at mahal mo pa siya." Teary-eyed ‘kong tinignan si Colleen na nakatingin lang din sa'kin habang nakikinig sa mga sinasabi ko, umiling ako "Sasabihin ko, edi nasaktan ko naman ‘yung girlfriend niya at saka mukhang masaya naman siya sa girlfriend niya at bagay na bagay silang dalawa." pahabol ko na naging dahilan para lumaylay ang mga balikat ko sa huli katagang sinabi ko. "Ang hirap naman ‘yang sitwasyon mo, Miss Senior. Paano mo nakakayanan ‘yan? Imagine, nasa isang lugar lang kayo ng Ex mo. Personal Attendant ka niya, boss mo siya. Tsaka nakikita mo na masaya na siya sa iba, hindi ka ba nasasaktan kahit konti? na ‘yung taong pagma-may-ari mo noon, ay pag mamay-ari na at masaya na sa iba. Kasi siguro kung ako ang nasa sitwasyon mo, baka umiyak na ako nang umiyak." dire-diretsong sabi niya sa'kin na mas nagpalungkot sa'kin sa gabing ito. Napabuntong-hininga ako at saka tumingin sa kawalan. "Nasasaktan din naman ako, lalo na't hindi naman maayos ang paghihiwalay namin. Minsan kasi kailangan mo pa din ngumiti para malaman nila na kahit nasasaktan ka, kinakaya mo pa din. Kahit naman siguro umiyak ako nang umiyak, wala pa rin naman mangyayari. Isa na lamang akong parte ng nakaraan niya na kahit kailan di na pwedeng balikan," Sinulyapan ko si Colleen na nakatingin din sa kawalan. "Hindi ko pinagsisihan ang mga maling bagay na nagawa ko noon, dahil alam ‘kong malaki ang naitulong nun kung ano ako ngayon at kung ano siya ngayon." “Hindi nga ba? paghihimutok na naman ng isip ko. Hindi ko ba talaga pinagsisihan? o hindi mo lang talaga matanggap na naging mali ang desisyon mo noon.” Napailing ako sa sariling naiisip. "Kung sabagay may tama ka. Ang pagpapanggap na masaya kahit na nasasaktan ka na ay isang patunay na matatag ka. Sana alls." seryosong sambit niya na nagpatawa sa'kin ng bahagya. "Baliw ka talaga. Lasing kana ata." natatawang sabi ko. Umiling-iling si Colleen at saka ipinatong ang baba nito sa tuhod niya. "Sana lahat strong, Miss Senior." Nanginginig ang labi na sabi niya. "Sana lahat katulad mo." pagpapatuloy ni Colleen, at sa hindi mabilang na pagkakataon, nagsituluan na ang luha niya sa mga mata. "Kasi ako, hanggang ngayon. Siya pa rin." umayos siya ng upo saka tumingin ulit sa kawalan. "Heart is the strongest part of our body, but why does it break so easily?" "Kasi marupok ka." sabi ko saka itinungga na naman ang alak na hawak ko. Napansin ‘kong masama ang tingin ni Colleen sa'kin. "Ang bad mo, Miss Senior." sabay punas ng mga luha nito sa pisngi. Natawa ako. "Sorry naman pero totoo naman kasi ‘yun eh." ibinigay ko sa kaniya ang basong may alak. "Inom." Tinaggap naman agad iyon ni Colleen. "Miss Senior, five days na lang sasampa na tayo sa Manila. Ano ganap natin?" pag-iiba niya sa pinag-uusapan namin. "A-ahh. By the way, sabi pala ani sir James, night out daw tayo." tugon ko nang maalala ang sinabi ni James sa kaniya noon. "Omg! Sige," nagagalak na sabi niya sa'kin. "Hanap tayo boyfriend, Miss Senior." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya "Ha?" Tumango si Colleen. "Kailangan na natin mag-move-on. Siguro ito na ang panahon para sumaya naman tayo, Miss Senior. Mag boyfriend ka na din." Napangiwi ako sa narinig.. "Lasing ka na nga." "Subukan mo na kasing buksan ang puso mo, Miss Senior. Wag ka na magpakulong sa nakaraan. Kung ayaw mo naman sabihin kay Sir Jeremy ang nararamdaman mo edi, mag-move-on ka na lang at saka mag-let-go. Nanjan si Sir James, may gusto sa'yo." "Hala ka!" hindi makapaniwalang singhal ko sa kaniya. "Baliw ka kapag may makarinig sa'yo dito, patay ka sa’kin tsaka paano mo naman nasabi na may gusto si Sir James. Anak ka ba ng manghuhula?" "Eyes talk, Miss Senior, eyes talk, hindi mo lang iyon makita kasi nakatuon ka sa iba." "Tss." 'yun lang ang naging tugon ko. Baliw kasi itong si Colleen kung ano-anu naman ang pinagsasabi. "Eyes speak more than words, Miss Senior," pagkasabi niya niyon ay tumayo siya saka nakapamewang humarap sa'kin. Sa itsura pa lang ni Colleen ngayon alam na alam ‘kong lasing na siya, "Subukan mo kasing makiramdam sa paligid mo, malay mo siya na ang the one mo." Umiling-iling lang ako sa sinabi niya at pagkatapos ay tumayo na din sa pagkakaupo at lumapit kay Colleen na ngayon ay nagpapagewang-gewang na sa kalasingan. Inangkla ko ang braso ni Colleen sa'kin leeg at inalalayan siya maglakad patungo sa kwarto nila.  “Hays ganito na ata ako habang buhay, taga-alaga ng kaibigan na lasing.” Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa railings kung saan ako tumatambay kapag may iniisip. Pagkalagay ko kasi kay Colleen sa kwarto nila, naisipan ‘kong magpahangin muna. Ilang sandali pa, napatingin ako sa wrist watch ko. Alas onse na ng gabi, hindi ko man lang namalayan ang oras sa dami ‘kong iniisip, kaya naman dahil lumalalim na ang gabi napag-desisyunan ko sanang bumalik na sa kwarto namin. Itutulog ko na lang itong iniisip ko kaya naman aasta na sana akong hahakbang nang may biglang maamoy na pamilyar na pabango mula sa likuran ko dahilan para tumigil pansamantala ang pagtibok ng puso ko. “Jeremy...” I whispered underneath my breath Hindi ako lalo makagalaw sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang paglapit ng mukha niya sa leeg ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang init ng hininga niya sa leeg ko. His warm breath on my neck made me shiver, and I instinctively tilted my head. After a while, the cold shiver ran down to my spine, as Jeremy spoke. "Based on the contract number 5. The Personal attendant is not allowed to drink unless she is with his Master." His voice was cold, low, and deep. Punyeta... Napapikit ako bigla nang maalala ko ang nangyari noong nalasing ako at nagising ako sa kwarto ni Jeremy kinabukasan. "That's okay, I like older women." ngayon naman ako ay naguluhan sa naging sagot niya hindi ko alam kung kanino o para ba sa'kin ang sinabi niya pero sa halip na sumagot, mas lumapit pa ako nang sobra sa kaniya... at... umigtad ako para maabot ang kwelyo ni Jeremy at dahan-dahan kong inilapat ang mga labi ko sa labi niya, nang magkahiwalay ang mga labi namin napangisi ako pagkatapos niyon I passed out. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa labi ko, hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Napaigtad ako sa gulat nang maalala na nasa likuran ko si Jeremy, awtomatiko akong lumayo sa kaniya na ngayon ay nakapamulsang nakatingin siya sa'kin. Napatitig ako sa kaniyang labi. “Damn! nakakahiya!” kaya naman bago pa muli magkapagsalita si Jeremy, inihanda ko ang sarili upang tumakbo papalayo sa lugar na iyon kung nasaan siya. Alam ‘kong nagulat si Jeremy sa ginawa ko pero bahala na, wala akong mukhang ihaharap sa kaniya dahil sa ginawa ko. Hingal na hingal akong pumasok ng kwarto namin, agad akong umakyat sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot. “Tanga-tanga ko, gaga kang babae ka!” pagalit ko talaga sa sarili ko habang sinasabunutan ang sariling buhok. “I was f****d up!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD