CHAPTER 16 PART 1

2873 Words
"Yan na nga ang sinasabi ko! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib... sasabihin na magmo-move-on pero nang makita nawawala na naman sa wesyo. Tsk tsk! babae ka... dalawang araw na, Miss Senior na 'yan lagi ang bungad mo sa'kin kapag tumatawag ka."   Napabuntong-hininga ako kasabay ng pag-irap sa sinabi ni Colleen mula sa kabilang-linya, eh, kasi namin gusto ko lang naman may masabihan ng nararamdaman ko. Narinig ko din ang pagbuntong-hininga ni Colleen bago muli ito magsalita.   "Pero sanay na ako... anyways, Miss Senior, hindi pala ako makakasama tonight may lakad kami ni mother later."   Dagdag niya, actually kaya ko tinawagan si Colleen upang yayain mamayang gabi na makipagkita kay James at madami nga akong itatanong sa kaniya tungkol kay Jeremy, kaso dahil nga sa nakakainis na pusong ito lagi na lang bukang-bibig si Jeremy. Alam ko naman na hindi tama pero hindi ko alam kung paano siya mawala sa sistema ko. "Fine... enjoy na lang kayo ni tita mamaya." Pagtugon ko na lang kay Colleen sa sinabi niya at ilang saglit pa ay nagpaalamanan na din kami at may gagawin daw siya, ewan ko kung ano... kaya kahit gusto ko pang makipag-usap ay napipilitan akong pinatay ang tawag.  Padarag ‘kong inilapag ang aking cell phone sa ibabaw ng side table pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa kama, tumahiya ako nang higa habang nakatingin sa kawalan.  Dalawang araw na nakalipas simula nung mag-dinner kami ni Jeremy dito sa condo, dalawang araw na din na wala akong balita sa kaniya. Kahit nga noong pinahatid niya ang kotse ko dito sa condo, hindi niya iyon ipinaalam. Nalaman ko na lang dahil tumawag ‘yung guard sa'kin.  Nakakainis 'di'ba? tapos dahil pa sa halik niya sa'kin sa noo, naco-confuse lalo ako. Lagi na lang tuloy nagtatalo ang puso't isip ko.  Bumalikwas ako ng higa at maya-maya ay humiga ulit, nabo-boring ako ngayon, dati never ‘kong naramdaman ang pagkabagot kahit dito lang ako sa loob ng condo. Nae-enjoy ko ang three months vacation ko pero ngayon maglilimang araw palang pero buryong-buryo na ako, tinatamad naman akong umalis, gawa ng matrapik din.  Napapikit ako bago mapag-desisyunang bumangon at bumaba ng kama, kinuha ko ang laptop ko saka binuksan ang sliding door dito sa kwarto. Napangiti ako dahil sumalubong sa'kin ang malakas at malamig na hangin, medyo makulimlim ngayon kaya makakapagtambay ako dito. Naupo ako sa maliit na mesa dito sa balcony kasabay nang pagbukas ng aking laptop. Magtitingin ako kung ano ang mga opening jobs ngayon, sisimulan ko ng mag-apply. Sa totoo lang may ipon pa naman ako, kahit nga hindi ako mag-trabaho ng isang taon, kaso may pinagagawa akong bahay kaya baka kulangin ang ipon na iyon at saka nabo-boring din ako. Hindi ko kakayanin na manatili dito the whole day na walang ginagawa baka mabaliw na ako, ngayon pa nga lang mag-li-limang araw na simula na dumaong ang barko bagot na bagot na ako. Okay lang sana kung laging nandito si Colleen. Sinearch ko ang website kung saan ko nahanap dati ang J-line cruise, plano ko mag-hotelier muna, pass na muna ako sa cabin crew. Gusto ko naman masubukan ang ibang trabaho para madagdagan ang experience ko. Scroll ako nang scroll, binabasa ang bawat hotel na hirings at mga benefits niyon pero sa tagal ‘kong naghahanap wala akong magustuhan kaya bagsak ang balikat ‘kong pinatay at isinara ang laptop. Napabuntong-hininga ako na bumaling sa naglalakihang building na nakikita ko mula dito sa balcony. Napatitig ako sa pinakamataas sa malalaking building na nakikita ko.  “Sino kaya ang may-ari ng building na 'yan? Siguro sobrang yaman na nun.” Kilala kasi ang JC Penthouse na pinaka-luxury na residential unit sa bansa. Kahit yumaman pa ako ng sobra hindi ko pangangarapin na tumira doon, sayang ang pera. Ilang oras din ata akong nakatingin lang sa kawalan habang dinadama ang malamig na hingin bago mapag-desisyunan na pumasok ulit ng kwarto, inilapag ko ang aking laptop sa ibabaw ng mesa at saka nagtungo ng banyo. Magbabad na lang muna ako sa bathtub pampalipas ng oras. Para akong tanga sa ginagawa ko, dahil pagkapasok na pagkapasok ko ng banyo pinatay ko agad ang ilaw at nagsindi ng scented candle tapos kinuha ko ang victoria secret na body wash sa aparador dito sa banyo at ibinuhos iyon sa bathtub, tuwang-tuwa pa ako habang pinabubula iyon. Pagkatapos, naglakad ako palabas muli ng banyo at nagtungo sa kusina upang kumuha ng wine at wine glass saka muling pumasok ng banyo bitbit na din ang cell phone ko at Blutooth speaker, wala akong balak maglasing at magkikita nga kami ni James mamaya, gusto ko lang talaga mag-relax. Ayun na nga, dinusog ko ang maliit na mesa sa tabihan ng bathub at inilapag ang mga dala ko pagkatapos itinali ko ang buhok ko at isa-isang hinubad ang damit ko at dahan-dahan na inilublob ang katawan sa bathtub. Napapikit ako nang maramdaman ang mabangong scent ng kandila at bath soap. Ilang sandali pa, namili na ako ng music na nakaka-relax sa cell phone ko, saka nagsalin ng wine, inaamoy-amoy ko muna iyon bago sumimsim.  Nakapikit lang ako habang dinadama ang nakaka-relax na music kasabay nang pagsimsim ulit ng wine. Kahit papaano dahil sa ginawa ko ay nare-relax ako, maya-maya pa ay inilagay ko ang wine glass sa mesa at saka pumikit ulit. Naalingpungatan ako nang may marinig akong nabasag sa labas ng ang aking kwarto, hindi ko alam na nakaidlip pala ako, inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko. Nanlaki ang mga mata ko na napakadilim na ito, hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidilip para maubos ang scented candle na sinindihan ko kanina. Kinapa ko ang cell phone ko upang sana magpa-flashlight, subalit napasapo ako sa noo ko nang mapagtantong na lowbat iyon. "Damn!" pagmumura ko, matagal ata talaga akong nakaidlip, kaya naman kahit sobrang dilim, dahan-dahan akong umalis sa bathtub at kinapa ang bathrobe ko. Habang naglalakad papalapit sa switch ng light dito sa banyo, abot-abot ang kaba ko, hindi ko alam sa tagal ‘kong naninirahan dito ngayon lang ako kinabahan ng ganito.  “At saka bakit may nabasag sa labas ng kwarto ko?” Nang makalapit ako nang tuluyan sa switch binuksan ko agad ang ilaw at saka naglakad na nang tuluyan papalabas ng banyo, napayakap ako sa sarili ko dahil sumalubong sa'kin ang malakas na hangin na pumapasok mula sa sliding door. "Ang tanga ko." Bulong ko, nakalimutan ko pala iyon isara kanina. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at nagmamadaling isinara ang sliding door, napaigtad ako at saka awtomatikong napalingon sa may pintuan ko nang may marinig na namang ingay mula sa labas. “Something was very wrong.” Sobra ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako feeling ko talaga may tao sa labas, kaya nang maisara ko ng maayos ang sliding door dito sa kwarto. I walked quietly up to the door and slowly twisted the doorknob; the entire living room and kitchen were completely dark, with only the bedroom light serving as a source of light; I nervously stepped out, nasa sala ang lahat ng switch ng ilaw. Bumuntong-hininga ako upang kumuha ng lakas ng loob para takbuhin ang switch sa sala, subalit napahinto ako sa gitna ng sala at kusina nang mapansin na basag ang glass window. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko pero feeling ko namumutla na ako, nanginginig at kinakabahan akong naglakad sa basag na glass window, sinuri ko kung bakit iyon nabasag. "Ahh!" inda ko nang may maramadaman na tumusok sa talampakan ko, nagbaba ako ng tingin sa paa ko nakaapak ata ako ng basag na glass, hindi ko ito makita dahil madilim pero alam ‘kong nagdudurugo iyon. Napatingin ako sa gawi ng kwarto ko nang mamatay ang ilaw doon, tanging ilaw na lang sa banyo ang natitirang bukas. Hindi ko na kaya ang takot kaya nagsituluan na ang luha ko, doon ko na kasi napagtanto na hindi lang ako ‘yung tao dito sa loob, may nakapasok, hindi ko lang alam kung saan o paano. Kaya naman, kahit nanginginig ako sa takot,  sinikap ‘kong hindi makagawa ng ingay. Akma na hahakbang na ako patungo sa sala upang buksan ang switch ng ilaw nang bigla akong naninigas sa kinatatayuan ko. Naramdaman ‘kong may nakatutok na matulis na bagay sa tagiliran ko, sinusubukan ‘kong magpumiglas ngunit mas bumabaon ang matulis na bagay iyon na nakatutok sa tagiliran ko. "S-sino ka?" umiiyak na tanong ko sa bulto sa likuran ko pero sa halip na tumugon ito mas idiniin nito ang matulis na bagay sa tagiliran ko, napapikit ako dahil alam ‘kong isang diin nalang masasaksak na ako. "P-parang awa mo na, please, sabihin mo kung ano ang gusto mo, wag mo lang akong sasaktan." Pagmamakaawa ko. "Wala akong kailangan sa'yo, ang boss ko ang meron at pinaparating niya ito sa'yo pati sa boyfriend mo na, isang maling galaw lang ay ano mang oras ay pwede kayong mamatay." pagkasabi niya niyon, itinulak niya ako ng malakas dahilan para masubsob ako sa sahig, saka nagmamadaling itong lumabas ng pinto. Gusto ‘kong humingi ng tulong pero hindi ako makagalaw, gusto ‘kong sumigaw sa takot pero walang lumalabas sa bibig ko. Napa-angat ako ng tingin sa pintuan ko nang may nag-doorbell. Kaya naman kahit nanginginig sa takot, luhaan ko iyon binuksan. "I told you not to open the door to anyone!" galit na sambit niya, hindi ko na iyon pinansin, bigla ko siyang niyakap. "What's wrong?!" nag-aalalang tanong niya sa'kin nang maiangat niya ang mukha ko. "Jeremy..." mas lalo akong umiyak dahil sa takot. "What did they do to you?" pinaghalong kaba at galit na tanong niya sa'kin. Dahil nga sa takot hindi ako makapagsalita kaya naman niyakap niya ako nang napahigpit bago inalalayan sa paupo ng sofa, binuksan niya ang ilaw at doon bumangad sa'kin ang sugat sa paa ko. "f**k! Damn!" pagmumura niya, yumukod siya at kinuha ang panyo niya at itinali iyon sa paa ‘kong sugatan. Umiiyak lang ako, maya-maya tumunog ang telepono niya,  "We are late! Come here immediately!" galit na pinatay niya ang tawag, at muking buamaling sa’kin. Nanginginig pa rin ako sa takot, lumapit muli sa'kin si Jeremy sa’kin, ang kaninang galit na ekspresyon niyang mukha ay lumambot iyon nang magtama ang aming mga mata, "Sinaktan ka ba niya?" nag-alalang tanong niya habang marahan niyang pinupunasan ang mga luha ko na patuloy pa rin ang tulo, tanging iling lang sagot ko kaya niyakap niya muli ako. "I'm sorry for being late..." he whispered. Ilang sandali din kaming ganoon ang posisyon hanggang sa ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap, nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "May alam ka ba dito?" tanong ko, hindi siya makasagot halatang nagulat siya sa tanong ko, napansin ko din na nag-iwas siya ng tingin sa'kin. "Jeremy, tinatanong kita, may alam ka ba dito?" wala pa rin akong sagot na nakuha kaya naman hinawakan ko ang kaniyang dalawang balikat. "Tell me, sabihin mo naman dahil-" naputol na ang iba pang sasabihin ko nang mangibabaw ang boses ni James, may mga kasama siya. "What happened, Jem?" tanong agad ni James pagkapasok, ang mga kasamahan naman niya ay agad ininspeksyon ang buong condo ko. "Are you okay, Suzette?" bakas sa mukha ni James ang pag-alala, tumango lang ako att maya-maya pa nagsalita ang isang nag-iimpeksyon ng lugar. "Sir, mukhang kumikilos na sila." aniya kay Jeremy at James, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, sobra na akong nagtataka... Napabaling na lang muli ako sa lalaking nag-iimpeksyon na mukhang imbistigador nang magsalita muli ito. "Sir, hindi ho safe dito si Ma'am, kailangan niya ho na munang lumipat ng matitirhan." dagdag niya habang naglalakad papalapit sa'min. Hindi sumasagot si James at Jeremy, mukhang naga-alangan sila dahil siguro nandito ako, pero kailangan ‘kong malaman kung ano ang nangyayari dahil siguradong involve na ako dito, naalala ko ang sinabi ng lalaki sa'kin kanina. Nag-angat ako ng tingin kay Jeremy na nakatingin din sa'kin."Isang maling galaw lang ay ano mang oras ay pwede kayong mamatay," sambit ko. "Yan ang huling sinabi ng lalaki sa'kin kanina, siguro naman sapat na iyon na dahilan para malaman kung ano ang nangyayari, Jeremy." "Naalala mo ba ‘yung babaeng nagwala sa cruise dati?" biglang sabat ni James napabaling ako sa kaniya. "James." pigil ni Jeremy sa kaibigan. Umiling si James, "She needs to know, Jem, hindi mo pwedeng itago ito sa kaniya, she's already involved here." napahilot si Jeremy sa sintido, ako naman ay naguguluhan na lalo sa pinag-uusapan nila. "Pwedeng bang sabihin niyo na sa'kin, Jeremy," tinignan ko siya at saka muling tumingin kay James, "James, sabihin niyo na, ano ang kinalaman nung babaeng nagwala sa lido area noon sa nangyayari ngayon?" "Siya ho, ang may pakana ng lahat ng nangyayari," inilabas ng imbistigador ang larawan nang babae at napaawang ang bibig ko na siya nga ‘yung babaeng binuhusan ako ng alak sa ulo. "Siya si Klaire Buenaobra, siya ang pangalawang anak ng isa sa pinaka-mayamang negosyante sa atin bansa at nagmamay-ari ng Buenaobra Lines na si Don Benidecto Buenaobra, sa ngayon ho 'yan na lang po muna ang impormasyon na ibibigay ko, pero Ma'am kailangan niyo ho munang umalis sa lugar na ito at baka po mas malala pa ang mangyari sa susunod." may pagbabala sa tinig niyon. Naguguluhan pa rin ako pero sumang-ayon ako sa sinabi ng imbistigador kaya naman tumango ako. "Sige po, uuwi na muna ako-" "No, you can stay with me for the meantime." putol  ni Jeremy sa sasabihin ko. Napakunot-noo akong bumaling sa kaniya at saka umiling. "No, ayaw ko nga! May uuwian ako kaya doon na muna ako kila mama at papa." pagpro-protesta ko sa sinabi niya. Matapos niyang itago sa'kin ang about dito. "Ma'am mawalang galang na ho," sabat bigla ng imbistigador kaya napatingin na naman muli ako sa kaniya. "Pero tama ho ang sinabi ni sir, for the meantime ay doon na ho muna kayo sa kaniya, kayong dalawa ang target ng suspek na ito, kaya mas maigi kung magkasama muna kayo, baka matunton ho kayo pati mga magulang ninyo ay mapahawak."  Napahilamos ako sa sariling mukha. "Kung ganun dito na lang ako." kontra ko sa suhistyon ng imbistigador. Magsasalita pa sana ito nang pigilan siya ni Jeremy. "Could you give us a second, please?" aniya, kaya naman tumango si James, at saka niyaya ang imbistigador at ibang kasamahan niyon na lumabas na muna. Nang makalabas na sila, pinukol ko ng masamang tingin si Jeremy. "Buo na ang desisyon ko, kung hindi ako makaka-uwi dito na lang ako, hindi naman ako natatakot sa kaniya dahil wala naman akong ginawang masama sa kaniya, kung kailangan ‘kong lumaban, lalaban ako." dire-diretsong giit ko sa kaniya. He sighed, heavily. "Okay, then," he paused for awhile bago ulit nagsalita. "I'm going to stay here for awhile." he added na nakapagpatayo sa'kin sa pagkaka-upo. "What?!" hindi ko maiwasang singhalan siya. "Delikado ‘yang gusto mo, kaya let me stay here with you." he looked at me seriously. Hindi ako makapagsalita, "You're going to stay here with me? or at my house? You choose?" he stares at me at masasabi ‘kong hindi siya nagbibiro. "You're going to live here?" "Yes, No, Yes, No, Ye--" hindi na ako makapag-isip ng matino. "Then do you want to come to my place?" "Hindi 'yun ang ibig sabihin ko, why all of a sudden gusto mo akong tumira sa bahay mo? Samantala noong nakaraan gusto mo akong lumayo sa'yo." Napahilot na naman si Jeremy sa kaniyang sintido bago muli akong tinignan. "Because it's the least thing I can do for your safety, Suzette," naglakad siya papalapit sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Don't make me risk my life to save you." Natigilan ako sa huling sinabi niya, ayaw ko din naman na ilagay niya sa kapahamakan ang sarili dahil lang sa'kin. I know it's awkward talaga na makasama siya sa isang bubong pero kung kaming dalawa ang target ng babaeng iyon kailangan talaga namin magsama para din sa kaligtasan namin at mga taong nakapaligid sa'min.  "Why did you not tell me na may ganito na nangyayari?" tanong ko muli. "I'll explain it later, so pumapayag kana?" Pagod siyang tumingin sa'kin, ngayon ko lang napansin na parang namamayat siya. Tumango ako. "Y-yes, just for the meantime lang." tugon ko, he smiles at me as she softly caresses my face, alam ‘kong hindi tama ang pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito kaso hindi ko iyon napigilan, naghuhurumintado na iyon. "I'm sorry, I can't protect you." he feel sorry sa tinig niya pa lang, naawa naman ako dahil unang-una wala naman siyang kasalanan.  Magsasalita sana ako upang sabihin sa kaniya na wala siyang kasalanan sa lahat ng nangyayari kung hindi lang bumukas ang pintuan at nagsipasok ulit sila James but this time may mga kasama na silang mga naka-itim na suit. “Sila din ang mga dumating sa cruise nun, nang si Klaire ay nang gulo doon.” Nagtataka akong tinignan si Jeremy. "They are my guards, so, don't worry..." aniya kasabay ng paghawak sa kamay ko. Tumango lang ako at saka bumaling kay James na nagsalita muli."You can go  home now, Jem, kami na ang bahala dito. Balitaan ka na lang namin." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD