CHAPTER 15 PART 2

2980 Words
Napa-angat ako ng tingin para tignan kung sino iyon at nanlaki ang mga mata ko na si Jeremy. Isinara niya ang sasakyan ‘kong walang kwenta bago galit na tumingin sa'kin at walang imik na inalalayan akong papasok ng kotse niya. Dahil nga sa gulat, hindi agad ako makapagsalita hanggang sa nakapasok na din si Jeremy sa loob ng kotse. Tinignan ko siya basa na din siya, doon lang ata ako bumalik sa sariling katinuan nang mapagtanto na siya nga ang kaharap ko. He narrowed his eyes at me. "I'll drive you home," he said as he started his car. Umiling ako dahilan para maudlot ang pagstart ng sasakyan niya at mapatingin muli siya sa'kin."Uuwi ako mag-isa," giit ko at aasta na bubuksan ang kotse niya nang bigla niya iyon nilock, tinignan ko siya. "What the hell are you f*****g doing?" he said angrily while looking at me. "Uuwi... ano pa? Hindi ko pwedeng iwanan ang sasakyan ko at saka paano ang pinamili ko." pagpro-protesta ko sa kaniya pero ang totoo talaga ayaw ‘kong magpahatid sa kaniya. "Ipapakuha ko na lang, stay here, saan nakalagay ang pinamili mo?" naiinis na tanong niya sa'kin. "Kung napipilitan ka lang, pababain mo na ako." angal ko sa kaniya. He glares at me with his bloodshot eyes, at masasabi ko na anong oras man ngayon sasabog na siya sa galit. "Hindi ako napipilitin, tell me kung saan nakalagay? It's late, Suzette," “pero bakit ganun?” galit ang mukha niya pero malambing pa rin siya magsalita, or ako lang 'tong assuming. "Suzette, keys." pukaw ni Jeremy sa'kin. Nagpakurap-kurap ako at natarantang ibinigay ang susi, “S-sa likod ng sasakyan."nauutal pa na sambit ko at pagksabi ko niyon lumabas na agad si Jeremy at tumatakbong nagtungo sa kotse ko. Tinitignan ko lang siya mula dito sa loob ng sasakyan, malakas pa rin ang ulan. Binuksan niya muna ang sasakyan ko at napansin ‘kong isinaklay niya ang sling bag ko sa balikat niya, hawak-hawak niya na ang susi ng sasakyan ko. Napangiti ako bigla habang pinagmamasdan lang siya, isinara niya ang pintuan at saka nagmamadaling pumihit sa may compartment at kinuha lahat ng mga pinamili ko. Nakasimangot siyang naglakad pabalik dito sa sasakyan niya habang dala-dala ang mga iyon, napabungisngis ako dahil sa itsura niyang naiinis ngayon. Tumikhim ako kasabay ng pagseryoso nang binuksan niya na ang pintuan sa likod ng sasakyan at inilagay ang pinimili ko pagkatapos at nagmamadali siyang pumasok ng driver seat, basang-basa na tuloy siya. Tinanggal niya ang bag ko sa pagkakasaklay niyon sa balikat niya at iniabot iyon sa'kin. "Thank you." seryosong saad ko. "Tsk." rinig ko sa kaniya at saka walang imik na pinaandar na ang kotse at pinaharurot iyon palayo sa parking lot na iyon. Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasan na tignan siya dahil tumutulo ang buhok niya. Kaya naman nagpalinga-linga ako upang maghanap ng pamunas, kaso wala, binuksan ko ang aking bag nang maalalang may dala akong panyo. Kinuha ko iyon at inabot sa kaniya na ang tingin ko ay nasa labas. "What's that?" he asked habang abala sa pagmamaneho. Napatingin ako sa kaniya, "Edi panyo, punasan mo ‘yang buhok mo." sabi ko nang hindi pa rin siya tinitignan. "I'm fine," giit niya. "Okay." simpleng tugon ko. “Kung ayaw mo, edi wag!” Maya-maya habang sinusuong namin ang masikip na trapik bigla ‘kong naalala si Love kaya naman nagsalita ako. "Why did you not tell me?" "Tell me, what?" sumulyap siya sa'kin bago ibinaling muli ang tingin sa kalsada. "About Love? May kapatid ka pala? Kapatid mo pala siya? Bakit hindi ko alam 'yun noong tayo pa?" humarap na ako sa kaniya dahil sa sunod-sunod ‘kong mga tanong ko. "And why should I?" Natigilan ako sa sinabi niya, "Kung sabagay, nevermind." kibit-balikat na sabi ko at bumalik na lang ulit ng tingin sa labas. "Tinatanong lang naman." pabulong na sambit ko. "Bakit ko sasabihin na may kapatid ako, matagal na tayong wala nang malaman ‘kong meron akong kapatid," awtomatiko akong bumaling muli ng tingin sa kaniya. "My ,om, cheated on my dad for a long years kaya nagkaroon ako ng kapatid sa labas." he looked at me, nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "I'm sorry." nahihiyang sambit ko, hindi ko inaakala na 'yun ang nangyari. “May kinalaman ba kung bakit gusto niya akong pakasalan noon? Kaya ba gusto niyang mag-settle down dahil ba doon? Kaya bang ganun nalang siya kadesperado noon?” Ito na naman ang mga katanungan na namumuo sa isipan ko, katanungan na walang kasagutan. Hindi na siya muling umimik, ganun din ako, nakatingin na lang muli ako sa labas. Malakas pa rin ang ulan at mabagal ang daloy ng trapiko. Kahit kailan talaga hindi talaga pumabor sa'kin ang panahon. Akalain mo, nagpag-desisyunan ko ng hindi magpakita kay Jeremy tapos ngayon, heto ako sa loob ng sasakyan niya. "Why did you quit your job?" biglang tanong niya na nakabasag sa katahimikan na namamagitan sa'ming dalawa, napasulyap ako sa kaniya bago napatingin sa kawalan. "P-para layuan ka na." prangkang sagot ko sa kaniya, ito na naman ang pakiramdaman ko na hindi ko mawari. Nilalamig ba o naiinitan, hindi ko kasi akalain na magtatanong siya ng ganun sa'kin. Akala ko pag-uusapan namin ang nangyari sa'min sa barko pero nagkamali ako kasi hanggang sa makarating kami sa garahe dito sa condo ko, hindi na siya nagsalita muli. Ewan ko dito sa puso ko, sinabi na ngang wala na. Hindi na pwedeng maging kami pero panay asa pa rin kahit alam naman na sa huli ako pa rin ang masasaktan, ako pa rin ang talo. Nang tumigil ang kotse agad ‘kong ko naman kinilas ang seatbelt ko at palihim na bumuntong-hininga bago timingin sa kaniya na nakatingin din pala siya sa'kin. "Salamat, baba na ako." saad ko at akma na bubuksan ang pintuan ng kotse nang hinawakan niya ang pulsuhan ko, "What?" Naghuhurumintado ang puso ko sa mga oras na ito. "Let me help you, madami ang pinamili mo." pagkasabi niya niyon hindi niya na ako hinintay na sumagot, kinalas niya na din ang seatbelt niya at saka bumaba ng kotse, kinuha ang mga pinamili ko. Bumaba na din ako at nagmamadaling lumapit sa kaniya upang kuhanin ang ibang dala nito. Sa una ayaw niya pa, pero mapilit ako kaya wala siyang choice kundi ibigay sa'kin ang iba. Nakakahiya naman kasi na sa kaniya ko ipadala lahat. Pumasok agad kami ng elevator at saka pinindot ko ang button kung saan ang floor ng kwarto ko. Naiilang ako, ang awkward kaya tahimik lang kami pareho at ilang sandali pa ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa floor na kami kung saan ang kwarto ko. Nagmamadali akong naglakad sa tapat ng pintuan ng kwarto ko upang buksan 'yun at mailagay ang mga napamili ko, sobra-sobra na din ang abala ko kay Jeremy. "Pasok." anyaya ko sa kaniya, na agad naman niya sinunod. Naglakad kaming pareho sa may kusina at inilapag sa ibabaw ng island counter ang mga pinamili ko. Pagkalagay ko niyon, ay nagmamadali akong pumasok ng kwarto. Kumuha agad ako ng towel, inamoy ko muna iyon kung mabango ba at pagkatapos ay binuksan ko ang cabinet ko, kinuha ko ang t-shirt niya na matagal na sa'kin. Napangiti pa nga ako dahil hindi ko aakalain na maibabalik ko pa iyon sa kaniya sa tagal na nang panahon na nasa akin ito. Maya-maya ay lumabas na din ako ng kwarto at iniabot sa kaniya ang mga iyon na agad niya naman tinanggap. Nag-angat siya ng tingin sa'kin nang mapagtantong t-shirt niya ang ibinigay ko sa kaniya. "You still have it, huh?" there was a mischievous gleam in her eyes as he looks at me. "N-nakalimutan ‘kong ibalik sa'yo," naiilang na katwiran ko, nag-iwas ako ng tingin at naglakad papasok ng kusina. "Magpalit kana, nasa loob ng kwarto ang banyo," turo ko sa pintuan ng kwarto ko, "Magluluto ako ng dinner, dito kana din kumain." Naiilang man ako pero syempre kailangan ‘kong gawin iyon pasasalamat na lang din dahil kung hindi niya ako nakita sa parking lot kanina, siguro hindi pa ako nakaka-uwi ngayon. Tumango lang si Jeremy sa’kin at walang imik na pumasok ng aking kwarto, sinilip ko pa mula dito sa kusina ang kwarto ko kung malinis at nakakahiya sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok na si Jeremy sa loob ng banyo, hawak-hawak ko ang dibdib ko, daig pa ang kaba ko ngayon kaysa nung nagtra-training ako sa barko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Inabala ko kunwari ang sarili nang maramdaman na lumabas na siya ng banyo, iginild ko ang mga pinamili ko saka tinignan siya nang makalabas ito ng kwarto, kahit ano talagang damit na suot niya, bumabagay sa kaniya. "Maupo ka muna, saglit lang 'to." sabi ko habang inaayos na ang mga kakailanganin ko sa pagluluto. Buti na lang talaga at bumili ako ng pagkain. Habang abala ako sa paghahanda ng dinner namin, hindi ko maiwasan na mapasulyap sa kaniya na tahimik lang na nakatingin sa ginagawa ko. May part sa puso ko ngayon na gumaan nang malaman ‘kong magkapatid lang sila ni Love pero kahit ganun pa man, buo na ang desisyon ko na i-let go siya at magmove-on at 'yun naman talaga ang gusto niya in the first place. "You're really good with a knife. Why didn't you tell me?" natigilan ako sa paghihiwa ng mga gulay saka sinulayapan siya. "Because you didn't ask me." sagot ko saka nagpatuloy sa ginagawa. Siguro namamangha siya dahil hindi pa naman niya akong nakikitang nagluluto kahit noon. Oo nga at pinagluluto ko siya dati pero never pa niyang nakita kung paano ako magluto. Madami akong alam na lutong ulam, bukod sa natutunan ko sa isang subject namin noon sa college, tinuruan din ako ni Papa na magluto. "I guess you cooked for a lot of boys here in your house." may inis sa tinig niya, ewan ko pero napangiti ako ng palihim bago siya muling sagutin. "This is the first time I brought someone to this house," giit ko sa kaniya, totoo naman at kahit nga si James hindi ko pa pinapapunta dito kahit gustong-gusto nun, sinulyapan ko siya. "At saka ikaw pa lang ang lalaking pinaglulutuan ko." "Okay, but I'm sure it is." saad niya, nilagay ko muna ang mga gulay bago humarap sa kaniya. "Kailan ka pa naniwala sa'kin?" nakangiti akong nakatingin sa kaniya, nag-iwas siya ng tingin sa'kin, I make him feel uneasy sa tinanong ko. "Are you jealous now?" "Who's jealous? Don't make assumptions, I completely hate you." pagkasabi niya niyon ay tumayo siya sa pagkakaupo sa high-chair at aasta sanang aalis ng kusina nang magsalita ako. "I think you'll change your mind after you taste my cooking." sinulyapan niya muli ako, nginitian ko lang siya, napailing siya at nagmamadaling nagtungo sa mini sala. Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi ko habang pinagmamasdan siyang nakasimangot na umupo sa sofa. He is cold as Ice, he speaks meanly, he acts he doesn't care, but he’s very soft-hearted and kept pretending he didn't care to me at all. Napa-tss ako bago bumaling sa niluluto ko, naging abala muli ako sa ginagawa at ilang sandali pa napaigtad ako nang mangibabaw ang boses ni Jeremy mula sa likuran ko. "Can I help you with anything?" he asked. Nilingon ko siya, at umiling, "I can handle everything myself." kasabay nun ay ibinaling ko muli ang sarili sa linuluto ko, malapit na kasi iyon maluto. Napasulyap lang ako muli sa kaniya nang bigla niyang binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang mga plato. At saka walang imik na inilapag iyon sa ibabaw ng island counter. Bagamat nagtataka ako kung bakit niya alam kung nasaan nakalagay ang mga plato, hindi ko maiwasan na mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Kumuha din siya ng baso at kutsara, tinidor. Sakto naman naluto na ang kanin kaya iniwan ko muna ang nilulutong sinigang uoang magsandok. Maya-maya napatingin ako sa kaniya nang mapansin na may hinahanap siya. "Bakit?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin. "Where is the chinese soup spoon placed?" he asked. Napatitig ako sa kaniya, at napatawa. "You can just stay seated," inilapag ko ang sinandok na kanin sa Island counter. "Walang chinese soup spoon dito, kutsara lang ang ginagamit ko." "I feel awkward." mahinang tugon niya sa'kin. “Hindi ka nag-iisa.” "Sus, you feel awkward ka pa jan," pagkasabi ko niyon ay hinawakan ko ang pulsuhan niya at hinila muli sa sala, kinuha ko ang remote ng tv at binuksan iyon. "Manuod ka muna, saglit na lang 'yun maluluto na," pro-prostesta pa sana siya ng iniangat ko ang aking hintuturo upang pigilan siya. "Jan ka lang." saka naglakad muli sa kusina. Palihim ako sumusulyap kay Jeremy na natuon na ang atensyon sa pinanunuod, at ilang sandali pa bumaling ako sa niluluto at pinatay ko na nang napalambot ko na ang karne at luto na ang gulay na nailagay ko. Kumuha na ako ng malaking mangkok at nilagyan ko na ng sinigang upang makakain na kami, hindi ko maiwasang mapatawa at mapailing nang maalala ang chinese soup spoon na iyon. “Hay nako ang hirap kasama ang mayayaman.” "Dinner is ready." anunsyo ko nang mailagay ang linutong sinigang na baboy sa mesa. Hindi tumugon si Jeremy kaya naman naglakad ako sa mini-sala upang sanang yayain na siyang kumain nang makita ko siyang natutulog, napangiti ako at dahan-dahan na naglakad papalapit sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang mukha niya, kahit kailan talaga kahit anong galit ko sa kaniya at inis kapag nakikita ko lang ang mukha niya lumalambot ako. Nakakainis lang dahil parang trina-traydor ako ng isip at puso ko. "W-what are you doing?" bigla siyang dumilat kaya naman awtomatiko akong umayos ng tayo at nag-iwas ng tingin. "K-kain na t-tayo." nahihiyang sabi ko. Nagmamadali akong naglakad muli sa kusina, kinuha ko ang orange juice sa ref. at inilapag iyon sa counter. Naka-upo na siya, pinagmamasdan ako na parang tanga hindi mapakali. Natigilan lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko."Let's eat." mapupungay ang kaniyang mga mata at malambing na sabi niya sa'kin. Tumango ako at saka umupo na din. Magkaharap kami, inabutan ko siya ng kanin at ulam, at pagkatapos ay nagsandok na din ako ng para sa'kin. Tahimik lang kaming kumakain, tanging tunog lang ng ulan, kutsara at tinidor ang maririnig sa loob ng silid na iyon. Tinignan ko siya nang sumubo siya, rumihestro sa mukha niya ang pagtataka. "How it taste?" nagagalak na tanong ko sa kaniya nang maisubo niya iyon. "I don't like it." aniya habang susubo ulit, bahagya akong ngumiti at saka itinuon na din ang sarili sa pagkain na nasa plato ko. Hanggang sa ilang sandali pa ay natapos na din kami sa pagkain, palihim akong nagbaba ng tingin sa plato ni Jeremy at napailing. “He pretended he didn't like it, but he finished the soup.” Tumayo na ako upang hugasan ang pinagkainan namin, nagpupumilit pa si Jeremy na tumulong sa'kin pero hindi na ako pumayag. Ano pati ang alam niya sa paghuhugas. Nang mailagay ko na ang huling plato sa drawer biglang tumunog ang cell phone ni Jeremy. Tumayo siya at saka naglakad sa sala bago niya iyon sinagot. I think it's confidential at halos pabulong ang pagsasalita niya. Napasandal ako sa hamba ng counter habang nakatingin sa kaniya na may kausap, minsan napapasulyap siya sa'kin, na agad naman akong umiiwas ng tingin. Hindi ko alam ‘kong halata ba iyon o hindi. “Sino kaya ang kausap niya?” tanong ko sa sarili, mukha kasing napaka-importante niyon, mga ilang minuto pa ata ang lumipas nang ibinaba niya ang tawag. Ako naman ay naglakad na din sa sala. "I think it's urgent." sabi ko. Nilingon niya ako at tumango, "I have to go." tumunog na naman ang telepono niya. "All right," saka naglakad sa pintuan at binuksan iyon, "Tara hatid na kita." Umiling siya. "No, just stay here," hinawakan niya ang makabilang braso ko, na nakapagpalakas na naman ng t***k ng puso ko, he looked at me worriedly. "Make sure you lock your door, and if you hear something at your front door, don't open it. Okay." Napakunot-noo ako. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. He shook his head. "Nothing, for safety purposes," he was worried base sa tinig niya. "Do what I say, okay?" pinagpantay niya ang mukha namin na ‘tila bang hinihintay niya ang sagot ko, panay pa rin ring ang cell phone niya. "Say the word, Love." he added. “Love?” My heart is racing as I nod. "Okay, I'll do what you've said." as if I wasn't curious sa inaasta niya. He smiled. "Good girl. Thank you." he said as he gently caresses my face and placed a soft kiss on my forehead. Nanlaki ang mga mata ko at tila bang nanigas ang buong katawan ko sa ginawa niya, napa-angat lang muli ako ng tingin sa kaniya nang nagmamadali na siyang lumabas at isinara ang pintuan. Napatitig ako sa pintuan na nilabasan niya, grabe ang paghuhurumintado ng puso ko. "Lock the door!" aniya na na nakapagpabalik sa'kin sa katinuan. Kaya naman dahil sa pagkataranta lumapit ako sa pintuan at nilock lahat ng pwede lockan doon. "Lock na." tugon ko kahit ako'y naguguluhan, sa tagal ko na dito naging safe naman ako kahit hindi ko isara lahat ng double lock.  "Good night." dagdag niya pa, hindi ako makapagsalita because I was caught off guard hanggang sa maramdaman ko na lang na tuluyan na siyang umalis. Nang mapagtanto na talaga na wala na si Jeremy sa labas, napa-upo ako sa sahig, nanghina ako bigla habang nakatingin sa kawalan, feeling ko ang pula-pula ng mukha ko, feeling ko sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng t***k niyon, hinawakan ko ang dibdib ko upang pakalmahin iyon. "Why does he have to confuse me like this?" I whispered. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD