Tumango si Jeremy saka tumingin muli sa'kin. "Let's go?" aalalayan niya na sana ako palabas nang hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan iyon. "What? Masakit ba ang paa mo? we are going to the hospital." nag-alalang tanong niya sa’kin.
“Oo masakit ang paa ko.” ‘yan sana ang gusto ‘kong sabihin pero baka naman maging O.A na naman ‘tong si Jeremy at dalhin nga ako sa hospital at t’saka mas inaalala ko ang suot ko.
"Magpapalit lang ako." Bulong ko sa kaniya.
Nagbaba ng tingin si Jeremy sa suot ko, at napansin ‘kong napaawang ang labi niya sa gulat, siguro ay ngayon lang din niya napansin na naka-bathtrobe ako. Hahakbang na sana ako para pumunta ng kwarto ko nang bigla niyang tinanggal ang suot na coat at itinakip iyon sa'kin.
Kinagat ko ang ibang parte ng labi ko upang pigilan ang mapangiti. “Hindi ba ang landi ko pa rin talaga kahit nasa ganitong sitwasyon kami.”
Narinig ko ang pagtikhim ni James pero hindi ko na iyon pinansin, nang makapasok kami sa kwarto, inilock agad ni Jeremy ang pinto.
Nagtataka akong tinignan siya. "Lumabas ka magbibihis ako." saad ko.
"Change your clothes, then, and besides I already saw everything." mahinang sabi niya na may panunudyo sa tinig niya habang tumatalikod.
"What?!" I just heard him chuckled, “bastos talaga.” napailing na lang ako habang kumuha ng damit na isusuot, cotton jogger pants at white t-shirt lang iyon at wala na akong panahon upang maghanap pa ng maayos na damit at baka umatake ang pagka-bastos nitong lalaking kasama ko. Nagmamadali akong isinuot iyon, "Okay na, don't pretend that you're not a pervert." Sabi ko nang maayos ko na ang sarili.
Naglalakad ako sa may pinto, bahagya ko pa nga siyang itinulak upang buksan ang pintuan ng kwarto. Napa-tsked siya pero hindi ko na iyon pinansin. Nang mabuksan ng tuluyan ang pintuan, nagulat ako dahil matutumba pa si James, hindi ko alam bakit siya ay nakasandal sa pintuan.
"Jacob, ready the car." utos ni Jeremy sa isang guard niya na feel ko siya ang may pinakamataas na antas sa mga guards niya.
Agad naman iyon tumango at yumukod saka nagmamadaling lumabas ng condo. Samantala ang tatlong iba pa ay gumilid upang bigyan kami ng daan papalabas ng condo ko, tinignan ko si James at mga imbistigador doon bilang pagpapaalam ko, nginitian nila ako saka tumango.
Habang naglalakad kami papuntang elevator nagsalita si Jeremy,"You okay?" he asked.
Paika-ika akong napa-angat ng tingin sa kaniya, "Oo nama--ahh!" napasigaw ako nang bigla niya na lang ako binuhat. "What are you doing? Ibaba mo ako." mahina ko siyang pinagpapalo sa balikat. "Nakakahiya Jeremy, okay nga lang ako, I can walk."
He stares at me na para bang binabantaan akong manahimik. "Don't move." may diin na sabi niya.
Kaya naman dahil sa titig niya hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa nakapasok kami ng elevator at nakababa at nakalabas dito sa may lobby. May mga taong nakatingin sa'min kaya ang ginawa ko ibinaon ko ang mukha ko sa may dibdib ni Jeremy upang hindi makita ang mukha ko.
Sa totoo lang parang ayaw ko nang tanggalin ang sarili sa pagkakabaon ng mukha ko sa dibdib ni Jeremy dahil naamoy ko kaagad ang mabango niyang perfume. Amoy mayaman talaga siya.
Nang maramdaman na nasa labas na kami ng lobby nag-angat na ako muli ng tingin sa kaniya bago bumaling sa mga guards ni Jeremy. Hindi ko kasi a-akalain na ganito kadami ang dala niyang guards, akala ko apat lang 'yun.
“Ganun ba ka delikado ang buhay namin para kumuha si Jeremy ng ganito kadaming guards?”
"Ibaba mo na ako." mahinang utos ko sa kaniya pero sa halip na ibaba ako tinignan niya lamang ako ng masama.
“Sungit!”
Maya-maya pa biglang may humilirang anim na itim na sasakyan at sa gitna niyon ay isang blue na BMW at alam ko na agad kung kanino iyon. Lumabas ang tinatawag ni Jeremy na Jacob mula sa blue na BMW at saka nagmamadaling pumihit at binuksan pintuan sa front seat ng kotse.
Napakapit ako muli sa leeg ni Jeremy nang maglakad siya papalapit sa kotse at marahan akong isinakay. Napatitig ako sa kaniya nang siya din ang naglagay sa seatbelt ko.
Napa-iwas lang ako nang tingin sa kaniya nang mag-angat siya ng tingin sa’kin. Grabe, ang t***k ng puso ko. Parang nagwawala sila sa loob ng dibdib ko.
At maya-maya pa ay isinara ni Jeremy ang pintuan, napatingin ako sa mga guards niya pati kay Jacob nang sabay-sabay ulit iyon nagsiyukuan nang maglakad si Jeremy sa harapan nila papasok ng driver seat.
Nang makapasok si Jeremy, napansin ko na nagkaniya-kaniya na din ang mga ito ng sakay. Nagugulat at namamangha ako, feeling ko kasi myembro ako ng isang royal family.
“Or baka isang mafia si Jeremy?” napasapo bigla ako sa bibig ko dahil sa naisip ko.
"Are you okay, Suzette?" pukaw sa'kin ni Jeremy,
Nagpakurap-kurap ako na napasulyap sa kaniya, “Mafia ba siya? Hindi niya lang sinasabi sa’kin?” nagpailing-iling ako sa naiisip ko at walang imik na tumango.
Ilang sandali pa, pinaharurot niya na ang sasakyan palayo sa lugar na iyon kasama ang mga nakasunod sa'ming anim na itim na sasakyan. Ilang minuto din nakalipas nang huminto ang sasakyan ni Jeremy sa JC penthouse.
Nagtataka akong sinulyapan siya as far as I know sa QC ang bahay nila. Nakapunta ako doon before nang hinanap ko siya after namin maghiwalay. Gusto ko sanang magtanong kung ano ang ginagawa namin dito kaso naiilang ako dahil kanina pa kami hindi nag-iimikan na dalawa, pero mas okay na din ‘yun kaysa lagi kaming nagtatalo.
Kinalas niya ang seatbelt niya at bumababa ng sasakyan upang pumihit sa direksyon ko. Akma na pagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse nang inunahan ko na siya, ayaw ‘kong magpa-espesyal dahil okay naman ako, oo masakit ang paa ko pero kaya ko naman. No need para alalayan pa.
Napakunot-noo pa nga si Jeremy sa ginawa ko. "I can manage myself," sambit ko at aastang baba ng sasakyan nang bigla namang may lumapit na babaeng may hila-hilang wheelchair. Nagbaba ako ng tingin sa wheelchair bago muli nag-angat ng tingin kay Jeremy. "Kaya ko naman, Jeremy, no need-" naputol na naman ang iba ‘kong sasabihin nang bigla niya na naman akong binuhat at pina-upo sa wheelchair.
“Hanep talaga 'tong lalaking ito!”magre-reklamo pa ulit sana ako kung hindi lang ako hinila ng babaeng empleyado paloob ng lobby nitong JC penthouse.
Pagkapasok namin, agad na bumungad sa'kin ang napakagandang interior design ng building na ito, hindi ko tuloy maiwasan mamangha, halatang pinaggastusan talaga ng may-ari.
Napatingin lang ako muli sa mga emplyedo na naroon nang magsihelera iyon at sabay-sabay na nagsiyuko ang mga ulo sa'min ni Jeremy.
“Anong ginagawa nila?” tanong ko sa isipan ko at sa hindi mabilang na pagkakataon, nag-angat ako ng tingin kay Jeremy na ngayon siya na ang humihila sa wheelchair, “Don't tell me...” napasapo na lang ako sa sariling bibig. “He is the owner...”
"Are you okay?" tanong ni Jeremy sa'kin nang magbaba na siya ng tingin sa'kin nahalata ata niya ang reaksyon ko.
Tumango-tango ako bilang pagtugon sa kaniyang tanong at ilang sandali pa huminto kami sa tapat ng isang napakalaking elevator. At base sa obserbasyon ko, tanging exclusive lang ang elevator na ito dahil bukod na ito ang pinakamalaking elevator sa lahat ng elevator dito, ito lang din ang naiiba ang kulay. Ito ay kulay itim samantala ang ibang elevator ay kulay gold.
"Jacob." pagtawag niya sa guard niya, feeling ko talaga siya ang head ng lahat ng guard dito, napansin ko kasi na lagi siya ang tinatawag ni Jeremy.
Lumapit agad si Jacob kay Jeremy, "There's a gun inside your drawer and also call me if you feel something strange, sir." literal na napaawang ang labi ko sa narinig kay Jacob.
Sinulyapan ko si Jeremy, tinignan niya lang ako bago ibinaling muli ang tingin kay Jacob. "All right," he responded, before pushing the wheelchair inside the elevator.
Jacob pressed the only button of this elevator, at ilang saglit pa nagsara na iyon at 3 minutes ata ang lumipas bago kami nakarating sa pinaka-last floor ng building na ito.
I was totally amazed when the elevator opens tapos bumungad sa'min ang over-all glass window ng tinitirhan ni Jeremy, dahil nga gabi na ang ganda tignan ang mga ilaw na nagmumula sa ibang building.
I still can't believe that this place is so beautiful, I know Jeremy is rich but what I don't know is that it's not just rich, it's very rich.
Naramdaman ‘kong itinulak ni Jeremy ang wheelchair papasok mismo ng penthouse niya. Namamangha pa rin talaga ako dahil pakiramdam ko nasa langit na ako, pakiramdam ko tanaw ko ang buong Manila.
"Lira, turn on the lights." wika ni Jeremy.
Napakunot-noo akong nag-angat sa kaniya ng tingin dahil hindi niya sinabing may kasama siya dito, maya-maya pa nagugulat na lang akong tinignan ang puting parihabang device na nagbli-blink sa ibabaw ng mesa nang sumagot iyon.
"I turned it on, Master." pagkasagot nang device na 'yon napatingala ako dahil umilaw nga.
Agad ‘kong inilibot ang paningin sa buong paligid at sinuyod ito, namamangha ‘kong inisa-isa ng tingin ang kabuuan ng bahay niya. Halos kulay itim at puting pintura lang ang nakikita ko doon, walang masyadong gamit. Tanging dalawang itim na malalaki at malapad na sofa ang nasa sala at isang glass na mesa.
Meron din nakalagay na mga paintings doon pero wala iyong kakulay-kulay, tanging black and white lang talaga. Sarap ngang kulayan ‘yung isang painting na itsurang babae.
May isang malaking flat-screen TV at sa magkabilang gilid niyon ay may dalawang pahabang speaker, though the living room has a great view because you can see the whole city.
Dumapo ang aking mga mata sa kusina, ‘yung lugar kung saan ko gusto mamalagi upang magluto. The kitchen is very big and for sure it's comfortable, hindi ko lang alam kung nagluluto ba siya dito pero malamang sa malamang hindi at mukha sa nakikita ko hindi pa nagagamit ang area na iyon subalit kumpleto naman iyon ng appliances, tulad ng built-in oven, microwave, stove, ref. at saka coffee maker.
And at the center, there's a small chandelier and under it, and a huge black marble Island counter with 4 high-chairs where you can comfortably eat. There's air conditioning as well. At 'yun na naman ‘yang mga paintings niyang walang kakulay-kulay.
Tumayo ako mula sa wheelchair at saka humarap sa kaniya. "This is where you live?" namamangha talaga ako.
He nodded. "Yes," simpleng tugon niya bago naglakad papalapit sa’kin at marahan na inalalayan akong paupo ng sofa.
"Ikaw lang dito? Paano ang bahay niyo sa QC? Sino ang nakatir-?"
"Alam mo ang address ko sa QC?" putol niya sa mga tanong ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, kasi nung kami pa never pa ako pumunta sa kanila kahit anong pilit niya sa'kin noon na pumunta kami sa bahay nila para daw makilala ako ng parents niya, hindi talaga ako pumapayag dahil bukod sa hindi pa ako ready, natatakot ako sa posibleng mangyari sa'min nun ni Jeremy.
Napakagat ako sa ibabang-parte ng aking labi bago siya sagutin. "Oo alam ko nalaman ko nung hinahanap kita noon," mahina at nahihiyang sambit ko, nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at ilang saglit lang napatingin muli ako. "By the way, baka may magalit sa'kin dito? Baka hindi ka nagpaalam sa girlfriend mo na may babaeng dinala ka dito, ayaw ‘kong makasira ng relasyon."
Narinig ko siyang tumikhim saka pinagkrus ang braso na nakatingin sa'kin. "I live alone and I don't have a girlfriend, so, don't worry." he declared.
Napairap ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi ko."A-are you saying you live alone in this gigantic house?" tanong ko muli.
"Hmm," he nodded, "There are six rooms here, I use them all, one is my bedroom, the other my study and the rest are my exercise room, a game room, a guest room, and a vacant room," naka-awang ang labi ko sa dire-diretsong saad niya na iyon. Napansin ‘kong bumuntong-hininga siya bago muli nagpatuloy. "Anyways, since you're leaving with me," nagbaba ako ng tingin sa bulsa niya nag may kinuha siyang papel sa bulsa niya. "I wrote down some house rules."
"Ha? Do you have house rules?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya, tumango siya, "You're unbelievable! Kung alam ko lang na may house rules ka dito edi sana-" natigilan lang ako sa pagre-reklamo nang itinapat niya sa mukha ko ang ginawang printed na house rules... ready talaga siya at bago muli ako makapagsalita naunahan niya na ako.
"It's probably my way not to let you make some stupid things while you're here." inagaw ko sa kaniya ang papel na naglalaman ng house rules.
Binasa ko iyon isa-isa na nakapagpakulo sa dugo ko. Tinignan ko siya ng masama, nakangisi lang siyang nakatingin sa'kin. "Are you crazy?!" singhal ko sa kaniya. "Anong tingin mo sa'kin?! Bata? Hindi mo na ako empleyado, Jeremy para pumayag muli sa paganyan-ganyan mo!" this time padabog akong tumayo sa pagkaka-upo at nakatingalang hinarap siya, hindi ko inalintana ang hapdi ng aking paa. "Hindi ko 'yan susundin!" galit na sabi ko, pero sa halip na magsalita siya, namulsa lang siya at saka tinalikuran ako.
Napabuntong-hininga akong tinignan siya na naglalakad papalayo sa'kin, hindi ko maiwasan na lukutin ang papel na hawak ko at ibinato iyon sa kaniya. Natamaan siya sa may braso na nakapagpatigil sa kaniya sa paglalakad.
Napalingon siya sa'kin para lang ngisian ako at pagkatapos ay muli akong tinalikuran at ilang sandali pa nagsalita siya. "No house rules were broken." 'yun lang bago siyang umakyat sa pangalawang palapag nitong penthouse niya.
Nanggigil na sinundan ko siya ng tingin pero hindi niya na ako tinitignan muli nagpatuloy lang siya sa paghakbang pataas ng hagdan. Bagsak ang balikat ko na napaupo muli sa sofa.
Napasabunot ako sa sariling buhok, nagsisisi ako na pumayag talaga akong tumira dito kung alam ko lang na may pa ganito siya, hindi na sana ako nag-desisyon na dito tumira.
Naiinis, naiirita, nagagalit, nasusura, at lahat ng salita na mailalarawan mo sa taong galit 'yun ang nararamdaman ko kay Jeremy sa mga oras na ito.
"Urgh!" pagdadabog ko, he so freaking annoying! pinagsusuntok ko ang sofa. "I hate you! Jeremy! I hate you!" sigaw ko hindi ko alam kung naririnig ba niya iyon sa taas basta isinigaw ko iyon. "You're freaking asshole! Urgh!" napasulyap ako sa device na puti nang magsalita iyon.
"The more the pendulum swings one way, the more it will swing back the other. The greater your hate for someone, the greater your love for them."
"Lira, shut up." problemado na nga ako, dagdag pa ‘yang sinabi nitong device na ito. Ilang saglit pa nagsalita ulit iyon.
"Shut up is a phrasal verb of shut and it means close all doors and windows of a building or room, typically because it will be unoccupied for some time."
Napasabunot nalang ulit ako sa sariling buhok, bakit nangyayari ito sa'kin? Hindi mga normal ang kasama ko dito sa bahay na ito. Baliw ang may-ari tapos may device pa na nagsasalita, ano pa kaya susunod?
"Lord, tabang."
Itutuloy...