CHAPTER 3

3291 Words
The next morning I woke up and picked myself up off the floor. My body was aching from sleeping on the floor all night. After what happened last night hindi ko na alam kung anong oras ako nakabalik sa villa. The last thing I've remembered was feeling very drunk. I groaned and shooked my head and spoke softly as I said "What is happening to me? I've been numb to pain-numb to life for years, tapos nang makita ko siya naging ganito ako."  Akala ko na kapag mag-krus muli ang landas namin ni Jeremy ay kahit paano ay magiging okay ako, na ready na ako pero 'yun pala ay akala ko lang lahat dahil doon ko napagtanto na hindi pala talaga ako handa na makita siya. "Miss Senior?" Napa-angat ako ng tingin sa direksyon ni Colleen. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka kung bakit nasa sahig ang ako. Kung kaya't kahit masakit ang ulo ko at katawan, pinilit 'kong tumayo at pumasok ng banyo. I immediately took off my clothes and turn on the shower, I let the cold water flow over my face and down my throughout my body. A few minutes later, I heard a knock on the door, but I ignored it. Then after a couple of seconds, I heard Colleen spoke. "Miss Senior, matagal ka pa ba? Jejebs ako." napangiti at napailing nalang nang marinig ang sinabi niya, kahit saang banyo hiyang talaga ang pwet ni Colleen. "Matatapos na." sigaw ko. Mga ilang segundo pinatay ko na ang shower at isinuot agad ang aking roba at binuksan na ang pinto ng banyo, namimilipit naman pumasok si Colleen at saka isinara ang pinto ng banyo. I burst out laughing and walked closer to my suitcase. We needed to get back aboard the ship kaya kinuha ko na ang aking uniporme sa maleta ko at isa-isa iyon sinuot. I put on my below-the-knee skirt first, then my white polo, which I hurriedly button one by one and tucked into my skirt. Medyo nagmamadali na din ako, we'll be busy today preparing for the owner's arrival tomorrow. So, before I will fix my hair, I fetched my red-white silk scarf, which I'll put on after everything is done. I hurriedly tidied my hair, pulling it back until it hurt and securing the tight knot with pins also I put on a little bit of make-up. I don't want to put make-up on, but we have to seem presentable in front of our guests at habang abala ako sa pag-aayos ng aking sarili my phone suddenly rang. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag bago iyon sinagot. "Yes, Bry?" sagot ko sa tawag habang sinusuot ko ang silver cruise ship pendant necklace na regalo sa'kin ni James nung na promote ako, "Napatawag ka? Parang di naman tayo magkikita, nasa kabilang kwarto ka lang naman."pang-aasar ko sa kaniya sa kabilang-linya. Inipit ko ang telepono sa pagitan ng tenga at balikat ko para kahit may kausap ako ay nakakapag-ayos pa rin ako. I heard him chuckled as he answered me. "Kaya nga! HAHAHA pero napatawag ako dahil kailangan niyo na po mauna sa barko. Nandun na daw si Sir James at hinahanap ka. Kanina pa daw tinatawagan pero hindi ka daw po sumasagot." Napakagat nalang ako sa ibabang parte ng labi ko sa sinabi ni Bryan hindi ko namalayan na may tumatawag pala kanina. "All right, Bry... matatapos na naman ako. Eh, paano kayo ni Colleen?" tanong ko habang nilalagay na ang scarf ko sa leeg at pagkatapos sinuot ko na din ang maroon suit jacket ko upang mailagay ko na din ang blue-gold lapel pin ko na itsurang cruise ship sa kaliwang bahagi niyon na kung saan nakaukit doon ang buong pangalan ko at sa ibabang bahagi nito ang initial kung ano ang posisyon ko, at may logo din ito ng J-liner. "Susunod nalang kami..." aniya Napa-ngiti ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin, ang ganda talaga ng uniporme ko kaysa dati, hehe "Okay sige Bry. Thank you." pagkasabi ko niyon ay ibinaba ko na ang tawag at agad ko din isinara ang aking maleta. Sakto naman lumabas na si Colleen. At bagong ligo na ito. "Saan ka pupunta Miss Senior?" nagtatakang tanong niya sakin habang naglalakad papalapit sa maleta niya. "Bryan called me. Kailangan ko nang bumalik ng barko. Andun na daw si sir James." Deklara ko habang sinusuot ang stockings ko. "Eh. So, mauuna kana sa'min? Hindi ka pa nag-aalmusal." sambit niya habang pinupunasan ang kaniyang basang buhok. Tumango ako. "Oo. Sa barko nalang ako mag-aalmusal." nakangiting giit ko sa kaniya. "As if makakapag-breakfast ka 'don." mahinang sambit niya, na narinig ko din naman. "HAHAHA! Mag-breakfast muna kayo bago pumunta sa barko. Madami tayong gagawin." Bilin ko sa kaniya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto namin. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Colleen ulit, isinara ko na agad ang pinto at naglakad patungo sa dalampsigan habang buhat-buhat ang maleta ko sakto naman ng makarating ako sa dalampasigan ay nandoon na si Rjay isa siyang tender. Kung saan siya ang taga-hatid sundo sa mga pasahero papuntang dalampisigan at pabalik ng barko. Agad ko naman siyang binati nang naglakad siya papalapit sa'kin upang salubungin ako at kuhanin ang dala 'kong maleta. "Mayad nga agahon Rjay" Ito ang pinaka best part ko sa pagiging cabin steward dahil marami akong natutunan na mga lengguwahe kaya hindi ako nahihirapan sa pakikipag-usap sa tao. Tulad kay Rjay. Hindi siya masyadong marunong mag-tagalog noon kaya napakatahimik lang niya ngunit nang naturuan at nakausap ko na siya gamit ang lengguwahe niya, nakikipag-usap na siya sa iba naming katrabaho at nababawasan ang pagiging mahiyain. "Mayad nga agahon Miss Senior." Nginitian niya ako habang inaalalayan niya ako pasakay ng porter. Kensi minutos ang nakalipas nang makarating na kami sa cruise. Agad naman ako nagpaalam kay Rjay. At dali-daling nagtungo sa stateroom namin para ilagay ang gamit ko. Nadatnan ko pang tulog sila Jane at Christine. Kaya dahan-dahan akong pumasok upang hindi ako makagawa ng ingay. Alam kong pagod na pagod sila. Nang makapasok sa silid namin dahan kong inilagay ang gamit ko sa cabinet at pagkatapos ay lumabas na din ako at nagtungo sa mess deck area kung saan nandoon si James. When I get there nakita ko agad si James naka-upo sa pinakadulong bahagi ng area na ito, kinawayan niya ako nang makita niya ako, kaya nakangiti akong naglakad papalapit sa kaniya. Inalok niya akong umupo kaya tumango ako at umupo na din, meron na din nakahandang pagkain sa mesa at sabay kaming nag-breakfast. Hanggang sa napatitig sa'kin si James. "You look so tired today, Miss Gwapa." He said. "Napagod sa mga water activities na ginawa namin kahapon." I casually said, kahit hindi naman talaga iyon ang rason, hindi ko naman pwedeng sabihin na nagpakalasing ako kagabi dahil nakita ko ang ex ko, na itinanggi ako at may kasamang bagong girlfriend. Matagal na kaming magkaibigan ni James kaya hindi na ako naiilang sa kaniya. Minsan kapag dumadaong na ang aming barko sa Manila, gumigimik kami or minsan nag di-dinner. Okay naman siyang kasama, kalog, palabiro, 'yun lang babaero pero over-all good siya sa'kin. "Hindi manlang nag-aya." may pagtatampo sa tinig niya. "Paano mag-aaya kung wala ka dito." natatawang tugon ko habang umiinom ng mango juice gamit ang straw. "Nandito kaya ako hindi lang tayo nagkita." Giit niya. "Tss," nginitian ko na lamang siya at nagpatuloy kumain at habang nasa kalagitnaan kami ng pag-aalmusal nang matigilan ako nang maalala kung ano ang pakay ni James kung bakit pinabalik niya agad ako dito sa barko. "By the way ano pala ang sasabihin niyo sir James?" "I almost forgot," he said while looking at me "Di'ba dadating ang may-ari ng cruise bukas?" Tumango lang ako."Di'ba bartender ka before?" dagdag niya. Natigilan ako sa huling tanong niya. Oo, alam niyang bartender ako kasi nakalagay 'yon sa resume ko nung nag-apply at dahil doon nagpapa-mixed siya ng alak sa'kin sa t'wing pumupunta ako sa condo niya pero wag naman sana niyang hilingin na mag mixed ako dito ng alak dahil sa loob ng anim na taon na nagtra-trabaho ako never pa akong nag mixed ng alak dito sa barko. "Mag-mix ka ng alak." deklara niya. Sheyt, sabi na nga ba eh. Hindi nga ako nagkamali. "May bartender tayo dito sir James." Katwiran ko, sumandal ako sa inuupuan ko at pinagkatitigan siya. "They didn't know how to mix the owner's favorite drink," nakangiting sabi niya. "At gusto ko ikaw na ang gumawa para walang palpak." "Ha? Bakit ano bang alak na 'yan?" tanong ko talaga sa kaniya, napaka-impossible na hindi nila alam at specialization nila ang mag-mix ng alak "As if I can. Matagal na akong hindi nakakapag-mix ng alak." Matunog na tumawa si James at saka pinagkrus ang mga braso habang nakasandal na din sa upuan. "Of course you can. Specialty mo 'yon." aniya. "Anong alak ba 'yan?" Umayos ako ng pagkakaupo habang pinagmamasdan si James dahil hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o seryoso sa sinasabi niya sa'kin. Hindi ako makapaniwala na sa tagal kong nagtra-trabaho dito ngayon pa siya naki-usap na mag mix ako ng alak. Arte naman ng may-ari ng cruise na ito. "Black Russian, pickle black, pirate's treasure and silver bullet." dire-diretsong sabi niya na parang madali lang sa'kin gawin iyon. "Ang tatapang ng mix na 'yan." giit ko. "Sure ka ba na ang mga bartender natin ay hindi alam ang mga iyan? I will ask them later." Umiling siya. "Don't ask na, nagtanong na ako kanina. Hindi nila alam." aniya habang ipinagpatuloy ulit ang pagkain niya. Nagtatakang tinignan ko si James. "Are you sure? Kasi as far as I know mga magagaling ang mga nasa lido area, sir." pagmamayabang ko talaga sa kaniya, kung magaling ako sa pagmi-mix ng alak mas magagaling ang team ko. Napansin 'kong natigilan si James sa huli 'kong sinabi, siguro napagtanto niya na tama ako. Tama talaga ako at bilib ako sa team ko na naka-assign sa lido area. Tumikhim siya bago magsalita ulit. "No doubt magagaling sila, pero alam mo namang masilan ang may-ari nito." katwiran niya. "Alam ko pong masilan pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ako?" "Kasi ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Ikaw lang ang makakapagbigay ng satisfaction sa may-ari." ani James. Talaga? As if kilala ako ng may-ari...pero kung sabagay makilala niya ako dahil nagtra-trabaho ako sa kaniya. Napabuntong-hininga nalang ako,no choice ako. Ayaw ko din naman mapahiya ang team ko kapag panget ang service na maibigay namin sa may-ari. "All right, I'll do it, but I need to practice it first, it's been a long time since I mixed drink." Giit ko. Tumango siya "Sure. No Problema. Thank you. You're my savior, miss gwapa." tuwang-tuwa na sambit niya sa'kin. Natapos ang almusal namin ni James na masaya. Madami din kasi kaming napag-kwentuhan tungkol sa paglalayag niya dati. At ilang sandali pa ay nagpaalam na din siya dahil may meeting pa daw siya sa mga kapitan. Kaya ako naman ay nagtungo na din sa housekeeping area. From Q to K. Sa cruise na ito. May 2,747 total number of cabins, with room for 5,479 guests. Ganoon kadaming kwarto ang lilinisin namin ngayon. Every stateroom from Q to K may naka-assign na cabin steward. Lahat sila ay magiging sobrang abala sa paghahanda sa pagdating ng may-ari bukas. Nang makarating sa Q area, agad akong sinalubong ni Colleen hanggang sa ilang sandali pa ay nag-umpisa na ako sa pagpapa-meeting sa ka-team ko. "Good Morning, guys," pagbati ko "Siguro aware naman kayo na magiging busy tayo ngayong araw. Alam kong nakakabitin ang restday natin, pero kailangan natin magtrabaho." pagpapatuloy ko hanggang sa ina-assigned ko na sila kung saang area sila maglilinis. Every three-cabin room ay may tig-lilimang cabin steward. Pagkatapos 'kong magpa-meeting sa housekeeping area ay agad naman nagkaniya-kaniya ang ka-team ko sa mga designated area nila. Kaya ako naman ay dumiretso dito sa lido area para magpameeting ulit, ganun din ang sinabi ko sa kanila since ang mga team na naiwan dito kahapon ay rest day nila. "So, let's start, then." Nakangiting sabi ko sa kanila bilang pagtatapos sa meeting namin, nagsitanguhan ang mga ka-team ko dito sa lido area at nagkaniya-kaniya na din ng trabaho. Akma na tatalikuran na ako ni Jerry ng tinawag ko siya. "Ano po iyon Miss Senior?" he asked. "Mamaya after ng shift mo. Pahiram ng pwesto may gagawin ako." saad ko. Ngumiti siya at saka tumango. "Sure po. No problem." "Thank you." nakangiting din na sabi ko "You can go now. Thank you ulit." pagkasabi ko niyon, yumuko si Jerry ng bahagya bago siya umalis. Pagkatapos sa pagpapa-meeting sa mga ka-team ko sa bawat area nagtungo na ako sa Q area upang tulungan sila Colleen sa kwarto kung saan manunuluyan ang may-ari nitong barko. Kailangan kong masigurado na malinis ang kwarto. Though, always naman namin itong nililinis, mas okay pa rin ang sobrang linis na linis at baka kung ano ang masabi nun. "Kamusta kayo dito?" tanong ko nang makapasok sa kwarto, nadatnan ko si Colleen na nagpupunas ng mesa,napalingon siya sa'kin. "Okay naman. Ikaw okay ka ba?" Bigla naman ako natigilan sa tanong niya. May alam ba siya sa nangyari sa'kin kagabi? Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip. Madaldal pa naman itong si Colleen. Ilang sandali pa napaigtad ako sa gulat ng biglang hinawakan ni Colleen ang kamay ko at niyugyog iyon. "What are you thinking about Miss Senior?" she asked, "You thought I didn't notice the way you act earlier at the villa?" she stared at me in an intimidating manner habang hawak-hawak ang basahan. "What are you talking about?" I averted my eyes from her. "Sus, kunwari ka pa." sabay siko sa tagiliran ko dahilan para lumayo ako. "May nangyari kagabi ano?" Pero sa halip na sagutin at patulan pa ang panunukso ni Colleen sa'kin, pumasok nalang ako sa banyo para maglinis,isinuot ko muna ang gloves bago mag-umpisang mag-scrub ng toilet bowl. Maya-maya pa habang abala ako sa paglilinis nagsalita si Ariel. Isa sa kasamahan namin na naglilinis ng kwarto. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya habang nag-sscrub pa rin. "Miss Senior, kami na po jan, hindi niyo na po kailangan tumulong sa'min." aniya "Bakit naman hindi? Trabaho natin ito." bumaling ako sa toilet bowl na kinukuskos ko habang nakikipag-usap kay Ariel na naglilinis din ng sliding window. "Syempre po senior ka po namin." giit niya. Matunog akong tumawa sa sinabi niya. "Hindi purket may katungkulan ako Ariel, hindi ko na gagawin ang ganitong trabaho." Totoo naman 'di'ba? na for you to be an effective leader, you have to inspire others by motivating them. Na no matter where you are in your career, ipakita mo sa kanila na pantay-pantay pa rin kayo. Napansin ko na natigilan si Ariel sa sinagot ko at saka pinagkatitigan ako. "You're the best miss senior, " nakangiting sabi niya habang naka-thumbs-up. "Ano kaya ang mangyayari sa'min kung hindi na ikaw ang senior manager namin." Nginitian ko lang si Ariel, "Tapusin na natin ito at madami-dami pa ang lilinisan natin." 'yon nalang talaga ang naging tugon sa sinabi niya. I'm not the best but I'm trying my best to be an effective leader for them at I'm very thankful ako na nakikita nila 'yon sa'kin. Nakangiting tumango si Ariel, bago bumalik sa ginagawa. Ako naman ay natapos na maglinis ng toilet bowl, at ngayon nag-aayos na ng bedsheet. Umalis si Colleen,ewan ko saan na naman pumunta 'yon. Ilang sandali pa sabay kaming napatingin ni Ariel sa may pintuan nang mangibabaw ang boses nito. Natataranta siya at hangos na hangos na para bang hinabol siya. "Miss Senior!" "Bakit?" I innocently asked. "Bakit ang ganda ko?" bigla pa naman sabi sa'kin na nakapaawang sa labi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at ibinato ko sa kaniya ang hawak-hawak 'kong unan. "Walanjo ka talaga. Akala ko kung may emergency!" naiinis na saad ko. Tumawa lang ng napakalakas si Colleen "Kinabahan ka naman." pagkasabi niya niyon ay tumabi siya sa'kin. "Miss Senior alam mo ba 'yung kasabihan tungkol sa cabin steward?" Umiling ako."Hindi. Ano na naman 'yon?" nag-aayos na ulit ako ng bedsheet. Napansin ko na natigilan din si Ariel na 'tila bang inaabangan din ang sasabihin niya. Nakangiting umupo si Colleen sa harapan ako. May pagtikhiim muna ito bago magsalita. "Sabi sa kasabihan, magmahal ka ng cabin steward dahil passengers nga nila hindi nila iniiwan IKAW pa kaya." May diin pa nang sinabi niya ang IKAW. Napangiwi ako. "Seriously? Saan mo naman nakuha 'yan?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nakapasa 'to si Colleen sa personal assessment test namin, baliw kasi. Natawa si Colleen saka inilapit niya ang kaniyang mukha malapit sa tenga ko. "Yung kasabihan na 'yon, miss senior ay para sa cabin steward na hindi nang iiwan ha." she whispered sarcastically. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o maaasar. Double-meaning kasi. Kung talagang kami lang dalawa lang ang nandito sa loob ng kwarto kanina ko pa 'to sinakal. HAHAHAHA Akma na magsasalita ako nang sumingit si Ariel. "Corny mo, Colleen." "Pangit ka naman." sagot naman nito kay Ariel dahilan para magtawanan kami. "Tss." asik ko. "Dami mong alam Colleen ka. Bumalik kana sa ginagawa mo." Nakangiting tumango ito. "Opo, Miss Senior." aniya. "Peace yow!" dagdag nito habang naka peace sign, napailing nalang talaga ako at saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng higaan. Mga ilang sandali ay naging seryoso na kami sa pagtra-trabaho. Wala nang umiimik kahit sino sa'min. Hanggang sa hindi na namin namalayan na hapon na pala nang matapos kaming maglinis ng buong Q area. "Omg!" daing ni Colleen nang makaupo sa higaan namin, tapos na ang shift namin kaya makakapagpahinga na kami. "What a day I've had, I am dog tired," she added. Napaupo na din ako, napapikit pa nga nang matanggal ang sapatos ko, hinilot-hilot ko 'yon. Ang hirap magtrabaho nang naka-heels kung pwede lang sana talagang mag-rubber shoes 'yon ang isusuot ko. "Nakakapagod..." wala sa sariling sambit ko. "Sobra miss senior," ani Colleen. "Kain tayo ng marami ngayon. Hindi tayo nakapag-lunch." Tumango lang ako kahit sa loob-loob ko, gusto ko nang matulog at nakakapagod talaga. Sa sobrang pagod halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Pero syempre hindi ko naman kayang matulog na sobrang lagkit ang katawan, kaya naman pinilit kong tumayo at naglakad patungong banyo. Akma na isasara ko ang pinto nang bigla pinigilan ni Colleen iyon dahilan para pagod na mag-angat ako ng tingin sa kaniya, medyo matangkad si Colleen sa'kin. "Let's take a bath together." She suggested. Tumango na ako, ayaw ko ng makipagkulitan ngayon kay Colleen at sobrang pagod na pagod ako at saka ilang beses na din kaming nagsasabay maligo kaya hindi na ako tumanggi pa. Ilang minuto lang ata ang lumipas nang matapos kaming maligong dalawa. Agad naman kaming nagbihis at umorder ng dinner naming dalawa pagkatapos ay tahimik na kumain. Balak ko pa sanang pumunta sa lido para aralin ang mix ng alak, ngunit hindi ko ata kaya pang aralin 'yon ngayon. Kaya napag-desisyunan ko na ipagpabukas nalang, tinawagan ko na din si Larry na bukas ko nalang gagawin 'yon at pagod ako. "Hay." sabay namin na nasambit ni Colleen nang makahiga na kami sa kaniya-kaniyang higaan, nasa itaas ako ng deck at nasa baba naman siya. Napatawa kami nang sabay. "Pagod na pagod Colleen ha." pang aasar ko sa kaniya. Narinig kong tumawa siya sa sinabi ko."Good night, miss senior bukas nalang ako mangungulit." rinig na rinig ko ang pagod na pagod na tinig niya. "Okay, good night to you, too." Tugon ko, hindi na ako sinagot ni Colleen siguro ay nakatulog na. Kaya naman umayos na din ako ng higa, nagdasal at pagkatapos hindi pa dumaan ang ilang minuto unti-unti na din akong nakatulog. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD