"Anjan pa kaya siya? Probably, he could still be around there. Somewhere."
Tanong at sagot ko sa sariling katanungan habang pinagmamasdan ang isla mula sa balcony ng kwarto namin ni Colleen. Ang isla na kung saan muli kaming nagkita ni Jeremy. Ang isla na kung saan gumulo sa nanahimik na isipan ko walong taon na nakalilipas. I sighed deeply as I sipped my iced coffee from my mug.
"Sino kaya ang babae na kasama niya nun? Asawa ba niya? or girlfriend? Baka asawa niya? or baka girlfriend?"
Napatawa ako nang mapagtantong para pala akong tanga sa ginagawa ko. At ano naman ngayon kung ano ang namamagitan sa kanila nung babae. Pagalit ko sa aking sarili. As if Jeremy really care.
"Why can't I stop thinking about him?" tanong ko na naman sa sarili. "Naka-karma na ba ako?" wala sa sariling naisatinig ko.
"Baka nga." Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may sumagot sa akin mula sa likuran, awtomatiko akong lumingon. As usual si Colleen sino pa. Kagigising lang nito. "Ano na naman yang iniisip mo Miss Senior? Ano na naman yang karma karma jan?" Dire-diretsong tanong ni Colleen sa'kin.
Naglalakad siya sa direksyon ko, napatitig ako sa kamay ko kung saan hawak-hawak ko ang mug nang inagaw ni Colleen 'yon at walang paalam na sumimsim doon.
"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Tamad kang magtimpla."
Nginitian niya lamang ako at hindi pinansin ang sinabi ko sa halip iba ang sinabi niya, "Something is bothering you, Miss Senior?" pagkasabi niya niyon nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, humarap ako sa Isla na kanina ko pang pinagmamasdan. Ayaw kong sagutin ang mga tanong ni Colleen. "Akala mo hindi ko nahahalata, kahapon ka pa kaya sa villa." she continued nang walang nakuhang tugon mula sa'kin. "May nangyari that night ano?"
"Wala." aasta akong papasok sa loob ng kwarto nang hinawakan ako sa kamay ni Colleen.
"Hindi ako naniniwala." May panunuri sa boses niya.
I stared at her. Mukang wala siyang balak bitawan ang kamay ko. Kung kaya't wala akong ibang choice kundi sabihin na. Wala din naman mawawala kung sasabihin ko. Unang-una kahit itago ko sa sarili ko mahahalata niya pa rin, si Colleen 'yan eh, at pangalawa, kahit itago ko pa wala naman din mababago.
"Talaga?!" hindi makapaniwalang reaksyon niya nang ikwenento ko ang nangyari noong gabi na 'yon.
Tumango ako at mapait na ngumiti. "Yes, pero itinanggi niya ako na kilala niya," bumuntong-hininga ako,"-na ex niya."
Napangiwi si Colleen pero sa huli nagsalita din siya. "What do you expect him to do? Matuwa siya na nakita ka niya? Magtatalon-talon siya na makita niya 'yung babaeng nanakit sa kaniya." Aniya.
"Hindi naman," mahinang saad ko, "P-pero hindi ko ine-expect na ganun. Though sinabi niya na naman 'yon before na kakalimutan niya ako." katwiran ko.
"Iyon naman pala eh, ano ang ini-emote mo jan?" sinulyapan ko si Colleen nakadekwatro siyang nakaupo sa pang-isahan na couch habang nakaharap sa'kin. "Asahan mo na kinalimutan ka na niya at galit 'yon sa'yo."
"Ano ba!" asik ko talaga sa kaniya. "Hindi ko alam kung saan ka kampi."
Natawa siya, "Syempre, doon ako sa iniwan." sabay tawa ng malakas. "Joke lang, miss senior." bawi niya nung pinanliitan ko siya ng mata.
"Whatever, Colleen." nakangusong sabi ko sabay pag-agaw sa mug 'kong may iced coffee.
"Pero Miss Senior." nakatitig siya kasabay nang pag-agaw muli sa'kin nung basong may iced coffee.
"Anong pero?"
"Dalawa lang 'yan kung bakit ka itinaggi," umayos siya ng upo, "Gawin na pala nating tatlo." dagdag niya.
"Para kang ewan," nakabusangot na sambit ko "Sabihin mo na. Pabitin." tumawa na naman siya kaya mas nakakaramdam ako nang inis.
"Eto na. Gusto din naman malaman eh," aniya. "Una, itinanggi ka kasi girlfriend niya 'yung kasama niya, ayaw niyang masaktan iyon kapag nalaman na ex ka niya,"
"Hindi pa sure kung girlfriend niya 'yun." giit ko, totoo naman hindi pa naman sure, or assuming lang ako.
"Edi asawa." pagtatama ni Colleen sa sinabi ko.
"Hindi pa rin." umiling-iling ako.
"Nako! Bitter mo. Di mo lang matanggap na 'yung nang iwan single pa rin tapos ang iniwan taken na."
"Tss!" asik ko na naman."Sabihin mo na 'yung dalawa. Papasok nako. Sige ka." pananakot ko sa kaniya. Kaya nagseryoso na ito, ngunit hindi ko pa rin mawari kung seryoso talaga si Colleen o nagbibiro at nakakaluko kung tumingin.
"Pangalawa Miss Senior. Kaya ka itinaggi para masabi niya sa'yo na hindi na ikaw."
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya, siguro nga. Baka kaya itinaggi niya ako upang ipamukha sa'kin na hindi na ako at ipamukha sa'kin na may much better siyang nahanap kaysa sa'kin.
"At pangatlo Miss Senior." pinagkatitigan ko si Colleen. Hinihintay kong sabihin niya ang pangatlo.
"Ang Pangatlo..." pa-intense na sabi niya.
"Ano 'yung pangatlo?" I desperately asked.
"Ang pangatlo..." pabitin niya na naman sa'kin.
"Ano nga!" singhal ko sa kaniya.
"Bakit maganda ako?" sabay tawa ng sobrang lakas.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, akma na babatukan ko siya nang mabilis itong nakailag at tumakbo papasok ng banyo.
"Mamaya ka lang babaeta ka!" sigaw ko.
After a while, I walked towards our vanity to retouched my make-up while Colleen took a bath before heading to the lido area, where I would spend the entire day practicing mixing alcohol. Hindi na rin ako nagpaalam sa kaniya na aalis at magkikita naman kami kanina.
When I get to the lido. I immediately went inside the bar counter and began putting together the items I'd need for mixing. I noticed that there were already journalists from different tv stations gathered, and it seemed that the owner will arrive in a few hours. Fortunately, I'm already in the lido area, where they can call me straight immediately if they need anything.
Napaigtad ako bigla sa gulat nang mangibabaw ang boses ni James sa likuran ko pero nakaupo siya sa isang high-chair samantala ako nasa loob ng bar counter.
"Ano atin, James?" magiliw na bungad ko sa kaniya kahit halos humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat.
"How are you? " he asked.
Tinignan ko siya, "Kailangan na ba?" natataranta na sabi ko.
"Sana." simpleng tugon niya.
Napakagat nalang ako sa ibabang-parte ng labi ko kasabay nang pagtango. Sana pinilit ko nalang kagabing mag-practice mulit mag-mix, hindi sana ako natataranta. I didn't say anything; instead, I quickly organized everything to be used in the mixing; I was aware that James was staring at me, but I didn't care.
After I removed my jacket suit and folded the sleeves of my uniform at both elbows, I immediately tied my hair, which I hadn't done earlier dahil sa dami ng iniisip.
"You're so hot, miss gwapa." Napalingon lang ako sa gawi ni James nang magsalita siya.
"I know right," I said with a wink.
Napansin 'kong nagulat si James sa pagkindat ko sa kaniya. HAHAHA natawa ako sa reaksyon ng kaniyang mukha, nakangiti na lang ako habang nag-uumpisa ng mag-mix ng alak. Natahimik na din naman si James kaya hindi ko na din siya hinunta.
Ang una 'kong imi-mix ang black Russian. At ito ang pinaka-alam ko sa lahat at noong nagtra-trabaho pa ako noon ito ang parating pinami-mix ni Jeremy sa'kin.
Hala! bakit siya ang naiisip ko? Natigilan ako saglit at ilang sandali ay nagpailing-iling ako para maalis sa isip ko si Jeremy, hindi ngayon oras para mag reminisce. Trabaho muna bago kalandian.
So, I took a glass and put ice on it. Then I add one part Kahlúa, two parts of Absolut Vodka.
Inilagay ko ang mixture sa shaker. Nginitian ko si James nang mapansin na nakatitig siya sa akin, na para bang bilib na bilib ito ginagawa ko. Pagkatapos ko imixed ang dalawang alak sa shaker, kumuha ulit ako ng panibagong baso nilagyan ko ulit 'yon ng yelo at isinalin ang alak na galing sa shaker. And I garnished with lemon on top.
I chuckled at what I had done; even though I hadn't mixed it in a long time. Tulad nga ng sinabi ko the last time na ginawa ko iyon ay para kay Jeremy. Naputol lang ang pag iisip ko ng may umakbay sa'kin. Napa-angat ako ng tingin para tignan kung sino. Si Larry.
"Ang astig mo miss senior. Grabe." May pagpapalakpak pa na sabi niya.
"Tss." I took his hand off my shoulder and turned to James, who was smiling and looking at me. I handed him the mixed drink. He took a sip of the drink right away.
"Woooo! Impressive ha." he said when he tasted it.
"Thank you." nakangiting sabi ko. "Aaralin ko pa ang tatlo."
Ngumiti siya "Kahit di mo na ara-" napatol ang sasabihin ni James nang tumunog ang cell phone niya
"I'll answer this call, miss gwapa." habang iniwawagayway ang telepono sa ere.
I merely nodded and went back to putting together the next mix I was going to do. When I noticed there was one item missing from the mix I was preparing to make, I turned to Larry for help.
"Larry?" pagtawag ko, na nakapagpalingon sa kaniya, "May pickles ba tayo jan?"
"Para saan?" nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Para sa pickle black." Sagot ko habang abala pa rin sa ginagawa.
"Wala eh. pero pwede namna tayong manghingi sa galley." Suwistyon niya sa'kin.
Tumango ako, "Patawag naman sa dining magpahatid ka dito. Salamat." Nakangiting pakisuyo sa kaniya.
He nodded then walked over to the phone here on the counter. While there were no pickles yet, I first set aside the ingredients I had assembled for the pickle black.
At gagawin ko na lang muna ang pangatlo mixture upang hindi masayang ang oras ko kakahintay. Kaya naman nag-assemble ulit ako para sa Pirate's treasure na mixture.
Pirates are easier to make because just two ingredients are needed. I get a Captain Morgan Spiced Rum and a Goldschläger Cinnamon Schnapps. I took another glass and filled it with ice.
After that, I just combined the two ingredients. To get the right mix of Pirates, only 3/4 ounces per mix is enough. I poured it back into the glass with ice after shaking it for five seconds in the shaker. I searched for James, but he was nowhere to be seen; perhaps he had something important to attend to.
Kaya pinatikim ko na lang ang gawa ko kay Larry, "How it taste?" I asked.
"Masarap," tumango-tango siya na parang ninamnam niya ang lasa ng Pirates. "Though alam 'kong gawin ito pero hindi ganito ka sarap." ani Larry.
I scrunch up my nose, "3/4 ounce lang kasi ang nilalagay doon para makuha mo tamang mix." Sabi ko.
"Copy that, miss senior." Ani Larry, nakakahiya na nagbibigay ako ng tip sa isa sa magaling magmix ng alak dito. HAHAHA
"By the way 'yung pickles?" dagdag ko sa kaniya nang maalala 'yung inuutos ko sa kaniya kanina.
"Wala pa. Baka busy pa ang mga taga-galley." Tugon niya habang nagpupunas sa counter, "Dumating na ang may-ari dito. "
"Ah ganun ba," saad ko, abala nga 'yun nandito na pala ang may-ari eh, bakit kaya napaaga, akala mamaya pa? anyways, tinignan ko muli si Larry, "Sige. Yung isa na lang muna gagawin ko baka nga busy ang mga 'yon," giit ko."Pwede mo akong iwanan Larry para makapag-trabaho ka na din."
Tumango si Larry at saka bumalik na sa pwesto niya kanina. Napatingin ako wrist watch ko. Ala-sais na pala ng gabi. Dahil sa busy ako kanina hindi ko rin naisip na nalipasan na naman ako ng gutom.
Nag-assemble na muli ako sa pang-apat na imi-mix ko at iyon ay ang silver bullet. Hindi ko ito masyadong kabisado kaya nag search ako sa google. Agad ko naman itong nakuha. Kumuha ako ng coupe glass at nilagyan ito ng yelo. Pagkaka'alam ko, ito ay lady's drink. Ewan ko kung bakit trip din ito inumin ng may-ari.
Nagsalin ako ng 1 1/2 shot of ketel one vodka, 1 shot of mentzendorff kummel at walong patak ng grapefruit bitters. Sinalin ko ulit ito sa shaker habang shina-shake ko ang alak. May babaeng lumapit sa bar counter kung saan ako nakapwesto, hindi ko man siya agad makita alam ko na babae dahil sa perfume nito.
Ilang sandali pa, nag-angat ako ng tingin at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto 'kong sino ang babae na iyon. Siya lang naman 'yung kasama ni Jeremy noong gabi na muli kaming magkita. Siya 'yung babaeng girlfriend ni Jeremy. Nagpalinga-linga ako nagbabakasakaling kasama niya si Jeremy pero mukhang hindi kaya naman nakangiti akong bumaling sa babae.
"Hello Miss, welcome to lido area." bati ko sa kaniya.
Pinagkatitigan ko siya, hindi niya ba ako naalala? kung sabagay medyo madilim ang portion ng dalampasigan noong gabing iyon kaya hindi niya talaga ako maalala.
Gumanti ito ng ngiti, hindi ko tuloy maiwasan ang humanga sa kaniya. Napakaganda niya, kulay asul din ang mata niya tulad kay Jeremy. Naka fitted na pulang sleeveless dress siya. Kitang kita ko ang mga braso niya na halos porcelana na sa puti. Mahaba ang buhok niya na kulay blonde ang kulay kaya hindi nakakapagtaka kung maiinlove si Jeremy sa kaniya. Naputol lang ang pag iisip ko nang magsalita ito.
"One silver bullet, please," she ordered.
Napangiti ako bigla sa sinabi niya buti nalang at 'yon ang mini-mix ko ngayon. Agad akong tumango at saka isinalin ang alak sa coupe glass, I put lemon zest twist as garnish.
"Here's your drink, Miss" saad ko at saka dahan-dahan na ibinigay ito sa kaniya ang alak.
Napatingin ako bigla sa may pool area nang magsalita si Miss director. Napansin ko din na nagmamadaling umalis ang babae, hindi ko na nakita kung saan ito patungo dahil mas naging focus ako kay Miss Director. Unti-unti na din itong dinumog ng mga guests, nagsiayos ang mga journalist na para bang may hinahintay na silang lumabas sa nakasabit na kurtina malapit sa pool.
"Anjan na ang may-ari" rinig ko na sabi ni Ruby.
Nagsilabasan ang mga katrabaho ko at lumapit sa may pool area. Ako naman ay nakatayo lamang sa bar counter. Hindi na ako nag-abala pa na pumunta doon upang makipagsiksikan at kita ko naman mula sa kinatatayuan ko kung sakaling lumabas na ang may-ari.
Hindi ko mawari ang nararamdaman para kasing hindi ako mapakali na parang kinakabahan, napasulyap lang ako sa bandang kaliwa ko nang mangibabaw ang boses ni Colleen. Tamo hindi ko man lang namalayan na katabi ko na siya.
"Miss Senior," kinikilig na aniya "-nakita ko na kanina ang may-ari ng barko na ito nasa Q area sila ni sir james, paksyet," may pagyugyog pa siya sa braso ko, "Ang gwapo niya. Mapapamura ka talaga Miss Senior." dagdag niya.
Natawa ako habang sinulyapan si Colleen, "Lahat naman sa-" naputol na ang ibang sasabihin ko nang magsalita na ulit si Miss Director.
"Good Evening, everyone. I am glad to introduce you, the owner of the J-Cruise line and one of the richest businessmen in the world, our very own, Captain and Chief Engineer Jeremy Andrew Chandler."
Miss director's announcement left me speechless; I was so nervous that the name she mentioned seemed like music to me.
Jeremy Andrew Chandler...
Jeremy Andrew Chandler...
Jeremy Andrew Chandler...
Napaigtad lamang ako sa gulat ng biglang tumili sa Colleen, "Miss Senior! Ayan na siya. Ang gwapo niya. Tsaka goodness kapitan na nga, engineer pa." hindi ko na siya sinulyapan ng tingin at napako na talaga ang tingin ko kay Jeremy.
He looked at me, our eyes met but then again he immediately looked away. I could hear the applause of the people as he stood up in front of them.
He's wearing a black suit tuxedo. He has a strong masculine aura. He's not the same person he used to be. His blue eyes were still deep and dark. He has changed so much, the teen Jeremy is long gone.
Many cameras were flashing in front of him, I noticed that his girlfriend also went up on stage. Kumirot ang puso ko nang makita kung paano sinaklay ng babae ang kamay niya sa braso ni Jeremy. They are comfortable with each other as they both smiling at the camera, sigurado bukas sila ang laman ng social media.
"Ay! May girlfriend na pala miss senior." umaalitawtaw na naman ang boses ni Colleen.
"Bakit may balak ka?" tanong ko ng hindi siya tinitignan.
"Wala noh! Pero kung para sa'yo meron, sana." aniya
"Tss." asik ko "Malabo." sobrang labo at kitang-kita ko na masaya na siya sa girlfriend niya.
Kung siguro hindi ko siya hiniwalayan noon, ako kaya ang nasa tabi niya ngayon? Natigilan lang ako sa pag-iisip nang magsalita ulit si Colleen. Nakakairita na talaga si Colleen.
"Kaya nga malabo at may girlfriend na." inuulit-ulit pa, hindi ba niya nararamdaman na nasasaktan ako.
Pero sa halip na pansinin pa siya, bumaling na lang ulit ako sa direksyon kung nasaan si Jeremy at girlfriend niya? I guess? hindi pa ako sure. I was shocked nang pag-angat ko ng tingin ay nagtama ulit ang aming mga mata.
"Omgy! Miss Senior! Nakatingin siya sa iyo." tumitili na naman si Colleen.
I didn't pay attention to what Colleen said because I was also staring at Jeremy. As he stared at me, his eyes were cold and lifeless. He didn't look at me the way he used to.
Walang bahid na pagmamahal kung baga ang tingin niya sa'kin...pagmamahal? eh, paano sinaktan mo siya! Ako na mismo ang kumalas sa tinginan naming dalawa dahil nakaramdam na ako nang pagka-ilang. Maya-maya pa narinig ko na nagsalita na si Jeremy.
"Good Evening." pag-uumpisa niya.
For eight years narinig ko muli ng klaro ang boses niya, hindi ko alam pero parang nakaramdaman ako nang saya ng marinig muli ang kaniyang boses.
I miss him. bulong ko sa akin sarili habang akayuko lamang akong pinapakinggan ang iba pang sasabihin ni Jeremy.
"Let's get started," hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil nakayuko lang ako, but I could tell he was serious by the tone of his voice, just as he had been when he was my customer. "Tonight I have no intention of answering questions not concerning this cruise." he declared.
Ilang sandali pa, may nagtanong na kaya nag-angat ako ng tingin sa isang journalist.
"Hello and good evening. Mr. Chandler, please accept my heartfelt greetings. Do you intend to expand your cruise ship fleet? As far as I'm aware, you're the most well-known cruise liner in our country?"
Napasulyap ako kay Jeremy upang sana mapakinggan ang sagot niya nang magtama na naman ang aming mga mata pero saglit lang 'yon at bumaling na muli siya sa Journalist na nagtanong.
"Yes. That is something I plan to do. While I was in our country, I was thinking about how I could help unemployed individuals. Even if the person does not have a degree." He answered.
I can't help but admire him since he cares about unemployed individuals. A hand is raised by another journalist. Babae iyon.
"Go ahead." anito kaya nagsalita na ang babaeng journalist
"Balita kasi na nag stay ka nang napakatagal sa U.S. at madaming nagtataka bakit ngayon ka lang nagpakilala bilang may ari ng cruise na ito?"
So, he stayed in the U.S for eight years? Now I know kung bakit hindi ko na siya ma-kontak, but he never got in touch with me, either. I couldn't help but feel sad.
"Ano 'yon Miss Senior?" tinig na naman 'yun ni Colleen.
Napatingin ako sa kaniya, minsan talaga may pagkadaga itong si Colleen o napalakas lang ang pagkakasabi ko? Bumuntong-hininga nalang ako. "Wala." Sagot ko bago muling bumaling kay Jeremy nang sinagot niya muli ang katanungan ng isang journalist.
"To answer that question. Just read the magazine where I was featured." He simply said.
Ang damot naman pwede naman sabihin niya nalang, pa famous din pero famous naman. Ilang sandali pa may nagtaas ulit ng kamay, tinanguan lang 'yon ni Jeremy hudyat na pumapayag siya na magtanong 'yon sa kaniya.
"Hmm..." he paused. "It depends." then he looked in my direction, pagkasabi niya niyon may journalist ulit na nagtaas ng kamay, kaya tinanguan niya ulit ito at ilang sandali pa ay nagsalita na.
Awtomatiko akong napatingin sa gawi ng journalist na iyon at saka ibinalik ko ang tingin kay Jeremy. Kitang-kita ko kung paano siyang nagtiim bagang sa tinanong nung journalist sa kaniya. Rinig ko din ang pagbubulong-bulungan ng mga tao na aandun. Umayos ako nang pagkakatayo para mapakinggan talaga ng maayos ang magiging sagot niya, after a couple of seconds nagsalita na siya.
"I believe you know in the first place that I don't like such questions. But because of what you asked. I will answer it. I don't have an ex and I didn't love anyone who worked on my cruise," he said seriously. "I hope this answers your question."
Napalunok ako sa sinagot niya. Pakiramdam ko para akong sinaksak ng libo-libong karayom sa puso ko. Masakit pala ang marinig mula sa bibig ni Jeremy na hindi ako naging parte ng buhay niya.
Wala akong ex. At wala pa akong minahal noon...
Wala akong ex. At wala pa akong minahal noon...
Wala akong ex. At wala pa akong minahal noon...
Paulit-ulit ko na naman naririnig ang sinabi niya, hindi ko alam na ganito pala kasakit ang itinatanggi, oo matagal na 'yon at wala akong karapatan na umiyak-iyak ngayon dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat.
Naramdaman ko ang panggigilid ng aking mga luha kaya bago pa man ito mapansin ni Colleen nakayuko akong lumabas sa bar counter at tumatakbo paalis sa lido area.
"Nasasaktan ako."
Itutuloy...
GALLEY: The ship's kitchen area