CHAPTER 2

4524 Words
Exactly 6:30 a.m. I got up early to organize my stuff so that I wouldn't have any problems when the ship arrived in Boracay. And before I closed my cabinet, I took out the clothes I planned to wear when the ship arrived at Boracay. I hung it on the front of the closet door. The outfit consisted of a plain white tank top and white wide-legged cotton pants. And I'm not going to lose my floppy hat with my shades, I placed them on top of our vanity table along with the accessories I'll be using later. I've also got my flip-flops ready. Today is my relaxation day, but I must first report to our Director. There are three senior managers on this cruise. And I was assigned to housekeeping as well as the person in charge of the ship's events and entertainment in the lido area. Ipapaalam ko kay Miss Director ang mga kailangan at ang mga dapat na gawin sa paghahanda sa pagdating ng totoong may ari ng Cruise. I received an email last night from Miss Director na medyo masilan ang may-ari ng barko. Kaya mas kailangan ko itong paghandaan, lalo na sa stateroom na tutuluyan nito. Doon ko din nalaman na lalaki ang may-ari ng Cruise at isa din itong kapitan. Kaya mas naging panatag na ang isip ko sa mga katanungan na gusto kong itanong sa kaniya noong magka-usap kami sa bridge. Nang maayos ko na ang mga gamit, nakangiti akong sinulyapan si Colleen. Mahimbing pa rin ang tulog sa lower deck ng stateroom namin. Tamo, pustahan paggising niyan masakit ang ulo. Kung ide-describe ang stateroom namin. Ito ay may kalakihan ng konti. May dalawang double-deck bed. Apat kaming nag sha-share sa kwarto. Si Jane at Christine ay same schedule samantala kami naman ni Colleen ang magka-schedule. And good thing na ganun ang nangyari dahil malaya kaming nakakagalaw sa kwarto. Our room has four smart cabinets. Kung saan 'yung fingerprint lamang namin ang makakapag-bukas niyon. And of course fully air conditioned ito. "Good Morning, miss senior." Napasulyap ako kay Colleen na inaantok pang binati ako. "Good Morning," bati ko din sa kaniya, "Anjan na 'yung gamot mo sa sakit ng ulo." Sabay nguso sa gamot at isang basong tubig na nakalagay sa tabi ng higaan niya. "Maliligo na ako, inumin mo na 'yan." kinuha ang naka-sablay na puting bathrobe na may nakatahing initials sa pangalan ko S saka pumasok na ng banyo upang maligo. "Salamat, miss senior!" rinig kong sigaw ni Colleen. Natawa ako napaka-isip bata talaga 'tong si Colleen. Ilang sandali pa ay isinabit ko na ang puting roba sa likod ng pintuan at pagkatapos ay hinubad ko na ang damit na suot ko at naglakad sa tapat ng shower, napapikit ako nang tumama ang malamig na tubig sa balat ko, maya-maya ay nagsabon at nag shampoo na din ako. I don't have time to soak in the bathroom. For six years working as a cabin steward. I've learned to move quickly. That was part of our training when I was still in college. If you want to work as a flight or cabin steward. All of these must be learned. Bawal ang pa relax-relax sa trabaho na ito. You have to be alert and enthusiastic. Sabi ng iba na ang trabaho na ito ay napakadali. Babati lang sa mga guests, linis-linis lang. Maganda pa ang uniporme but the truth is mahirap dahil ikaw ang may resposibilidad sa kaligtasan ng iyong pasahero. And the responsibility to maintain as well the good image of the cruise. Bagama't nakakapagod ang trabahong ito. Nakaka-enjoy naman. Siguro ganun naman talaga ano? Kapag masaya ka sa ginagawa mo, kapag gusto mo ang ginagawa mo, at masarap kasama mga katrabaho mo - masaya ka, at wala kang pagod na mararamdaman. Nang matapos akong maligo, ay agad kong isinuot ang roba at humarap sa salamin isinuyod ko ang aking tingin sa kabuuan ng katawan ko. "Ang payat ko na. " hindi ko maiwasan haplusin ang katawan ko. Minsan kasi nalilipasan kami ng gutom, minsan hindi kami makapag-break on time, lalo na pag may event ang cruise. Kaya hindi katakataka kung bakit mangangayat ako. Dahil may resposibilidad din akong ginagampanan. After a few minutes, I got the blower out of the drawer and began drying my hair. I only stayed in the restroom for about thirty minutes before I came out and headed towards my cabinet. Nakita kong tulalang umiinom si Colleen ng kape malapit sa balcony dito sa kwarto namin. "Miss Senior?" tawag niya sa'kin. "Yes?" sambit ko habang kumukuha ng uniporme sa cabinet ko. "Ba't gano'n?" Nagtataka akong nilingon si Colleen. "Bat gano'n? Ang ano?" "Nagtimpla ako ng kape, pero ba't gano'n? Ako 'yung masarap." inosenteng sabi niya sa sa'kin. Matunog akong tumawa. "Luka ka talaga! Mag-ayos ka na. Dadaong na ang barko sa Boracay." sabi ko habang sinusuot ang aking palda. Hindi na ako nahihiya kay Colleen kahit magbihis ako sa harapan niya, gano'n talaga. Bilang cabin steward, pati pagkakapal na mukha ay makukuha mo. "Ang sexy mo Miss Senior ano? Kahit hindi ka nakakapag-exercise." biglang sabi niya sa'kin na ngayon ay tinutulungan akong izipper ang uniporme ko. "Thank you." sabi ko nang ma-izipper niya iyon at agad akong humarap sa vanity table namin, "Baka payat Colleen." "Hindi ah. By the way isang araw lang ba talaga tayo rest day?" pag-iiba niya sa usapan. "Yup." simpleng tugon ko habang abala sa pag-aayos ng sarili. "Dadating sa pangalawa ang may-ari ng barko na ito, kaya dapat mapaghandaan natin. Medyo masilan daw 'yun." deklera ko. "Really?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin "Hmm." Tumayo ako at saka isinuot ang tatlong pulgadang black shoes ko. Required kasi sa'min ang may heels na sapatos kaya kahit ayaw kong isuot iyon eh, wala akong choice, pagkatapos ay humarap ako sa salamin at inayos ang uniporme ko, after nun at tinignan ko muna ang ang aking mukha bago bumaling muli kay Colleen. "Mag-ready ka na. Mag re-report lang ako kay Miss Director at magpapa-meeting sa maiiwan dito tapos sabay na tayong bumaba mamaya." "Okay sige. Chat ko si Bry para sabay-sabay na tayo." Tumango ako. "Osiya sige. I have to go." sabi ko saka lumabas na din ng kwarto namin. Umalis na ako at alam ko lang makikipag-chikahan na naman si Colleen sa'kin mas lalo kaming tatagal. Habang naglalakad sa hallway papunta sa office ni Miss Director madaming bumabati sa akin. "Good Morning Miss Senior." Nginitian ko siya. "Good Morning Pau." "Magandang umaga sa iyo Senior." bati sa akin ng mga taga Maître d'. Nginitian ko ulit ito. "Magandang umaga din sa inyo mga Ginoo." "Bonjour, ma beauté Senior." bati din sa kanya ng mga taga Porter nang dumaan ito sa luggage area. "Bonjour aussi, bonne journée" nakangiting sagot ko sa kanila. Sa tagal ko dito, madami na din akong natutunan na lenggwahe dahil sa iba't ibang pasahero na nakakasalamuha ko at saka yung iba naman ay natutunan ko sa training. Nang makarating sa tapat ng office ni Miss Director ay agad itong kumatok. "Come in." sabi niya mula sa loob ng opisina. "Good Morning, Miss Director." magiliw na bati ko sa kaniya. "Good Morning too." "Na received niyo po ba ang aking email last night?" panimula ko. "Yes. So what's your plan sa area niyo?" "Isang rest day lang ang nasa team ko para bukas magawa namin ang mga dapat gawin. Ipapalinis ko ulit ang Q para sure na walang problema." Tumango-tango siya na para bang sang-ayon siya sa plano ko, "At saka sa events naman. Siguro magpa-welcome party tayo sa kaniya." mungkahi ko. Napangiti si Miss Director at tumango-tango na tila bang okay sa kaniya ang ideya ko. "Pwede naman. Ikaw nalang bahala. Basta report mo nalang sa'kin. I trust you, Miss Senior." Bigla akong nakaramdam ng hiya sa tawag sa'kin ni Miss Director. Si Colleen kasi ang pasimuno sa pagtatawag ng Miss Senior. Kaya simula nun ay 'yun na din ang tawag sa'kin ng mga katrabaho ko. "Noted." Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa paghahanda sa pagdating ng may-ari bukas hanggang sa maya-maya pa ay nagpaalam na din ako at madami pa akong gagawin. I went to the housekeeping area and inspected all of the rooms to make sure they were in good condition before informing my coworkers that we were all having the same rest day today. Thankfully, none of them objected. Pagkatapos niyon tinignan ko ang wrist watch ko upang malaman kung ilang oras pa bago dumaong ang barko sa Boracay. May isa pang oras bago dumaong ang barko kaya matapos ang meeting ko sa mga taga housekeeping area nagtungo naman ako sa F kung nasaan andoon ang lido area. Ito ang pinakagusto kong area sa lahat dahil madami kang guests na makikita at saka andito lahat ng mga alak na imi-mix. Pagkarating ko agad dito ay binati agad ako ng mga katrabaho ko. "Maupay na aga ha imo Miss Senior." "Maupay giyap na aga ha iyo." nakangiting ganti ng bati din sa kanila. I inspected the whole area. I smiled because the two areas to which I was assigned were neat and clean. My teammates are hardworking. And after I did the inspection, I approached my coworkers and informed them that we were taking one day off to prepare for the owner's arrival. Thankfully, no one complained. "All right. Let's call it a day. And let's enjoy our shore excursion." I announced, dahilan para ma-excite ang ka teammates ko at isa-isa ng magsi-alisan upang magtungo sa kani-kanilang stateroom upang mag-ayos ng kanilang mga gamit. And after 1 hour, Captain Ramos announced that they had docked in Boracay. Colleen and I immediately went out of our room and brought the things we will use on the excursion, sakto naman nakita namin si Bry. Kaya sabay-sabay kaming nagtungo sa may tender kung saan maghahatid sa'min sa pangpang. Ilang minuto lang ay agad naman kaming nakarating sa pangpang. "Napaka-ganda talaga dito." namamangha na sabi ni Colleen habang tinatanggal nito ang sunglasses na suot. Inilibot ko din ang tingin sa kabuuan ng Isla at masasabi ko talaga na napakaganda talaga nito. Buti nalang talaga na dito kami magre-rest day. Madami na ring turista na nagsisibabaan mula sa porter at kagaya namin manghang-mangha din sila sa ganda ng Isla.  "Miss senior, smile!" boses iyon ni Colleen, napalingon ako sa kaniya na nakaharap na sa'king mukha ang camera hawak. "HAHAHA! Sa wakas may panget ka ding picture sa'kin," natatawang saad niya habang tinitignan ang kuhang picture ko, "May pang-post na sa birthday!"  Napasimangot ako, "Burahin mo 'yan!" angal ko at akma na aagawin ang camera nang magsalita si Bryan na nakapagpatigil sa'min ni Colleen sa paghaharutan at napatingin kami sa kaniya. "Tara pumunta muna kaya tayo sa villa natin para mailagay natin ang mga gamit, then breakfast tayo." Suwistyon ni Bryan. "Kj mo talaga, Bry."  umikot na naman ang mga mata ni Colleen kay Bryan. "Pwede na kasing maiwan ka muna dito, picture ka lang," tugon ni Bryan, "Tara na Suzette, yaan mo jan si Colleen." seryoso na ani Bryan pero alam kong biro lamang iyon.  Inismiran lang ni Colleen si Bryan at padabog na nauna nang maglakad patungong villa namin, natatawang na lamang akong sumunod sa kanila. Nang makarating kami sa villa namin, nagkaniya-kaniya din kami ng pasok, magkasama kami ni Colleen sa room 402 samantala si Bryan naman sa room 403 kasama niya ang isa pang ka-work namin. Dalawang cabin steward lang kada villa. Hindi na kami nagsayang ng oras pa pagkalagay namin ng mga gamit sa loob ng kwarto namin ay nagtungo na din kami sa isang restaurant. "Anong order niyo?" tanong ni Colleen nang maka-upo kami sa isang table ng restaurant na napili namin para sa aming breakfast. "Butter toast and cold milk sa'kin." sagot ko. I am not fond of hot coffee and milk. I noticed that Colleen and Bryan glanced at me in surprise. So I take turns looking at them as if asking if there is a problem. " That's all you ordered?" he questioned. I shook my head, "I was just craving." I replied with my arm crossed over my chest. "B-but why? Like meron naman 'yan sa cruise, " He was unsatisfied with my order. "Order a real food... like kanin at ulam. Wag ka na mag-diet this is our time to cheat, though," he stated as he flipped through the menu book. "Hahaha! What's the problem with my order, though? it's real food, though." Natatawang sambit ko, napansin kong natawa din si Colleen habang abala din sa pagtingin sa menu book, "Gusto ko lang matikman ang butter toast dito sa Boracay." Natatawa pa ring dagdag ko. "Ewan ko ba sa inyong mga babae. Gulo niyo." Bryan smiled and put placed the menu book at the table. Napakamot nalang siya sa kaniyang noo na para bang hindi niya talaga maintindahan ang mood ng mga babae. Well, hindi niya talaga maiitindihan at hindi naman siya babae. Hindi kami makapaniwalang nagtinginan ni Colleen at sabay kaming natawa. "Ikaw ano gusto mo?" mamamatay-matay sa tawa si Colleen. "Ikaw." sagot ba naman ni Bryan kay Colleen, 'yon tuloy napangiwi si Colleen sa banat niya. HAHAHAHA Maya-maya pa ay lumapit ang isang waitress at tinanong ang order namin, agad naman na sinabi ni Colleen ang mga order nila at ilang minuto pa ang lumipas dumating ito at saka sabay-sabay na namin kinain 'yon. Masaya naman ang breakfast namin niyon, puro tawanan at asaran lang kami, hindi rin mawawala ang picturan na kung saan adik na adik si Colleen. Pero habang nagkakasiyahan kami, hindi ko maiwasang mag-angat ng tingin at magpalinga-linga sa paligid. Feeling ko kasi may nakatingin sa akin kanina pa. "What's wrong?" he asked, looking around as well as I did. "Nothing," I said as I shook my head. "It feels like someone is watching me," I tapped his arms, "It's okay feel ko lang naman 'yun. Let's eat." I persisted, seeing that they started to look around, then resumed eating. Nang matapos na kaming mag-umagahan bumalik kami sa room namin upang magpalit ng swimsuit. I was wearing a plain black two-piece while Colleen was a white floral two-piece, nabili namin ito nang makadaong kami sa Palawan. Dahil sa atat si Bryan maligo sa malinis at malinaw na tubig, nauna na siyang magtampisaw sa dagat, samantala kami ni Colleen ay naglagay muna ng sunblock at kalaunan napasigaw ako nang hinila ako ni Colleen para samahan si Bryan. Pagkatapos namin maligo at mag-snorkeling, sumakay kami ng banana boat, nag paddle din kami, hindi rin naman pinalagpas ang mag-underwater scooters, pati ang pagsakay jetski. At matapos ang masayang water activities na iyon, nasa dalampasigan kami ngayon tumatambay kasabay ng pagtagay na din. Kanina pa kaming tahimik habang pinagmamasdan namin ang cruise na sobrang liwanag mula sa malayo. "Ang laki ng cruise noh?" pambabasag ng katahimikan ni Bryan kaya napasulyap ako sa kaniya at binalik din ang tingin sa Cruise, akma na magsasalita ako nang maunahan ako ni Colleen. "Kaya nga isa ito sa pinaka-malaking cruise ship sa bansa natin eh." Aniya. Ang laki nga nito, ang ganda pa tignan mula sa dito sa dalampasigan dahil sa nagkikislapan na ilaw mula doon. Nakaramdam ako bigla ng lungkot nang maisip na kahit isang beses hindi ko pa naiisasakay ang mga magulang ko sa cruise na pinagtra-trabahuan ko. Pero yae na, next time nalang kapag may sapat na akong budget. Ililibot ko sila sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas hanggang sa buong mundo na. "Suzette, ituloy muna." Napasulyap ako kay Bryan nang magsalita siya para mangunot ang noo ko."Yung kwento mo about sa love life." Aniya. Hindi ako mapakapaniwalang natawa, akala ko ay nakalimutan na niya iyon. Minsan nagtataka na ako kung bakit bigla nalang nagiging interesado si Bryan sa lovelife ko. Kung sabagay, kahit din naman si Colleen ay ganoon, sobra pa nga... napabaling ako kay Colleen nang magsalita na din ito. "Oo nga. Ituloy muna." sabat niya. Napangiwi ako. "Kailangan pa ba iyon? Matagal na 'yon." Sabi ko habang inaayos ang nahuhulog na strap ng suot ko. My outfit consisted of a green bralette top and black ripped shorts. My hair is braided in a high ponytail, and I'm wearing feather dangle earrings.  "Luh. Sige na. Minsan kalang mag-kwento lubos lubusin mo na. Sige na." pangungulit na naman ni Colleen sa'kin. Napakamot ako sa ulo, wala akong choice kundi tapusin ang kwento. Akala talaga nila, madali para sa'kin ang mag-kwento sa past ko, akala nila happy ending kami ni Jeremy. Napabuntong-hininga ako at napipilitan na tapusin ang nasimulan kong kwento sa kanila. "Ayun, nasa pag-amin stage at naguguluhan stage na kami, tinanong niya sakin kung pwede daw siya manligaw pero hindi ko naman agad sinasagot ang tanong niya. Dahil nga natatakot ako. Syempre. Sino ba naman ang gugustuhin masaktan di'ba?" panimula ko. Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko na mukang nakikinig talaga ito sa akin. "Gayunpaman ang nangyari sa pagpapaalam niya, dire-diretso pa din ang mga text at tawag niya sa'kin parang masasabi kong M.U na kami." Binuksan ko ang in can beer bago muli nagpatuloy, "Hanggang sa matapos ang first semester naging close na talaga kami may time pa nga na madalas kami magka-kwentuhan sa buhay. Hanggang sa nagsha-share na kami ng tungkol sa pamilya namin." Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may ganung kaganapan sa'min ni Jeremy noon. "At masasabi 'kong malayo ang agwat ng estado namin sa buhay pero ewan ko mapagbiro siguro talaga ang tadhana dahil hindi ako nag-isip ng kung anu-ano about sa family niya, bukod lang sa matinik siya sa babae." pagkasabi ko niyon ay uminom ako ng beer. "Then kilig moment" natatawang sabi ko sa kanila. "Na-remember ko nun' acquaintance 'yun. The unexpected dance, ang tawag ko 'don at hindi ko naman inaakala na ang isang Jem isasayaw ako sa madaming tao, knowing his personality malabo na gawin niya 'yon." "Edi kilig kilig ka nun ghorl?" ani Colleen habang sumisimsim din sa hawak niyang in can beer. Natawa ako habang tumango-tango, "Oo ata, I couldn't imagine him doing it any other way because his personality is so unlike any other man I've met, so I didn't expect him to be like that, and I still remember back when it was sweet music and there was a segment where you could give the emcee a confession or a love letter and she would read it to convey your feelings to the person you love."  I chuckled, " I was really surprised when he suddenly approached me to invite me to dance. At first parang ayoko pa nga sana 'non eh kasi nahihiya ako pero sa huli pumayag na ako at masyado akong ibenenta ng mga kaklase ko." nagbukas ulit ako ng beer saka nagpatuloy sa pagkwe-kwento, "Tapos nung sinasayaw na niya ako 'di niya pa alam kung hahawak ba siya sa bewang ko, oh ano?" natawa na naman ako, epic talaga 'yon. "Tapos wala pang-treinta minutos ng magtanong ako, kung pwede na kaming maupo." "Shocks!" si Colleen may pagsapo pa ng dalawang kamay sa bibig na para bang kinilig siya sa sinabi ko. "Ang sweet naman ng ex mo, miss senior." kinikilig talaga na aniya. "Di'ba alam niyo na hindi ko ine-expect na maglalakas loob si Jem na isayaw ako sa crowd pero mas hindi ko pa pala ine-expect na 'yung letter na binabasa nung emcee ay galing sa kaniya." "Hala kinikilig siya, namumula ka na naman, miss senior." pang aasar ni Colleen, samantala si Bryan ay umiinom lang ng beer habang nakikinig sa usapan namin. I just rolled my eyes. "Ano itutuloy ko pa ba?" panunudyo ko para itigil na ang pang-aasar ni Colleen sa'kin. Sabay silang tumango. "Tapusin mo na." sabay din na sambit nila. "Fast forward naging kami. Hindi ko na kasi mapigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Sobra mahal ko na siya, kaya sinagot ko na. Masaya naman kami, wala naman akong naging problema sa kaniya. Lahat ng naiisip ko sa kaniya nabura 'yon at grabe-grabe siya mag-alaga sa'kin. Napa-clingy niya pala, pala biro pero seloso. Gayunpaman wala akong naging problema doon. Until one night." malungkot akong ngumiti saka uminom ng beer. "Until one night?" ani Bryan "Until one night... That was our first anniversary nang sinaktan ko siya." naalala ko na naman ang pangyayari na 'yon. Kahit siguro dumaan pa ata ang dekada hindi ko 'yon makakalimutan. "What do you mean? Third-party? Lah! taksil ka." dire-diretsong sabi ni Colleen sa'kin. Minsan ang bunganga nitong bruha nito walang preno. "Luka! Judgmental," angal ko ."Walang third party. Hindi ako taksil." "Eh, ano?" inosenteng ang pagkakatanong ni Colleen sa'kin. Malungkot ako napabuntong-hininga. Ito talaga sadya ang iniiwasan ko sa lahat ng nangyari sa'min ni Jeremy pero kahit anong iwas ko kong lagi ko naman naiisip at nababanggit. "He proposed that night. The night where I planned to break up with him--" Napansin kong nanlaki ang mga mata ni Bryan at natutop ni Colleen ang sariling bibig sa sinabi ko, ito ang rason ko kung bakit hindi ako nagsha-share ng past relationship ko dahil alam 'kong ganyan ang magiging itsura ng taong pagkwe-kwentuhan ko niyon pero wala na din akong magawa at nasabi ko na kaya tinignan ko sila. "-Oo. And I rejected him." malungkot na dagdag ko. "Bakit?!" si Colleen, may halong gulat at panghihinayang ang tinig niya. "Because I wasn't ready, wala pa sa isip ko nun ang mag-asawa. Ang focus ko ang makapagtapos ng pag aaral at maihaon sa hirap ang pamilya ko. At saka mga bata pa kami." pagpapaliwanag ko sa kaniya. "You haven't told him na hindi ka pa ready?" singit ni Bryan. Umiling ako. "Not totally, " kibit-balikat na sabi ko. "I guess? Hindi niya 'yon maiintindihan." "Sure ka na hindi ka niya maiintindihan, sa gayun ay mahal na mahal ka naman niya?" si Colleen. Natigilan ako sa sinabi ni Colleen, sure ba talaga ako na hindi ako maiitindihan ni Jeremy? Hindi ko naisip ang ganung senaryo dahil kitang-kita ko sa mga panahon na iyon nag alit na galit sa'kin si Jeremy. Paano kaya kung totoo ang sinasabi nila maiintindihan ako ni Jeremy kung ipinaliwanag ko sa kaniya ng maayos kung bakit hindi pa ako ready sa mga bagay na 'yun? Napapikit ako pero wala na. Matagal na. Hindi na naman nagpakita si Jeremy sa akin after nun. Naputol lang pag iisip ko nang magsalita ulit si Colleen, "Paano kung magkita kayo ulit? Ano ang gagawin mo?" pagtatanong niya. "Hindi ko alam." wala sa sarili 'kong sagot. "I mean. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin pero gusto kong humingi ng sorry sa kaniya. And besides Malabo pati kami magkita dahil after we broke up, hindi na siya nagpakita hanggang ngayon. Baka nga nag asawa na 'yon." "So sad naman ng ending ng love story mo, miss senior." nakangusong ani Colleen. "So sad nga pero siguro hanggang doon nalang kami. " mapait kong nginitian si Colleen kasabay ng pagtungga sa beer na hawak ko. Natahimik na ulit kaming tatlo matapos 'kong ikwento lahat-lahat sa kanila. Akala ko magiging peaceful na kami sa gabing 'yon kung hindi lang nagsalita ulit si Colleen. "Nag-s*x kayo?" halos maibuga ko ang beer sa bibig ko dahil sa tanong niya sa akin. Tinignan ko agad si Bryan, nakakahiya kasi syempre kahit close kami, lalaki pa rin siya pero laking gulat ko nalang na parang wala lang ito sa kaniya. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang hinihintay ang magiging sagot ko. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Wala talagang filter minsan ang bunganga ni Colleen, gusto ko sana isungalngal ang latang hawak ko sa bunganga niya. "Nag se-" "H-hindi!" putol ko sa sasabihin niya. Humalakhak si Colleen. "Hahaha! so, you're still a virgin, miss senior?" may pang-aasar ang tingin niya sa'kin. Hindi ako makaimik, mas lalo kasi akong nahiya. Grabe na talaga si Colleen sa'kin. Kapag siya talaga malasing ngayon itatapon ko siya sa dagat. Akala mo talaga kung makatanong ay may experience na din siya sa ganoong bagay. "Silence means, yes, miss senior." Natatawang niya, inaasar talaga ako nito. "I'll take that as a yes." "That's enough Colleen," saway ni Bryan nang mapansin na sobrang nahihiya na talaga ako, "You're already drunk." Lasing na lasing na nga, itapon ko na kaya sa dagat para kainin ng pating ito. Kaya napag-desisyunan na namin pumasok ng kwarto, maaga pa din kami bukas. Nang maihiga si Colleen. Agad naman nagpaalam si Bryan na magpapahinga na din sa room niya. Ako naman dahil sa hindi pa ako inaantok, lumabas ulit ako ng kwarto at naglakad lakad sa dalampasigan. Napabuntong-hininga ako habang nagpapatuloy sa paglalakad. "I broke up with someone I love, and it was harder than I thought." wala sa sariling sambit ko habang nilalaro-laro ang buhangin sa paa ko, dala na din ata sa naka-inom ako kaya nagiging deep ako, "Pero wala na. Matagal nang tapos ang pagmamahalan namin." Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad nang may marinig akong tinig ng babae mula sa likuran ko balak ko sana na hayaan nalang 'yon kung hindi ko lang sana narinig ang pangalan ng tinatawag niya. "Jeremy! where are you going?" sabi nito. Natigilan ako at awtomatikong napalingon sa likuran ko. Umawang ang mga labi ko at hindi ko namamalayan na tumulo ang mga luha ko nang makita kung sino ang Jeremy na tinatawag ng babae. Sa tagal ng panahon, muling nag-krus ang aming landas. Hindi ako makagalaw, pinagkatitigan ko si Jeremy. Malaki ang pinagbago niya, kahit ang pangangatawan niya malayo sa Jeremy noon. Ilang agwat lang ang layo namin namin sa isa't-isa. Nagkatitigan kaming dalawa, napansin 'kong nakatingin din ang babae sa'kin bago bumaling kay Jeremy. "Do you know her?" the woman asked Jeremy, napansin siguro niya na nagkatitigan kami nito. Hindi agad sumagot si Jeremy sa tanong ng babae sa kaniya, wala sa'ming dalawa ang bumibitiw ng tingin hanggang sa nagsalita muli ang babae."I'm asking you Jeremy. Do you know her?" ilang sandali pa ang dumaan, nang mula dito sa kinakatayuan ko kitang-kita ko kung paano umiling si Jeremy habang malamig na nakatingin sa'kin. "No, I don't know her," he answered as if he doesn't know me at all. Sheyt, ang sakit. As Jeremy looked at me, he nodded slowly and then turned his back on me. I suddenly fainted, my knees shaking causing me to sit on the sand. I know Jeremy hates me but what I don't expect is that he will forget me. I looked at his distant bulk with the woman holding his arm. "Tinotoo mo nga ang sinabi mo, walong taong nakalipas na kakalimutan mo ako." Itutuloy... TERMINOLOGY USED F: means Upper deck or upper location. Q: code for Queen Grill staterooms. For VIP. Lido area: often-used term because it's the deck where you'll find the outdoor pools. Maître d': Crew member responsible for the dining room. Porter: Crew member on land to help you with your luggage curbside before you embark on the ship. Shore excursion: an activity off the ship at a port of call that you can purchase as part of your itinerary. Tender: Also called a lifeboat, a tender is a small boat that takes you from the ship to shore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD