CHAPTER 15 PART 1

2438 Words
"Sorry, ma, hindi na po ako nakatawag kagabi, nakatulog na po ako." paghingi ko ng paumanhin kay Mama mula sa kabilang-linya. Matapos kasi ang nangyari sa'min ni Jeremy kagabi, matagal din akong nakatingin sa kawalan bago mapag-desisyunan na maglinis ng katawan at matulog. Narinig ko ang pagtawa ni Mama. "Okay lang, Anak... naiintindihan ko... kumain ka na ba?" "Hindi pa po, pupunta pa po akong grocery." tugon ko sa tanong ni Mama habang tinignan ang sarili sa salamin kung okay na ba ang suot ko. Tulad nga ng plano ko para sa araw na ito, magpapa-ayos ako ng buhok at saka mag-gro-grocery, I planned to cook something delicious for myself today, I wanted to reward myself for being courageous from the pain I've felt these past days. I'm wearing a black cami-crop top matching with white denim ripped jeans, and paired with black and white vans sneakers. I tied my hair in a high ponytail and put on some light make-up. I smiled in the mirror when I saw myself, namiss ko ang ganito lang na suotan. "Ahh, sige...Anak, oh siya, mamaya nalang ulit tayo mag-usap kailangan ko na din puntahan ang Papa mo... magi-ingat ka." I grab my Chanel round sling bag and my car key. "Sige po, Ma, ingat din po kayo... I love you..." sagot ko. Pinakinggan ko muna ang dagdag pa na habilin sa'kin ni Mama hanggang sa mapag-desisyunan na niya talaga na patayin ang tawag at kanina pa daw talaga siya hinihintay ni Papa. Nang mapatay ang tawag, nilagay ko na ang cell phone ko sa bag at saka lumabas na ng kwarto at naglakad sa may elevator, ilang sandali lang nang papasok na ako ng elevator nang matigilan ako sa pagpasok, may naramdaman na naman kasi ako na parang may taong sumusunod sa'kin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero walang katao-tao sa floor na 'yun kundi ako lang kaya napailing na lang ako. "Guni-guni ko lang ata 'yun." kaya naman kaysa iyon ay pansinin pa ay tuluyan na akong pumasok ng elevator at pinindot ang button papuntang garage nitong condo na ito. Nang makalabas ako nang elevator agad ‘kong kinuha ang susi ng kotse sa bag ko at pinatunog iyon. Hindi naman kamahalan ang sasakyan ko pero okay na din pang-alis o panggala. It looks new pa rin kahit 2 years na siya sa'kin dahil minsan ko lang naman itong nagagamit, sa t'wing vacation ko lang pero siguro ngayon magagamit ko na siya at wala na akong trabaho. Binuksan ko na agad ang pintuan ng sasakyan at bago pa ako sumakay ay nagpalinga-linga muna ako. Feeling ko talaga may sumusunod sa'kin o stress lang talaga ako, kaya hindi ko na ulit iyon inintindi. Tinanggal ko ang sling bag ‘kong nakapulupot sa katawan ko at basta ko na lang iyon itinapon sa kabilang seat saka nagmadaling isinara ang pinto pagkatapos ay ikinabit ko na din ang seatbelt at pinaandar na ang kotse at pinaharurot palabas ng garahe. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan na mapabuntong-hininga, 30 minutes na ako dito hindi pa rin umuusog ang trapik. Mayroon naman stoplights, number coding, traffic enforcer, at mga pulis trapiko pero bakit ‘tila hindi pa din matinag ang problemang trapikong ito. Nababagot na ako, kaya naman binuksan ko ang player ng sasakyan at nagpa-music kung ano na lang kanta ang napindot ko. Kung may taong dapat na Mahalin ay walang iba Kundi ikaw Wala ni ibang makakapigil pa sa akin Napailing ako nang marinig ang kanta. "Nang-aasar ka ba?" naiinis na pakikipag-usap ko sa player. Binuhay mong muli ang takbo At t***k ng puso sa'yong pagmama-- Hindi ko na pinatapos sa pagkanta si Sam Concepcion, pinatay ko na ang player. Nakakadagdag lang din ang kanta sa inis ko dahil sa trapik ngayon. Hindi pa naman rush hour, napaka-trapik na lalo pa ata nito mamaya kapag labasan na sa trabaho. Napapa-isip tuloy ako ganito na din siguro ako kapag nakahanap na ako ng bagong trabaho. 45 minutes ang lumipas unti-unti nang gumagalaw ang trapik hanggang sa makarating ako sa Ayala, ito lang pinakamalapit na mall mula sa condo pero dahil sa trapik parang galing ako sa malayong lugar. Nang mai-park ko ang kotse ko ay inayos ko muna ang sarili at saka kinuha ko ang bag ko bago lumabas at naglakad papasok ng mall. Napangiti pa nga ako dahil ngayon na lang ulit ako nakapasyal. Sayang wala si Colleen, siguradong hang-over 'yun ngayon. Unang pupuntahan ko ay salon, kailangan ko muna magpa-ayos ng buhok bago ako mag-grocery. Kaya naman pumasok ako sa nakita ‘kong salon na agad naman akong sinalubong ng isang empleyado doon, tinanong kung ano ang service na gusto ko at 'yun nga sinabi ko na magpapa-ayos ako ng buhok, tumango ang empleyado at inalalayan ako paupo sa harap ng salamin. Dalawang tao ang humahawak sa'kin isa sa buhok ko at isa sa kamay ko, naisipan ko na lang din kasi na magpa-manicure since nandito na naman ako, lulubusin ko na. Habang abala sila sa pag-aayos sa'kin, abala din ako sa pagty-type ng note sa cellphone ko, nilalagay ko doon ang mga bibilhin ko sa grocery. Medyo nahihirapan pa nga ako magtype at baka masira ang nail polish ko. "Ma'am, tapos na po," matapos ang tatlong oras, nagsalita na ang empleyado. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya bago ako bumaling sa salamin na kaharap ko upang tignan ang sarili, nanlaki ang mga mata ko sa itsura ko, masasabi ko na malayong-malayo sa itsura ko kanina. "Ma'am, ang ganda niyo na po lalo." nakangiting dagdag ng babaeng empleyado sa'kin. Napahawak ako sa buhok ko, hindi ako nagsisisi na siya ang pinapili ko ng kulay na ilalagay sa'king buhok. It was a dark brown with blonde highlights, dahil natural ang buhok ‘kong kulot sa laylayan nito mas nae-enhance ang kulay. Nakangiti akong bumaling uli ng tingin sa empleyado, sobrang nagustuhan ko ang bagong kulay ng buhok ko. "Salamat," nakangiting sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay naglakad na ako sa may counter upang magbayad. "How much?" nakangiting tanong ko sa kahera habang kinukuha ko ang wallet sa bag. "How much po? magiliw din na rinig ‘kong tanong ng isang customer sa kahera, familiar ang boses niya parang narinig ko na iyon somewhere. "Pati po sa kaniya, how much? I will pay it din." awtomatiko akong napa-angat ng tingin sa babaeng kahera nang kinuha niya ang atensyon ko. "Ma'am, siya na daw po magbabayad ng sa'yo." Anito. Bumaling ako sa customer na katabi ko, napa-awang ang labi ko sa gulat nang mapagtanto kung sino iyon. Kaya pala familiar ang boses niya. Girlfriend ni Jeremy, bigla naman ako nakaramdam ng guilt. "Hi, Suzette," nakangiting bati niya sa'kin, hindi agad ako makapagsalita dahil bukod sa nagulat ako, nahihiya akong harapin siya dahil sa ginawa ko sa boyfriend niya. "Ako na ang magbabayad."magpro-protesta sana ako na wag na, nang hinawakan naman niya ang kamay ko at ibinigay niya ang credit card sa kahera na agad naman iyon tinanggap at ibinalik agad na may resibo na. "Sino kasama mo?" tanong niya sa'kin. "A-ahh," I stuttered "Ako lang, Ikaw?" tanong ko kahit alam ko kung sino ang kasama niya, “pero asan siya bakit wala siya dito?” palihim ‘kong inilibot ang mata sa paligid. "I'm with Kuya, gusto mong mag-Hi?" “Kuya? So, hindi pala si Jeremy ang kasama niya?” naputol lang ang pag-iisip ko nang hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila palabas ng salon patungo sa tindahan ng mga mamahaling pabango. "Kuya!" pagtawag niya sa lalaking nakatalikod habang abala sa pamimili ng pabango. Napakunot-noo ako habang papalapit kami sa kaniya at abot-abot ang kaba ko. “No it can be.” Bulong ko sa sarili nang mapagtantong pamilyar ang pagma-may-ari nang bultong nakatalikod. "I said don't call me kuya in public." boses pa lang alam ko na kung sino, hindi siya lumilingon dahil abala nga siya sa mga pabango. “Kuya? Magkapatid sila? Hindi sila mag-jowa?” gulat na gulat ako, bumalik lang ata ako sa sarili nang marinig ‘kong tumawa ang kapatid niya bago nagsalita. "Guess, who's with me, kuya." sinulyapan ako ng kapatid niya bago bumaling sa Kuya niyang naiiritang humarap sa'min, abot-abot ang kaba ko. "I'm with Suzette!" deklara niya na nakapagpatingin kay Jeremy sa gawi ko. "Look, she's more pretty with her new hair, nakita ko siya sa salon." pagdadaldal nito sa kuya niya. “Kuya niya nga.” Hindi pinansin ni Jeremy ang sinabi ng kapatid niya, tila ay napako siya ng tingin sa'kin gayundin din ako. Napansin ‘kong isinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko bago ulit nagtama ang aming mga mata. Naalala ko ang sinabi ko kagabi, pero bakit tila pinaglalaruan ako ng tadhana? bakit laging nagkru-krus ang landas namin? Sabi ko pa sa sarili ko magmo-move-on na ako, tama kaya ang sinasabi ni Colleen na my words and actions don't match? Palihim ko ding isinuyod ang tingin kay Jeremy kasi naman hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa porma niya ngayon, ito ang gusto ‘kong pormahan niya. Hindi naka-suit o hindi naka-uniporme ng pang-kapitan kundi ang casual na panunuot niya. He was wearing a white t-shirt with his signature denim jacket matched with black semi-skinny jeans, and white Balenciaga pair of sneakers. And, he let his hair down. “Ang gwapo niya!” nagpakurap-kurap ako sa sinabi ng isip ko. “Ano na naman itong naiisip ko?! Magmo-move on na 'di'ba?” palihim na pagalit ko sa sarili bago pinilit na ngumiti. "Hi." I looked at him and put on my fake smile, na agad naman iyon napawi nang marinig ang pag-tsked niya, tinignan ko siya na para bang naiinis bago ako muling bumaling sa kapatid niya. "Alis na ako," nakangiting sambit ko habang kunyaring tumitingin sa wrist watch ko. "Gabi na kasi, mag-gro-grocery pa ako. Thank you pala kanina." dagdag ko. "Let's eat dinner together, Suzette." suhistyon niya, nagkatinginan kami ni Jeremy bago muli bumalik ang tingin ko sa kapatid niya. "I want too, but..." I bit my lower lip, hindi ko kasi matuloy ang sasabihin dahil nahihiya ako. She smiled at me. "Okay, then. Next time na lang," ngumiti ako at saka tumango, sinulyapan ko ng palihim si Jeremy, bago sana hahakbang at lumabas ng store na iyon kung hindi lang muli nagsalita ang kapatid niya. "By the way, I'm Lovely Marie, you can call me Love for short." nakangiting saad niya kasabay nang pag-angkla nito sa braso ni Jeremy. “Love?” Natigilan ako muna ako bago ngumiti para itago ang pagkagulat. "S-sige, Love, alis na ako." pagpapaalam ko saka nagmamadali nang lumabas ng store na iyon at dire-diretsong nagtungo sa supermarket nitong mall, hindi ko na nga tinapunan ng tingin si Jeremy. “Siya nga ang Love na tinatawag ni Jeremy? Kapatid niya pala ‘yun?” Dahil sa natuklasan ko bigla talaga akong nawala sa sarili, hindi ko naman kasi alam na magkapatid sila dahil ang pagkaka-alam ko walang kapatid si Jeremy. Kaya pala magkasing-kulay sila ng mata at may pagkakahawig sila. Ang tanga-tanga ko talaga, masama talaga ang gumawa agad ng konklusyon sa mga bagay-bagay na hindi tayo sure. Love ang pangalan niya, ‘yung Love pala na naka-registered sa cell phone ni Jeremy ay kapatid niya. Natigilan ako sa paglalakad. “Paano nagkaroon ng kapatid si Jeremy? Ano ba ang nangyari sa kaniya bago at matapos kaming maghiwalay? Kaya ba sinasabi niya sa'kin na hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya? Kailangan ‘kong malaman iyon at uumpisahan ko kay James, tatawagan ko siya, tama makikipagkita na ako sa kaniya.” Iginilid ko ang cart na hila-hila ko upang kuhanin sana ang telepono sa bag ko, nang may sumagi sa aking braso dahilan para mapa-angat ako ng tingin sa lalaking naka-itim, nagsipatakan ang mga dala niyang grocery items kaya instead na kuhanin ang telepono ko, lumapit ako sa kaniya para tulungan siyang damputin ang mga 'yon. "Salamat." nakayukong aniya habang tinatanggap ang dinampot ‘kong item na nahulog niya, hindi ko makita ang mukha niya, nakayuko talaga siya kaya hinayaan ko na. "Wala 'yun." iyon na lamang din ang nasambit ko. Nagtataka akong sinundan ng tingin ang lalaki nang nagmamadali iyong umalis at maya-maya pa bumaling na lang ulit sa cart ko, tatawagan ko pa sana si James kaso malalim na ang gabi kaya baka bukas na lang ako makipagkita. Nagugutom na din ako. At ayun nga, pinagpatuloy ko na lang ang pag-gro-grocery ng mga kailangan ko sa condo, kung dati sakto lang sa three months ang binibili ko ngayon doble-doble na at wala na akong trabaho, kailangan ‘kong mag-stock ng madaming grocery. Kumuha din ako ng madaming instant noodles at minsan nakakatamad magluto pero bumili ako ngayon ng steak para sa dinner ko. Maghapon na akong walang kain kaya malamang sa malamang mapapadami ako ng kain ngayon. Magda-dalawang oras din ang tinagal ko sa pamimili at hindi ko maiwasan na maglagay ng kung ano-ano sa cart ko na feeling ko ay magagamit ko naman. At ngayon naman dahil sa dami ‘kong nabili hirap na hirap tuloy akong inilagay ang mga grocery sa compartment ng sasakyan ko. Hingal na hingal ko iyon isinara at nagmamadaling pumasok ng kotse nang maramdaman na uulan. Pinihit ko ang susi ng sasakyan upang paandarin iyon nang hindi naman umaandar. Napapikit ako sa inis dahil kailangan ‘kong lumabas upang tignan kung ano ang problema. Pinagpapalo ko ang manibela ng sasakyan dahil umuulan na. Napaka-wrong timing talaga. "Bagong ayos ang buhok ko, gutom at pagod na... tapos mababasa pa ako." gusto ‘kong maiyak, hindi naman kasi pwedeng hintayin ko pang tumila bago iyon labasin baka sa kakahintay ay mamuti na ang mata ko sa gutom. Lahat pa naman ng pagkain nasa compartment. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at bumuga ng marahas na hininga bago binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Tinakbo ko agad at binuksan ang harapan ng kotse ko, napalayo pa ako dahil sumalubong agad sa'kin ang makapal na usok. Nababasa na ako pero nakuha ko pa rin mamewang at nakatulalang pinagmamasdan ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi ko alam ano ang gagalawin jan, hindi naman ako mekaniko. Napa-upo ako bigla sa inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi ko inalintana ang malakas na buhos ng ulan. "Paano ako uuwi? Hindi ko pwedeng iwanan ang sasakyan ko." napatungo na lang talaga ako sa frustrasyon, nakakaiyak dahil basa na ang buhok ko. "Damn! what are you doing?!" nagagalit na tinig ang narinig ko mula sa likuran at sa hindi mabilang na pagkakataon naramdaman ko na lang na may naglagay ng jacket sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD