"Kapag kulang sa tulog inaantok, kapag sobra naman sa tulog inaantok pa rin ang gulo mo miss senior, pota saan ba kita ilu-lugar? Eh, may iba na nga ‘yung gusto."
Pinanliitan ko si Colleen ng mata dahil sa huli niyang sinabi,"Sinasabi ko lang naman eh." nakasimangot na giit ko.
Nang makarating kami dito sa club, naghihimutok kasi ako na antok na antok ako, na dapat natulog na lang ako sa condo dahil hindi naman pala sisipot si James sa napag-usapan naming lugar kung saan kami magkikita ngayon.
May emergency daw, nakaka-inis lang kasi hindi niya man lang naisip na pagod ako ngayong araw.
Actually, pwede naman akong umuwi nang malaman ‘kong hindi si James makakapunta kaso lang nanghihinayang ako sa suot ‘kong damit kaya naman ay tinawagan ko si Colleen na mag-clubbing na lang ngayon, buti na lang at ready to go itong kaibigan ko kaya nandito kami ngayon sa isang kilalang club dito sa Bgc.
Magsasalita pa sana si Colleen nang lumapit ang staff sa amin at inilapag ang hard drinks at juice sa table namin saka tumango at umalis. Tinignan ko ang alak na inorder ni Colleen at ‘yung dalawang crystal glass na may ice.
Kanina pa kami dito pero ngayon lang kami nakapag-order dahil sa pagdadaldal naming dalawa na akala mo ay hindi nagkita ng matagal.
Nagsalin si Colleen ng alak sa dalawang baso at nakangising inabot ang para sa'kin. "Itagay mo na lang ‘yang nararamdaman mo." sabi pa naman.
Umiling ako. "Juice lang ako." pagtanggi ko sa alak saka kinuha ang juice na inorder ko.
"Himala at ayaw mo ng alak ngayon," may diin na sabi niya saka inilapag na lang ulit ang basong may alak sa mesa. Natawa ako, kasi alak talaga ang kasama ko sa t'wing may problema ako pero ngayon, tila bang nawalan ako ng ganang uminom. "So, kamusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Jeremy kagabi?" tanong niya habang sumisimsim.
Sa tagal namin dito ni Colleen, ngayon lang siya nagtanong about sa kung ano ang nangyari sa'min ni Jeremy kagabi. Napa-tsked ako. "Wala, as usual ayaw niyang mawasak ang pader na binuo niya." sumipsip ako mula sa straw ng juice at uminom.
Napakatanga ko kasi umasa pa rin ako, umasa ako na mamahalin niya ulit ako, umasa ako na may mag-iiba kapag ginawa ko ang mga bagay na 'yon. Umasa ako na ang tingin niya sa akin ay pwede pang mabago pero 'yon pala ay malabo.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" tanong ni Colleen na nakaputol sa pag-iisip ko.
"Sabi mo nga, mag-move-on at mag-let-go," sandali akong bumuntong hininga bago muli nagsalita. "At saka masaya na siya sa girlfriend niya, instead na isisiksik ko pa ang sarili ko sa kaniya, maging masaya na lang ako dahil natagpuan na niya ang babaeng nagpapasaya sa kaniya."
Lakas ng loob ‘kong sambitin ang mga katagang iyon pero sa loob-loob ko ay wasak na wasak ako lalo nang pumasok na naman sa isipan ko ang pagtawag sa’kin ni Jeremy ng Love sa t’wing ginagawa namin ang mga bagay iyon.
"Look!" napatingin ako kay Colleen, "What sir Jeremy doing with his girlfriend over there?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at awtomatikong nilingon ang direksyon kung saan nakaturo ang nguso niya.
"Where? Where are they?" natatarantang tanong ko sa kaniya nang hindi ko makita kung asan sila. Napatayo pa nga ako para hanapin sila. "Hey, where?" napabaling muli ako kay Colleen na ngayon mamatay na sa kakatawa.
"Yan ang sinasabi ko, magmo-move-on daw at magle-let-go tapos nang marinig lang ang pangalan ni sir Jeremy at ‘yung girlfriend niya, natataranta na." nakasimangot akong bumalik sa pagkaka-upo. "Alam mo miss senior, you're words and actions don't match."
"Kasalanan mo kasi," inungusan ko siya."Kung hindi ko sana sinunod ang sinabi mo na umamin, edi sana..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin kaya inirapan ko na lang siya.
"Edi sana ano?" hindi ako makasagot, nag-iwas lang ako ng tingin "Omg! Don't tell me."
Napabaling muli ako ng tingin kay Colleen na nanlaki ang mga mata niya habang sapo-sapo ang sariling bibig na nakatingin sa'kin. "That was a mistake, I got carried away." katwiran ko, ewan ko kung maniniwala siya.
"So, you're the one who make the first move?" nacu-curious na dumusog siya nang upo papalapit sa'kin. Tinignan ko siya at nahihiyang tumango, napansin ‘kong mas lumapad ang ngiti niya sa'kin na para bang mangha-mangha siya sa nalaman, ramdam na ramdam ko ang pang-iinit ng aking pisngi sa hiya. "Kaya pala." sabay sinuyod ang kabuuan ko.
Napakunot-noo ako. "Anong kaya pala?" hindi ko din tuloy maiwasan na magbaba ng tingin upang tignan ang sarili ko.
"Wala," tumawa na naman siya, inirapan ko ulit siya at lumayo ng upo. "Sana all diniligan." aniya.
Napatawa na lang ako, at napapailing kahit kailan talaga si Colleen, siya lang ata ang babaeng kaibigan ‘kong napaka-manyak ang bunganga.
Uminom na lang muli ako ng juice, ganun din siya. "Bakit hindi kapa ba nadidiligan?" pagbibiro ko din, kahit naiilang ako.
Umiling ang luka, "Wala ngang mangdidilig," natawa kami pareho sa sinagot niya, "Mamaya hahanap ako nang magdidilig sa cauliflower ‘kong nanunuyo na."
"Ang salaw mo talaga Colleen!" hindi ko talaga maiwasan na mahampas siya sa braso niya dahil sa kakatawa.
"Yan tayo eh! Pinapatawa na nga manghahampas pa." dagdag niya pa ulit kaya mas natawa ako at nahampas ko na naman siya sa braso niya.
Maya-maya pa, napapaindak na kami sa beat ng music, nagsisigawan na din kasi ang mga tao na nandun habang sumasayaw sa gitna ng dance floor nitong club.
Nag-uumpisa ng malasing si Colleen, siya lang naman ang umiinom sa alak na inorder namin kaya naman para masabayan siya inilapag ko ang basong may laman na juice at binalingan ang basong may alak.
"Sabayan na nga kita para hindi ka lugi!" sigaw ko kay Colleen upang marinig niya ako.
Tumango si Colleen kaya naman ako sunod-sunod ang pagsalin at pag-inom ng alak upang maabutan ko ang tama niya. Mas lalong sumasaya sa loob nitong club, kaya mas nag-eenjoy kaming dalawa.
Ilang sandali pa dahil nga hindi kami magkarinigan ni Colleen lumapit siya sa tenga ko."Ubusin lang natin 'to tapos sayaw tayo sa gitna," suwistyon niya na agad ko naman sinang-ayunan. "Let's have fun and some make out!" sigaw niya habang itinaas ang basong may alak, nakatawang ginaya ko siya lumapit siya sa'kin at niyakap ako na ikinagulat ko. "If someone doesn't choose you, then don't feel bad because people often reject expensive things. And so are you, miss senior! so are we!" napatingin ako kay Colleen, nginitian niya lang ako. "Cheers para sa taong hindi makita ang ating halaga! Tang-ina niyong lahat sinasayang niyo mga cauliflower namin!" sigaw niya.
Natawa na naman ako dahil sa narinig ko na naman ang clitoria flower at ilang sandali habang mamatay na ako sa kakatawa, ginaya ko si Collen na inilagay ang baso sa ere upang maki-cheers, "Tama! cauliflower naming sayang!" sabi ko na nagpatawa sa’ming dalawa ni Colleen.
At 'yun nga nang maubos namin ang alak na inorder, dumiretso kami sa gitna ng dance floor nitong club at nakipagsayaw na din. Medyo nagkakatama na ako dahil feeling ko mas marami pa ata akong nainom kaysa Colleen, kaya minsan ayaw ‘kong naiimpluwensyahan ng alak at kapag naka-inom ako ay sunod-sunod na.
Wala na kaming pakialam ni Colleen kung sino ang nakakasayaw namin at habang pawis na pawis at hingal na hingal na kaming sumasayaw sa dance floor may lumapit sa aming dalawang lalaki.
Natigilan ako sa lalaking lumapit sa'kin dahil napakapamilyar niya, hindi ko lang mawari kung saan ko siya nakita. Weakness ko talaga ang umalala sa names at sa lugar.
"Hi, Suzette." bati niya sa'kin pagkalapit.
Umiindak naman akong ngumiti sa kaniya. "Have we met before?" I asked, kaso mukhang hindi niya narinig kaya naman nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. "Have we met before?!" halos pasigaw na tanong ko ulit.
Tumango siya. "Yes, sa training, Dexter, remember?" napa-oh ako, oo siya nga, magka-team kami nun naalala ko sa isang training na dinaluhan ko bago ako sumampa ng barko.
"Dex!" magiliw na bati ko sa kaniya, "Kamusta na?" tanong ko, pero sumenyas siyang hindi niya marinig kaya naman para makapag-usap kami hinatak niya ako sa may bar counter. Tinignan ko muna si Colleen mukhang nag-e-enjoy naman sa pakikipagsayaw sa kasama ni Dexter kaya bumaling na lang muli ako kay Dexter nang inaabot sa'kin ang alak na inorder. "Thank you." nakangiting sabi ko at saka uminom.
"How are you, Suzette?" tanong niya.
"I don't know, " I shrugged, "You tell me. How am I right now?" nakangiti sagot ko.
Tinitigan niya ako. "Still nice and sexy," unti-unti niyang hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong hinawi na nagpangisi sa kaniya. "S-sorry, may magagalit ba?" nahihiyang saad niya.
“Wala.” Bulong ko sa isip.
Ngumiti ako habang umiiling pagkatapos itinungga ko ang basong may alak saka hinawakan siya sa pulsuhan upang hilain papunta muli kila Colleen na masayang sumasayaw.
“Sorry, Dex, wala akong time para sa seryosong usapan ngayon.”
Habang lumalalim ang gabi, lalong nagiging masaya at maingay, mas lalong nalulunod ang club dahil sa dami ng mga nagsisisulputan na tao. Sayaw lang kami ng sayaw ni Colleen pati si Dexter at kaibigan nito hanggang sa nagkayayaan na bumalik sa table namin.
Pagkarating namin sa table namin kanina, lumapit agad sa'min ang staff para hingin ang order namin. Ayun, inorder namin ay isang boteng Jack Daniel, ito ay whiskey kaya medyo mahina ako jan pero dahil 'yun ang gusto ng mga kasamahan ko wala akong choice kundi inumin iyon.
Maya-maya pa nagsalita si Dexter."By the way, girls, meet my friend, Joseph." pagpapakilala niya sa kaibigan niya, syempre dahil haliparot si Colleen agad siyang nakipag-shake hands.
"I'm Colleen, nice to meet you, Joseph." malanding pagkakasabi niya.
Palihim akong napangiwi, bago nagpakilala na din. "I'm Suzette, nice to meet you, Joseph." nakangiting bati ko sa kaniya.
"Nice to meet you, too, by the way bakit magkakilala kayo ni Dexter?" biglang tanong niya.
"Oo nga, Miss Senior?" singit din ni Colleen.
Nagkatinginan kami ni Dexter at napangiti sa isa't-isa. Sasagutin ko sana ‘yung tanong niya nang maunahan ako ni Dexter."Nagkakilala kami nung nagtra-training kami sa PTC."
Sabay ang dalawang tumango bago nagsalin muli ng alak at uminom. Nginitian ko lang sila bago napatingin kay Dexter na panay tingin sa'kin. Minsan nakakailang din ang may nakatingin sa'yo.
Ilang sandali pa, nagsalita muli si Joseph. "So, how's the life being a cabin crew," he asked
Nagkatinginan kami ni Colleen at napatawa, kung ikwe-kwento namin isa-isa kung ano ang buhay namin bilang cabin crew sa barko baka kulang ang isang araw para matapos namin iyon ikwento.
Nagsalita si Colleen."Nakakapagod pero masaya, siguro naman ay walang trabahong hindi nakakapagod," aniya bago nilagok ang alak sa basong hawak. "Kayo?" nagpalipat-lipat siya ng tingin kay Joseph at Dexter. "How's life working as a flight attendant?"
"Good enough." sagot naman agad ni Dexter.
“So, this is how it goes.” Bulong ko sa sarili nang mapansing may sariling mundo na sil Colleen at Joseph samantala kami ni Dexter tahimik lang na pinagmamasdan sila.
Nagbaba lang ako ng tingin sa baso ko nang sinalinan iyon ni Dexter. "Are you okay?" he asked nang masalinan iyon, kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya.
I nodded. "Yes, I'm fine, thanks," pagkatapos ay ininom ang alak, sinalinan ko ulit iyon at ininom ulit bago naisip na pumuntang banyo, "Banyo lang ako." Paalam ko sa kaniya, akma na tatayo na ako sa pagkakaupo nang magsalita siya kaya napasulyap muli ako sa kaniya.
"Gusto mong samahan kita?"
Napatawa ako at saka umiling-iling. "Ano ka ba? Wag na, hindi naman ako lasing." giit ko.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Dexter, kinuha ko ang black pouch ko at saka tumayo at naglakad papuntang banyo.
Sa totoo lang talaga, madyo tipsy na ako pero kaya pa naman habang naglalakad ako pa banyo, madami akong nakikitang mga bagay na pang-club lang talaga pwede at sa tagal ko ng pumupunta dito ay parang normal na lang 'yun sa'kin.
Kasi kung siguro may boyfriend ako at nasa ganito kaming lugar baka ganun din ata ang gawin ko. Kaso single ako kaya, sayaw-sayaw na lang.
I was going to enter the restroom when I was stunned by the sense that someone was following me. I didn't look, I pretended to be looking for something in the pouch as I tried to figure out who it was pero sa ilang saglit nagugulat akong napagilid sa tabi nang may lasing babaeng nagmamadaling pumasok ng banyo.
Napahawak ako sa aking dibdib, “Jusko, akala ko kung sino,” nagpailing-iling ako, “Baka epekto lang ata ng alak.” pakikipag-usap ko sa sarili saka tuluyan nang pumasok ng banyo.
Naririnig ko ang pagsuka nung babae sa may dulong cubicle, napapalunok ako kaya bago pa man ako masuka ay humarap na ako sa salamin upang tignan ang aking sarili. "Oh my gosh!" hindi ako makapaniwala sa itsura ko. "I’m wasted."
Yung kaninang may make-up at lipstick na nakalagay sa mukha ko, ngayon ay nabura na dahil sa pawis sa pagsasayaw kanina. Kaya naman, para maging feeling fresh ulit ako, naghilamos ako, and good thing at may dala akong disposable handkerchief para pamunas sa mukha ko at pagkatapos ay kinuha ko sa pouch ang panali ng buhok at tinaliaan ko ang buhok ko, syempre binigay ko pa rin iyon sa outfit ko.
I'm wearing a red dress that shows every curve of my body and my back. I wore a gold double necklace, bangles, and a little, dangling earring that matched the color of my outfit. Of course, it's paired with black three-strappy shoes. And what I will never forget is my Gucci black pouch which fits my cell phone, mini wallet, and mini make-up set.
I'm not rich, but I prefer purchasing branded items because of the quality of the materials used. Gusto ko kasi 'yung pangmatagalan, kaso 'yun lang hindi kami nagtagal. And, of course, I put in a lot of effort to be able to afford it, I worked hard to save money.
Matapos ‘kong mag-ayos ng aking sarili, ibinalik ko na sa pouch ko ang ginamit ‘kong lipstick at suklay. Pagkatapos tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago sana lumabas ng banyo nang maramdaman ang pag vibrate ang cell phone ko.
Naiinis ako kay James dahil drawing sa usapan namin kaya I put my phone into silent mode dahil ayaw ‘kong madistorbo kung sakaling tumawag siya. Tamad ‘kong kinuha ang cell phone ko sa pouch at tinignan kung sino iyon.
Unknown number...
300 missed calls
My brows creased, "Sino 'to?" kaya naman ni-unlocked ko ang cell phone ko upang matawagan ko kung sino iyon at baka emergency ‘kila mama, kaya ganun na lang kadami ang tawag. Akma na pipindutin ko na yung call, nang mag-ring ang cell phone ko na agad ko naman iyon sinagot.
"Hello, who's this?"
"I've been calling you-" agad ‘kong pinatay ang tawag nang mapagtanto ‘kong sino iyon.
“Jeremy... saan niya nakuha ang number ko? Sa resume ko? o hanggang ngayon memorize niya pa rin ang number ko?” nagpailing-iling ako para tanggalin sa isipan ko ang huling naisip. Nag-vibrate ulit iyon, pinagkatitigan ko ang screen ng cell phone ko, tinitimbang ko kung sasagutin ko ulit o hindi pero sa huli pinatay ko iyon at saka inilagay muli sa pouch.
“Hindi niya na ako matutupok muli!” may paninindigan na sabi ko kasabay nang paglabas ng banyo upang bumalik sa table namin.
"What took you so long?" tanong ni Dexter nang makabalik ako.
"Sorry, madaming tao, eh," katwiran ko bago bumaling sa baso ko kanina at uminom muli.
“Bakit kaya siya tumatawag? Paanong nangyari iyon na hanggang ngayon alam niya ang number ko?” napa-tsked, “Syempre, Suzette, alam niya at boss mo siya. Tanga, assuming ka masyado.” Sumagot ang sarili ‘kong konsensya sa tanong.
Napatingin ako kay Dexter nang bahaya niya akong siniko. "Okay ka lang?" tanong niya, napansin ata niya na naging tahimik ako.
Tumango ako. "Oo naman," pagsisinungaling ko at sabay baling na lang kay Colleen at Joseph nang marinig ang tawanan nilang dalawa, "Hello, may kasama ho kayo dito." Kuha ko sa atensyon ng dalawa.
Napatingin silang pareho sa gawi namin."Ayy! nandyan pala kayo?" nakakalukong sabi ni Colleen sa'min.
Sinipatan ko siya ng masama. "Ayy, hindi, picture lang kami dito." sarkastikong tugon ko na nakapagtawa sa kasama namin dito.
"Laro tayo," deklara ni Colleen, napansin ko mga ilang shot na lang si Colleen babagsak na. "Never have I ever challenge," nae-excite na sabi niya, "Ang mechanics, magsasabi tayo ng something at kung sakali ‘yung something na iyon ay hindi mo pa o natin nagagawa, hindi tayo mag-sho-shot pero kung 'yung something na iyon ay nagawa mo na or natin, sad to say mag-sho-shot ka or tayo, pwede naman mag-explain kung bakit, basta depende sa'yo." Pagpapaliwanag niya agad kahit hindi pa naman niya sure kung pumapayag kami.
Medyo nag-aalangan din ako sa laro na ito, at kilala ko si Colleen alam ko lang mga tanong nito. Subalit ayaw ko naman masabihan na kj kaya makiki-join ako at saka siguro naman open-minded itong mga kasama ko.
"Call!" Joseph snaps his finger. "Ako mauna." sinalinan niya muna isa-isa ang mga baso namin bago mag-umpisang magtanong. "Never have I ever kissing with someone within an hour of meeting them."
Kinuha nila ng sabay ang baso at nilagok ito, pagkatapos agad na sinalinan, napansin ‘kong nakatingin silang tatlo sa'kin. Nagtataka din akong tinignan sila habang nagbaba ng tingin sa basong hindi ko man lang ginalaw.
"Don't tell me?" tanong ko sa kanila, na sabay-sabay naman silang nagsitanguan. "Okay," I shrugged, “okay out of place ata ako dito, mukhang madami silang experience kaysa sa'kin.” "Ako naman ang magtatanong," presenta ko. "Never have I ever not washed a piece of clothing because of someone else scent."
"Ew, that's gross." nandidiri na tinig ni Colleen.
Kinuha ko ang basong may alak at ininom iyon, sa'ming apat bukod tanging ako lang ang uminom, pinagmamasdan lang nila ako. Hindi ako magsisinungaling, nang maghiwalay kami ni Jeremy, ilang buwan ko din hindi nilabhan ang kaniyang t-shirt, katabi ko iyon matulog habang amoy-amoy ‘yung damit na iyon, nakakatawa pa at hanggang ngayon nasa condo ko iyon.
"Why did you do that?" Dexter asked.
Napabuntong-hininga ako. "Dahil siguro nasanay ako na nasa tabi ko siya, at nang dumating ‘yung point na he is no longer with me, hinahanap-hanap ko ang amoy niya dahil sa pagka-miss ko sa kaniya." mapait akong napangiti sa kanila saka sinalinan ang aking baso.
"Okay, my turn." Ani Colleen agad para lang hindi masira ‘yung masaya naming laro. "Never have I ever had a one-night stand and had done it while in the shower."
Napalunok ako ng palihim sa tanong ni Colleen, gusto ‘kong sabihin na itigil na ang laro, nakakainis nakakahiya pero bahala na. Kaya naman, kinuha ko ang baso at inilagok ko muli iyon.
Narinig ‘kong napa-oh sila sa'kin. "You're freaking incredible!" Joseph utter beyond belief.
Umiling ako. "Don't get so amused," sambit ko. "I just got carried out with my emotions, that's why it happens." bigla na naman akong nalungkot sa sinabi ko, napasulyap lang ako kay Dexter nang tinapik niya ang balikat ko.
"It's okay, everything happens for a reason. We won't judge you anyway." nginitian ko siya.
"We always say everything happens for reason just to cover up everything." singit ni Joseph sa sinabi ni Dexter.
"I agree with that, Joseph," napatingin ako kay Colleen nang sumabat na din siya, "Because before, I always thought that everything happens for a reason, na lahat ng nangyayari sa atin ay may rason kung bakit natin nararanasan ang mga bagay-bagay, but as time goes by I found out that sometimes reasons are not enough to explain why everything happened." natigilan ako sa sinabi nila. "So, Dexter, it's your turn na." baling ni Colleen kay Dex.
Nakangiting tumango si Dexter at nagtanong na. "Never have I ever cheated on someone." this time, walang may uminom ng alak.
“So, it means... walang cheater sa aming apat.”
Pinagpatuloy namin ang nakakalukang laro na ito at sa pagpapatuloy na iyon mas dumadami ang shot nila kaysa sa'kin. Imagine apat kaming umiinom pero tilang parang tubig lang na naubos namin 'yun, ganun talaga ata kapag madami at exciting ang pinag-uusapan.
Kung tutuusin, hindi naman masarap ang alak, hindi rin porket na laging umiinom ay tatawagin ng drunkard, hindi naman lagi ‘yung lasa ng alak ang hinahanap lagi, kundi ‘yung pagkakaibigan na ku-kumpleto, ‘yung problemang nakakalimutan ng panandalian, ‘yung samahan na tumitibay at pangarap na nabubuo sa bawat tagal ng inuman.
Napatingin ako kay Dexter nang sumenyas siya sa staff na isa pang bote pero agad ko na iyon pinigilan, bukod sa madami na kaming nainom ni Colleen kanina, wala ni kahit isa sa'min ang may dalang kotse. "That's enough, Dex." sambit ko.
Mapungay ang mga mata niya na tumingin sa'kin dahil sa tama ng alak. “Inaamin ko ang gwapo ni Dexter.” "All right, so, we're leaving?" he asked.
Tumango agad ako dahil kitang-kita ko na sobrang lasing na si Colleen, medyo nagiging touchy na siya kay Joseph.
Nilapitan ko si Colleen at kinuha ko ang ulo niya na nakasandal sa dibdib ni Joseph. "Yes, we're leaving." sinulyapan ko si Dexter bago bumaling ulit kay Colleen.
"Okay, we'll take you home." alok niya sa'min na agad na sinang-ayunan iyon ni Joseph.
Umiling ako. "No...no, it's fine, mag-gra-grab na lang kami." pagtanggi ko sa alok nila. Nakakahiya kasi syempre, hindi naman talaga namin sila kasama nung magpunta kami dito tapos magpapahatid pa kami.
Ngumiti si Dexter at saka lumapit kay Colleen at marahan na inangkla ang braso nito sa leeg niya upang tulungan ako, he look at me. "We insist, it's not safe to travel lalo na't mga babae kayo." dagdag niya.
“Ang sweet naman nitong lalaking ito.” hindi ko maiwasan na maibulong iyon sa aking sarili.
"Kaya nga." sabat ni Joseph na ngayon ay inaangkla na din niya ang isang braso ni Colleen sa leeg niya.
"Okay, then." Napipilitan na pagsang-ayon ko sa alok nila
At maya-maya nagsitanguan sila at inalalayan si Colleen palabas na nang club, nakasunod lang ako sa kanila habang bitbit ang sling bag ni Colleen. Gusto ‘kong paluin si Colleen dahil sa paglalasing niya, nakakainis lagi na lang ganito.
Nang makarating kaming apat sa parking lot, napansin ‘kong binitawan na ni Dexter si Colleen upang lapitan ako at para ituro kung saan ang sasakyan niya. Pero instead na sumunod ako sa kaniya, linapitan ko si Colleen at inagaw ko siya kay Joseph.
"I'll be the one who takes her home, thank you," I said.
Hindi naman ibig sabihin na wala akong tiwala kay Joseph, pero syempre ngayon lang namin siya nakilala at saka ayaw ko naman ipasa ang obligasyon ko bilang kaibigan sa kaniya sa rason na sabay kaming pumunta dito ni Colleen, kaya sabay din kaming uuwi.
Napansin ‘kong napatingin si Joseph kay Dexter, "So, Bro, mauna na ako," parang may paghihinayang na tinig niya, tinanguan siya ni Dexter at laking pasasalamat ko na hindi siya nagpumilit pa. "See you again, Suzette!" pagpaalam niya bago sumakay ng kotse, tumango lang ako dahil medyo nahihirapan ako kay Colleen.
Nang makaalis si Joseph, nagmamadaling binuksan ni Dexter ang pintuan sa likod ng kotse niya at tinulungan akong ipinasok si Colleen na wala ng malay.
“Bukas lang talaga 'to.” Inayos ko muna si Colleen bago isinara ang pinto at sumakay sa front seat, gayundin si Dexter na agad naman ipinaandar ang sasakyan niya at humarurot patungo sa bahay ni Colleen.
Dahil madaling araw na, wala ng trapik mas napabilis ang byahe namin papunta sa bahay ni Colleen. Medyo natagalan pa kami doon ni Dexter dahil nang mailagay namin si Colleen sa kwarto niya, nakipag-usap pa ang Mommy niya sa'kin.
Nahihiya nga ako kay Dexter at out of place sa pinag-uusapan namin ni Tita. At ngayon, nasa parking lot na kami sa labas ng condo ko. Hindi ko na pinapasok pa ang sasakyan niya sa loob ng garage para hindi na siya mahirapan lumabas at saka sa lobby naman ako papasok.
Sumulyap ako kay Dexter. "Thank you, Dex, at pasensya na sa abala." nahihiyang sambit ko.
"It's fine, nag-enjoy akong kasama kayo." Magiliw na aniya.
"Me too, nag-enjoy din ako," nakangiting sabi ko bago ikinalas ang seatbelt. "Labas na ako, Dex, para maka-uwi kana." binuksan ng ang puntuan ng kotse at bumababa at bago pa man ako makahakbang narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Dexter mula sa loob ng sasakyan kaya nilingon ko iyon. "Yes?"
"You're free tomorrow?" he asked.
"Not sure, why?" plano ko kasing mag-grocery bukas at magpaayos ng buhok.
"Let's go out for dinner sometime soon." aniya.
Ngumiti ako kasabay ng pagtango. "Sure, why not... just chat me if when, basta wag lang bukas." tugon ko.
Tumango siya habang tumatawa. "Sige... chat na lang kita, pasok ka na it's already late." sabi niya kaya tumango-tango ako at nagthumbs-up.
I entered the lobby and entered the elevator, where I pressed the button to my room's floor, and after a minute, the elevator door opened, and my eyes widened to see who was outside of it.
“Jeremy...” I muttered, he looked so tired but at the same time, he looked scary.
As soon our eyes met, agad ‘kong ipinindot ang close button ng elevator. Akala ko magwawagi ako na makatakas sa kaniya ngunit nagkamali ako dahil agad nitong hinarang ang braso niya upang hindi iyon magsara ng tuluyan.
Tiningnan ko siya ng masama at hindi pinansin na lumabas na lang ng elevator, sumunod siya sa'kin, mukhang galit ako pero abot-abot ang kaba ko.
“P-pero ano kaya ang ginagawa nito dito?”
"Where have you been? Who is that f*****g guy? I've been calling you?!" he kept asking me questions, I didn't answer him I just kept walking, so did he. "Are you really f*****g going to dumb me?" this time nahuli niya ang pulsuhan ko at padarag na iniharap sa kaniya.
"Bitawan mo nga ako!" inagaw ko sa kaniya ang pulsuhan ko, at tinalikuran muli upang maglakad patungo sa room ko, sunod pa rin siya nang sunod sa'kin kaya napabuntong-hininga muna ako bago muli siyang harapin. "I thought we were done?!" I said trying to have a serious tone, "Why did you come all the way here? Remember you pushed me away and now you're f*****g asking where I went?! Gago ka ba?!"
Napapikit siya sa sinabi ko, I know how he tired he was today kitang-kita ko sa kaniyang itsura, actually kahit noong nasa barko pa kami lagi naman siyang pagod. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya at kung tutuusin madami naman siyang tauhan, at saka anong pake ko, hindi ko naman siya boyfriend para mag-alala pa.
“Tsk, over my dead body, hindi na ako bibigay sa kaniya.” After the long stares, nagsalita muli si Jeremy.
"I'm asking because I'm f*****g worried, I've been calling you because I'm worried na baka napaano ka na." he said, after the long deadly stares.
Napalitan ng pagtataka ang kanina ‘kong galit na ekspresyon na mukha, hindi ko kasi inaakala na hindi niya ako pinatulan ngayon. “What's with him?” umayos ako nang pagkakatayo at pinagkrus ang braso habang nakatingin sa kaniya.
Ngumisi ako. "You're worried why?" naalala ko na naman tuloy ang sinabi niya sa'kin sa barko. "I can handle myself, I'm not a kid anymore, at saka wala naman mangyayari sa'kin," hindi siya umiimik kaya naman kinuha ko ang susi ko nang hindi bumibitiw ng tingin sa kaniya, maya-maya pa, tinalikuran ko siya upang buksan ang pintuan, at bago pa man ako makapasok bumuntong-hininga ako bago nagsalita muli, "Thank for your concern, I really appreciate it," napakagat ako sa ibabang-parte ng labi ko. "But from now on let's not cross paths ever again." pagkasabi ko niyon tinalikuran ko na siya dahil sabay-sabay na nagsituluan ang mga luha ko.
“Good job, self.”
At ngayon, napagtanto ko na tama ang mga sinabi nila Joseph at Colleen kanina na we always say everything happens for reason just to cover up everything.
At tama nga 'yun because we only fight for the things that really matter dahil inaakala lang natin na reason iyon kaya iyon ay nangyari but the truth is, it was just an excuse. Excuse escaping the pain, excuse from those feelings we haven't said, and the excuse to accept the fact that you aren't together anymore.
Itutuloy...