CHAPTER 7 PART 1

4162 Words
"Pakilagay nalang doon sa may medyo gilid ng mesa. Salamat." Utos ko kay Kelly ng itinanong niya kung saan ilalagay ang mga bulaklak. Two days had passed since Jeremy and I been working together. Pero syempre sa dalawang araw na 'yon hindi kami masyadong nagkikita, naging busy ako dito sa lido area, pumupunta lang ako sa stateroom kapag nag-iinspect ng mga kwarto at pinapatawag niya. After all, he is the one who navigates this cruise so he spends all his time on the bridge and I am very grateful. Because of those two days that have passed, not a single attendant has come out of his room without crying out of fear and nervousness. Even Colleen whom I knew was brave did not survive. She also begged me to replace her several times, even if I wanted to, I couldn't because apart from the fact that I know Colleen can stand Jeremy's harsh and nasty attitude. "Okay na po, miss senior." sambit ni Kelly pagkalagay sa mga bulalak sa pwestong inutos ko sa kaniya. My team and I are busy here in the lido area because someone is celebrating a birthday today. She is one of our wealthy guests here on the ship. I just nod at her and then I continue what I am doing, so does Kelly. Sa dami 'kong ginagawa hindi ko namalayan na maghahapon na, gustuhin ko man mag-lunch at magpahinga pero hindi ko iyon magagawa dahil gusto kong masiguradong maayos ang lahat at walang magiging palpak sa Hawaiian party na ni-request ng guest namin. Habang nag-aayos ako sa iba pang designs na ilalagay sa buffet table, tinawag naman ako ni Larry mula sa bar counter. "Miss Senior!" anito at sumenyas na phone call kaya tumango ako at saka naglakad papalapit kung saan ang telepono. "Miss Senior!" Umiiyak na bungad ni Colleen sa'kin, hindi ko alam kung bakit sa halip na maawa ako napangiti ako para kasing batang nagsusumbong. Tumikhim muna ako bago sagutin siya. "May problem ba?" tanong ko pagkasagot. Nakakatawa na nakakaawa din naman dahil ilang araw na din siyang stress sa pwesto niya pero wala akong choice kasi wala na naman akong maipapalit na ibang attendant bukod sa kaniya. "N-napagalitan na naman ako." "Ha? Bakit? Ano ba nagawa mo?" nag-aalalang tanong ko muli sa kaniya, "badtrip talagang 'tong Jeremy na ito!" "Wala naman, eh, bigla na lang siyang sumigaw at pinalabas ako." akma na magsasalita ulit ako nang marinig ko sa kabilang-linya ang malamig na boses ni Jeremy. "Tell your miss senior to come over." Malamig na aniya. Halos magsugatan ang ibabang-parte ng labi ko sa kakakagat ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. "Kahit kailan talagang lalaking ito, ubod ng sungit, sinusubukan niya talaga ako...kung pwede lang talaga hindi siya bigyan ng attendant hindi na ako mag-aasign." "Miss Senior! Rinig mo, boses palang ni Sir Jeremy nakakatakot na." umiyak lalo si Colleen. "Pinapapunta ka po dito ni Sir Jeremy." I heard Colleen's sobs. "Okay sige. Papunta na." sagot ko bago ko ibinaba ang tawag. Nasapo ko ang ulo ko sa stress. "Nakikisabay talaga si Jeremy ngayon itong madami kaming ginagawa dito. May attendant naman doon. Ano kaya problema niya bakit panay paiyak ng attendant?" hindi ko tuloy maiwasan maitanong iyon sa aking sarili. Napasulyap lang ako kay Larry nang magsalita ito. "Si sir Jeremy na naman ano?" nakangiting tanong niya habang nag-mi-mix ng cocktail drink. "May pinaiyak na naman." Tumango at nginitian siya. "Ikaw na muna dito Larry ha, asikasuhin ko lang ang maarte nating boss," bilin ko sa kaniya, natawa siya saka tumango, "Balika gad ako." pagpapaalam ko sa kaniya. Nag thumbs-up lang si Larry kaya naman ay nagmamdali na akong lumisan sa lido area para mapuntahan ang maarteng lalaki na 'yon. I took a deep breath before knocking on his door, not sure what mood he would be in today. "Who is it?" he snapped giving me my answer. "Suzette," I replied. "Come in." he sighed as if he was uninterested. I slowly made a way into his mini living room, kung ilalarawan ang kwarto ni Jeremy, ito ay white at gray ang kulay at ito ay napakalawak. Pagkapasok mo bubungad sa'yo ang whole glass window na kung saan makikita mo agad ang malawak na karagatan. May sariling kusina ito, may sariling sala, at may sariling kwarto. Kung baga room within a room ang kwartong ito. Subalit hindi ito ang design ng mga kwarto sa Q area ito lang ang bukod natatangi, kumbaga exclusive lang ito sa para sa kaniya. Inilibot ko ang kabuuan ng kwarto niya malinis naman pero "bakit niya pa rin pinagalitan si Colleen?" I looked at him as I was about to enter the room, he had his back to me. He was standing while staring out of the window into the wide blue ocean. I made my way over to him. My heels clicking against the floor making him turn around. He looked like he had a rough day. However, his superb looks remained unchanged. He was wearing a printed floral polo with his two buttons open, matching with white cotton pants. Even his hair was messy and without gel. His natural brown comb-over hair was done nicely. "He is invited? Kung sabagay bakit hindi 'di'ba?" Mayaman para sa mayaman ang party na gaganapin mamaya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis-alis ang tingin ko kay Jeremy. Ang hot niya sa suot niya and this is the first time na makita kasi na hinayaan niyang nakababa ang buhok. "Bakit pinagnanasaan ko siya? Of course not, naninibago lang ako." Pakikipag-usap ko sa aking sarili. "Ha?" gulat na sambit ko habang nagpakurap-kurap. "Titig pa more." Hindi ako assumera pero napansin ko na parang may sumilay na multong ngiti mula kay Jeremy, kaya napatikhim ako at umayos ng pagkakatayo bago muli magsalita. tanong ko na lang na para bang hindi ko narinig ang sinabi niya. "You know, same s**t different day," he answered while walking towards the couch, he was staring at me after a couple of seconds before he spoke again. "Dalmore scotch whiskey will do." he added. I secretly rolled my eyes. "Jusko naman, whisky lang naman pala ang kailangan niya bakit ako pa ang pinatawag?" sabi ko sa isip ko. "Sure thing, sir." I put on my fake smile and went to walk away to get his whiskey and a glass of ice. I slowly put it on his table and then pouring the drink into his glass, I knew he was looking at me but I ignored it. This is awkward, really awkward because after that I pour a drink into his glass. There is silence between the two of us. For a while, I secretly took a deep breath to get the courage to speak, because I can't stand here the whole time and while he just stares at me. "May kailangan pa po ba kayo, sir, bukod sa whisky?" pagtatanong ko dahil naiilang na ako sa pagkakatitig niya sa'kin. Pakiramdam ko kasi para ako ang pinakamakasalanan na tao sa buong mundo dahil sa pagkakatitig niya. Hindi siya umiimik kaya wala akong choice kundi tignan siya sa kaniyang mga mata. "Kung wala na po kayong ibang kailangan, aalis na po ako, you can call your attendant if you need anything." aasta na sana akong tatalikod nang marinig ko ang pag-ngisi niya at ilang sandali pa ay nagsalita siya. "Take a seat." I turned to him again. "What he was thinking?" I asked myself. I shook my head, "We are not allowed, sir." Pinipilit 'kong pakalmahin ang sarili dahil sa inis na nararamdaman ko dahil sa pinaggagawa niya alam naman niyang madami kaming ginagawa ngayon. "And why? Nasa protocol ba din yan?" malamig na sabi niya. Napakagat ako sa ibabang-parte ng aking labi gracious goodness, may-ari ng barko pero hindi alam ang protocol dito. Kung sabagay sa pagkakakilala ko kay Jeremy wala naman talaga siyang pakialam sa mga bagay-bagay. Naging observant lang siya at naging concern lang siya noon sa mga nasa paligid niya dahil sa'kin. Nakakalungkot lang na nawala 'yon dahil sinaktan ko siya. I nodded. "Yes, sir, fraternization with passengers is strictly forbidden." He looked at me with intimidating eyes and smirked as if he didn't agree with what I've said. "I'm not just a passenger here, MISS SENIOR" I hate the fact that he calls me in that way. I would probably appreciate it if he can call me by my name, he stood up and walks towards me while his hand is in his pocket. His blue eyes met my hazel eyes. "I'm the owner of this ship, Miss Senior." at this point he walks super close to me like so close that makes me walk backward hanggang sa napasandal ako sa isang pader, napapalunok na lang ako sa sobrang close namin sa isa't-isa, naamoy ko na ang pinaghalong amoy ng perfume niya at alak. Jeremy smirked recklessly. This is the first time Jeremy has approached me so closely. My knees were trembling and, I was nervous about what he could do to me. The way he looks at me, it's so cold that makes my whole body trembles because he's like a wild beast ready to attack at any moment. I can't move but I tried my best to talk. "Y-you've changed," I said in a whisper. He was seething with rage. He was scary while staring at me and after a couple of second lumayo na siya sa'kin, kaya nakahinga ako ng maluwag. That was intense. "K-kung wala na po kayong kailangan aalis na po talaga ako." pagkasabi ko niyon tumalikod na ako at akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang nanaman siyang magsalita. "Since I've known you, I've changed, and you've turned me into someone I couldn't have imagined," Natigilan ako at saka awtomatikong nilingon siya. Tinignan ko siya, punong-puno siya nang galit at lungkot habang nakatitig sa'kin. "You can look at me as much as you like, but you'll never get to know me! Never again " he said amid hate. "Since you've last seen me, eight years ago?" he smirked "I've changed a hundred times!" he yelled at me. I stuttered as I stared on the floor while burst into tears "I'm sorry for hurting you." I look up to see his face, letting my tears burst forth like water from a dam, spilling down my face. "I'm sorry I made you like that." He smirked, "I hate you, and I'll never get close enough for you to hurt me again, I'vealready learned my lesson, Miss Zarah." pagkasabi ni Jeremy niyon tinalikuran na niya ako. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto niya at naglalakad sa hallway dahil natatakot ako na makita ng aking mga katrabaho na ganito ang itsura ko ngayon, mugto ang mata. Habang naglalakad ako sa hallway, may tumawag sa akin at alam 'kong si Colleen iyon pero hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating ako dito sa kwarto namin. Pagkapasok na pagkapasok ko, doon na ako humagulgol ng iyak. Hagulgol na walang boses at baka may makarinig sa'kin dito. Nasasaktan ako sobrang nasasaktan ako. Mula sa pakikitungo ni Jeremy sa akin hanggang sa mga binitawan niyang salita. "Parang kasalanan 'kong lahat bakit siya nagkaganyan." Hindi ko aakalain na sa walong taong sakit na naramdaman ko sa paghihilaway namin ay mas doble pa pala sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naalala ko tuloy, walong taon nakalilipas, kung paano ko hinanap kinabukasan si Jeremy. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko noong gabi na iyon, bagama't hindi ko pa kayang magpakasal sa mga panahon na iyon, tatanggapin ko ang singsing na ibinibigay niya sa'kin at babawiin ko ang pagbre-break namin. Napag-desisyunan ko kasi sa gabing 'yon na papayag ako magpakasal kay Jeremy pagka-graduate namin. I've realized, how I love Jeremy at hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko at saka na realized ko noon na pwede 'kong tuparin ang pangarap ko para sa magulang ko na hindi kami maghihiwalay. Hinanap ko kung saan-saan si Jeremy, pinuntahan ko siya sa bahay nila pero hindi siya nilalabas ng mga tao doon o sadyang wala na talaga siya doon. Pumunta ako sa department nila sa school namin pero wala na daw si Jeremy nag-dropped. Maghapon ko siyang hinanap hanggang sa umabot ng gabi hindi ko siya nahanap. Naglobat na lang ang telepono ko kakatawag sa kaniya pero puro ring lang. And Jeremy left me with a heavy heart. Na kahit dumaan na ang maraming taon dala-dala ko iyon. I was guilty at the same time hurt and sad. 'Yon ang gusto 'kong sabihin sa kaniya kanina kaso nawalan ako ng lakas ng loob. Seeing Jeremy suffered a lot because of me, I can barely explain my side. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pag-iyak at pag-iisip, dagdag pa ang pagod na nararamdaman ko kanina pa. Mag-a-alas-singko ng hapon ako nang magising. Pumasok agad ako ng banyo upang maligo at mag-ayos para sa party mamaya. Tumagal ako ng bente-minutos bago lumabas ng banyo dahil bukod sa napasarap ako ng ligo, dala na din ng maraming iniisip kaya natagalan ako. Pagkalabas na pagkalabas ko agad na din akong nag-ayos. Naka'Hawaiian outfit kami ngayon dahil 'yon ang request ng mag bi-birthday. Wala din naman kaming choice kundi sundin ito dahil sponsored din naman ng magbi-birthday ang outfit namin. I was wearing a blue floral tube top with loose sleeves matching with white shorts and white sneakers. Then I just had a messy bun; I didn't wear any make-up because the party was at night, and I figured it would all be wiped later because we were so busy. Nang matapos akong mag-ayos ng sarili, tinignan ko ang kabuuan ng sarili ko sa salamin. Dahil nga hindi full-length mirror ang salamin namin dito sa kwarto, paiktad-iktad ako na sinusuyod ng tingin ang suot ko. Napangiti ako nang mapagtanto na ngayon nalang ulit ako nakapag-ayos. Tatlong buwan, halos magaapat na buwan na kaming naglalayag, ngayon na lang ako nakapag-suot ng ganitong damit bukod sa pajamas ko kapag natutulog. Nakakamiss din pala talaga mag-ayos ng sarili. Napawi lang ang mga ngiti ko nang maalala ang nangyari kanina. Ayaw ko man makita si Jeremy ngayon pero wala akong magagawa dahil siguradong nasa party iyon. Bumuga ako ng isang malakas na hinga. "Kaya ko 'to," pangungumbensi ko sa aking sarili. "Act as if nothing happened, Suzette!" pagkasabi ko niyon determinado akong lumabas ng aming kwarto at nagtungo na sa lido area. "OMG! Miss Senior ang ganda niyo po." bungad sa'kin ni Ruby nang makarating ako dito sa lido area. Sinuyod ko ng tingin ang lido area nang mapansin na marami ng tao, mukhang na late ako, hindi na rin magkandaugaga ang mga katrabaho ko sa daming tao na imbitado sa birthday party na 'to. Nagtama ang aming mga mata ni Jeremy, masama ang tingin sa'kin habang nakapamulsa ang isang kamay sa kaniyang bulsa at ang isang kamay may hawak na alak. Tinignan ko siya nang masama bago bumaling kay Ruby. "Thank you, ikaw din maganda." Puri ko kay Ruby. Napansin ko din sa mga guests na sa aming direksyon sila nakatingin. Hindi ko alam 'kong bakit, kaya naman niyaya ko na si Ruby sa pwesto niya kanina kung hindi lang sana siya nagpaalam na magbabanyo. Kaya naman kahit nahihiya ako maglakad mag-isa sa bar counter dahil sa'kin nakatingin ang mga guests, wala akong choice. "One bottle of vodka, please." nakasensyas ang isang kamay ng isang guest doon sa'kin, kaya nginitian ko 'yon at tinanguan. Kinuha ko na din ang tray na may alak at saka naglalakad papalapit doon. Nang makalapit ako inilagay ko na din agad ang basong may lamang Vodka sa ibabaw ng table nito. Naiilang akong gumalaw at pakiramdam ko talaga na nakatitig si Jeremy sa'kin. "Here's your drink, sir." nakangiting sabi ko. "Thank you, Miss beautiful!" tugon ng guest habang sinusuyod ng tingin ang aking kabuuan, oo inaamin ko naiilang ako pero dahil nasanay na din ako na may ganitong guest, hinayaan ko nalang, as long as wala naman ginagawa sa'kin na masama walang malisya 'yon sa'kin. Nginitian ko nalang 'yon at saka yumuko bilang pagpapaalam pagkatapos ay tinalikuran ko na din ito at bumalik sa bar counter. Kukuha sana ako ng mga alak sa storage room dahil nauubos na ang mga nailagay nila doon sa bar counter nang madatnan ko si Larry nakaupong natutulog sa ilalim ng bar counter, hindi ko maiwasan pagmasadan siya, kawawa naman siguro ay sobrang pagod na. Tulad nga nang sinabi ko na ang trabaho na ito ay nakakapagod, hindi pwede sa'min ang hindi maging focus at maging mahinhin lalo na at kami ang humaharap sa mga pasahero. Dapat always 'kang alerto sa lahat ng bagay dahil hindi naman pwedeng sabihin mo sa pasahero na maghintay sila dahil pagod kami. Hindi pwede 'yon, kaya naman minsan kahit sa isip namin na kaya pa namin magtrabaho ng straight, sumusuko ang aming katawan tulad nitong si Larry. "Larry?" marahan 'kong niyuyogyog ang braso niya para magising siya. Gulat siyang naalimpungatan nang makita ako."Lumipat ka sa nap room, baka makita tayo ng boss natin." sambit ko dahil ayaw ko naman mapagalitan siya kung sakali na makita siya ni Jeremy. Tumayo si Larry mula sa pagkaka-upo gayundin na din ang ginawa ko. "S-sorry miss senior nakatulog ako." nahihiyang aniya sa'kin habang aastang sanang babalik sa pwesto niya kanina nang pinigilan ko siya. "Magpahinga kana. Ako na bahala dito, alam 'kong pagod kana." utos ko sa kaniya. Kitang-kita na naman kasi sa itsura niya na pagod, ikaw ba naman maghapon 'kang nagtra-trabaho at mukhang masama din ata ang pakiramdam. "Okay lang po ba sa inyo miss senior?" hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin. Ngumiti ako habang tumango-tango. "Oo naman isama mo na yung mga nakaduty kanina pang umaga, ako na bahala dito. Mag-aabot lang naman ng alak eh." deklara ko na nakapapangiti kay Larry. "Thank you, miss senior." "Wala 'yon, sige na pahinga na kayo." pagkasabi ko niyon sakto naman may tumawag ulit sa'kin para humingi ng alak kaya naman iniwanan ko na si Larry at pinuntahan ang guest. "Whisky, please!" anito habang nakataas ang kamay. "Coming!" tugon ko naman at dali-daling kinuha ang alak sa shelve. Nang maibigay iyon bumalik agad ako sa aking pwesto hindi na ako kumuha ng alak sa storage dahil nalagyan na 'yon ni Larry bago ito umalis kanina. Mula dito sa pwesto ko hindi ko maiwasan na pasadahan ng tingin ang buong lido area, ang daming guest na sumasayaw-sayaw mukhang mga lasing na. May nagtatalunan sa swimming pool, may naghahalikan at for sure mga mayayaman ang mga 'yon tulad kay Jeremy, kung sabagay anak naman ng Congressman ang may birthday. "Speaking of Jeremy, asan na siya?" Hahanapin ko sana siya nang mangibabaw ang boses ni Colleen. Napapikit ako at naglapat ang labi ko na 'tila 'bang nanggigil dahil sa gulat. "Miss Senior! isang vodka." Tinanguan ko siya habang inaabot ang isang boteng vodka, nagmamadali na 'ding umalis si Colleen. Ilang oras na nakalipas, kasabay ng malakas na hangin na may kasamang malalakas na alon, at paglalim ng gabi. Ang pagkalasing ng mga guests sa lido area, mas lalong naging wild ang mga tao dito dahil lahat na ay nakainom, 'yung ibang guest naman ay nagsisi-alisan na din. Sa paglipas ng oras napalitan na ng alak ang iniinom ng mga guest kaya ito ako ngayon abala sa paggawa ng cocktail. Nag-request kasi sa'kin ang nagbirthday na gumawa ng cocktail para sa mga kaibigan nito. Kaya iginugol ko na lang ang oras ko sa paggagawa niyon. Maya-maya pa nangibabaw na naman ang boses ni Colleen kaya napasulyap ako ng tingin sa kaniya habang naghahalo ng alak. "Miss Senior! Guess what?" kinikilig na sambit niya sa'kin na parang hindi man lang napapagod ang babaeng ito. "Ano?" saad ko habang abala pa rin sa paghahalo ng cocktail. "Tang-ina! Ang gwa-gwapo ng mga kaibigan ni sir Jeremy." natigilan ako bigla at naagaw niya na ang atensyon ko kahit kailan talaga energetic talaga si Colleen pagdating sa gwapo. "Parang hindi umiiyak kanina." HAHAHA bulong ko sa sarili. "Asan sila?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya, hindi ko alam bakit 'yon ang nasambit ko buti na lang talaga at hindi ngayon si Colleen mapang-asar, itinuro niya nalang kung saan 'yon. "'Yon, o." nakanguso na ani Colleen, kaya naman sinundan ko 'yon kung saang direksyon siya nakanguso. Ngunit sa hindi ko inaasahang na pagkakataon bigla nagtama ang aming mga mata ni Jeremy, his cold eyes met mine. Hindi ako nag-aassume pero sa tuwing titingin ako sa kaniya, nagtatama diretso lagi iyon sa mga mata mata niya na para bang automatic na napapako agad sa kaniya. "Nakatingin din ba siya sa'kin?" naputol lang ang tinginan namin dahil lumapit ang girlfriend niya, napasimagot ako bigla. "Wag ka na kay sir Jeremy at taken na, doon na lang tayo sa mga kaibigan." napabaling ako ng tingin kay Colleen nang magsalita siya, napangiwi pa nga ako sinabi nito. "Napansin niya bang nakatitig ako kay Jeremy?" "Tumigil-tigil ka nga Colleen, magtrabaho muna tayo." kunyare naiinis na sabi ko habang ipinagpapatuloy ko na lang ang ginagawa, naiinis ako sa t'wing lumalapit ang girlfriend niya. "Naiinis ako! naiinis ako!" "Okay ka lang, miss senior?" nagtatakang tanong ni Colleen sa'kin habang nagpupunas? Nagbaba ako ng tingin, hindi ko namamalayan na sobrang puno na pala ang basong sinasalinan ko kanina. Inagaw ko kay Colleen ang basahan at ako na ang nagpunas niyon. "KJ mo talaga, miss senior, pagkakataon na natin 'to! Iyong naka-white na fitted na polo ang sa'yo samantala 'yong akin ay yung walang t-shirt." napatingin ako kay Colleen nang bigla-bigla na naman siyang nagsasalita at saka walang imik na tinignan ko din kung sino ang sinasabi niya. Nang makita ko kung sino iyong nakaputing fitted na polo na tinuturo ni Colleen, hindi ko maiwasang mamangha dahil totoo nga ang sinasabi niya. Gwapo ito, nag-iwas ako ng tingin nang mapansin na titingin ang lalaki sa direksyon namin. "Mamaya na tayo manlalaki, magtrabaho muna tayo para makapagpahinga na tayo." natatawang sabi ko nalang kay Colleen, akma na magsasalita siya nang may tumawag para sa alak kaya naman iniiabot ko na agad sa kaniya ang alak at ipapahatid ko na para tumahimik na ang aking buhay. "Coming!" ani Colleen at sabay tingin sa'kin, inungusan ako saka tinalikuran na. Nakangiting napailing-iling ako, my friend really has a bitchy attitude. Ilang oras ulit ang lumipas na pagod na pagod na ibinagsak ni Colleen ang sarili sa upuan sa bar counter, unti-unti na din nagsi-alisan ang mga guests. Kaya yung ibang waitress pinapunta na sa kanilang stateroom habang ang iba nagliligpit na din. "Miss Senior, tired." anito. "Magpahinga kana." sabi ko habang naglilinis na din dito sa bar counter."Patapos na naman ito, ako na bahala. Alam kong pagod ka na." "Are you sure? Paano ka? " pagod na pagod na sabi niya. "Oo, yayain mo na din yung mga nakapag-duty kahapon na hanggang ngayon andito pa, okay lang ako." dire-diretso kong sabi bago ibinabalik ang mga tirang alak sa lalagyan nito, buti nalang talaga na nakatulog ako kaninang hapon at kung hindi siguro ganito na rin itsura ko kay Colleen. "Okay sige." Aasta na sanang tatalikuran ako ni Colleen nang tinawag ko siya. "Colleen?" "What?" "Thank you for helping us today, pasensya kana." nakangiti na sabi ko pero sensero 'yon. Si Colleen talaga ay sa housekeeping siya naka-assign pero dahil naki-usap ako na tulungan niya ako, pumayag siya. Siguro kung wala siya mahihirapan din kami dahil 'yung ibang waitress ay pagod na. Tumawa ang ulaga. "Ano ba okay lang 'yon, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din." Tumawa ako, kahit ganyan si Colleen napakasipag niya."Sige na, magpahinga na kayo." tumango si Colleen at pagod na pagod na umalis sa lido area kasama ang iba naming katrabaho. When they left I looked at the time on my wristwatch, it was two o'clock in the morning. So I hurriedly cleaned up so that I could rest too. And when I about to return the bottles to the shelves when someone spoke from the bar counter. It was the man's voice. "Hi, Miss." I turned to him and I was shocked that it was the man that Colleen was pointing at me earlier, "What drink sir?" I faced him from here inside the bar counter and then smiled at him. "You know how to mix?" he inquired. "Yes, sir," I respond, politely "One pickle-black shot, then." He smiled in amazement. I snap my finger. "All right! one pickle-black shot, coming!" I exclaimed while assembling the drink. "Make it three, Miss gwapa." Awtomatikong napasulyap ako kung saan nang galing ang pag mamay-ari ng boses na iyon. Si James. Nginitian ko siya at saka tumango. Hindi ako nagtapon ng tingin kay Jeremy, kahit ramdam na ramdam kong masama siyang nakatingin sa'kin. A few moments later I mixed the drink they ordered and served it to the three men in front of me at the same time. "Enjoy." Nakangiting saad ko, kung nandito lang si Colleen nako, kilig-kilig na naman 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD