CHAPTER 7 PART 2

1196 Words
Napapansin ko sa gilid ng aking mata ang mga titig ni Jeremy sa'min ng nakaputing-polo dahil nagkangitian kaming dalawa nang magtama ang mga mata namin. Kung siguro kutsilyo ang mga mata ni Jeremy, kanina pa kami nasaksak sa sobrang talim. Hindi ko na ito pinansin at wala naman akong balak na pansinin siya dahil sa nangyari sa'min kanina, wala akong mukha naihaharap sa kaniya. "Thank you." Sabi ng lalaki sa sa'kin. Nginitian ko na lamang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko kanina. Naririnig kong nag-uusap silang tatlo tungkol sa mga business kaya hinahayaan ko nalang sila nagpatuloy lang ako sa pagliligpit. Maya-maya pa, napatingin ulit ako direksyon ng lalaki nang tinawag niya ako. "Miss, one-shot, please." Lasing na aniya. Tumango ako at iniwananmuna ang ginagawa upang sinalinan ng alak ang baso niya. Nang masalinan siya, tatalikuran ko na sana siya upang ipagpatuloy ang pagliligpit nang bigla ng lalaki hinawakan ang pulsuhan ko. Nagulat ako sa ginawa niya at alam kong nakatingin si Jeremy sa'min gayundin si James, hinihintay lang kung ano nag maaring gawin ng lalaki. "Bakit po?" bumakas ang kaguluhan sa mukha ko na may kasamang pagtataka dahil nang hinarap ko siya hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Stay here," he stated. Pinanatili 'kong kalmado ang mukha ko kahit sa loob-loob ko gusto ko ng agawin ang pulsuhan ko. "Hindi po pwede, sir." pagkasabi ko niyon ay pa simple kong tiningnan sila Jeremy and James. "Just call me, Brennon" sabi niya, "Sige na ngayon lang, wala na naman ibang guests eh." pagpupumilit niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako. Akma na magsasalita ang ako nang may nabasag na baso sabay kaming natigilan at napatingin sa gawi ni Jeremy. Madilim ang mukha niya habang nakatingin siya sa basong nabasag. "Kapag sinabing hindi pwede, hindi pwede!" seryosong at galit na sabi niya kasabay nang pag-angat ng tingin sa lalaki. Agad naman akong binitawan ng lalaki, napahawak pa ako sa pulusuhan ko nang maramdam ang sakit pero agad naman akong bumaling kay Jeremy, na madilim pa rin ang mukha. Tensyon ang namamagitan sa kanila, buti nalang nagsalita si James. "You're a drunk asshole," he said, as he stood down from a high chair and approached the man. He shook his head "No, I'm not." then he smirked. "Hatid ko muna ito sa kwarto niya, naka-inom na." pagpapaalam ni James kay Jeremy, wala siyang nakuhang tugon kay Jeremy, itinungga lang ang alak na nasa harapan. Kaya bumaling si James sa'kin. "Pasensya kana, miss senior." paghingi niya ng paumanhin. Sino ba ako para hindi magpatawad kaya nakangiti ko siyang tinanguan dahil naiitindihan ko naman na lasing na din ang kaibigan. At saka, hindi naman talaga maiwasan na may ganito mangyari dito, ang pinagkaiba lang may nag-react. Akma na lalabas ako sa bar counter upang sana tulungan si James na mahihatid ang kaibigan niya nang sumensyas siya sa'kin na wag na dahil andito si Jeremy, naintindihan ko naman 'yon kaya tumango nalang ako at pinagmamasdan silang maka-alis dito sa lido area. When Jeremy and I were left alone, silence prevailed between us, only waves and soft music we could hear. I could feel Jeremy staring at me as if I had done something wrong to him again. I just wouldn't have noticed him if I hadn't seen his bleeding hand. "Sir!" I said, worriedly. Jeremy calmly looked at me, as if the wound on his hand didn't bother him, and he was just enjoying his drink. "Lintik ang lalaking ito." Natataranta 'kong kinuha ang first-aid sa ilalim ng bar counter at dali-daling akong pumihit palabas ng bar counter upang lapitan siya. Nang makalapit ako sa kaniya, umupo agad ako sa high chair katabi ni Jeremy binuksan ko ang first-aid kit at walang pag-aanlinlangang kinuha ang kamay niya. "Bahala siya kung magalit siya sa'kin basta gagamutin ko siya." "What are you doing?" I looked up at him, he was frowning at me. " Hindi ba obvious?" tanong ko kasabay ng pagkuha ng bulak na may alcohol. "Lilinisan natin ang sugat mo." "Why do you care?" Bumakas sa mukha ang pagtataka ko sa tanong niya, wag niyang sasabihin na pati ito ay ire-relate niya sa past namin pero sinagot ko nalang siya. "I care because you're the owner of this ship, and you're my boss." pagkasabi ko niyon ay inilapat ko ang bulak na may alcohol sa kamay ni Jeremy. "Get lost!" he yelled at me at saka inagaw ang kamay niya sa'kin. Bagama't nagulat ako, mas lamang pa rin sa'kin ang pag-aalala at baka mainspeksyon siya, kaya naman umiling ako."No, sir. Mamaya kana magalit sa'kin kapag nalinis ko na ang sugat mo." Sabi ko ay akma na aagawin ko ulit ang kamay niya nang tumayo siya at malamig akong tinignan. "I don't need your concern when I said get lost! Get lost!" galit talaga siya sa'kin. Magsasalita sana ako nang bigla naman tumunog ang cellphone ni Jeremy, sabay kaming napatingin sa screen ng cell phone niya. Love calling... Parang may ano ang kumurot sa puso ko nang mabasa ko kung sino ang tumatawag,"Confirmed girlfriend niya na talaga 'yung babae." Napatingin ako sa kaniya at agad naman nag-iwas nang sinagot niya ang tawag, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako. "It's been eight years, bakit nasasaktan ako na malaman na may girlfriend na siya?" "Yes," tamad na sinagot iyon ni Jeremy hanggang sa ilang sandali pa narinig ko ulit siyang magsalita. "All right." anito sabay ibinaba ang cell phone hindi ko alam kung ano ang sinabi ng babae sa kaniya, tumingin ulit ako kay Jeremy habang nakatingin siya sa cell phone niya. "What?" he asked. "I see..." tumango-tango ako at saka bumaba sa high-chair at iniwan siya sa bar counter. Hindi ko mawari kung bakit 'yon ang nasabi ko at 'yon ang kinilos ko sa harapan niya kanina. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang madilim na karagatan, kasabay nun niyakap ko ang sarili, nang maramdaman ang lamig na simoy ng hangin, hudyat na madaling araw na. Napatawa ako habang itinutungga ang alak na hawak ko, pangatlong bote ko na ng vodka ito. Masarap talagang uminom kapag may iniisip. Hindi naman talaga alak ang solusyon pero pag minsan talaga nakakatulong din. Napatitig pa ako sa bote at saka napatingin ulit sa kawalan nang maalala ang nangyari kanina. "Love talaga?" mapait na sambit ko. "Sa dami ng endearment na natuklasan love din ang itinawag ni Jeremy sa bagong girlfriend niya. Kung sabagay...wala naman din akong karapatan na sabihin pa sa kaniya na palitan ang tawagan nila dahil tawagan namin 'yon dati. Hindi lang naman naimbento ang tawagan na 'yon para lang sa'min ni Jeremy," mabigat ang puso ko na napabuntong-hininga muli habang umupo sa isang bench dito sa balcony. "Eight years na 'yon Suzette, wala na 'yon sa kaniya at saka sabi pa niya, nagbago na siya." pakikipag-usap ko sa sarili ko."Kung ganun, dapat hindi ka na din maapektuhan, past is past." napapailing nalang ako sa sinabi ko. Past is past ."Eh, bakit ako nagkakaganito?" inilaklak ko nalang ang bote na naglalaman ng vodka nang walang makuhang sagot sa sarili 'kong tanong. I am drowning in a sea of grief. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD