ISANG linggo lang pagkatapos magdesisyon si Erin nang magkaroon ng flight schedule. At imbes na siya ay si Valentine na nga ang makakasama ni Caleb. Pumasa kasi ito sa interview ng company bilang kapalit niya. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo, best. Pero salamat sa ibinigay mong opportunity," wika ni Valentine nang maging bisita ito ni Erin, araw bago ang flight ng mga ito. "Kung hindi dahil sa'yo, baka malabo ko nang marating ang Canada at maipamukha sa daddy ko ang mga naabot ko." Pilit ang ngiting sumilay sa mga labi ng dalaga. "Ako nga ang dapat na mag-thank sa'yo, best. Kasi pinagbigyan mo ako sa hiling ko." "Sino ba ang hindi papayag sa ganito kagandang opportunity?" Bumuntong-hininga si Valentine. "Nag-alangan lang naman ako noong una dahil nahihiya ako sa in