NAPABALIKWAS ng bangon si Erin nang marinig ang walang tigil na pag-ring ng cellphone niya. Ang akala niya ay alarm clock. Pero nang mapatingin siya sa orasan ay pasado alas siyete na ng umaga. Ibig sabihin, hindi niya narinig ang pag-alarm niyon kaninang alas singko. Pagod na pagod kasi siya kahapon dahil sa paglalaba at paglilinis ng buong bahay. Hindi kasi sumipot ang bagong stayout helper nila dahil may sakit daw. Halos tumalon sa kama ang dalaga. Ma-le-late na kasi siya sa trabaho. At hindi iyon maaari. May first warning na siya sa kaniyang pinagtatrabahuan dahil sa dami ng late at absences niya. After daw ng third warning ay tatanggalin na siya. Lunes na lunes pa naman tapos masasabon na naman siya ng masungit niyang supervisor. Bago tumungo sa banyo ay inalam muna ni Erin kung s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books