NAPANGITI nang malapad si Erin habang pinagmamasdan ang buong auditorium na abalang-abala sa paroo't parito ng mga staffs, mga magulang, at mga estudyanteng magtatapos nang araw na iyon. Kasama si Caleb. Mayamaya ay napakislot si Erin nang biglang may yumapos sa baywang niya mula sa likuran. Lalong lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang maamoy ang nobyo. "Hi, love," pabulong na bati ni Caleb at inamoy ang kaniyang buhok. Ang sweet talaga nito palagi. Marahang pumihit si Erin paharap sa kasintahan na noon ay nakasuot ng kulay-itim na toga. Parang gusto niyang maiyak habang pinagmamasdan niya ito. Hindi niya akalain na sa kabila ng mga pinagdaanan ni Caleb ay magtatapos na rin ito sa wakas. Dahan-dahang hinaplos ni Erin ang buhok at mukha ng nobyo. "Ang pogi naman ng love ko. Bagay n