MAY ngiti sa mga labi nang magising si Erin. Nasa kama siya ni Caleb at katabi niya ito habang mahimbing na natutulog. Dito sila dumiretso pagkatapos siya nitong sunduin sa school kanina at nag-celebrate ng kanilang second anniversary. Tumagilid ang dalaga paharap kay Caleb. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom kaya balak sana niya itong gisingin na. Pero nang makita ang maamo nitong mukha na masarap na natutulog ay isiniksik na lang niya ang sarili rito. Kakapikit lang uli ni Erin nang maramdaman niyang niyakap siya ni Caleb. Pagdilat niya ay nagulat siya nang malamang gising na rin ang nobyo at nakatunghay sa kaniya. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa mukha niya. Dikit na dikit ang kanilang katawan dahil lalo pa siya nitong niyakap. Napalunok si Erin. Bawat pagtama ng mainit na hini