"HINDI ba nakakahiya na isinama mo ako rito?" nag-aalangang tanong ni Erin kay Caleb nang makarating sila sa isang resort sa Laguna na pag-aari ng kaklase ni Caleb at siyang birthday celebrant. Halos dalawang oras din ang naging biyahe nila. Alam ni Erin na mararamdaman niya ang ganoong feeling, ang mailang sa mundo ni Caleb, kapag sumama siya. Hindi naman lingid sa kaniya na kapag nagkakaroon ng ganoong klaseng party sa Colegio de San Andres ay puro mga sikat, mayayaman, magaganda at guwapo ang mga bisita. Lalo pa at ganoon din ang birthday celebrant. Pero batid ng dalaga na seryoso si Caleb na huwag pumunta kapag hindi niya pinayagan at hindi siya sumama. Ayaw niyang iwasan nito ang mga nakasanayang buhay nang dahil lang sa kaniya. Mabuti na lang at malaki ang tiwala ng mga magulan