"HI, Caleb. I thought you're not coming anymore." Pasimpleng napasimangot si Erin dahil sa nang-aakit na boses ng magandang babae nang batiin nito si Caleb. She is Laila. Isa sa mga campus' sweethearts ng Colegio de San Andres. Kaya inisip na agad niya na posibleng isa ito sa mga naging ex-girlfriend ni Caleb. "Hindi talaga ako pupunta kung hindi lang ako pinayagan ng princess ko." Sa wakas ay ngumiti rin uli si Caleb, lalo na nang balingan nito si Erin. Parang nanliliit ang pakiramdam niya nang lumipad ang tingin ni Laila sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napakaganda kasi talaga nito na parang isang artista. At alam ni Erin na wala siyang panama. Pero nang marinig ang sinabing iyon ni Caleb, at sa klase ng tinging ipinukol sa kaniya, kahit sampung Laila pa ang itapa